Untitled Part 1
Gitara
Written by: Ayreezh
Started: 15 January 2006
Ended: 05 April 2006
Si Janessa...
Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mestiza din, kaya ahyan, kung sinu-sino ang nagagayuma.. Atsaka, talented at matalino.. Di yata natulog nung nagpaulan ang Dyos ng biyaya.. Kinarir na lahat eh!
-- Joshua
Si Joshua...
Pasaway.. Mahangin.. at sandamakmak ng yabang!!! Ang sole attractive trait nya lang eh magaling maggitara at kumanta.. Okay! Nabiyayaan rin ng good looks ang mokong.. Lord talaga.. Kung hindi vaklush ung papable, may mental defects naman.. Haaaayyyy...
~ Janessa
Ito ay isa sa mga usual love stories na nababasa, na-wwitness, at syempre, na-eexperience ng kahit sino.. May isang papable at ang kanyang object ng pang-aasar -- este romance pala.. May mga mini-extra at mga saling-tigre.. At mawawala ba naman ang mga paliku-likong kalye sa buhay nila?
Pero kahit anong mangyari... wala lang..
magustuhan nyo pa rin sana!
Chapter 1: (Joshua's POV)
Anong petsa na?!?! Nasan na ba ung babaeng un?!?
Pyesta ng brgy namin... At gabi-gabi, may battle of the bands sa basketball court... Dati, hanggang nood lang kameng apat ng mga kabarkada ko -- syempre, kasama dun sa nood na un eh ung pang-aasar na rin...
Pero ngayong taon, kinulit kami nung kaklase ni Mark, si Carla, na sumali, sya ung isang vocalist... Desperada na un ma-discover eh... O siguro, di ganon ka-desperada... Dahil isang oras na kaming naghihintay dito sa basketball court, wala pa rin!!!
Mark: Langya, nasan na ba si Carla?!?
Ralph: Josh, tawagan mo na nga!
Ako: Hala, bakit ako tatawag?!? Eh may mga cellphone din naman kayo?!
Paolo: Lam mo naman pulubi kami sa load eh... Sige na, tawagan mo na.
Mga bubwit talaga tohng mga toh... Pasalamat sila, saksakan ako ng bait!
Kristine: Mukhang nawawala ung isa nyong vocalist ah?
Umikot kami para tingnan kung sino ung lumapit... Si Kristine, schoolmate namen at nakatira...dyan lang sa tabi-tabi... di ko lam kung saan eh... Malapit lang siguro kung nakikipyesta rin sya... May kasama syang isa pang babae, pero di ko kilala eh... Pero ang ganda ha!
"Hello?"
Ay, balik sa cellphone!
Ako: Bubwit ka! Nasan ka na ba?!?!
Carla: *cough* Inuubo ako eh... May lagnat pa... Ayaw *cough* akong palabasin...
Ako: Ano?!?!? Eh pano kame?!?
Carla: Sorry talaga... *cough* Lilibre ko na lang kayo sa turo-turo when I'm feeling better.
Ako: Cheap mo naman... Turo-turo lang? Gawin mo nang McDo!
Carla: Hala yoko nga, mahal dun eh! Bastah, *cough* *cough* kaya nyo yan... Karirin mo na lang ung kanta... Go Josh!
Pagkatapos nun, bigla akong binabaan... Lokong un...
Mark: (tingin sa'kin) Oh ano? Nasan na raw sya?
Ako: (binalik sa bulsa ko ung cp) Di raw sya makakarating eh... May sakit.
Paolo: HUwaAaAATtTTT?!?!??
Ralph: Pano tayo?!? Anong mangyayari sa'tin?!?? Pano na lang ung babae dun sa kanta?!?! Sya pa naman pumili nung kanta?!?! (hinila ung Tshirt ko) Anong mangyayari satin?!?!?!?
Ako: (hinila pabalik ung damit ko) Ano ba?! Di pa katapusan ng mundo noh... Mag-bback out na lang tayo.
Paolo: Eh tayo na sunod pagkatapos nung grupong yan eh.
Natahimik kaming apat...
Kristine: Kawawa naman kayo...
Biglang napatalon si Mark...
Mark: (lapit kay Kristine) Lam mo, Kris, lam ko namang talented ka eh..
Kristine: huh?
Mark: Baka gusto mong magpakitang-gilas ngayong gabi...?
Hala, pati si Kristine hinaltak eh di naman kumakanta toh...
Kristine: (tinulak papalayo si Mark) Nababaliw ka na ba?!? Gusto mo bang magkaron ng 40 days and 40 nights na ulan?!?
Paolo: Sige na... Sandali lang naman eh... Kayang-kaya mo yan...
Kristine: Eh kung pag-untug-untugin ko kaya kayo?!
Bigla nyang hinila ung kasama nyang girl na parang natatawa, sabay nabigla nung hinila sya ni Kristine...
Kristine: Ehtong si Janessa na lang! Pang-American Idol ang banat nyan!
Ahhh... Janessa pala pangalan nun...
Janessa: (napatingin bigla kay Kristine) Wha--?!?!
Tiningnan ko ung Janessa mula ulo hanggang paa... Sigurado bang nakakakanta toh? Eh mukhang hanggang beauty contest lang eh...
Mark: Sure ka? Kumakanta sya?
Kristine: Oo... Family singer yan... Tanging gifted child sa mga pinsan ko.
Janessa: Kris...
Paolo: (lapit kay Janessa) Uh, hey, do you mind if you, ano, sing with us?
Ralph: Yeah... If you do, I will... (tumingin kay Paolo) Ano ngang english ng ililibre?
Kristine: (natawa) Mga sira! Nagtatagalog toh noh! ;D
Paolo: Loko ka, bakit di mo sinabi?! Papahirapang mo pa kaming mag-spoken in dollar dito!
Kristine: Eh malay ko bang mag-eenglish kayo dyan.
Haaaaaaaayyyy... Bakit ba nila pinagdidiinan tohng babaeng toh?
Ako: Wag nyo na ngang pilitin yan... Mamaya, pang-karaoke lang yan eh!
Janessa: Excuse me?! Anong pang-karaoke?!?
Oo nga, nagtatagalog nga...
Hinila nya bigla si Paolo papunta sa stage -- tamang patapos na ung tumutugtog...
Janessa: C'mon, kung-sino-ka-man... What song are you gonna sing? I'll be your vocalist!
Whoa! Lakas ng fighting spirit ah! o_O Oh well...
Sumunod na lang kami dun sa dalawa... Pag-akyat namin sa stage, tiningnan ako ng masama ni Janessa...
Hala, ganon ba ka-insulting ung sinabi ko?
Nagsimula na ung music ng "Hold You Down" ni JLo at Fat Joe... Si Carla pumili nito eh... Tapos sya pa wala ngayon! Grrrr!!! Nako, pag nakita ko talaga ung ---
Janessa: (kanta) Now you've been holding me down
For such a long time now
From back then
To now in my story
Straight from the hood
You've always been there for me1
Oookay.... The girl CAN sing!
Napatingin ako kay Janessa -- kabisado pa ung lyrics ah... Tapos kay Mark, na nag-DDJ sa isang sulok... Nginitian ako nung mokong...
Okay fine... Mali na nga ako... Nakakakanta nga tohng...tohng...
Tiningnan ko uhlet si Janessa... Ano bahng kapansin-pansin sa kanya? ung buhok nya! wahaha... parang ung kay Chun Li sa Street Fighter!!! Meatballs!
Nakakakanta si Meatball!
Pagkatapos nung kanta, halos standing ovation oh!, tumingin sa'kin si Janessa...
Janessa: Pang-karaoke ha?
Chapter 2: (Janessa's POV)
Tumingin-tingin ako sa mga people sa room.. Hmmmm... Lahat sila may kausap -- except ung lalakeng natutulog dun sa isang sulok. Sigh... OP ang lola moh...
Bago matuloy ang aking pag-eemote, eh biglang pumasok si Prof...
Hmmm... Tingin taas-baba sa prof ko. Akala ko ba papable ang mga prof dito? Bakit mukhang tindero ng shabu toh?!
Tumahimik bigla ung klase... oh di ba? Ibang klase ang power ng presence ni prof! nyaha!
Prof: Okay. (binagsak ung bag nya sa lamesa) Lumapit kayo dito sa harap at bumunot ng number dito sa box na toh. (may nilabas syang maliit na box from his bag) Then, look for the person with the same number, at un ang magiging partner nyo sa gagawin nating project.
Nagtayuan ung mga people at sumunod sa directions.. Pagkabunot ko nung number ko, bumalik ako sa upuan ko sa may likod...
#10? #10? Tingin ako sa paligid. #10? Yoohooo!!!
Tama yan, Janessa... Maririnig ka rin nyan after ilang decades.
"Oist, nakita kong #10 ka rin."
Hmmmm... Familiar ung voice na un...
Umikot ako para tingnan kung sino ung nagsalita...
Oh hindeee!!!
Ako: Ikaw?!?!
Langyang luphet talaga ng fate!!! Bakit nandito si Joshua?!?
Joshua: Ikaw?!? Anong ginagawa mo dito?! Kailan ka pa pumasok dito?!?
Ako: Ngayon lang, nung pinasok ako ng pinsan ko... (kinuha ko ung papel sa kamay nya para tingnan) Sigurado ka bang #10 ka?! Baka naman iba yan!
Joshua: (inagaw uhlet ung papel) Anong tingin mo sa'kin? Di marunong magbasa?!
Prof: Ehem!
Napatingin kame sa harap... Kaming dalawa na lang pala ang nakatayo... Syempre, sino pa nga bang titingnan ni Professor Adik?
Dahan-dahan kaming umupo ni Joshua...
Prof: Okay, since we're all FINALLY ready... (tingin sa'min ni Joshua) I'll explain the project to you.
*sniff* *sniff* Stranded ako kay Joshua... Waaaaaaaaaaahhhhh!!!
Prof: Compose your own song to sing in front of class. Complete with the music and lyrics.. You have one week to prepare.
One week?!
Ako: (bulong kay Joshua) Isn't that kind of unfair?
Joshua: (bulong pabalik) SSsshhh!
Upo uhlet ako nang ayos... Hmpf! Ang shwungit naman nito!
Pagkatapos mag-explain si proffy (ng napaka-unreasonable nyang project) at iniwan na kame to deal with each other, tumingin sa'kin si Joshua...
Joshua: Okay, punta ka na lang sa apartment ko
Ako: Hala! Bakit ako ang pupunta?!?
Joshua: Syempre, alangan namang magpakapagod pa ko para lang pumunta snyo... Eh di ko naman alam kung san ka nakatira.
Ako: As if alam ko kung san ka nakatira?!
Joshua: Bibigyan naman kita ng mapa eh. (naglabas sya ng papel at ballpen)
Ako: Sipain kaya kita dyan?!
All alone?! Sa apartment nya?!? Walang kasama?! Kaming dalawa lang?!?
Napatingin sa'kin si Joshua. Nakita nya siguro ung expression sa mukha ko, tinaasan ba naman ako ng kilay!
Joshua: Huy! Kung anu-anong iniisip mo dyan! Matauhan ka nga! Mataas standards ko noh.
Wha--?!?!?
Binatukan ko nga sya!
Ako: Mataas ang standards?!? Anong ibig mong sabihin dun!??! Sipain kita dyan eh!
Joshua: (napahawak sa ulo nya) Aray naman! Binatukan mo na nga, sisipain mo pa! Eh kung itapon kaya kita!?!
Ako: Che!
Kinuha ko ung sketch nya papunta sa kanila... Kapal ng mukha ng lalakeng toh! Grrrrrr!!!
Ako: Hintayin mo ko dun! Siguraduhin mo lang na may pagkain nang nakahanda ah!
Chapter 3: (Janessa's POV)
"Huwattt?!?! Pupunta ka dun?!?! Mag-isa?!? Kayong dalawa lang?!?!?"
Sabi na nga ba ganito magiging reaction ng aking dalagang Pilipinang pinsan eh. Pagkauwi ko nung hapon, nagbihis lang ako at pinagkasya sa isang bag ung homework ko, tapos nagpaalam na ko kay Kristine, na ka-share ko sa apartment, na pupunta ako kina Joshua. Ahyan, nag-hyperventilate ang cousin dear ko.
Ako: (nagsusuot ng sandals) Ano ka ba? Over ka... Gagawa lang kami ng project noh.
Kristine: Pero, couz... Baka naman kung anong gawin syo nung lokong un...
Ako: Suz... Di yan... Di naman siguro sya ganon... (tumayo at tumingin sa salamin) I mean, kahit na mukha syang ehwan, at kasing lakas ng hangin sa Chicago ang dating nya... nah! Di naman siguro sya ganon.
Bago pa makakontra si Kristine, nag-vavush na ko, kinuha ung susi ng kotse, at tumakbo palabas... Aabutin pa kame ng syam-syam kung hahayaan kong magtuluy-tuloy ang kanyang worry-talk...
Okayyyy... kung liliko ako dito sa Magallanes, ang labas ko eh sa... Nasan na ba ko??
Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan...and bow... ako poh ay nawawala...
Anoh ba yan?! Wala pa ngang 30 minutes eh!
Nilabas ko ung mapa ni Joshua at pinag-aralan uhlet... Uhmmm... Hmmm... Chuchu... Tama naman nilikuan ko ah?
"Huy!"
Kabayo!
Napatalon akong bigla nang biglang may sumilip sa bintana sa tabi ko... Pagtingin ko...
Suz! Ehto lang pala...
Finold ko ung papel at ni-roll down ung bintana... Oh di ba, ang galing kong maghanap? Di ung street or apartment nakita ko, ung tao na mismo!
Joshua: Mukhang nawawala ka ah..
Ako: Di naman masyado... Nasan ba ung apartment mo?
Joshua: (turo sa end nung street) Nandun pa... Kaw talaga, di ka marunong sumunod sa directions.
Ako: Eh kung mukha ba namang matino at hinde mukhang doodle ng 2-year-old ung mapa na binigay mo sa'kin, eh di nasundan ko sana.
Joshua: Hoy, ano ka?! Ang ayos-ayos nung pagkakasulat ko eh! Buksan mo na nga ung kabilang pinto!
Ako: Bahket?!
Joshua: Syempre, alangan namang maglakad pa ko pabalik eh naka-kotse ka naman.
Ako: Ano ka sinuswerte?! Maglakad ka noh.. Bakit ba kase nasa labas ka?!
Joshua: Eh bumibili ako ng fishball eh... Ang tagal-tagal mo kase!
Ngumiti ako, sabay binuksan uhlet ung makina nung sasakyan...
Ako: Maglakad ka noh!
Nag-drive na ko papunta dun sa building, iniwan ung sumisigaw na Joshua dun... nyaha!
La lang... trip ko lang syang pikunin... ^o^
Pinark ko ung kotse sa parking lot, tapos bumaba... Pumasok sa building at umupo sa may hagdan.
Ang tagal namang maglakad nun...
After ilang minutes, nag-appear din sya sa wakas!
Ako: Ang tagal mo naman... Anong petsa na?
Joshua: (binuksan ung pinto nung apartment nya) Che! Kung sinakay mo ba naman ako, eh di sana nasa loob ka na? Abno ka talaga...
Pumasok kami sa loob... Woooowwww... Ang linis ng apartment... As in, spotless... And to think, akala ko pag guy, laging messy... *gasp* Napatingin ako kay Joshua, up and down.
Joshua: (napatingin sa'kin) Ano nanaman?! Titig ka ng titig dyan... Kung may sasabihin ka, sabihin mo na lang!
Lumapit ako sa kanya, sabay titig sa mukha...
Ako: Hmmmm...
Joshua: Weh! Ano ba!??!
Ako: (nagstep back) Nah! I guess not...
Joshua: Ano?!
Ako: (ngiti sa kanya) I just thought, sa sobrang linis ng apartment mo, akala ko bading ka...
Joshua: What!??! Nababaliw ka na ba!? Sa gwapo kong toh?!?!
Ako: Yah well... May mga bading naman na mas gwapo syo noh... Don't flatter yourself.
Pumunta ako sa living room, tingin-tingin... May gitara na nakasabit sa isang sulok... Nilapitan ko nga...
Ako: You can play the guitar pala...
Joshua: (umupo sa couch, may hawak na papel at ballpen) Yeah
Ako: Are you gonna play para sa project natin?
Joshua: Hell no!!!
Napatalon akong bigla... Ano bang sinabi ko? Kailangan talaga todo sa pag-hinde?
Ako: Why not?
Umayos ng upo si Joshua tapos tinanggal ung takip nung ballpen. Ni ayaw akong tignan.
Joshua: Coz I don't play the guitar anymore.
Hmmm... Okaaaaaaaayyy...?
Chapter 4: (Joshua's POV)
Halos midnight na nung nag-call quits kami ni Janessa... Wag nyo nang itanong kung anong natapos namin. Bukod sa mga drawings eh, puro linya lang ang laman nung papel.
Hanggang sa wakas, nagutom si Janessa at pinagluto ako ng kahit ano raw meron sa ref. Syempre, dahil mabait naman ako sa mga bisista ko, nagluto nga ako. Pagbalik ko naman, ahyun, tulog na sa couch ung babae... Napagod yata sa sobrang pagkontra sa'kin.
Binalik ko sa kusina ung pancakes, tapos pinuntahan si Janessa... Gigisingin ko ba? Baka naman nangangagat toh pag bagong gising?!?
Nah! Di naman siguro...
Ako: Huy... (pinindot-pindot ko ung pisngi nya) Huy... Gising... Umuwi ka na...
Janessa: (tulog pa rin) Huhmppf bft...
Hala... alien talaga tohng meatball na toh!
Ilang minuto pa ang binuhos ko sa paggising sa kanya, wa epek... Kaya tumayo na lang ako, kinuha ung telepono at tinawagan si Kristine para sabihin na dito matutulog ung pinsan nya.
Kristine: ANNNNOOOOOO?!?!?!? Bakit?!?!??!
Wesh! Sumigaw ba sa telepono?!?!
Ako: Ano ba?! Bibingihin mo ba ko?! Wag ka ngang mag-alala, di ko pagtatangkaan yang pinsan mo noh.
Kristine: Aba, dapat lang! Nako, Joshua! Pag may nangyari dyan sa pinsan ko, h-hunting-in kita at kakainin ng buhay! Okay?!?!
Hala! Maging monster ba all of a sudden?!?!
Ako: Oo na...
Binaba ko ung telepono, tapos lumapit ulit kay Janessa na sleeping peacefully dun sa couch... Pumasok ako sa kwarto ko at kumuha ng kumot at unan... Oist, may dugong gentleman naman toh noh...
Tinakpan ko sya ng kumot, tapos dahan-dahan kong inangat ung ulo nya para ilagay ung unan...
Pagkalagay ko nung unan, tiningnan ko muna sya sandali. Ngayon ko lang talaga sya natitigan nang ayos. Ang cute nya pala. Ang tahimik pa ng mukha nya pag natutulog... Parang walang problema sa mundo... Sarap titigan...
Parang si...
Napatayo akong bigla nung napansin ko kung ano -- o sino -- na ung iniisip ko.
Lumapit ako dun sa nakasabit na gitara at tinanggal un sa pagkakasabit. Anim na buwan na ang lumipas... ngayon ko na lang uhlet toh hinawakan ng ganito. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng basahan... Naipon na ung alikabok sa gitara ko eh...
Chapter 5: (Joshua's POV)
Gising na
buksan ang iyong mga mata gising na
halina at silipin ang pagdilat ng umaga
tahimik at saksakan ng ganda-- 2
*yaaawwwwwnnnnnn*
Umaga na. Kinapa-kapa ko ung kama at pinatay ung kumakantang alarm ng cellphone ko. Umupo ako at sinipa paalis ung kumot. Ang tahimik talaga ng mundo pag umaga. Sarap umupo lang at makinig sa katahimikan—
"Good Morning!!!"
Ako: WAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!
Nahila kong bigla pabalik ung kumot sa mukha ko... Tumingin ako sa pinto... Nakatayo dun si Janessa.
Sheesh!
Janessa: Ano ka ba?! Parang nakakita ka ng multo ah
Ako: Ah, ibig sabihin tao ka?
Janessa: Ha..ha, funny. Tumayo ka na nga dyan. Tagal-tagal mong matulog, nagutom tuloy ako. Nagluto na ko ng almusal.
Ako: (tumayo) Aba, feel at home ka ah.
Janessa: Bahket ayaw mo? Iuuwi ko un.
Ako: Neknek mo, grocery ko ginamit mo tapos iuuwi mo?!?
Janessa: Pa-simple ka pa... Gusto mo rin naman.
Ako: Hoy hinde ah! Lumabas ka na nga! Maliligo pa ko! (ngiti) Oh baka naman, maninilip ka pa ha..
Janessa: Sipain kaya kita dyan?!
Hala, namula oh! XD
Lumabas na sya, tapos ako naman, kinolekta na ung bath towel ko para maligo. Nakita ko pa si Janessa na nanonood ng TV nung papunta ako sa banyo. Feel at home talaga.
Ilang minuto lang ako naligo, tapos lumabas na ko kagad para kulitin si Janessa (bait ko noh?). Kaya lang, paglabas ko, aba, nakaalis na kagad si Meatballs! Ang bilis! Napansin ko na lang na may nakatakip na pagkain sa mesa. Syempre, sinilip ko na rin kung anong niluto nya. Bacon and eggs? Hehe, akala ko naman Pansit Canton lang kayang lutuin nun. May nakita pa kong note sa may ref:
"Oist, panget! Kumain ka nga... Lalo kang nagmumukhang skeleton eh!^,^ See u sa school later!"
Skeleton!?!? Skeleton?!?! Ehtong gwapo kong toh?!?! Mukhang skeleton?!?! Batukan ko un eh!
Kinuha ko ung note para itapon sa basurahan... Napatigil ako. Binalik ko sa pagkakadikit sa ref ung note. Para lang may evidence ako sa dahilan kong asarin sya. Umupo na ko para kumain... Minsan lang ako magkaron ng bacon and eggs for breakfast ha!
Chapter 6: (Janessa's POV)
Free time ko ngayon -- na sa tingin ko eh very much needed pagkatapos ba naman nung gyera sa last class ko. Oh my golay! Nakakasakit ng ulo!
Aaaanyyywaayyyy... naglalakad ako papunta dun sa mga stone tables sa labas. Bihira lang kaseh tao dun sa ganitong oras. Quiet place talaga. Pagdating ko, oh, wala ngang tao--
Ay... Meron pala.
May lalakeng natutulog dun sa favorite spot ko, ung table sa ilalim nung VERY BIG tree!!!
Hmmmm...
Lumapit ako dun guy. Avah, new pwendz di va? Kahit gisingin ko pa sya para lang makipagkilala... Eh care ko?
Pagkalapit ko, bigla kong nakilala ung sleeping monster...
Bubwit... anoh bang sobrang sikip ng world?!?
Si Joshua nanaman. Haaaayyy... Kinakarma yata ako. Kahit san ako lumingon, nandun tohng taong toh. Umupo ako sa harap nya – as if naman aalis ako dahel lang nandun sya noh. Bakit kaya lagi na lang syang tulog? Tanghali na nga sya gumising kanina eh...
Kinuha ko ung bag ko para maglabas ng suklay at pangtali ng hair -- nabbruha nanaman ako sa wind eh... Tapos napatingin ako sa hair ni Joshua... Di naman mahaba na enough para i-braid... pero...
Pwedeng mini-ponytail! ^o^v
Kaya nilabas ko ung suklay ko, pati ung isang plastic ko ng sanrio -- in case of emergency, dame kong dala! -- at sinimulan "ayusan" si Joshua.
Nyaha! Ang dami-dami ko nang natatali sa hair nya, di pa rin gumigising si Josh. Mukha na syang troll na nakatayo lahat ng buhok. Saying. Sana may ribbon ako. Ang cute-cute ni Josh after ko gawin toh!
"Excuuse me?!?"
Kabayo!
Napatalon ako sa upuan ko. Bigla-bigla ba naman kase sumusulpot sa tabi ko... Tumingin ako at nakita ung bunch of girls na nakatingin sa'kin.
Sino tohng mga toh?
Ako: Uh, yeah?
Gurl 1: Ano sa tingin mo ginagawa mo kay Joshua ko?
"Ko"? Gf ba toh ni Josh? Uh-oh...
Bubwit na Joshua toh, di sinabing may tali na pala sya!
Ako: Uh ehto? (tinuro ko ung buhok ni Joshua) Uh, joke lang toh... Don't worry--
Gurl 2: Nilalandi mo si Josh noh?!?
Ako: Hinde!
Gurl 3: You flirt! Kakadating mo lang, nangaagaw ka na kagad!
Ako: What?!? No!
Teka, ano bah nangyayari? Girlfriend silang tatlo ni Joshua?!?
Tingnan mo nga namang lakas ng kamandag ng mokong na toh!
Gurl 1: Back off, whore. Sa'min lang si Josh!
Ako: Why do you keep calling me names?!? I'm telling you, wala naman akong ginagawa!
Gurl 2: (nagstep towards me) Oh yeah?! Gusto mo ng alarm clock para matauhan?!?
Na-frozen akong bigla nung makita ko ung kamay nya na papalapit sa mukha ko. Napapikit na lang ako.
One.. two... three......
. . .
Wala...?
Ano nangyari?
Dahan-dahan kong binuksan ung isa kong mata para makita ang aking savior.. ang aking knight in shining armor—
At si Joshua ang nakita ko.
Okay... ang horse ng aking knight in shining armor.
Hawak nya ung braso ni Gurl #2. Hmm, totoo ba itich? Pinigilan nya ung kamay nung amazona sa pagsampal sa'kin? Ang bait namannn~ ^o^
Joshua: (dun sa mga babae) Wala nanaman kayong magawang matino, nanggugulo pa kayo dito.
Gurl 1: B-but.. Josh--
Joshua: (glares) Go away, Mitch. And wag nyo na uhlet guguluhin si Janessa, okay?! Or else, you'll answer to me.
Nagtakbuhan -- medyo lang naman sa pagkaripas, wa-poise eh -- ung tatlong bruha paalis. Tumingin sa'kin si Joshua... Syempre, ako naman, napatitig rin...
Okay naman pala sya kahit horsey lang sya nung knight eh.
Ako: Uh, t-thanks.. Buti naman at nagising ka..
Tiningnan ako ni Joshua... Oookayyyy...? Di na kasing cold nung stare nya dun sa mga babae ung titig nya sa'kin, pero, my golay, bakit mukhang mangangain pa rin toh?!?
Joshua: (turo sa buhok nya) Ano sa tingin mo ginagawa mo sa buhok ko?!?!
Ahhhyyyy... oops... :P
Ako: Cute naman ah...
Joshua: Ilalambitin na kita patiwarik sa gate eh! Ang kuhlet ng lahi mo!
Ako: Sorry na. Maupo ka na nga, tatanggalin ko na.
Joshua: (umupo) Pasaway ka... Pati buhok ko pinagttripan mo.
Ako: (tinatanggal na ung mga sanrio) Kaw naman, masyadong sensitive... :P
Joshua: Sensitive ka-- ARAY!!!
Ako: Ano ka ba? Wag ka ngang magulo! Sandali lang toh noh.
Joshua: Sasabunutan kita dyan eh.
Ako: *gasp* (titig sa kanya) I knew it!
Joshua: Ahlin?
Ako: (turo sa mukha nya) Bumibigay ka na!
Joshua: ANOH?!?!? Nababaliw ka na ba?!? Anong bumibigay?!?
Uh, okay.. mukhang hinde pala... hehe...
Joshua: Bakit ba kasi lagi ka na lang nasa paligid?! Wala ka na bang ibang mapuntahan? Ay nako, ang liit-liit naman ng mundo -- ARAY!!! Ano ba!? Mag-ingat ka nga!
Haaaayyy buhay.... Ang reklamo!
Patuloy ang pagdakdak ni Joshua habang tinatanggal ko ung mga sanrio sa hair nya. Eh syempre, tahimik na lang ako. Niligtas nya ko sa pagkakasampal eh.
Next time na lang ako kokontra.
Chapter 7: (Janessa's POV)
Nung gabi, as usual, dahil SOOOBRANG gentleman nyang si Joshua, ako nanaman ang pumunta sa apartment nya para dun sa project namin sa Theater. This time, naglakad na ko... sayang ung gas noh.
Pagdating ko sa apartment ni Joshua, tamang kakatok pa lang ako, bumukas na ung pinto. Napatalon pa ko sa gulat.
Ako: Yo, horsey!
Joshua: Anong horsey?!
Pinapasok ko na sarili ko, baka matilapon pa ko nang wala sa oras eh. Sayang naman ang ganda ko noh... nyaha!
Ako: (uupo dun sa couch sa living room) Oh ano, may naisip ka nang kanta?
Joshua: (sumunod sa'kin tapos tingin sa relo) Wala pa.
Anong meron? Mukhang handang-handa na kong palayasin nito ah. Hindi sya mapakali sa pagtayo nya. Parang kiti-kiti... Or worm na pinaliguan ng asin.
Ako: Oist, horsey, anong meron?
Joshua: Huh? Nako, wala... (tingin uhlet sa relo) Meatball-head, pwede ba bukas na lang tayo mag-usap tungkol dito? May lakad ako eh.
Meatball-head?!? Hala... Naka-ponytail na nga ako ngayon eh!
Ako: Anong meatball-head?!?
Tumingin uhlet si Joshua sa relo... Avaaaaaaaaaaaaaaahhhh... seriousness yata itich ah... Di ako pinapatulan eh...
Ako: Okay ka lang ba?
Joshua: (huminga nang malalim sabay tumabi sa'kin) Listen... May riot ung ka-brod ko ngayon. Tinawagan na ko para sa back-up. Kailangan kong pumunta dun eh... Kaya di ako pwede ngayon.
Tinitigan ko si Joshua. Riot? Brod? Back-up? Totoo ba itich? Kung tama pagkakaintindi ko... Hmmmm... Ung horsey ko?! Nasa gang?!?
Ako: Ikaw?! Nasa street gang ka?!?
Joshua: Yeah, bahket? Anong hindi kapani-paniwala dun?
Ako: Di nga?!
Joshua: Oo nga!
Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa... Ehto? Nasa gang?! Eh napagkakamalan ko ngang vaklush eh! Bigla akong may nahagilap na nakasabit sa waist nya.
Ako: (natulala) Whoa... O__O
Tumingin din si Joshua kung san ako nakatingin...
Joshua: So, naniniwala ka na?
Baril ba yan? As in gun? Ung pumuputok-putok? Bang bang?
Ako: Ano yan? Airgun? Ung napupulot ung bala sa kalye?
Joshua: Sira!!! Igno ka talaga! Totoo yan noh!
Natulala ako lalo... Ibig sabihin... pumuputok-putok talaga un? Bang bang?
Ako: May... ano... Ginamit mo na ba yan?
Joshua: Hinde noh! Nababaliw ka na ba?!?
Ako: Eh ano ba? It's ja-fake yan noh! Aminin!!
Joshua: (binatukan ako) Kuhlet ng lahi mo!
Ako: Aray naman! Bakit mo ko binabatukan!?
My golay... I can't believe na binabatok-batukan lang ako ng horsey...
Joshua: Ang kuhlet-kuhlet mo kase eh.
Ako: Eh bakit di mo ginagamit yan? I mean, di ko naman sinasabing gamitin mo, bakit lang hinde.. Getz mo?
Joshua: Oo.
Ako: (nagcollapse dun sa couch) Good, kase ako hinde... So... bakit di mo ginagamit?
Tumahimik sandali si Joshua... Hmmmm...nahiya ba bigla sa'kin si horsey... Pagkatapos akong tawaging "Meatball-head"!
Joshua: *sigh* Syempre, may buhay pa naman ako pagkatapos ng lahat nang toh noh...
Ako: Ahhhhhhhhhh.... Kaya pala sumali ka sa gang na nagpapatayan dyan sa may kanto.
Joshua: Di ko naman talaga gustong sumali eh... Bastah! Kung papatay pa ko ngayon, eh di habambuhay na kong na-guilty... di ba?
Hmmm... may pangarap... :P
Ako: (nginitian sya, sabay tumayo) Nice, horsey. Tama yan. Sige na, uwi na ko.
Joshua: Hmmm? Ah... oh sige...
Tumayo na rin sya... Kinuha ung susi tapos lumabas na kami ng apartment.
Naglalakad na kame nang bigla nyang hinila ung buhok ko...
Ako: (napatigil) Aray! Ano nanaman?!?
Joshua: Kanina mo pa ko tinatawag na "horsey" eh!
Chapter 8: (Joshua's POV)
Nagkukulitan kami ni Janessa -- pasaway rin kaseh masyado eh, lakas mangtrip -- habang naglalakad sa kalsada. Sya, pauwi; ako para sumunod dun sa ka-brod ko.
At ehto namang, meatball-head na toh, tawagin ba naman akong horsey!!? Eh ang gwapo-gwapo ko!
"Hoy! Ikaw!"
Napatigil kaming bigla ni Janessa, sabay ikot para tingnan kung sino ung epal na nang-iistorbo.
Lalake... MGA lalake... sh*t. Mukhang galing sa kabilang gang tohng mga toh ah...
Ako: (sigaw dun sa mga lalake na sumulpot sa kung saan) Di nyo ba nakikitang may kasama akong babae?!?
Guy 1: Eh ano?!
Anoh ba naman tohng mga to? Di ba nila alam na bawal makipag-riot pag may kasamang babae?!?
Napatingin ako kay Janessa. Tumingin din sya sa'kin. Nagsisimula nang matakot ung mukha nya.
Janessa: (bulong sa'kin) What are we going to do?
'What are we going to do?' Akala ko pa naman ang itatanong nito, "Tatakbo na ba ko?" :P
Tumingin ako sa paligid... Nasan na kaya sina Paolo? Di naman ako center ng riot na toh eh.
Guy 2: Sinong hinahanap mo?! Di sumipot mga ka-brod mo. Duwag talaga kayo noh.
Ako: (tiningnan ko sya nang masama) Eh kung manahimik ka na lang kaya?
Naramdaman ko ung kamay ni Janessa sa sleeve ng t-shirt ko.
Janessa: (bulong sa'kin) Akala ko ba tinawagan ka? Baka naman mapasubo ka sa dami nyang mga yan.
Medyo hinila ko si Janessa para itago sa likod nung puno sa tabi namin. At least, pag nandun sya, malayo sya sa gulo – if ever man magsimula nga ng gulo tohng mga loko-loko na toh.
Janessa: Shouldn't we just run or something? Outnumbered ka eh... Baka kung anong mangyari syo.
Ako: Ano ka, hilo? Ako, yakang-yaka ko yang mga yan. Mga sisiw lang yan sa'kin eh. Di ako masasaktan ng mga yan. Pero ikaw? Siguradong konting galaw mo lang, hahabulin ka nila. Baka kung ano pang gawin syo.
Janessa: (napa-stepback) Y-you mean... I-I'm *sniff* going to die here? :'|
Hala?!!?!?!? Umiiyak ba sya?!??!?!? O__O
Lumapit ako nang konti sa kanya para tingnan kung umiiyak ba talaga sya o arte lang toh.. Pero hinde eh, naluluha na talaga ung mata nya! O.O
Ako: B-Bakit ka umiiyak?!?! O.O
Janessa: Eh sira ka pala eh! Sabihan mo ba naman ako na *sniff* mapapahamak ako dito! Bakit hinde ako iiyak?!?
Ako: Tange! Wag ka na ngang umiyak dyan!
Janessa: Anoh ba?!? Sisipain na kita dyan eh! Mapapahamak na nga ako't lahat, sinisigawan mo pa ko...!
Ako: Ang slow mo talaga!
Napatingin sya sa'kin, nalilito.. Ang slow kasi naman talaga.
Ako: What I'm trying to say is...... I'll protect you!
Chapter 9: (Janessa's POV)
Ano raw?!
"I'll protect you" raw.
Napatunganga ako. Teka... Ehto ba ung horsey na lagi akong kinokontra at kulang na lang eh sipain ako?!??
Napahawak akong bigla sa noo nya.
Joshua: W-wha... Anong ginagawa mo?!?!
Ako: (tinanggal na ung kamay ko sabay titig sa kanya) Wala ka namang sakit... *gasp* Naka-drugs ka noh!
Joshua: Sira! Anoh ba yang pinagsasabi mo?!?
"Hoy! Anoh ba?!?"
Napatingin kaming dalawa dun sa mga nag-pop out of nowhere para mang-away.
Ay, oo nga pala... Nasa middle nga pala kame ng riot.
Tinulak ko si Joshua papunta dun sa mga gunggong.
Ako: Okay, go! Sige, protektahan mo na ko! ^o^
Joshua: Aray! Anoh ba yan?! Itaboy ba ko?!?
Ako: Sabi mo pprotektahan mo ko.. Go na! Shoo, shoo~ I-ccheer kita! ^o^v
Umikot si Joshua para harapin ung mga baboons na un. Seems like he's cursing me pa under his breath. Pagkatapos ba namang sabihing pprotektahan daw ako... :P
Joshua: Hoy kayo dyan! Bilis-bilisan nyo nga sumugod dito, dahil di ako lalapit dyan at magpapakapagod noh!
Nyeh... Palapitin ba?!? O__O
Hala, ahyun nga ung mga unggoy, uto-uto naman at sumugod nga kay Joshua!!!
Joshua! Horsey! Oh no!
Napapikit na lang akong bigla nung malapit na ung mga baboons kay Joshua.
Napapatingin ako minsan para tingnan kung buhay pa si horsey... Ang unfair! Tatlong baboons versus one horsey?!?
Biglang napaluhod si Joshua. Napalabas akong bigla sa hiding spot ko and all set nang tumakbo sa kanya.
Ako: Joshie!
Joshua: (sigaw sa'kin) Dyan ka lang!
Napatigil akong bigla. Masunurin naman ako paminsan-minsan. Tumayo kagad ulit si horsey. Nido siguro ang gatas, ang tibay ng buto eh. :P
"Anong nangyayari dito?!"
Napatigil bigla ung duguang baboons. Tinapon ni Joshua ung isang unggoy na hawak nya. Napatingin kaming lahat dun sa bagong dating na lalaki (na nga pala, may pagka-papable din ;))
Weh, Janessa! Noh ka ba?! May away sa harap mo oh...
Joshua: Pagsabihan mo yang mga bata ng kapatid mo, Peter. Mukhang di nanaman na-sermonan tungkol sa mga dapat gawin.
Tumango si Joshua sa direction ko. Sumunod ung tingin nung Peter sa'kin, tapos dun sa tatlong baboons nya – in-aassume ko lang na under nitong "Peter" na toh ung mga unggoy.
Peter: (dun sa tatlo) Tumayo nga kayo dyan... Bumalik na kayo.
Baboon #1: At bakit ka naman namen susundin--
Peter: Di nyo ba nakitang may kasama syang babae?!? O bulag lang kayo at di nyo napansin na babae yan?!?
Excuuussssseeee meeeeeeeeeeeee?!?
Ako?!?!? Babae poh ako!!!
Eh kung pagsisipa-sipain ko kaya yang mga unggoy na yan?!? Anong tingin nila sa'kin?! Vaklush!?! Hindi ba nila nakikitang may hinaharap ako!? >:o
Umikot na paalis si Peter – pero not before tinignan nya nang masama si Joshua. Sumunod rin ung tatlong unggoy kay Peter paalis. Tinignan rin nila nang masama si Joshua bago sila umalis. Psh. Magtinginan sila nang masama. :P Nung malayo-layo na sila, takbo kagad ako kay Joshua.
Ako: Okay ka lang? Buhay ka pa?
Joshua: (pinunasan ung dugo na tumutulo sa labi nya) Okay pa... Sisiw lang ung mga un noh.
Ako: Psh.. Sisiw daw...
"Oist!"
Wag nyo sabihing meron pa?!?
Umikot kaming dalawa. Naglalakad si Paolo tsaka tatlo pang mga lalake. Binati nila si Joshua nung chuva-chuchu na handshake na un, sabay tingin sa'kin.
Paolo: Janessa? Bakit nandito ka? (napatitig kay Joshua) *gasp* Binugbog mo si Joshua!!!
Ako: Hoy! Ano namang tingin mo sa'kin?!? Amazona?!?
Joshua: (natawa) Ha! Amazona... XD
I glared at him. Nanahimik kagad sya.
Joshua: *cough* *cough* Nako, *cough* nalamigan na yata ako.
Ako: Nalamigan ka dyan... Amazona ha... Hmp!
Umikot na ko at dumiretso dun sa pababang street para umuwi. Tumayo naman bigla si Joshua at hinabol ako. Kinalimutan na nakatayo pa rin sina Paolo dun.
Joshua: Hoy!
Ako: (tuloy sa paglakad) Di "hoy!" ang pangalan ko!
Joshua: (hinabol ako habang nasigaw) Ikaw!
Ako: (sigaw pabalik) Di rin "ikaw!" ang pangalan ko!
Joshua: Hoy ikaw!
Grrrrr!!!
Bigla akong tumigil sa paglalakad, sabay ikot. Napa-complete stop bigla si Joshua sa harap ko.
Ako: (ikot kaharap sya sabay sigaw) Shut up!!!
Napaatras bigla si Joshua. Umikot na uhlet ako para ituloy ang paglalakad ko pauwi. Narinig ko sina Paolo na tumakbo papunta kay Joshua.
Paolo: Oh ano, natakot ka?
Joshua: H-h-hinde ah!
Hmp! Hinde raw... Namutla naman ung mukha. ;D Tawagin ba naman akong amazona!!! Kagatin ko sya eh!
Chapter 10: (Joshua's POV)
Kinabukasan, pumasok ako sa school at hinanap kagad si Janessa. Bubwit na babae un, P30 na load ang nasayang ko kaka-sorry, ni isang reply man lang, wala! Ni di ko nga alam kung bahket sya galit.
Kaya ehto ako ngayon, face-to-face na lang akong mag-ssorry. Pero, ehwan ko ba, may dugo yata ng white lady un, kahit saang sulok ng school ko hanapin eh di ko makita. Kaya no choice ako kundi maghintay hanggang hapon para makita sya sa Theater class ko.
Pagpasok ko sa klaseng un, nandun si Janessa, nakikipag-usap sa kung sinong bakla. Alam kong bakla kaseh mas malandi pa gumalaw ung kamay nung lalaki (bakla?) kesa kay Janessa.
Hinaltak ko ung isang upuan palapit kay Janessa tapos, pinaurong ung taong nakaupo sa kabilang side ni Janessa para dun ako makaupo (angas noh? :P).
Ako: Hoy...
Janessa: Tingnan mo nga naman, buhay ka pa?
Ako: Galit ka pa rin ba?
Napatingin sa'min ung bakla (Richie yata pangalan nito...) Nako poh, mukhang laman nanaman ako ng front page ng Gossip column nito ah.
Ako: (kay Richie) Ikaw, shoo. Dun ka muna sa mga ka-pederasyon mo at mag-uusap kame.
Richie: Oh sure, fafa... Kaw pa. ;D (tingin kay Janessa) Sige, Nessy, maya na lang ulet.
Janessa: Okay.
Pagkaalis ni Richie, tumingin sa'kin si Janessa, naghihintay ng sasabihin ko...
Ako: "Nessy"? Nickname mo?
Janessa: Sabi ko naman syo, hinde "hoy" at "ikaw" ang pangalan ko.
Ako: Opo na nga poh... Sorry na poh...
Janessa: Okay.
Okay? Un na un? La man lang pahirap?
Ako: Anong okay?
Janessa: Okay... As in, okay... May iba pa bang meaning ng okay?
Ako: Di mo man lang ako pahihirapan? Like, uutus-utusan?
Janessa: Bakit? o.O
Ako: Ehwan?
Janessa: Ano?
Ako: Ganon na lang un? Bati na tayo kagad?
Janessa: Ayaw mo? o_O
Ako: Gusto...
Janessa: Oh, eh bahket nagrereklamo ka pa dyan?
Ako: Sabi ko nga eh...
Ang bilis naman... konting face-to-face sorry lang, okay na? Bait naman nito...
Janessa: Well, there IS one thing you can do for me...
Ahyan na...Ang slavery.. Mga pabuhat ng libro.. Pabili ng lunch... Pabitbit ng gamit... O_O
Janessa: Naka-ban kasi ung kotse ko ngayon eh... Can you drive me home later?
Ako: Un lang?
Janessa: Ano ba?! Parang pinapababaw mo ko masyado eh. Ayaw mo yata magkabati eh!
Ako: Hinde! Sige, hatid kita snyo. Wawa ka naman, nag-commute ka kaninang umaga?
Janessa: Oo... Tsk, worst thing ever. T_T
Ako: Eh? Buti di ka naligaw...
Janessa: Sira, kasabay ko si Kristine noh... Kaw talaga, horsey, ung brain mo, natapakan mo nanaman.
Tinaas ko ung sapatos ko sabay tingin sa ilalim.
Ako: Hindi naman ah...
Janessa: O__O (biglang natawa) Abno ka talaga. XD
Napangiti ako. Wala lang... I guess, kase, ang sarap talagang pakinggan ng tawa ni Janessa. ;)
Chapter 11: (Janessa's POV)
Uwian na. Naglalakad ako sa papunta sa parking lot, hoping na nawa'y makita ko kung nasan si Joshua – eng-eng kaseh, nakalimutan itanong kung san kami magkikita, eh di ko naman alam kung san sya nagppark.
So, ehto nga, lakad-lakad ako, pre-occupied... Nang biglang...
Oomph!
Arouch kowh!
Tumingin ako para magsorry dun sa nabunggo ko. Then, I wished lamunin na lang pala ako ng lupa, eh, semento... bastah! nung tinatapakan ko!
Ako: Uh, s-sorry.. I didn't see you—
Naman, Lord... Bakit naman poh sa dinami-dami ng makakabunggo eh ehto pang mga bruhahang toh?
Yup, ung three little witches na nag-appear out of nowhere para awayin ako – dahil lang tinatalian ko ng buhok si Joshua last time.
Witch 1: Well, well, well... What do we have here?
Ako: Just me lang naman... Okay... so see you around!
Iikot na sana ako para mag-zoom paalis nang biglang humarang ung other two sa dadaanan ko.
Witch 2: San ka pupunta? Ikaw, lagi ka na lang nakikipagflirt kay Joshua.
Jeesh! Bakit ba "ikaw" ang laging tawag sa'kin ng mga tao?!?!
Ako: FYI, nuh-uh!
Witch 1: (sarcastic na tumawa) Pero you won't get him, lam mo kung bakit? Dahil it'll take you a long time bago ka makahabol kay Trixie.
Who the heck is Trixie?!? Tumatakbo ba sya para habulin ko?!?
Witch 3: Kahit anong gawin mo, hindi ka mamahalin ni Joshua katulad ng pagmamahal nya kay Trixie.
"Anong sinabi ko snyo tungkol sa paggulo kay Janessa?"
Parang talagang horsey ng knight in shining armor ko kung sumulpot tohng isang toh. Umikot ako, and just as I expected, ahyun si Joshua, looking oh-so-dashing sa kanyang white shirt, faded jeans, at duffel bag na naka-slung over sa shoulder nya. Kung di lang sya horsey, pwede nang mapagkamalan na sya na ung knight in shining armor. :P
Lumapit sya sa'kin, sabay tigil sa harap ko... Nakz, pamatay nanaman ang titig dun sa tatlo oh.
Joshua: And what right do you have to talk about Trixie?
Okay, naiintriga na ko.. Sino bah itong Trixie na toh?!
Witch 1: B-but... S-sina-ssabi lang naman namin dyan sa flirt na—
Joshua: Stop calling her names! Makinig nga kayo. Lilinawin ko na toh. This better be the last time na makita kong kinakausap nyo si Janessa or else – you three will really answer to me. Got it?!
Nakz, ang taray ni horsey! Yoohoo! Go, horsey! yiihaaa!!! ^o^
Joshua: Halika na, Nessy. Uwi na tayo.
Ako: Huh? Oh, yeah.
Kinuha nya ung kamay ko sabay haltak through dun sa tatlong witches na kulang na lang eh maglabas ng vanquishing potions sa sobrang deadly ng tingin sa'kin. Nung nasa parking lot na kame, tumingin ako kay Joshua, all set to ask about Trixie.
Tapos nakita ko ung sobrang heart-wrenching na lungkot sa mata nya. Na-shut up ang beauty ko.
Sino ba ung Trixie na un? What did she do? Nasan na sya? At bakit nya pinapaiyak ang kabayo ko?
Chapter 12: (Janessa's POV)
Buong ride home, tahimik si Joshua. Sinong mag-aakala... capable pala sya na mag-isip.. hehe. Anyway, syempre ako naman, dalagang Pilipina ang act, eh nahihiya naman magtanong kung sino ung Trixie na un.. Pano na lang kung alagang aso nya pala un?
Joshua: Tahimik ka?
Napatalon ako. Napatigil bigla sa pag-mumuni-muni. Bigla ba namang magsalita?!? Di ba nya Na-ssense na malalim ang iniisip ko?
Ako: Ako? Tahimik?
Joshua: Hindeee. (tumigil sa stoplight) Ung radyo kausap ko.
Ako: Aaahhhh...
Joshua: Hala... Tao ka ba?! o_O
Ako: Ano?
Joshua: (umandar na uhlet ung car) Ah ehwan ko syo! Gulo mo kausap!
Ako pa naging magulong kausap? Kuhlet din ng lahi nito noh... O.O
Nagdrive uhlet kami nang mapansin ko na di nya ko tinatanong ng directions... Alam nya ba kung san ung apartment namin ni Kristine?
Ako: Alam mo ba kung san tayo pupunta?
Joshua: Oo.
Ako: Eh? Akala ko ba di mo alam kung san nakatira si Tin?
Joshua: Sino bang may sabi na snyo tayo pupunta?
Gasp! Kinikidnap ako! Oh hinde! NOoooo! Wala akong pera!!! Wag poh! Wag poh!!!
...habulin mo ko~ nyahaha!
Ano ba, Janessa?!?
Ako: Eh san tayo pupunta?
Joshua: Wala lang. Ikot-ikot lang muna tayo... Bakit? (sulyap sa'kin) May reklamo?
Ako: Psh. Nagtatanong lang eh.
Tumawa sya. Abno talaga toh... Lakas tama. Nanahimik na uhlet ako... Ehwan ko ba... Lowbat yata ang energy ko kaya medyo nawawalan ng gana umandar ang motor ng bibig ko.
Pagdating ko sa bahay, iidlip muna ako sandale bago gawin ung mga homework ko--
Joshua: Nessy...
Talagang tinatawag nya na ko by nickname noh? Close na kame? :P
Ako: Hmm?
Joshua: Di ka ba magtatanong kung sino si Trixie?
Ako: (napatingin bigla sa kanya) Hmm?!? O.O
Nababaliw ba sya?! Eh kanina pa ko mamatay-matay sa curiosity dito noh!
....Ibig sabihin ba nun pusa ako? Di ba curiosity killed the cat?
Ano ba?! Focus nga!
Joshua: Well?
Ako: Sure. Kung gusto mong sabihin, eh di sabihin mo.. If you don't naman, eh okay lang... I respect your privacy.
Naka naman! Shosyal... I respect your privacy chuchu...
Joshua: (continue sa pagddrive) Si Trixie...
Nakitang kong kumunot ung noo nya... As if galit or something...
Joshua: She's the person I hate the most.
. . .
Anoh? What?
...Okay... ngayon windang na talaga ang brain ko.
Chapter 13: (Joshua's POV)
Nagpapaikot-ikot kami ni Janessa sa EDSA. La lang... Trip ko lang magsayang ng gas. :P Hinde, ayoko lang umuwi pa. Nagulo utak ko nung nakita ko ung three little pigs na un na ginugulo nanaman si Janessa eh -- tapos binabanggit pa ung pangalan ni Trixie.
Bakit ko nga ba biglang naisipang sabihin kay Nessy ung tungkol kay Trixie? *sipa sarili* Bigla-bigla ka kaseh kung magdesisyon eh!
Janessa: So...why do you hate her?
Oh well... sige na... Nasimulan mo na eh...
Ako: She betrayed me. She's a liar.
Janessa: Anoh ba?! Buuin mo na nga ung storya! Paputol-putol ka pa dyan eh.
Langyang demanding talaga nito! Ako na nga tohng nagkkwento eh.
Ako: Eh manahimik ka nga! Bumbwelo pa ko eh..!
Janessa: (bulong) Bwelo-bwelo pang nalalaman...
It's taking all my strength para wag sakalin tohng babaeng toh!
Ako: Okay... Pero, ehto muna tatanong ko syo...
Janessa: Ano?
Ako: Gutom ka na? Kaseh, ako gutom na eh. :)
Janessa: (tinitigan ako) Magpapalibre ka ba?
Ako: (tingin sa side-mirror para kumaliwa) Ano ka ba naman?! Syempre! Ako tohng lalake eh!
Janessa: Lokohin mo lelang mo.
Ako: Tungkol saan? Sa gender ko o dun sa paglibre?
Janessa: Ano? o_O Ehwan ko syo! Bumili ka na nga lang ng kausap. (tumuro sa labas ng bintana) Dun tayo sa Jobee! Gusto ko ng palabok, fries, iced tea--
Ako: (nag-turn para pumunta sa Jollibee) Mukha ba kong waiter?!
Janessa: (ngiti sa'kin) Medyo. :D
Nag-turn kami sa parking lot ng Jollibee. Pero bago lumabas si Janessa, tumingin muna sya sa'kin...
Janessa: Alam kong it's hard for you to tell this story about Trixie... I understand kahit papano.
Lumapit bigla sya sa mukha ko. What the--?!?!
Janessa: Pero pag di mo kinuwento sa'kin yan, I swear, di kita papatahimikin!
Bigla nya kong tinalikuran tapos bumaba na sya nung sasakyan.
Pinagpawisan yata ako dun ah!
Janessa: (silip sa bintana) Halika na, horsey! Gutom na ko!
Chapter 14: (Janessa's POV)
Oooooohhhh...palabok! palabok! palabok! palabok!
Anoh ba yan?! Parang patay-gutom noh? Eh kaseh naman, matagal-tagal na rin akong di nakakakain ng palabok ng Jollibee noh! Sarap-sarap pa naman... May kontra? Sarap naman talaga di ba? ;)
Pinanood ko si Joshua sandali habang nilalatag nya ang aming mga pagkain sa mesa. Fries, palabok, at iced tea para sa'kin. Chicken joy (ung dalawa), fries, hamburger, at coke para sa'kanya (di sya gutom noh?) Tapos, naupo na sya sa tabi ko.
Ako: (sinusugod na ung palabok ng tinidor) So, anoh na? Ung kwento-kwento mo, simulan mo na.
Joshua: Sandali lang. Atat ka naman masyado eh. Nagseseremonyas pa ko dito oh.
Inaabot na ng sukdulan ang kaintragahan ko.
Pero syempre, dahil understanding ako (nyaha!), hinintay kong matapos ang seremonyas nya.. Ung paglagay ng ketchup sa tissue para sawsawan ng fries at paghalo ng gravy dun sa rice.
Bubwit! ang tagal-tagaalllll~ -___-
Ako: Oh ano? Pwede na?
Joshua: Okay. Si Trixie... Nakilala ko sya kaseh best friend sya ni Mayen, ung girlfriend nun ni Paolo.
Ahhhhhh...so di nga sya dog. :P
Nilalasap ko ung palabok habang tinutuloy ni Joshua ung kwento nya. Ehto yata ung isa sa mga advantages ng nakakapagmulti-tasking. Nakaka-absorb ako ng info habang nilalamnam ung kinakain ko. :D
Joshua: (kinakain na rin ung manok sa harap nya) Di ko matandaan kung pano kami nagkausap. Suplada kaseh un eh. Masyado pang bulgar, minsan nakakainis kasama. Pero since lage akong kasama ni Paolo at sya naman laging kasama ni Mayen... Syempre, habang naglalampungan ung dalawa, eh ano pa nga bang choice namin kundi mag-usap?
Ako: So, in short, naging close rin kayo?
Joshua: Yeah, something like that...
Oh, eh bahket mo naging hate?
Joshua: Nagkasundo kami halos sa lahat ng bagay. Kahit nung nag-break sina Paolo, tumatambay pa rin kami kung san-san. Hanggang sa maging MU kami...
Ako: Tapos naging kayo?
Joshua: Wag ka ngang sumingit.
Ako: Fine. -__-
Masyadong PMS toh ngayon ah.
Ako: Sige na, tuloy...
Joshua: Pero nung nakilala ako ng bro nya—
Ako: MU lang kayo nakilala mo na family nya?!
Joshua: Eh bahket ba?! Eh nakilala ko bro nya eh.
Hmmm... Okay na~ Sige na nga~
Ako: Anyywaaay?
Joshua: Di ako nagustuhan nung family nya kase dikitin daw ako ng gulo... and B.I. pa. Kaya pinalayo nila ako kay Trixie.
Hmmmm...a la Romeo and Juliet pala drama nitong dalawa eh...
Joshua: Pero di kami pumalag... Halos araw-araw pa rin kami nagkikita, kung san-san pumupunta. Hanggang sa isang araw, nag-threaten na ung dad nya na pag di pa sya lumayo sa'kin, ipapadala sya sa US.
Oh my... :-\
Joshua: Pero, (nag-pop ng fries sa bibig nya) pinanganak na pasaway ung si Trix eh... :P Araw-araw pa rin syang sumusulpot kung nasan ako, and ung fact na magka-schoolmate kami also helped.
Ako: So what happened?
Joshua: Eventually, nalaman ng parents nya na nakikipagkita pa rin sa'kin si Trix. Pinuruhan ako ng tropa ng bro nya, and sya, halos kinaladkad papunta sa eroplano at lumipad sa Maryland.
Ang tragic... :-\
Joshua: Sabi nya babalik sya as soon as possible... For the meantime naman, susulat sya araw-araw, tatawag, mag-eemail...
Ako: Long-distance relationship? Anong masama dun?
Joshua: (inubos na ung chickenjoy nya) Wala...kung may communication kayo.
Ako: Huh?
Joshua: That girl is one big liar. I wrote to her every single day for five months. She never wrote back. The next thing I know, nag-email sya sa'kin to tell me na nakahanap na sya ng iba. The slut...
Buti na lang at ubos na ung palabok, dahil after this, siguradong di ko na mananamnam toh. Napatingin ako kay Joshua. Tinititigan nya ung hamburger nya, ang lalim ng iniisip...
Kawawa naman si horsey. Trying hard to conceal ung pain, sinasabi pa na hate nya raw si Trixie... pero deep inside naman... T^T
Mukhang deep in thought pa rin si Joshua habang nakatitig dun sa burger. Anong klaseng thoughts na lang kaya ang tumatakbo sa isip nya? Iniisip nya pa rin siguro ung mga nangyari. Mahal na mahal nya pa rin si Trixie...
Biglang tumingin sa'kin si Joshua.
Joshua: Ano sa tingin mo?
Tungkol sa'nyo ni Trixie? Don't ask me... I don't know what to say... T-T
Joshua: Kakainin ko na kaya tohng burger o iuuwi ko na lang?
O___O
Amp!
Chapter 15: (Janessa's POV)
"Nessyyyyy!!! Gising na!!!! Tulog mantika ka!"
Bubwit... Sino ba tohng aga-aga eh nambubulabog?
Binuksan ko ung isa kong mata, sabay biglang napatalon nung nakita ko kung sino ung nakasilip sa'kin.
Ako: WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!! OoO Horsey?!?
Joshua: Anong horsey?!? Langya, umagang-umaga, nang-aaway ka nanaman.
Ako: Anong ginagawa mo dito?!?!
Tingin ako sa paligid... Nasa kwarto ko naman ako, so di ako nakitulog sa apartment nya...
Joshua: Ano ka ba?! Walang pasok si Kristine ngayon. Sabi ko syo, susunduin kita, sabi mo okay... Nauulyanin ka nanaman.
Binato ko sya ng unan... +__+
Ako: Anong ulyanin?!? Sira! Bagong gising lang ako! Lumabas ka na nga!
Joshua: (sinalo ung unan sabay tawa) Mukhang mali ang gising mo ah... Sungit. ;)
Ako: Che!
Lumabas na sya ng kwarto, sabay ako naman, tumayo na rin. Bubwit talaga ung si Joshua... Panira ng araw eh... -___-
Binuksan ko ung closet ko, at tinitigan ung mga damit.. Bakit ba feeling ko eh may nakakalimutan ako? Hmmmm...
gasp!
Bigla akong napatakbo palabas ng kwarto. Halos madapa-dapa pa ko sa paghanap kay Joshua.
Ako: (sigaw) Joshie!!!
Joshua: (napatakbo sa'kin nang may dalang kawali) Oh?! Bahket?! Anoh?!
Napatigil ako, sabay tingin dun sa hawak nyang kawali...
Ako: Ano yan? Bakit mo dala yan? o.O
Joshua: (tingin rin dun sa hawak nya) Ehto? Eh di kawali... Magpprito ako ng itlog eh. (tingin uhlet sa'kin) Teka nga, bakit ba nagsisigaw ka dyan?
Ay, oo nga pala... Panicked nga pala ang emotion ko dito...
Ako: Ano ka ba?!? Alam mo ba kung anong araw ngayon?!
Joshua: (ngiti sa'kin) Ah! Monthsary ba natin ngayon? ;D
Ako: Neknek mo! Anong monthsary-monthsary pinagsasabi mo dyan?!? Ano ba?! Ngayon i-pperform ung project sa Theater kay Prof Adik! Ano ka ba!? Wala pa tayong nagagawa! Oh my golay! Babagsak tayo!
Joshua: Nessy, chill out. Nag-ddrama queen ka nanaman dyan.
Tiningnan ko sya nang sobrang sama na napa-stepback sya. Oh di va? Ibang klase ang kamandag... :P
Joshua: Wag kang mag-alala. (ngiti) May lucky charm ako dito, di tayo babagsak.
Ako: Ano?
Joshua: Sa swerte ko ba naman na toh, for sure, may mangyayari para di matuloy ung performance na un.
Langya! I-asa ba sa "lucky charm" nya?!?
Ako: Makinig ka...
Joshua: Ano nanaman? o_o
Ako: Pag tayo lang bumagsak dahil dyan sa performance na yan, ipunin mo na lahat ng "lucky charms" mo... Dahil pag nakita kita, ipapakain kita sa mga buwaya sa Manila Zoo!
Pagkatapos nun, umikot na ko para maligo at magbihis for school. Narinig ko si Joshua na humabol ng sigaw sa'kin.
Joshua: Inaaway mo ko?! La kang scrambled eggs!
Chapter 16: (Joshua's POV)
Nung dumating ako sa Theater class ko, nakita ko si Janessa na nakikipag-usap kay Richie. Mukhang nagiging close na sya dun sa baklang un... Tumabi ako kay Janessa.
Ako: Oi...
Janessa: (tumingin sa'kin) Oi... Ano?
Ako: Wala lang. Tumatabi lang... Masama ba?
Janessa: Bakit?
Ako: Ayaw mo kong katabi?! (mukmok) Kala ko pa naman masaya ka pag katabi mo ko...
Janessa: Ha? Anong dina-drama mo dyan? o_O (tumingin sya kay Richie) May sinabi ba ko?
Richie: (tumawa) Nako, masyado lang yan nagiging sensitive.
Ako: Hoy! Anong sensitive?!? Umalis ka na nga dito! Bumalik ka na dun sa lungga mo!
Tumayo si Richie na tumatawa. Bumalik nga sa kabilang dako ng room kung nasan ung mga ka-federasyon nya.
Janessa: Bakit mo naman sinigawan si Rich?
Bago ako maka-sagot, biglang may pumasok na teacher. Hindi si Prof Adik. As I figured. Bwahaha Wag maliitin ang mga koneksyon at intelligence network ko. Di ko alam kung anong details, pero basta, pag nakapagtsismis na sa'kin na nanganganib si Prof Adik. Mukhang natuluyan na talaga. Napatingin kaming lahat dun sa bagong teacher.
Mysterious Teacher: I'm Professor Cruz.. (lagay ung gamit nya sa table) Due to some circumstances, I willl be your Theater professor from now on.
Janessa: (bulong sa'kin) Ano nangyari?
Ako: Aba, hindi ko alam.
Naramadaman kong tumayo ung mga balahibo sa likod ng leeg ko. Sobrang makatitig tohng si Janessa minsan eh.
Ako: Ano?!
Janessa: Anong ginawa mo kay Prof Adik?! Pinasugod mo sa mga lucky charms mo noh!
Ako: Ano?!? Nababaliw ka na ba?!
Prof. Cruz: I won't lie to you. What Mr. Acosta did is very inappropriate for a mentor. Pati tuloy education ng isang estudyante naapektuhan... hay... Anyway...
Janessa: Ahhhh...
Ako: Anong "aahhhh"? Anong nangyari? o_O
Tingin ako dun sa prof na nagsasalita about mga expectations at projects nya. Wala na kong masasagap dun. Tumingin ulit ako kay Janessa.
Ako: Anong nangyari?
Janessa: Di mo getz? Ang slow mo talaga...
Ako: Hala! Anoh nga?!
Janessa: Nevermind na lang. Ay, teka, nga pala...
Ako: Hmp! Ano?!
Janessa: (natawa) Nakz, nagtatampo na si horsey~
Ako: Anong horsey?!? Bakit ba horsey?!??
Prof Cruz: Ano nangyayari dyan?
Napatahimik akong bigla. Umayos kagad ako nang upo.
Ako: Wala poh.
Nung nawala na ung atenston nya sa'min, humarap uhlet ako kay Janessa.
Ako: (bulong) Pinapahamak mo pa ko!
Janessa: (ngiti sa'kin) Kaw naman... Ingay mo kase eh..
Ako: Ano bang gusto mo?
Janessa: Sa Sabado, may family reunion kami. Uuwi dito sina mommy and everyone na nasa States.
Ako: O? Ngayon? o.O
Parang di ko gusto toh ah...
Janessa: Come with me.
Ako: ANOH?!?
Too late na nung na-realize ko na medyo napalakas yata ung boses ko. Napatingin ako sa harap. Binigyan lang ako ni prof ng matinding titig (ung tipong nagsasabi na 'Manahimik ka kung ayaw mong itapon kita palabas ng classroom'), tapos balik na sya sa sinasabi nya.
Ako: (tingin uhlet kay Janessa) Nababaliw ka na ba!? Ano naman gagawin ko dun!?
Janessa: La lang. Sige na, (hila nya nang konti ng sleeve ko) Sama ka na~ Pleeaaasssse?
Bubwit... Ano bang meron dito sa babaeng toh at konting 'please' lang eh natutunaw na ko?!
Ako: *sigh* Fine.
Janessa: Yipee!!! Sasama sya!
Bumalik ung atensyon ni Janessa dun sa bagong prof, samantalang ako, bothered na bothered naman.
Nakatakas nga ako sa potensyal na sakit ng ulo ng pagbagsak sa subject na toh, pinasok naman ako ni Janessa sa isa pa.
Meet the family huh...
Pero di naman kame!
Sa Sabado... Okay lang naman di ba?
Pero pano kung ilayo rin nila sa'kin si Janessa?
Ano na lang mangyayari sa'kin?
Chapter 17: (Janessa's POV)
Lumipas ang linggo nang kundi man mabilis, eh di rin naman mabagal... Pero ahyun na nga, at Sabado na. Dumating sina mommy, daddy, ate, at kuya (oh di va, one big happy family kami!) nung Thursday nang gabi, kasabay ung parents ni Kristine. Dito na natulog sina mom, and then sina tita, kumuha ng apartelle dun sa kabilang ibayo ng city. Syempre, dun natulog si Kristine.
11 AM, Saturday, all set na ko, all ready to go. Hinihintay ko lang ung bitbit ko -- si Joshua. Langya, ang tagal eh!
ding! dong!
After 10 years...
Tumakbo ako sa pinto at pinapasok si horsey – na looking oh-so-lala sa kanyang printed red-and-black shirt, faded jeans, at medyo magulo na hair. Okay... I know... Walang ka-charm-charm ang suot nya, eh gwapo sya eh, kaya pagbigyan nyo na ko.
Joshua: Bakit naka-red ka rin?!
Napatingin ako sa damit ko – dark red shirt and torn denim jeans. Tapos tingin sa kanya..
Ako: Bahket? Inangkin mo na ba kulay red ngayon?
Joshua: La naman akong ibang sinasabi ah... (tingin sya sa likod ko) Nasan parents mo?
Ako: (punta sa kwarto para kunin ung susi ng apartment at kotse) Wala na. Nauna na sila para tumulong sa mag-ayos dun. Kasama na nila sina ate at kuya...
Sumunod sa'kin palabas si Joshua
Joshua: May kapatid ka?
Ako: (ni-lock ung door) Yup, si ate, si kuya, at si--
. . .
Ako: ..at ako...
At ako lang...
Ako: Halika na.
Hinila ko si Joshua paputa sa parking lot kung san naka-park ung kotse ko.
Joshua: Wait lang! Alam mo ba kung san un?
Ako: Hinde.
Joshua: Anoh!??!? Eh pano tayo pupunta dun?!?
Nilabas ko ung binigay ni Kristine na bond paper sa'kin. Ang kanyang proudly-made na map papunta dun sa rented na villa.
Ako: (inabot kay Joshua ung papel) Kaya nga tayo aalis ng maaga eh... Para kung mawala man tayo, may oras pa para maghanap.
Joshua: Anoh?!?
Tinulak ko sya papasok sa kotse, tapos ikot para pumunta sa driver's seat.
Joshua: I can't believe na sa dinami-dami ng away at gulo na napasok ko, matatapos lang pala ang buhay ko dahil maliligaw kami, mawawalan ng pagkain, tubig, damit! Tapos pati hangin!
Anoh ba toh? High ba toh? o_O
Ako: Exagge ka naman, horsey... Di tayo mawawala noh... Ako pa!
Chapter 18: (Joshua's POV)
Pagkain! Pagkain! Nasan ang pagkain?!?
"Horsey?!"
Halos patakbo akong pumasok dun sa villa na, sa wakas!, ay narating din namin! Papasok pa lang ako nang maramdaman ko ung kamay ni Janessa sa braso ko.
Janessa: Uy... Okay ka lang?
Napatigil akong bigla, sabay tingin sa kanya...
Ako: Nessy... 8 AM ang huli kong kain.. Umalis tayo snyo, 11... (tinapat sa mukha nya ung relo ko) Tingnan mo nga ung oras! 2 PM na!
Janessa: (napangiti) Really? Ang tagal pala nating nawala... :P
Uhmpf! Pigilan mo sarili mo, Joshua... Wag mong sasabunutan yan...
Hinila ako ni Janessa sa loob.
Janessa: Sige na nga, lika na... Gutom na rin ako eh...
Pagkapasok namin, biglang sumalubong ang sandamakmak na tao sa mukha ko! Whoa! Anoh toh? Buong angkan?!? Nawala yata gutom ko... O_O
"Nessy!!!"
And, bago pa kami makarating sa ginto, sa oasis sa desert, sa hot chocolate sa snow – aka sa lamesa ng pagkain, napaligiran na si Janessa ng mga tao with all shapes and sizes. At sabay-sabay silang lahat na nagsalita. o_O At parang lahat sila, na-curious sa'kin.
Janessa: Oh this guy? This is Joshua. Joshua, meet my cousins. Nicky, Autumn, Kelly, and Naomi...
Waaaaahhhhhh... Tatandaan ko ba un lahat? Hihimatayin na ko sa gutom! Waaaah!!!
Janessa: Do you mind if we eat first? We're starving from that road trip we took. :P
Kelly (yata): Got lost again huh?
Janessa: I prefer to call it 'exploring'...
Exploring?!? Kahit si Christopher Columbus bibigay dun sa "exploration" na un eh!
Naramdaman ko na lang na hinila ako ni Janessa papunta dun sa pagkain... Pagkain!
Ako: (naglalagay ng pagkain sa plato) Pinsan mo lahat un?
Janessa: (kuha ng sarili nyang pagkain) Yup... at least, sila lang ung kilala ko. Bukod kay Kristine na bumibisi-bisita sa States, ung mga un lang ung talagang nakasama ko growing up. Most of my cousins kasi dito nakatira, so never ko pa sila nakita.
Ako: Ahhh...
Kakaupo lang namin sa isang side nang bigla namang may lumapit na isang babae tsaka isang lalake.
Ayaw yata nila akong pakainin... T^T
Janessa: Ate! Kuya!
Ate? Kuya?
Ate: So, this the guy? (upo sa tabi ko)
Janessa: Yup. Josh, this is my sister, Ate Janet.. and this... (turo dun sa guy na tumabi sa kanya) is my brother, Kuya James.
Teka, ung puso ko... masyadong napapabilis ang takbo..
Kuya James: How old are you?
Ako: 19 poh
Kuya James: (natawa) Bakit mo naman ako pino-poh?!
Ate Janet: (tingin kay Kuya James) Well, duh. Coz you're old!
Nakiki-ate at -kuya naman ako noh?
Nag-usap-usap muna silang tatlo, ako naman, sinamantala ko na! Aba, tinatawag na ko nung lechon sa plato ko oh! "Joshua! Kainin mo na ko!" raw!
Janessa: (tumayo) I'll be right back. I'll just get myself some...hmmm... kung anuman ung nasa tray na un!
Napatigil ako bigla sa pag-nguya.
NOoooo!!!! Wag mo kong iwan!!!
Pero wala na. Dire-diretso na si Janessa sa kung anumang tray ng pagkain ung sinasabi nya. Sumulyap ako dun sa dalawa na nakatingin lang sa'kin... *gulp*
Ate Janet: So, you're 19? We're the same age!
Joshua: Really?
18 nga lang pala si Janessa... Sometimes I forget. So hindi pala 'ate' si 'Ate Janet'...
Kuya James: Are you and Nessy dating?
Whaaa----?!?
Janet: Oo nga! Are you?
Ako: N-no. O_O
Janet: Really? Bakit?
Anong bakit?
Ako: Uh, coz... We're just friends...
Janet: Reealllly? (tumawa) I think you two look so cute together!
Langya, anoh ba toh?!
Kuya James: Bakit ka nya dinala dito if you're not dating?
Ako: I don't know either. (subo muna, palipas oras bago sumagot)
Kuya James: At wala ka naman bang balak na manligaw?
Ako: Huh!? W-wala poh.
Janet: Awwww... why naman?
Eh kaseh...
teka...
bahket nga ba?
Basta! Because!
Janet: You know, you should. Date my sister, I mean. Abnormal kase yan eh... So picky when it comes to boys. Ang hirap hanapan! Trust me. I've set her up in, like, a dozen blind dates – never worked out!
Blind dates?
Kuya James: Yeah. That girl needs a man in her life. Baka tumandang dalaga eh!
Bago ako makasagot, bumalik na si Janessa, may dalang leche flan sa plato nya...
Yan lang kinuha mo ang tagal-tagal mo?!? Nagigisa na ko dito!
Janessa: Anong pinag-uusapan nyo?
Janet: Nothing. ;)
Tumayo na silang dalawa ni Kuya James. Nagpaalam na mag-iikot-ikot raw muna sila ni Kuya James to greet other relatives na matalga na nilang hindi nakita. Tumingin lang ako habang naglakad paalis sina Kuya James at si Janet. Nung malayo na sila, napabuntong-hininga na lang ako.
Whoosh! Nakahinga rin!
Janessa: What happened? Namumutla ka. :P
Lokong toh... Pigilan ba raw ang tawa!
Ako: Langya, ginisa ako eh! Manok na lang ang kulang, ulam na ko!
Janessa: (natawa) Chill out. Curious lang talaga mga tao dito syo, kase ngayon ka lang nila nakita.
Mga? Mga tao? Wait a minute!
Janessa: (turo sa likod ko) Oh, ahyan na sina tita. Papalapit na dito. (tingin sa'kin) Mukhang ikaw ang target, horsey.
Umikot ako para tumingin, at ahyun nga, may papalapit!
Ooohhhh hindeeeeeeeeeeee!!!!!!!
Puso ko... whoooo!!! Ahyan na! Tumalon na!
Langya, sobra kabahan noh? :P
Chapter 19: (Janessa's POV)
Wahehehe... mukhang konti na lang eh mahuhulog na sa upuan nya si Joshua... Wawa naman. Hala, malay ko bang sobra pala kung kabahan toh... Eh nananapak nga't lahat... Meet the family lang, matutunaw na! wahahahaha
Joshua: B-bakit ba ko nandito? Ipapa-assassinate yata ako eh!
Nyekz... ano raw? Hala, nagdedeliryo na.
Ako: Sira! Anong assassinate? (subo ng leche flan ko) Ehwan ko nga rin ba eh... Basta sabi ni mommy dalin daw kita.
Joshua: Mommy mo nag-imbita sa'kin?
Ako: Yeah. Sa tingin mo ba eh isasama talaga kita dito? Eh di naman kita bf noh. (silip sa likod nya) Husssh na... Nandito na sina tita.
Biglang nag-straighten ng upo si Joshua... Hmmmm... interesting~ Mukhang mag-eenjoy ako sa panonood ng conversation na toh ah!
Baka dapat kumuha na ko ng balde para sa pawis ni Joshua.
Inubos ko na kagad ung leche flan ko, tungga ng tubig, sabay nagrelax sa upuan ko. Saktong dating nina Tita Lisa at ni mommy.
Ladies and gentlemen, please take your seats! Magsisimula na ang show!
Tumungga rin ng tubig si Joshua nung naupo si mommy sa tabi nya, tapos si tita tumayo sa tabi ko.
Mommy: (ngiti kay Joshua) Ah, ikaw pala ung sinasabi ni Kristine na laging kasama ni Nessy.
Huh?
Note to self: sakalin si Kristine.
Lokang un... itsismis ba ko sa nanay ko.
Tita Lisa: (tingin sa'kin) Janessa, lika, samahan mo ko sa mga lola mo, at kukunin ko na si Tristan.
HUwaaattt?!?! Kukunin mo ko and miss all this excitement??! Tita naman... Yaan mo na muna ung anak mo dun.
Wahehe... Bait noh?
Tumingin ako sa tita ko, tapos kay mommy, tapos kay tita uhlet -- wag na tignan si Joshua.
Ako: But, tita...
Mommy: Sige na, Nessy... Don't worry, di ko naman kakainin tohng kaibigan mo.
Hala... Kainin mo na, bastah ba makita ko.
Syempre, dahil masunurin akong bata, tumayo ako at sumunod kay tita papunta sa kabilang dako ng room. Lumingon lang ako sandali para tingnan si Joshua.
Wahahahahaha... mukhang hihimatayin na oh! wahahahahaha... Kulang na lang sabihin, "Nessy!!! Don't leave me!" wahaahahahaha
Tita Lisa: So, nakausap mo na ba si Kristine?
Hopia! Balik tingin...
Ako: About saan poh?
Tita Lisa: Sasama na sya sa'min pabalik ah
Ako: Ng States?!
Avah, wait a minute! Sasakalin ko pa un eh!
Tita Lisa: Yes. Gusto kasi ng lolo nya dun na sya sa States magtapos ng college. Kaya ahyun, pagbalik namin bukas, kasama na sya.
Aba'y lokang un! La man lang sinabi sa'kin!
Ako: Gosh...That means ako na lang mag-isa sa apartment.
Tita Lisa: (natawa) We'll see...
Hmmmm? Ohkkkkaaaaaaaaayyyyyyyyy.... Mukhang may na-miss ako sa mga discussions sa world ah...
Pagdating namin kina lola, nakipagchikkahan lang kame sandali, kinuha ung bulilit na si Tristan, tapos, umikot na para bumalik kina mommy. Sinusubukan ko wag masyadong magmadali. Baka mahalata na excited ako manood ng kung ano pa mang show ang aabutan ko sa conversation nina horsey at ni mommy.
Pagbalik namin, ngumiti si mommy kay Joshua, tapos tumayo na.
Mommy: It's really nice meeting you, Joshua. (tingin sa'kin) You, mag-uusap tayo mamaya sa bahay.
Di pa man ako nakakasagot, umalis na sila ni tita. Anoh ba yan... Di ko na nga inabutan ung show, mukhang may heart-to-heart pa kami ng mother ko mamaya. Naupo kagad ako sa tabi ni Joshua.
Ako: Anong pinag-usapan nyo? Ano nangyari?
Joshua: La na... Ulam na ko... T^T
Ako: Ano?
Joshua: Langya, nilagyan ako ng manok, toyo, mantika, at tubig! Sandamakmak na tanong sa interview ang natanggap ko!
Ako: Eh?
Joshua: Oo nga! (hila ng konti ung sleeve ko) Nessy... Uwi na tayo... Kinikilabutan na ko eh...
Ako: Sira! Kakarating lang naten eh. Tsaka relax ka lang. Mga nag-ffeeling close lang yang mga yan.
Sinimangutan ako ni Joshua. Iiyak na yata talaga. :P Binalik nya ung atensyon nya sa pagkain nya. Ako naman, napatingin sa direksyon nina mommy.
Anoh nga bang nangyayari?
Chapter 20: (Janessa's POV)
Approximately 7 PM, nagsimula nang mag-uwian ang mga people. Sina mommy at daddy dun sa isang kotse sumakay. Si Joshua, Ate Janet, at si Kuya James nasa kotse ko. Si ate tahimik na natutulog sa tabi ko; samantalang ung dalawang lalake na nasa likod... Nagpapasaway.
Naglalaro sila nung ung hinuhuli ung kamay nung isa para hampasin. Ang gulo nga eh... Ayaw kaseng magpatalo pareho, ang ingay-ingay nilang dalawa. Himala na nakatulog pa si ate sa sobrang skandalo nung dalawang lalake sa likod.
Pak!
Joshua: Wahahahaha!!! Panalo ako!!!
Kuya James: Hala! That's not fair! Di pa ko handa eh! Isa pa! Isa pa!
See what I mean?
At imagine, isang oras poh kameng nagbbyahe...
Buti na lang di pa napuputol mga kamay ng mga toh.
Pagdating namin sa apartment (sa wakas! SA WAKAS!), pinapasok ni mommy si Joshua sa loob. Labag man sa kalooban nya dahil gustung-gusto nya nang lumayo sa mga magulang ko. May kung anong trauma yata tohng kabayong na toh sa magulang at pamilya nang ibang tao eh.
Pagkapasok na pagkapasok namen, inupo kagad kami ni daddy sa living room. Sina kuya at ate, dumiretso kagad sa kwarto na tutulugan nila. Pareho na yatang inatake ng jetlag. Napatingin ako kina mommy at daddy. Mukhang seryoso ang mga mukha...
Teka... anong ginawa ko? Bakit parang sermon ang aabutin ko?
Ako: Okay, dad, kung ano man un, I didn't do it!
Daddy: Ano ka ba? Masyado kang defensive.
So wala akong ginawang masama... Bahket ako inupo dito? Kasama pa tohng horsey na toh sa tabi ko?
Joshua: (bulong sa'kin) Dinamay mo pa ko... Anong ginawa mo?
Ako: Sira! Wala akong ginagawa noh! Baka ikaw!
Umupo sina mom at dad sa couch sa right namin. Nanahimik kami kagad ni Joshua – parang naghihintay nang kung anong sintensya. Eh wala naman kaming ginawang masama... di ba?
Mommy: Janessa... Siguro naman alam mo nang sasama na pabalik si Kristine sa States?
Ako: Yeah. Kanina nga lang eh.
Joshua: Aalis na si Tin?
Ako: (tingin sa kanya) Kakasabi lang noh?
Joshua: Nililinaw ko lang. Bahket ba taray mo? (biglang tingin sa parents ko) Just stating the obvious.
Natawa si daddy. Tama ba un?! Di ba dapat pinagtatanggol nya ko?
Mommy: So, anyway, pinayagan ka namin na dito mag-aral kasi may kasama ka sa apartment at may magbabantay syo.
Anong bantay!? Pinalaboy nga ako ni Kristine eh!
Mommy: And since aalis na si Kristine, you have two choices...
Uh-oh... Choices... I don't like the sound of this.
Daddy: It's either babalik ka na rin ng Chicago --
Joshua: (napatayo) What?!?
Napatingin kaming tatlo bigla sa kanya. Exagge? Na-realize rin yata ni Joshua na masyado syang napa-overreact. Namula bigla ung mukha nung kabayo habang dahan-dahan bumalik sa pagkakaupo nya. wahahaha
Joshua: I mean, ahem, that's your call. So, uh, yeah... whatever.
Wahihihi... namumulang horsey! wahahaha
Ako: (balik tingin kay dad) I don't want to go back yet.
Mommy: That's what we figured. So, we have another option for you... Take it or leave it.
Ako: Okay..?
Mommy: Kinausap naming mabuti si Joshua kanina to get to know him better. Sa tingin naman naming, mukha naman syang mabait, matino.
Matino?!?! Nababaliw na ba kayo?!? Anong matino dyan sa taong yan?!?
Wait nga, saan ba punta nito?
Daddy: So, ang other option namin is... (ngiti sa'kin) that you live with Joshua! :D
Ako at si Joshua: (napatayo) WHAT?!?
Mommy: Isn't that great? :D
Oh my golay...
Ako na yata ang hihimatayin!
Chapter 21: (Joshua's POV)
Isa lamang itong masamang panaginip at maya-maya, gigising na ko...
Huy! ehto na ung oras na gigising ka!
Waaaaaaaaaaaaaahhhhh... Walang nangyayari! Ibig sabihin ba totoo ang lahat nang ito?! Gising ba talaga ako?!
"Huy! Mas nagmumukha kang horsey pag ganyan mukha mo."
Tiningnan ko nang masama si Janessa. Sasakalin ko na tohng babaeng toh eh... Horsey?!? Ang gwapo-gwapo ko!
Janessa: Ooooohhh... Ang taray ng look. Parang mangangain~
After ng isang intense na discussion ng future plans, pinakawalan na rin ako nang mga magulang ni Janessa. Na-realize ko kung saan namana ni Janessa ang pagiging pasaway nya. Kahit anong sabihin ko, ayaw patinag nung mga magulang nya. Basta ganun daw ang plano. Kahit ilang buwan lang raw mag-stay si Janessa, at kung di ko pa rin makaya na nakatira kami sa iisang bubong, tawagan ko lang raw sila – ipapa-ship nila si Nessy pabalik nang Amerika. Parang kung anong electric gadget lang na may trial period... :P
Kung ano pang bola-bola ang ginawa sa'kin, kaya kinatapusan, wala na kong nagawa kundi bumigay sa gusto nila. -__-
Sinamahan ako ni Janessa sa labas nung apartment nila – kahit na pinilit kong ok lang na hindi nya na ko samahan. Eh pasaway nga kaseh, kaya kahit anong kontra ko, sumama pa rin sya.
Janessa: Hey, don't feel so bad. It can't be that bad, lalo na since pinagkatiwalaan ka kagad ng parents ko, which is very weird considering that you're a guy...
Ako: Ano ka ba?! Di ka man lang ba na-papanic sa lahat ng toh?!
Janessa: (napaisip) Well, yeah... Pero mas ayoko naman bumalik pa ng Chicago noh. If that's the only way to stay, then kahit daga pa kasama ko sa bahay, titira pa rin ako dun!
Umabot na kami sa dulo nung kanto. Tumigil ako sa paglalakad sabay tingin sa kanya.
Ako: Sige na bumalik ka na... Baka mahaltak ka pa ng kung sino.
Janessa: Nakz, horsey, concern ba itoh?
Bubwit na babae toh!
Ako: Hinde noh! Eh kung ako pa sisihin ng mga magulang mo pag nawala ka?! Umuwi ka na nga!
Janessa: (natawa) Hinga muna. Masyado kang high blood. Sige na nga. See yah tomorrow, horsey!
Ako: Joshua! Joshua pangalan ko!
Tumawa lang uhlet sya habang naglalakad pabalik sa apartment nila. Syempre, dahil gentleman ako –at hindi kabayo – hinintay ko hanggang sa makapasok sya dun sa building nila. Ehwan ko ba naman dun kung bahket pinagdidiinan nyang horsey ang itawag sa'kin. Pag di ka nga naman hinigh blood sa babaeng un...!
Ngayon pa nga lang na sandali lang kame magkasama, tumataas na lebel dugo ko.
Ano na lang ang mangyayari kung titira pa kami sa isang bahay?
Chapter 22: (Janessa's POV)
"Nessyyy?"
Poof!
Biglang dumilat ang mga mata ko – at nasilaw sa araw na bumubuhos sa bintana. Argh! Blindness! Pero di ko hahayaang makalagpas ang pagkakataon na toh para tadtarin si Kristine!
Tumalon ako mula sa kama, sabay takbo papunta sa front door, kung saan nakita ko si Kristine na kakapasok lang... Bihis na, mukhang on the way na sila sa airport.
Hmp! Buti naman at naabutan ko pa!
Ako: May super duper big kang kasalanan sa'kin!
Kristine: (napa-stepback) Hopia! Ano nanaman ginawa ko syo at handang-handa ka nang sugurin ang beauty ko? (ngiti) At mukhang kakagulong mo lang sa kama ah...
Ako: Shuddup!
Kristine: (napatawa) Okay, okay... Sige na nga...
Nasa living room na ang mga magulang at mga kapatid ko – mga last minute packing ng kung anu-anong gamit. Dumiretso kami ni Tin sa kwarto ko para makapag-usap nang may konting privacy. Pareho kaming umupo sa kama ko.
Ako: Okay... Anong ginawa mo? Anong sinabi mo kina mommy?
Kristine: Well, sabi nila, since mawawalan ka ng kasama, ibabalik ka na lang raw nila sa Chicago... And I know naman na ayaw mo nun since kakarating mo lang, and besides, mukhang nag-eenjoy ka pa dito.
Ako: And?
Kristine: Wala naman akong ibang maisip na tao na, bukod sa capable na protektahan ka, eh ung feeling safe ka and mag-eenjoy ka pa.
Ako: And si Joshua pumasok sa isip mo?!
Kristine: Yeah!
Ako: Nag-isip ka ba talaga?!?
Kristine: Hoy, noh ka ba? Kahit ganon kapasaway un, di ka pababayaan nun noh.
Ako: At pano mo naman napapayag sina mommy na patirahin ako dun?
Great... Malalaman ko pa yata na mangkukulam ang pinsan ko.
Kristine: That's easy! (ngumiti sya sa'kin) Well, alam mo ung mga speculations na pag gwapo, 85% of the time, ang nangyayare eh vaklush ung papable na un?
Uh-oh...
Kristine: Well... Ginamit ko un.
Ako: Oh my golay!!! Sinabi mong vaklush si Joshua?!?
Kristine: Yeah! Ang saya noh? ^o^
Uhhhh... Nahihilo yata ako...
Kristine: Nakuha ko ung idea na un syo. Kinukwento mo di ba sa'kin dati na napagkakamalan mo yang horse ng knight in shining armor mo na vaklush... Kahit hinde naman. So, ginamit ko lang ung kwento mo. Sinabi ko lang sa kanila na medyo tinatago pa ni Joshua ang kanyang pagka-member sa federasyon, kaya di pa halata na vaklush sya.
Kaya pala pumayag sina mommy na patirahin ako kina Josh... Kala nila pareho kami ng preference ni Joshua!
Kawawa naman si Joshua... Una, horsey... Tapos ngayon, vaklush na... -_____-
Prfft..
Bigla akong tumawa nang tumawa. Nag-sink in na ang information. Kung iisipin naman talaga, ay! hahahahahahaha
Kristine: Hmmm... Guess you finally found the humor in that ha?
Ako: (tawa) Buti na lang – aalis ka na... Pag nalaman ni Joshua ung sinabi mo tungkol sa kanya – nako poh, patay ka!
Pero in fairness, ang talino ng insan ko! hahaha... Baklang kabayo! hahaha
Kristine: So are we cool? Bati na tayo bago man lang ako umalis.
Ako: Yeah sure. You did manage to come up with something para maiwan ako dito.
Kristine: Weeehee!!!
Bigla nya kong niyakap – tapos biglang bitaw sa'kin at tingin sa'kin nang baba taas.
Kristine: Bagong gising ka talaga noh? Di ka pa naliligo! Baho-baho mo na!
Ako: (binatukan sya) Baka gusto mong magka-gyera dito!
Chapter 23: (Joshua's POV)
Ding! Dong!
Napabalikwas ako sa upuan nung narinig ko ung doorbell. Sino naman kaya toh? Aga-aga eh nambubulabog. Storbo pa sa pagkain ko. Iniwan ko ung pansit canton sa mesa para buksan ung pinto.
All the while, nagrereklamo pa sa mga taong hindi makapaghintay nang hapon bago bumisita.
Pagkabukas ko nung pinto, I wish na hinayaan ko na lang ung doorbell.
Ako: Anong ginagawa mo dito? Kala ko ba aalis ka na?
Si Kristine... All dressed-up na ng warm clothes... Mukhang on the way na sa airport.
Kristine: (tinulak ako para makapasok sya) Yeah, yeah... Parang kang si Janessa eh, tinataboy na ko. Gusto ko lang makita kung anong itsura nung titirahan ni Nessy noh.
Hinayaan ko na syang pumasok, amazona toh eh. Parang naming may magagawa pa ko, eh nasa loob na sya.
Ako: Kakasimula ko lang ayusin ung kabilang kwarto... Kaya malamang, dun muna sya matutulog sa kwarto ko.
Kristine: (biglang tingin sa'kin) Ano?!?
Ako: Relax... Di kame magkasama noh. Sa sofa na lang muna ako matutulog.
Kristine: Ahhhh... May pagka-gentleman ka naman pala eh.
Tiningnan nya ung kwarto na inaayos ko, tapos pati kwarto ko, sinilip na rin nya... Parang supervisor ang dating. Nung nasayahan na sya sa inspection nya, bumalik kami sa living room.
Kristine: Okay.... Di naman talaga ako pumunta dito dahil sa kwarto.
Ako: Makikikain ka?
Kristine: Sira! Hinde noh! (deep breath) I just wanna warn you.
Ako: Bakit? Nagiging aswang ba si Nessy tuwing gabi?
Kristine: Anoh ba?! Makinig ka nga!
Sabi snyo amazona toh eh!
Kristine: Birthday na ni Janessa next week.
Ako: Anoh?! Mag-ppaparty pa ko?!
Tinignan nya ko nang masama. Nanahimik kagad ako. Sabi ko nga, makikinig muna ako eh.
Kristine: Stand by her, Joshua. Magiging mahirap ung araw na un para sa kanya.
Ako: Bakit? Kaseh pinanganak sya? o.O
Kristine: ....Ha? Ang gulo mo kausap! (bigla naging seryoso ung mukha nya) All I'm saying is, cheer her up that day. Wag mo syang papabayaan.
Bago pa man ako makapag-salita, balik nanaman sa pagiging bouncy si Kristine. Wala pa kong natatanong o kahit ano, nag-goodbye na kagad at nakalabas na nang pinto. Baka raw ma-late pa sya sa flight nila. Parang multo lang na nakidaan at nanggulo ng utak.
Hmp... Ano nanaman kayang meron?
Talagang ilang taon ang tinatanda ko everyday dahil sa meatball-head na un eh!
Chapter 24: (Janessa's POV)
Ehto na... Thiz iz it! Thiz iz really iz it!
Lumipas ang dalawang araw kong pag-iimpake, at ehto na... WaaaaaaaaHHH!!! Nandito na ko sa pinto ng apartment ni Joshua. *sniff* mommy--- Ay teka. Si mommy nga nagpadala sa'kin dito. Mabait na ina.
Oh well... Since nandito na rin naman ako, eh lubus-lubusin na natin ang pambubulabog sa buhay ni horsey.
Ding! Dong!
1...
2...
3..
Ang tagal!
Press uhlet ng doorbell. La lang, para lang mataranta ang tao sa loob. buwahahahaha
Ding! Dong! Ding! Dong! Ding! Dong! Ding--!
"Oo na!!! Sandaleeee lang!!!"
Wehehehe... Napikon nga.
Pagbukas nung pinto...
Ako: Good morning, horsey! :D
Joshua: (nanlaki mata) Anong ginagawa mo dito?!?
Ako: Uh, hello? New roomie?
Joshua: Oh. Yeah. *sigh* Kala ko pa naman pag natulog ako, mawawala na lahat un. (tingin sa likod ko) Sinong naghatid syo?
Ako: (pumasok na) Wala poh. Umalis na sina mommy papunta sa airport... So, ako naman, eh pumunta na dito. San poh kwarto ko?
Tinuro ako ni Joshua dun sa isang kwarto na medyo malapit sa kusina. Pagpasok ko, tingin kagad sa paligid. -___- Bakit may gamit na? Tumingin ako kay Joshua na nilalagay ung iba kong maleta dun sa isang sulok ng room.
Joshua: Dito ka muna sa kwarto ko habang di pa ayos ung kabilang kwarto.
Kwarto mo?!?
Tumingin sa'kin si Joshua. Napansin nya yata ang horror sa face ko.
Joshua: Wag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano dyan! Sa living room muna ako matutulog noh. Tsk Green-minded ka masyado eh.
Hala! Binato ko nga sya ng unan!
Ako: Anong green-minded?!? White na white ang mind ko noh!
Tinawanan nya lang ako. Psh. Kala nitohng kabayo na toh...
Tumingin ako uhlet sa paligid. Lumapit ako sa bintana para tignan ang scenery sa labas nang may napansin akong gumagapang-gapang sa windowsill.
Ako: Uuuuy... gagamba oh..
Joshua: (biglang napatakbo sa tabi ko) Nasan?!? Teka! Papatayin ko na habang maliit pa!
Ako: (hinawakan ung kamay nya) Hoy! Ano ka?! Bakit mo papatayin?!
Joshua: Eh gagamba eh!
.....Best argument ever noh?
Ako: Wag na. Maliit lang naman. Tsaka pabawas rin yan ng kung anu-anong insekto.
Joshua: Hinde na noh! I-evacuate mo na lang sya sa kwarto mo pag tapos na! Ayokong may gagamba sa kwarto ko!
Napatitig ako sa mukha ni Joshua... Then, na-realize ko ang nangyayari. Napangiti akong bigla.
Joshua: (napastepback ng konti) A-ano n-naman?
Ako: Pft! (turo sa kanya) Takot ka sa gagamba! XD
Joshua: Ano?!?
Ako: Tsk tsk. San ka pa nakakita ng horsey na takot sa gagamba? Panalo ka, horsey! One in a million!
Joshua: Hinde ako takot sa gagamba!!! At anong HORSEY?!?
Ako: (tawa) Relax ka lang. Binibiro ka lang eh.
Joshua: Horsey... horsey... di naman ako horsey!
Ako: Sige na, sige na. Hinga muna, horsey -- este, Joshie, hinahigh blood ka nanaman.
My golay... Ang init ng ulo ni horsey... Kayanin nya kaya ang powers ko? Baka naman maagang ma-heart attack toh sa'kin! wahehehe
Chapter 25: (Joshua's POV)
Pag-uwi ko nung gabing un, nagulat ako nang makita kong bukas pa ung ilaw sa living room, pati ung TV bukas din... Gising pa si Janessa? Halos mag-aalas dose na ng umaga ah!
Dahan-dahan kong sinara ung pintuan, ni-lock, tapos lumakad papunta sa living room.
Sssh! Manggugulat lang ako... ;D
Kaya ahyun, tiptoe-tiptoe papunta sa couch kung san nakahiga si Nessy...
1, 2 --
Biglang umupo si Janessa tapos umikot para tingnan ako.
Ako: WAAAAAAAAAaaaaaaaHHHHHhHH!!!!!! Maligno!!!!
Yoko pa mamatay!!! WAaaaAAAAAAAAAhhhHHHH!!! Janessaaaaaa!!!
Pak!
Langya, kapal ng mukha ng malignong toh! Batuhin ba ko ng unan?!?
"Anong maligno?!?"
Binuksan ko ung isa kong mata, tapos tinanggal ung kamay ko sa mukha ko... Shucks, si Janessa pala ung maligno. :P Bakit puting-puti mukha nito?
Ako: Langya! (napahawak sa puso ko) Gusto mo ba kong atakihin sa puso?!?
Janessa: Sira! Sino bang may sabi syong magsisigaw ka dyan?
Ako: (umupo sa tabi nya) Ano ba yang nasa mukha mo?
Janessa: (hinawakan nya ung mukha nya) Facial mask. Nag-ddry kaseh ung mukha ko eh... Binigay toh sa'kin ni Richie kanina sa school... Effective na moisturizer raw.
Ako: Naniwala ka naman dun sa bading na un?
Janessa: Oo naman!
Nanahimik kami sandali. Pinapakalma ko muna ung puso ko. Napatingin ulit ako sa kanya at napansin ko na bumabagsak-bagsak na ung mata ni Janessa. Kulang na lang eh saluhin ko at ibalik dun sa butas. Kinuha ko ung remote sabay patay nung TV.
Ako: Bakit ba gising ka pa? Halos madaling araw na oh, matulog ka na nga.
Janessa: Hinihintay ka. *yawn*
Ako: Eh? Bahket?
Janessa: (binatukan ako) Loko! Eh kanina pa natapos klase mo di ba? Kanina ka pa dapat nandito!
Ako: Aray naman! Anoh ba?!
Janessa: San ka ba galing?
Ako: Eh di san pa? Eh di kina Paolo.
Janessa: Bakit di ka man lang nagtext?
Ako: Bakit pa?
Janessa: (tumayo) Para naman di ako nag-aalala. Remember, hindi na lang ikaw mag-isa ang nakatira dito noh.
Hmm??!
Pumasok si Janessa sa banyo. It's either mali sya ng pasok at doon sya matutulog, o mag-CCR lang talaga sya. Maya-maya, lumabas na uhlet sya, nagmumukha nang tao – wala na ung facial mask nya. Naghilamos yata. Hindi na sya mukhang maligno. Medyo mukhang nagising-gising na rin.
Umupo si Janessa sa tabi ko, sabay tingin sa orasan. Narinig ko pang nagbuntung-hininga... Tapos tumingin sya dun sa gitara na nakasabit sa isang sulok...
Janessa: Bakit di mo ginagamit ung gitara mo?
Ako: Wala lang.
Janessa: Ano yan? For display purposes only?
Ako: Parang...
Janessa: Will you play one song for me? Pleeeeaaaassse?
Ako: Hala! At bahket?!
Janessa: Kailangan ba ng reason!?
Napatingin uhlet sya sa relo. This time, di na umalis ung tingin nya. Anoh naman kayang tinititigan nya sa oras? Hindi ba sya sanay na makita na mag-aalas dose na? Dapat ba tulog na sya nang ganitong oras?
Whoa!
Napatayo akong bigla nang mag-vibrate ung cellphone ko sa bulsa ko. Biningwit ko at tiningnan kung sinong hinayupak ang nagtetext sa'kin.
Okay. Di pala text. Reminder lang.....
Janessa's Bday!
Ah. Kaya pala.
Tumingin ako kay Janessa na nakatingin din sa'kin.
Oh, birthday nya na... Anong gusto nyang gawin ko?!
Ako: Uh...happy birthday?
Tiningnan lang ako ni Janessa. Nagiging alien ba ko o ano? Bakit ganyan sya makatingin?
Inalis nya ung tingin nya sa'kin at tumahimik ulit ang buong mundo. Ang awkward.
Sige na, Joshua! Magtanong ka na!
Hala! Yoko nga! Eh kung kagatin ako nyan?!?
O kaya baka bigla akong tabunan ng spaghetti na may meatball?!?
Naririnig mo ba sarili mo?
Ako: Uh, ahem... Ano bang meron sa birthday mo? May nabanggit yata si Tin bago umalis, pero di naman nya sinabi kung anong meron.
Janessa: Gusto mo malaman?
Ako: Magtatanong ba ko kung ayaw ko---?! I mean, *ahem* kung gusto mo lang naman sabihin.
Janessa: I don't mind telling you... pero...
Ako: Ano?
Janessa: (biglang ngiti) Play the guitar and sing me a song muna. :D
Hala!
Ako: Di ko na nga ginagamit yang gitara na yan...
Janessa: Yup, just as I figured. Oh well---
Patayo na sana sya nang bigla kong hinablot ung braso nya, kaya un, napaupo uhlet.
Haaaaayyy... mga ginagawa ko nga naman dahil sa curiosity...
Tumayo ako at kinuha ung gitara, tapos umupo ulit ako sa tabi nya. Tumingin sya sa'kin na parang hinihintay na ibaba ko ung gitara at hayaan na syang umalis. Nag-eexpect yata ng miracle o kung ano.
Sayang lang, mataas ang pride ko (at ang morbid curiosity ko).
Ako: Okay... Anong kanta gusto mo?
Janessa: Hm?! Seryoso ka?!
Chapter 26: (Janessa's POV)
Totoo ba itich? Ganun-ganun lang, papayag na syang i-play ung antique na gitara na un na model ng pader nya? Ava'y lakas naman pala ng hatak ko dito eh! nyaha
Tinitigan ko si Joshua na nakatitig din sa'kin habang naka-posisyon ung gitara nya sa lap nya.
Joshua: Oh, ano na?
Ako: Sige na. Ikaw bahala.
Joshua: Sigurado ka?
Ako: Oo na nga.
He shrugged his shoulders, then pumosisyon na ung mga daliri nya sa chords. O_O Talagang tutugtog si kuya. Napatitig ako sa kamay nya..... Halata bang masyado akong atat na marinig ung tutugtugin nya?
Joshua: Ay, teka.
Poof!
Naputol ang concentration ko. -___- Naman.
Ako: Anoh nanaman?!
Joshua: Relax ka lang dyan. Mag-totono muna ako.
Nyekz! Yan kaseh, ginagawang decoration ung gitara eh. Syempre, anoh pang magagawa ko kundi maghintay. Inaantok na ko, bago pa makatugtog tohng taong toh. -___-
Pero in fairnes, "Stay" yata ni Lisa Loeb ung pang-tono nya (kung tama ung rinig ko). Ahyuz noh?
Maya-maya, after 10 years, ngumiti na sya.
Joshua: Yan na! Tapos na! Kakanta na ko!
Ako: (pikit mata) Oo na, sige na... Kumanta ka na nga lang... Dame mo pang ka-eck-eckan eh.
Salbahe noh? Kunwari di ako curious. hahaha
Joshua: Okie pyn. Ahem!
G D7 G
Mary had a little lamb, little lamb, little lamb
G D7 G
Mary had a little lamb, it's fleece as white as snow--
Langya! Napabukas bigla ung mata ko!
Ako: Ano ba namang kanta yan?!?
Joshua: (tumigil sabay tingin sa'kin) "Mary Had A Little Lamb". Di mo alam un? o.O
Ako: Kung nandito ung lamb ni Mary, kanina ko pa binato syo! Kala ko pa naman tutugtog ka ng kung anong matino.
Joshua: Sabi mo kahit ano tugtugin ko. Buti nga pinagbigyan pa kita eh. Tinakwil ko na pagtugtog ng gitara simula nung umalis si Trixie.
Ako: Si Trixie nanaman? Ano ba naman yang buhay mo? Masyado kang kumakapit dun, pati ung isang bagay na gustung-gusto mong gawin pinagtatakwilan mo. Anoh ba?! Tingin mo may sense yang pagtigil mo!?
Nakz! Speech! nyaha! ;D
Joshua: (bulong) Di naman. Sya lang kaseh nagbigay ng gitara na toh eh...
Suz my golay sa palayan! Un lang pala!
Ako: Ano ka ba?! Ang gitara, binigay para tugtugin noh. Kaya nya binigay yan para naman i-continue mo ung music mo kahit wala na sya. Common sense naman.
Joshua: Hala, binigay nya toh dahil sinabi ko sa kanya noh.
Ako: My golay! Anong ka-senti dun?! Eh hiningi mo naman pala yan.
Gulo rin ng lahi nito. Kaloka!
Joshua: Ang lakas mo mang-trip, parang ikaw wala kang kinakapitan sa nakaraan mo ah!
Ay! Sapul to the heart! Napatahimik ako. Naka-homerun si horsey, tinamaan ako.
Ako: . . . Sorry.
Napatingin ako sa paa ko sabay pahid ng luha. I know, ang bilis. Pasensya na, time of the month. Sensitive ang beauty ko. ;D
Joshua: Hala!!! Umiiyak ka ba!?! (pinagpapawisan yata bigla) B-baket?! Wag kang umiyak! Sorry na! O.O
Ako: Kaseh naman eh! I'm just trying to point out something syo, bigla mo kong dinadamay!
Joshua: Oo na nga. Na-turo mo na. Tahan na. O_O Anoh ba kaseh nangyari at pati birthday mo eh katakwil-takwil syo?
Ako: . . . . My sister died because of me.
Joshua: Eh?!?
Haaaaaaaayyyy... Ehto nanaman tohng story na toh. Itz hurtz talaga! Gwabeh!
Bakit ba kailangan balik-balikan?!
Joshua: Ano nangyari?
Sumandal sya sa likod nung couch para makinig sa'kin. Parang all-set na sya sa isang mahabang storytelling time. Ahyoz noh? Hatinggabi at ehto kame, nag-heart-to-heart.
Ako: (deep breath muna) We were twins -identical. As in! Kahit si mommy nga, nalilito sa'min kung minsan. hehe Sarap tuloy pagtripan nung mga tao. We were known as the "Art" and the "Music" sa family namin. Ibang klase ang talent ni Jeanie sa art. Kahit nung bata pa lang kame, sobrang vivid na nung mga details nung mga drawings nya. Kaya ang ginawa ni mommy, pinasok ako sa music school, tapos si Jeanie sa art school.
Pause muna. Bumabalik ang mga memories... Ganito pala ang ibig sabihin ng flashback. Parang nanonood ng movie sa utak mo.
Ako: As usual, may pagkapasaway nanaman ako... May nakilala akong guy from the mall, and he wanted to meet with me again sakto nung day ng academic entrance exam ko. Syempre, ako naman tohng timang, pumayag kahit na alam kong may exam ako. I asked Jeanie kung pwedeng sya na lang kumuha nung exam para sa'kin. Pumayag naman sya, basta ang deal namin, mag-sshopping daw kame the next day. (natawa) Ang babaw kase nung kaligayahan nun eh. Kahit walang pera, sige, punta sa mall. And besides, birthday namin the next day...
Joshua: Go on...
It's odd. Nakikita ko talaga sa utak ko ung events habang kinukwento ko. Lalo tuloy akong nagmumukhang basang basahan sa kakaiyak.
Ako: Pagdating ko nung gabi, nagtataka ako kaseh wala pa rin si Jeanie. Supposedly, dapat hapon pa lang, nasa bahay na sya. Hindi naman sya lakwatsera, and I'm sure sasabihin nya sa'kin kung may pupuntahan sya. Sabi ni Ate Janet – sila lang kase ni Kuya nakakaalam nung switch naming ni Jean – simula raw nung umalis si Jeanie to take my exam, di pa rin bumabalik. Then, biglang nag-ring ung telepono. Northwestern Memorial Hospital....
Naku, bumukas na yata ung dam sa mata ko. Parang lalong bumilis ang tulo ng mga luha ko.
Ako: Sinugod daw si Jeanie sa hospital that afternoon..... And she was dying. Sumugod kagad kami nina ate sa ospital habang tinawagan ni kuya sina mommy. Pagdating namin sa ospital, nasa emergency room pa rin si Jeanie. *sniff* S-sabi nung guy na nagdala sa kanya dun, nag-crash raw ung car ni Jeanie with a truck on her way pauwi. *sniff* It was so bad daw na ilang oras sinubukan tanggalin si Jeanie from the driver's seat. Her car was a total wreck. Isa siguro ung guy sa mga tumulong kay Jean.... His clothes were covered with blood....
Jeanie's blood...
Ako: After ilang hours sa emergency room, may lumabas na nurse. Hinahanap daw ako ni Jeanie... Nag-give up na yata ung mga doctors nung time na un, kaya nakinig na sila sa gusto ni Jeanie. When I went inside... My God... I thought, "That can't be my sister." She was bloody everywhere... Ung buhok nya, ung mukha nya, her arms, her legs... Lahat!
I paused as I relieved that horrible moment. Never ko na yata makakalimutan ung itsura ng kakambal ko nung panahon na un.
Joshua: Nessy... Kung ayaw mo nang ituloy, I understand.
Ako: No, no. Ngayon ka pa magpapatigil, nasimulan ko na. Anyway, I was just so scared. Lumapit ako sa kanya. I wanted to touch her, pero natakot ako. She looked so fragile. I realized kung bakit nag-give up ung mga doktor. She was losing too much blood... (smiles weakly) And when I stood next to her... Jeanie tried to smile at me. Then, sya pa ang nag-sorry! Sya pa ang nag-sorry....
Joshua: Janessa...
Ako: Sabi nya it seems like hindi na raw kami makakapag-shopping. Sayang raw... *sniff* Sabi nya, "Sorry I won't be able to buy your gift." She was thinking about me! She was dying, and all she was thinking about was my stupid birthday gift!
My twin sister... She was so stupid. Dapat ni-reserve nya na lang ung energy nya, na imbis labanan nya ung mga doktor para tawagin ako, dapat lumaban sya para tulungan ung mga doctor na i-save sya.
And now, she's gone. Gano nga ba katagal na hindi ako makatingin ng salamin dahil every time na titingin ako, mukha nya ung nakikita ko?
Humagulhol na ko. Ni di ko namalayan na niyakap na pala ako ni Joshua.
Ako: She wasn't supposed to die. Ako ung nag-ask sa kanya to go out that day para lang makapag-meet ako sa isang guy na wasn't even worth any of my time. And -- and it's because of me na she's gone! We did everything together! We were supposed to turn 18 together! Go to college... Live in the dorms... Find nice guys... Tapos, bigla na lang syang nawala! I suddenly felt so alone...
Di ko na take magsalita. I just kept on crying. Happy birthday sa'kin. The first birthday na i-ccelebrate ko alone. Joshua started gently stroking my hair. Ginagawa akong aso... Pero sige na, hayaan na. Comforting naman ung gesture...
Joshua: Lam mo, Nessy, if it means anything to you... Gusto ko lang malaman mo na nandito ako... and I won't let you be alone again.
Hmmm? o.O Anoh yan? Spur of the moment promise? Kinaawan akong bigla?
But still... that was nice di ba? Pwede nang kiligin sandali, di ba? Kung di lang ako masyadong pre-occupied sa depression ko...
Ako: Thank you....
Chapter 27: (Joshua's POV)
Nakatulog si Janessa sa couch pagkatapos ng pag-iyak ng isang dagat ng tubig. Langya, ibang klase rin palang atakihin ng iyak toh! Kala ko mangangailangan na kame ng bangka eh! Pero syempre, pag namatay nga naman ung isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay mo... Di ka nga naman ba maiiyak?
Nung napansin kong tulog na sya... haaaaaaaaaayyy... kailangan ko nanamang magpaka-gentleman. Alangan namang matulog ako sa kama, tapos sya dito, all alone sa living room...
..bakit nga ba hinde? wahehehe
-___- No choice. Mukhang kailangan kong buhatin si Meatball papunta sa kwarto. Bubwit, dito ba naman kaseh matulog. Tinitigan ko ung nakahiga nyang katawan... Measure-measure muna... Mukhang mabigat!
Tumayo ako...
Kailangang mag-stretch! To the left! To the right! Up! Down!
Yan! Game! Oof!!!
Lumapit ako kay Janessa at -- ehto na -- binuhat sya.... Nyekz. O_O Di naman pala ganon kabigat. Sayang ung energy ko pag-eexercise. Binuhat ko sya hanggang sa kwarto ko, tapos binagsak sa kama. Di joke lang. Dahan-dahan ko namang nilagay.
Janessa: (mumbles) Thanks, horsey...
Horsey?! Dapat nga binagsak ko na lang.
Janessa: (bulong) Will you sing something for me tomorrow? Ung totoo... For my birthday?
Ako: Kala ko ba ayaw mong alalahanin na birthday mo?
Janessa: (umikot sa kabilang side ng kama) *yawn* Yeah... But you said you're here na.. So I don't have to worry about it anymore... Di ba?
Ako: Ganon? Teka... Okay na ba syo London Bridge naman?
Walang sagot.
Ako: Oi...?
At ehto ako, kinakausap ang tulog.
Naupo ako sa tabi nya. Wala lang. Tinitingnan ko lang sya matulog. Lam nyo bang ang sarap tingnan ng isang babaeng matulog? Ehwan ko ba... Parang ang peaceful nilang matulog...
Ibang-iba pag gising. wahahahaha
*yaaawwwwwnnnnn*
Halos 1 AM na. Makatulog na nga rin.
Tumayo na ko at naglakad palabas ng kwarto. Bago ko isarado ung pinto, sinilip ko ulit si Janessa.
Mukhang mahimbing na ang tulog.
Ako: Good night, Nessy.
__________________________________________________
Kinabukasan, nagising ako sa amoy ng usok. Pagdilat ko, usok rin kagad ang una kong nakita! Puno ng usok ung apartment!
Oh sh*t! Sunog?!
Napatalon kagad ako. Madapa-dapa sa pagmamadali kong tumakbo papunta sa kusina. Pagpasok ko nung kusina... I should have known kung anong nangyayari...
..si Janessa, nagluluto ng kung ano.
Ako: Anong ginagawa mo?
Janessa: Ei, good morning, horsey! Nagluto na ko ng scrambled eggs, tsaka bacon, tapos dumaan ung pandesal kanina kaya bumili na rin ako. Tapos pinagtimpla na rin kita ng juice. Kain ka na. May pasok ka ba?
Ako: W-wala naman.
Whoa! Full breakfast toh! Napasarap yata si Janessa sa pagluluto. O.O
Naupo ako dun sa dining table, at parang waitress, naglagay si Janessa ng plato sa harap ko, nilagayan nya ng scrambled eggs, bacon, tinabi sa'kin ung pandesal, tapos naglagay na rin ng juice sa baso ko...
Ako: (pinulot ung tinapay) Ganito ka ba araw-araw? O ngayon lang na mukhang maganda ang gising mo?
Janessa: (natawa) Syempre... Ngayon lang! Birthday ko eh!
Mukhang nag-spaced out sya sandali, tapos biglang nagbounce back. Ehwan ko ba kung umaarte lang toh o talagang pinipilit nya lang na kalimutan ung nangyari sa kapatid nya... Ah bastah! Kakain na ko!
Pinanood ko si Janessa habang naglakad-lakad sya sa apartment para buksan ung mga bintana. Ngayon nya lang naisipan magbukas ng bintana kung kailan puno na ng usok ung bahay... Talaga nga naman...
Nung natapos na sya, umupo sya sa harap ko para kumain na rin.
Janessa: Tumawag nga pala si Paolo. (inom ng juice) Mag-barhopping daw kayo mamayang gabi.
Ako: Hmmm?
Janessa: Barhopping raw. Mga 8 yata... Dadaanan ka na lang raw nya.
Ako: Ah. Okay.
Janessa: Sasama ka?
Ako: (napatingin sa kanya) Oo naman. Hihindi-an ko ba naman ang beer?
Janessa: Hmp!
Hala ano nanamang ginawa ko?!
Eng-eng ka talaga, Joshua! Birthday nga nya ngayon eh, tapos iiwan mo?!
Ako: Uh... Ikaw? Gusto mo bang sumama?
Janessa: (biglang tingin sa'kin) Really?
Ako: Oo naman. I'm sure okay lang un sa mga tao.
Janessa: Yay! Sama ako!
Nanahimik kami habang nakain. Nung natapos na kami, ako ang pinaghugas ng pinggan ni Janessa -- kaya pala sya nagluto, ayaw nyang maghugas ng pinggan.
Afterward, since pareho kameng walang pasok nung araw na un, dumiretso kame sa living room para magmuni-muni. Umupo kagad ako sa sofa -- parang ang sarap humilata pag ganitong busog. Pumunta si Nessy sa gitara ko, sabay binigay sa'kin.
Ako: Ano? Papatapusin mo na ung "Mary Had A Little Lamb" ko?
Janessa: (umupo sa tabi ko) Sira! Play something real naman... Please? Birthday ko naman eh. :D
Weehhhh.. Kinakarir ang paghingi ng kanta.
Janessa: Sige na, isa lang. Mukhang matagal-tagal na ring di nagagamit tohng gitara... Di ka ba naawa sa kanya. Hindi mo ba naririnig na nagmamakaawa syang magpatugtog?
Tiningnan ko ung gitara... Wala na ba syang maisip na ibang mas logical na argument?
Ako: (inayos ung hawak sa gitara) Oh, sige na, sige na.
Janessa: Yehey! Ung matino ha!
Ako: Oo na nga.
Pinosisyon ko ung mga daliri ko... Tagal na rin nung huli akong nag-gitara... Kakamiss... nyaha!
Ako:
E-B-C#m-B
A-E-A-B
E B
Lumayo ka na sa akin
C#m B
Wag mo kong kausapin
A E C#m B
Parang awa mo na wag kang magpapaakit sa'kin
E B C#m
Ayoko lang masaktan ka
B A E C#m B
Malakas akong mambola hindi ako santo.3
Ganda ng kanta noh? nyaha Yan unang pumasok sa utak ko eh.
"Pero para syo... Ako'y magbabago, kahit mahirap, kakayanin ko." Wag nyong seryosohin meaning nyan... Nanghingi lang si Janessa ng matinong kanta.
Pagkatapos nung kanta, nakatingin lang sa'kin si Janessa... Langya, katakot talagang tumitig toh! Di mo maintindihan kung anong iniisip eh! Di naman ako makapagsalita... Parang timang na naghihintay ng applause o kung ano...
Ako: Ano?
Janessa: May boses ka naman pala eh... Galeng mo pa mag-gitara! Abnormal ka talaga... Di ko maisip kung bakit gusto mong itigil ung pag-play ng guitar. Tsk.
Mag-ffocus na lang ako dun sa compliment.
Biglang tumayo si Janessa...
Ako: San ka punta?
Janessa: Wala lang. La rin naman tayong magawa, ipapakilala kita sa beauty products.
Ano raw?
Pumasok si Janessa sa kwarto ko – kung san nakatambak lahat ng gamit nya. Paglabas nya, may dala syang handmirror at isang maliit na parang pouchbag yata un...
Ako: Ano yan?
Umupo sya sa carpet, sa may paahan ko, tapos binuksan ung bag... Sa loob, puro make-up ang lumantad.
Teka....
Ako: Anong balak mong gawin?!? @.@
Janessa: (natawa) Wag kang mag-alala, di toh permanent pen. Mabubura pa toh.
May hinalungkat sya sandali, tapos nilabas ung lapis... Lapis ba un? Bakit may takip ung lapis?
Ako: Ano yan?
Janessa: (tinanggal ung takip) Eyeliner. (tingin sa'kin) Pikit! Dali!
Ako: (napasandal bigla) B-bakit?!?
Janessa: Dali na... Sandali lang toh.
Ako naman tohng uto-uto, pumikit nga... Naramdaman ko syang lumapit, tapos dinodrawing-an ung talukap ng mata ko. Sa takot ko namang matusok ako at mabulag, eh di naki-cooperate na!
Pero sa totoo lang......... Mommy! I'm scared!
Maya-maya, nawala na ung lapis sa mata ko. May kung anu-ano pang pumalit na di ko alam kung ano. Brush yata? Kahit naman tanungin ko si Janessa, puro "Relax ka lang" naman ang sagot sa'kin. -____-
Ilang minuto rin ang lumipas bago tumigil si Nessy sa pinag-gagawa nya. Naramdaman kong lumayo na rin nang konti si Janessa.
Janessa: Yan! Okay na!
Binuksan ko ung mata ko just in time na makita ung paghablot nya ng salamin na nakapatong sa coffee table. Inabot nya sa'kin ung salamin para makita ko ung "work of art" nya raw. Nag-ipon muna ako ng tapang bago ko kinuha ung salamin at tumingin.... Nakita ko ung mata ko, may kung anong kulay pink yata...o violet? Bastah may kulay...
Ako: (titig sa salamin) Nessy...
Janessa: Hmmm?
Ako: . . . .I don't think violet is my color.
Janessa: (biglang natawa) Ano ka ba? Ang ganda kaya. It brings out the color of your eyes. ;D
Ako: Tingin mo?
Janessa: Yeah! ^o^
Di pa ko bumibigay noh! I just thought na since kame lang naman ni Janessa nandito, eh di maglaro na lang. Tsaka sabi nya naman natatanggal ng tubig toh eh... Ano ba naman ung konting kulay sa mata?
Besides, mukhang nag-eenjoy si Janessa. Enough nang dahilan un para harapin ang kahit anong kahihiyan.:P
Chapter 28: (Joshua's POV)
Janessa: (kanta) And you said that I was naive and
I thought that I was strong, oh
I thought---4
ding! dong!
Parang may kung anong doom-gloom na dumaan. Napatigil kaming bigla ni Janessa. Sya sa pagkanta, ako sa paggitara. Nagtinginan kami, sabay tingin sa relo.
Janessa: Oh my golay! 7 na?!
Sabay pa talaga kaming napatalon. Tumakbo kagad sya sa kwarto. Ako naman, nagmamadali na naglakad para buksan ung pinto. Langya! Anong nangyari sa oras?! Parang wala man lang kaming ginawa buong araw kundi kumain, magkulitan, magkantahan, mag-debate kung bakit mali ung tono nung gitara, at magkantahan pa ulit! Di namin namalayan ang oras, nandito na si Paolo! Di pa nga ako naliligo!
Tumigil ako sa pinto, tapos biglang amoy sa sarili ko. Di ako titigilan ni Paolo pag amoy basura ako. Pero, okay pa naman. Kapasa-pasa pa naman ang amoy ko. :D Binuksan ko ung pinto.
Paolo: Tol! Ang--- (napatingin dun sa gitara sa kamay ko) Aba... Hawak mo na uhlet--- (tingin sa mukha ko) O_O Tol... Anong nangyari!?
Ako: Huh?
Tinulak nya ko papasok. Sinarado ko ung pinto -- at pag-ikot ko, nanlalaki ang mga mata ni Paolo na nakatitig sa'kin -- particularly, sa mga mata ko.
Ako: (turo sa mata ko) Ah, ehto ba? Ganda noh? Sabi ni Nessy nag-ppop out raw ung mata ko dahil sa violet na color.
Napa-stepback si Paolo. Namutla yatang bigla. o_O
Paolo: Tol, best friend kita. Wag mo namang sabihing magiging "This Guy's In Love With You, Pare" ang kahahantungan natin.
Ako: (batok sa kanya) Tange! Ano ka?! Hinayaan ko lang gawin toh ni Janessa dahil birthday nung tao. Manahimik ka na nga lang sa isang tabi at maghintay. Naliligo pa si Nessy, tapos susunod na ko.
Paolo: Awww... Ang sweet nyo naman... Nagsshare na kayo ng isang banyo. ;)
Binatukan ko uhlet sya! Kabatok-batok naman kasi talaga.
Ako: Anong sweet dun?!? Alangan namang magpatayo pa ko ng isa pang banyo dahil lang dito rin sya nakatira!?
Paolo: Wehe! :D (turo bigla sa'kin) Namumula ka! Wahahaha O make-up din ba yan?
Sasagot sana ako -- at siguro, isa pang batok sa mokong -- kundi lang biglang sumulpot si Nessy sa likod namin.
Janessa: Anong ginagawa nyo dyan? Ba't nakatayo kayo dyan?
Paolo: Si Joshua--
Tinalunan ko bigla si Paolo bago pa sya makatingin sa likod! Wapak! Ahyun, flat sa sahig ung mukha nya.
Ako: (kay Janessa) Wala! Magbihis ka na! Bakit pasilip-silip ka nang bathrobe lang ang suot mo!? Di ka ba nahihiya, pareho kaming lalake dito!
Janessa: Psh. Mag-panic ka pag sumilip ako nang nakahubad.
Ako: JANESSA!
Pinangliitan nya lang ako ng mata, tapos umikot na sya para pumasok sa kwarto. Nung narinig kong nag-lock na ung pinto, tsaka ko lang binitawan si Paolo.
Paolo: (hinga nang malalim) Bwiset ka! Papatayin mo ba ko?!
Ako: Suz! Parang namang mamatay ka nang ganon lang... Eh masama kang damo.
Paolo: Ano ka?! Nahawa lang ako syo, sira! (biglang ngiti) Porket ayaw mo lang ipakita si Janessa nang bagong ligo.... Ang damot mo, tol!
Ako: Baka gusto mo nanamang halikan ung sahig.
Paolo: Ehto na nga, titigil na. Manonood na lang ako ng TV habang naghihintay~
Ako: Buti pa.
Papasok na ko nang banyo nang lumabas si Nessy ng kwarto. Ibang klase rin ang bilis magbihis nito...
Dumiretso sya sa living room kung san naghahanap ng palabas sa TV si Pao.
Janessa: Pao, kumain ka na ba? Baka gusto mong ipagluto kita ng kahit anong pantawid gutom lang.
Paolo: (biglang tayo) Sure!
Suz, if I know... Kakakain lang nito, kakain nanaman.
Lumapit si Paolo sa'kin sabay bulong...
Paolo: Kung ito ipapalit mo kay Trixie, ngayon pa lang, pare, sinasabi ko na... Sa kanya na buong boto ko!
Hmmm?
Pinanood ko sandali sina Janessa at Paolo na nagkkwentuhan na parang ilang taon na silang magkakilala. Nagkukulitan pa ung dalawa -- at tinutukso-tukso pa ni Paolo si Janessa. Boto raw sya kay Janessa? Kailan pa sya bumuto sa kahit sinong babaeng nagustuhan ko?
Ha.
Tumalikod na ko para pumasok sa banyo. Sige na. Kung magkasundo ang best friend ko at si Nessy...
Hm. Katuwa naman. haha
Chapter 29: (Joshua's POV)
Pagdating namin nina Paolo at Janessa sa bar, nandun na ung dalawa ko pang ka-tropa (sina Mark at Ralph). Nag-iinuman na nga eh... Di man lang naghintay. Pag-upo ni Janessa, lumipad kagad ung mga mata nung dalawa sa kanya.
Ako: Huy!
Umupo ako sa tabi ni Janessa, pero wa epek. Nakatitig pa rin!
Ako: Ano bang tinitingin-tingin nyo dyan!?
Nag-blink ung dalawa, sabay lumipat naman ung tingin sa'kin. Tingin up-down, tapos sumiksik dun sa sulok para magbulungan -- kung bulungan ba ang tawag dun, eh rinig na rinig pa rin naman.
Mark: Tingin mo girlfriend nya na yan?
Ralph: Di ba inaway nya pa yan nung pyesta? Pang-karaoke daw ung boses? Tapos ngayon sila na?
Mark: Nakalimutan nya na yata si Trixie.
Mga gunggong talaga toh.
Pak! Pak!
Binatukan ko nga ung dalawa! Kung magbubulungan lang rin naman sila tungkol dun, eh siguraduhin na nilang ung hindi ko maririnig! Susme!
Mark: Aray naman! (hawak sa ulo nya) Anoh ba?!
Ako: (tumayo) Wag nga kayong magulong dalawa! Lika, Pao, bili na tayo ng inumin... Anong gusto mo, Nessy?
Balik sa sulok nanaman ung dalawa para mag-"bulungan". Hindi na talaga natuto!
Ralph: Narinig mo un?
Mark: "Nessy" raw... Tinatawag nya na sa nickname!
Ralph: Close na sila!
Pak! Pak!
Ralph: Tol, magkaka-brain damage na ko!
Paolo: (natawa) Tange! Matagal nang damaged ang brain mo noh!
Ralph: Che! Panget!
Tumawa si Paolo, tapos tumingin kay Janessa.
Paolo: Anong gusto mong inumin, Janessa? Dahil birthday mo, lahat ng iinumin mo, sagot ni Joshua!
Ako: Anong--?!
Janessa: Isang Cali lang muna. Thank you, Joshie~ :D
Ako: Hay, sige na. Lika na, Pao.
Binigyan ko ng "warning glares" sina Mark at Ralph -- wag silang magulo habang wala ako. Nginitian lang ako nung dalawa. -____- Pumunta kami ni Paolo sa bar para bumili nang mga inumin namin. Ice Cali kay Janessa, San Mig kay Paolo, at San Mig Light para sa'kin. Oo, Light lang. Baka mapikon pa si Janessa pag nalasing ako. :P Sumandal si Paolo sa counter habang hinihintay namin ung bartender.
Paolo: Mukhang close nga talaga kayo ni Janessa ah.
Tumingin ako dun sa table namin. Kinukulit nina Mark at Ralph si Nessy. Toh namang babaeng toh, mukhang nakikipagkulitan din. Syempre, di sya magpapatalo pagdating sa tuksuhan. Anoh nga ba naman ang pinagkaka-alala ko?
Ako: Eh may magagawa ba ko? Eh kahit san ako umikot, pinagtatabi kami ng kung ano!
Paolo: Yihee! Enjoy ka naman?! ;D
Ako: Baliw!
Tumawa lang si Paolo habang nakatingin sa table namin. Sa tawa ng tatlo, mukhang close na sila. Ang bilis talaga ng gayuma nung babaeng un. Iba rin ang level.
Paolo: Alam mo, ngayon ko lang napansin... Kung bubuhusan mo ng sandamakmak na gallon ng make-up yang si Janessa, medyo pagbibihisin mo ng malandi na damit... Tapos ilugay mo ung buhok... May hawig sya kay Trixie.
Di ako umimik. Kala nya ba di ko napansin un? Bakit sa tingin nya dumikit kagad ako kay Nessy sa simula?
Paolo: Tapos pareho pa silang magaling kumanta! Aba! Punong-puno ng music ang buhay mo, tol!
Ako: He! Tigilan mo nga ako!
Nilabas na nung bartender ung order namin. Pagbalik namin sa table, sinalubong kagad kami ng ngiti nung dalawang mokong.
Mark: Uy, Josh, sabi ni Janessa tuturuan nya raw kame magluto balang araw!
Ako: (umupo sa tabi ni Janessa) Tuturuan o papakainin?
Janessa: Joshie... May pag-asa naman sila noh.... siguro.
Ralph: Beh! Pinagtatanggol kami ni Janessa~
Ako: Baka gusto nyong matuluyan yang brain damage nyo.
Janessa: (binatukan ako) Tama ka na nga!
Ako: Aray!
Humarap ako sa kanya, all set para sigawan sya. Kaya lang... Aba, eh bago pa ko makahirit, nginitian na ko! Kaya, Poof! Di na ko nakapagsalita. Anoh pang ipanglalaban ko sa ganda nung ngiti nya? Sumandal na lang sa upuan, sabay tungga ng San Mig Light ko.
Mark: Weeeheeee!!! Di mapatulan!
Ralph: (ngiti kay Janessa) Nessy, sama ka lage pag may lakad kame ha!
Janessa: (tawa nang konti) Ganon?
Kinausap ni Paolo ung dalawa. As usual, banatan nanaman ng asaran yan. Basta ung tatlong un ang mag-usap, parang may sariling sitcom nang pang-aasar ang nangyayari. Tumingin ako kay Janessa... Pinapanood nya ung bangayan nung tatlo.
Ako: Mukhang nakuha mo na rin boto nung dalawa ah. Ibang klase talaga ang charisma mo. Pwede ka nang campaign manager!
Janessa: Tsk. Ngayon mo lang ba na-realize yan? Mataas na nga ang sinisingil ko sa mga clients ko.
Ako: (natawa) Napupuno sigurado ung mga balota mo. San mo ba gustong gamitin yang charisma mong yan?
Janessa: (ngumiti sabay bulong) Sa'yo. ;)
Ako: Ano?
Nilapit ko ung tenga ko sa kanya para marinig uhlet. Sa lakas ba naman kasi ng music dito, bubulong pa sya. Eh pano kami magkakarinigan?
Janessa: (tumawa) Wala~
Ako: Ano nga?!
Nilapit nya ung mukha nya sa'kin, sabay ngiti.
Janessa: Sikretong maluphet!
Chapter 30: (Janessa's POV)
Kinabukasan, may pasok nanaman sa school. Buong araw lang akong nakipaglandian kay Richie (na gusto nga palang magpatawag na beauty queen), kay Arianne, tsaka kay Jodi. Nakita ko si Joshua sa Theater class ko, kaya sige lang! Asarin na rin si horsey!
Buong araw akong good mood hanggang sa pag-uwi ko. Avah, ang ganda ng araw ko eh! Since alam kong pauwi si Joshua in three hours, ni-raid ko na ung ref para ipagluto sya ng kung anuman ang meron. Oh di va? Ang bait bait ko? :D
Prepare ako ng beefsteak, fried rice... Naglabas rin ako ng fruits. Since dalawa lang naman kame, di ko na ginawang masyadong bonggaciouz.. Basta balatan ang prutas nang makain nang ayos.
Tingin ako sa relo... 6:04 PM. Sakto. Pauwi na un. Nilabas ko ung scented candles, sinindihan tapos binaba ung glow ng ilaw -- para di masyadong bright ang surroundings. May pagka-romantic ang chuva!
Nung natapos na ang preparation ko, naupo na ko sa living room para mag-hintay....
Maghintay.... -____-
9:30 PM
Nasan na si horsey?
Tunaw na ung kandila, lameg na nga nung pagkain. Pati tyan ko tumutunog na. San na si horsey?
Sinubukan ko syang tawagan. Nag-ring naman... And again... and again... Aba'y la pa rin! Nasan na ba ung kabayong un?!
Sumali na yata sa karera sa Sta. Rosa!
Sige, hintay pa ko. Baka na-traffic lang.
11:00 PM
Wala pa rin.
Haayyy...
Sinimulan ko nang ligpitin ung mga hinanda ko. Sayang lang ang pagod ko. Matutulog na lang ako.
Papunta na ko sa kwarto nang bigla kong narinig na bumukas ung pinto. As if by reflex, napatakbo kagad ako para tignan.
Ako: Joshie?
Ahyun nga si Joshua, kakapasok pa lang. Nung narinig nya ung boses ko, napaikot sya -- at dun ko nakita ang mukha nya.
Oh my golay! Napatakbo tuloy ako kagad sa kanya!
Ako: Anong nangyari!? Napaaway ka?!?
Joshua: Hinde. Ginulpe ko ung sarili ko.
Ay, bad trip si lolo. o_O
Pero, understandanle naman... Nagdudugo ung labi nya. May sugat din sya sa kilay. Namamaga ung mukha nya... at mukhang dinaanan ng tornado ung buhok nya. Sino nga ba naman ang hindi ma-babad trip?
Sinundan ko sya papunta sa living room kung san nag-collapse kagad sya sa sofa at tinapon ung bag nya. Haggard na haggard ang dating.
Sinimulan nya nang tanggalin ung polo nya -- na by the way, hindi na puti.
Ako: I'm sorry.
Napatingin sa'kin si Joshua, sabay nagbuntung-hininga.
Joshua: Sorry. Di ko dapat nilalabas syo galit ko.
Tinalikuran ko sya para pumunta sa banyo. Akala yata ni horsey iiyak nanaman ako. Na-panic bigla.
Joshua: Uy! Sorry na! Galit ka ba?
Ako: (tingin sa kanya) Ako? Hinde, sira. Kukunin ko ung first aid kit. Mukhang napuruhan ka eh.
Tumuloy ako sa banyo at kinuha ung first aid kit sa closet. Afterwards, umupo ako sa tabi nya para magpaka-nurse at gamutin ang mga sugat nya.
Ako: (nilabas ung bulak) Wawa ka naman. Okay lang yan. Minsan talaga, kailangan mong maranasan na matalo.
Joshua: Anong talo? Hindi ako natalo noh! Madami lang sila!
Ako: (lagay ng gamot sa bulak) Hm...
Joshua: Hinde nga!
Ako: Okay, okay. Sabi mo eh.. Oh, ehto na, mahapdi toh...
Joshua: Anong tingin mo sa'kin ba--- Aaaaahhhhhhhh!!!! Aray!
Ako: Wag ka ngang malikot!
Joshua: Eh masakit eh!
Ako: Kaya nga nagbigay ako ng warning, di ba!?
Nanahimik uhlet sya.. Pero ung mukha nya, wahehehe... kulang na lang umiyak.
Maya-maya, natapos na rin ang paglilinis at pag-bbandage. Sinimulan ko nang ligpitin ung mga bulak at disinfectant.
Ako: Bakit ka ba napaaway?
Joshua: Sila eh... Susundan lang ako... Maghahanap ng away.
Ako: Eh di dapat di mo pinatulan.
Natahimik uhlet sya.
Joshua: . . . Ininsulto nila si Trixie eh.
Ako: Ahh....
Si Trixie nanaman...?
Chapter 31: (Joshua's POV)
Kinabukasan, nakakulong si Janessa sa kwarto ko, habang ako naman eh tinuturo dun sa mga delivery men kung saan ilalagay ung kama, ung dresser, at ung drawer sa kwarto nya. Langya, dapat sya nag-aasikaso nitong mga toh eh! Kwarto nya toh ah!
Pagkatapos ayusin nung mga tao ung mga furniture, inabot ko na ung pera na binigay ni Janessa para dun sa mga nag-akyat. Pagkatapos kong panoorin umalis ung mga nag-deliver, napatingin kagad ako sa orasan. Simula nung tanghalian, limang oras ko nang di nakikita si Janessa – which is weird since hindi naman ganun kalaki ung apartment, noh?
Ano kayang ginagawa nun?
Lumapit ako sa pinto ng kwarto ko at nakinig sa loob. Nung wala akong narinig na kahit ano, dahan-dahan kong binuksan ung pinto... Di na ko kumatok. Bahket ba? Eh kwarto ko naman un... Tsaka baka sabihin iniisip ko sya o concerned pa ko! pwe! Sisilip lang ako... Silip.
Nakita ko si Janessa na nakaupo sa kama, nakatalikod sa'kin. Mukhang may ginagawang seryoso ah.
Gusto ko sanang lumapit -- ung hindi ako mapapansin -- titignan ko lang kung anoh bang pinagkaka-seryosohan nya nang todo-todo dun. Kaya lang, kahit si Superman di makakalapit nang hindi mapapansin ni Janessa... Kaya sinarado ko na lang ulit ung pinto at dumiretso sa kusina. Ikakain ko na lang toh.
Binuksan ko ung ref... Bakit may beefsteak dun? Sinigang ulam namin kanina ah.. Hmmm... Oh well.
Nilabas ko ung tirang cake nung birthday ni Nessy -- ung binili ni Paolo habang pauwi kame. Sweet nung mokong noh? Feeling close.
Kinakain ko na ung cake nang napatitig ako sa lamesa. Ngayon ko lang na-absorb.. May kung ano dun sa gitna nung mesa. Syempre, curious ako, hinawakan ko.
Kandila?
Anoh ba ginawa ni Janessa kagabi? Nangkulam?
"Horsey! Horsey!"
Napatalon ako bigla. Napatingin ako kay Janessa na excited na tumatakbo papunta sa'kin.
Ako: Ano?!?
Janessa: Shush... Masyado naman toh mag-react. (umupo sa harap ko) Lam mo ba kung anong nakita ko net?
Ahhhh... Nag-iinternet pala sya. Laptop siguro ung pinagkaka-seryosohan nya kanina.
Hahaha! Mystery solved! Sige, eenjoy ko na tohng cake ko.
Ako: Ano? (subo)
Janessa: May one-night concert sa HardRock Cafe! Naghahanap sila ng singers!
Ako: Okay.... Ngayon?
Janessa: Oh, c'mon... Ayaw mo bang sumali? Just for fun?
Ako: Sabi ko naman syo, di ako kumakanta at matagal na kong di tumutugtog sa mga ganyan.
Janessa: Eh? You used to do it?
Ung kanta sa bar? Syempre hinde!
Ako: Ibig kong sabihin ung tumugtog sa harap ng maraming tao.
Janessa: Kumanta ka nung pyesta ah
Ako: Iba un!
Janessa: Bakit?
Ako: Napilitan lang ako nun... -___-
Tumahimik si Janessa. Syempre, napatingin tuloy ako sa kanya. Nakatitig nanaman sya sa'kin... Kakilabot! Parang may ginawa nanaman akong mali ah!
Ako: Bakit ganyan ka makatingin?!
Pinagpapawisan yata ako...
Janessa: Wala.
Tumayo na sya. Parang biglang nawala lahat ng excitement sa katawan nya.
Janessa: Ayaw mo talaga?
Ako: Di mo na ko mapipilit.
Janessa: (bulong) I bet kung si Trixie nag-ask syo, daig mo pa nag-mmarathon sa bilis ng pagpayag mo.
Ako: Ano?
Janessa: (ngumiti) Wala poh. Titingnan ko na ung kwarto ko ha. Lilipat ko na rin ung gamit ko.
Nagsimula na syang maglakad paalis. Tapos may naalala yatang bigla, napatigil sabay ikot para tumingin sa'kin.
Janessa: Oo nga pala, horsey... Cake ko yan!
Nginitian ko na lang. Anoh pang magagawa ko? Eh cake nya naman talaga toh. Alangang mag-deny ako. :P She just rolled her eyes at iniwan ako para bumalik sa kwarto ko. Maya-maya, naririnig ko na syang naghahakot ng mga gamit nya papunta sa bagong kwarto nya.
Sumandal ako sa upuan habang nag-iisip. Tama ba ung narinig ko kaninang sabi nya? Nagkamali ba ko ng rinig o talagang binanggit nya nga ba si Thrixie?
So?
Bumalik ako sa pagkain ko. Eh ano naman kung binanggit nya pangalan ni Trixie? Wala naman siguro syang ibig sabihin dun. Baka nanunukso lang...
...Except, imbis na nanunukso, parang nanunubok ung boses nya.
Chapter 32: (Janessa's POV)
Nung Sabado, pumunta ako sa Megamall. All alone, since may pasok si Joshua at busy naman sina Richie. Ayoko man magpaka-loner, eh may sale. Papalagpasin ko ba naman un?! ;D
Halos buong araw akong nasa mall. Bakit ba? Minsan lang ako magliwaliw eh... Kaya siguro nung hapon na, ahyan na, hinahanap na ko ni Joshua. Pinaliguan ako ng text. Tingnan mo tohng lokong toh... Kung kailan di ko sya hinihintay, dun umuuwi ng maaga. Psh. Nung nagsawa na ko sa kaka-text nya, tsaka ako nag-reply na nasa Megamall ako. Pa-importante eh noh? ;D
So sick of love songs, so sad and blue--5
Hala! Tumawag ba?!
Ako: (sagot cp) Hello?
Joshua: Anong ginagawa mo dyan?!
Ako: Salamat sa napakagandang bati...
Joshua: Ano nga?
Ako: Nagpapalamig. Ang init eh.
As if sasabihin ko na nangangarap nanaman akong gumastos. bwahahahaha
Hindi naman full lie ung sinabi ko. Mainit naman talaga. Lumakad ako papunta dun sa ice cream parlor ng McDo at bumili ng choco sundae.
Joshua: Sinong kasama mo?
Ako: Wala.. Ako lang.
Joshua: Anoh?!? Umalis kang mag-isa?! Eh kung may nangyari syo?!
Concerned ang act?!?
Ako: Relax ka nga lang. Nasa Megamall lang ako.
Pagkatapos kong makuha ko ung order ko, naglakad ako papunta sa mga bench para maupo. Mahirap kumain at makipag-usap nang nakatayo at naglalakad noh.
Ako: Gusto mo ice cream, horsey?
Joshua: Che! Nasan ka?
Ako: Sa Megamall nga, anoh ba?
Joshua: Alam ko! San sa Megamall?
Ako: Sa 5th floor. Sa may McDo... Bakit?
Joshua: Wag kang aalis dyan! Hintayin mo ko.
Ako: Anoh?! Bahket!?
Toot... Toot...
Ako: Hello? Hello?!
Shwish! Tinapon ko ung cp ko pabalik sa bag ko. Bubwit na kabayo un... Babaan ba ako!
Nag-stay ako sa kinauupuan ko – kumakain ng ice cream at para na rin ipahinga ang paa ko. Ava'y sa laki ba naman ng Megamall, kailangang mag-recharge!. . . . Sige na, nag-stay ako dahil sa demanding na kabayong nagsabing maghintay raw ako. -____-
Nagbibilang ako ng mga taong dumadaan na may yellow na sandals (avah, madame-dame rin ah!) nang biglang may sumulpot sa tabi ko. Out of nowhere lang, biglang nakiupo.
Syempre, pasimpleng tingin naman ako...
Oh my golay! Fafable na fafa! ;D
Ako: *cough* *cough*
Bubwit! Nabilaukan pa!
Ako: *cough* *cough*
Fafable: (napatingin sa'kin) Miss, ok ka lang ba?
Mukha ba kong ok? Nalunok ko na yata ung kutsara, namumula na yata ako dito, mukha pa rin ba kong ok!?
Ilang ubo pa, nabawi ko na rin ung hangin ko, at medyo nakakahinga na ulit ako.
Naluwa ko na ng kutsara. hahaha
Nakatingin pa rin sa'kin si Faffy. Wa poise! Nabilaukan ako!
Kaseh naman, ang mukhang ganyan ka-gwapo, hindi dapat bigla-biglang nag-aappear!
Faffy: Ok ka na?
Ako: Uh, yeah... Thanks...
Pinupunasan ko ung luha sa mata ko nang biglang tumawa ung katabi ko. Parang timang, bigla-biglang tumatawa...
Faffy: Namumula ka. ;D
Aba'y bubwit... Ako pala ang pinagtatawanan!?!
Faffy: (ngiti) Ang cute. :)
At ginawa pa kong aso?!
Faffy: Ako nga pala si Warren...
Ako: Ahh... (sapilitang ngiti) Okay...
Anoh ba toh? o_O
Warren: Kaw? Pangalan mo?
Ako: Ah... eh...
Warren: (ngiti) Wag kang mag-alala, di ako kidnapper o rapist.
Ako: Sure ka?
Sabihin ba un ng diretsuhan? Bakit, sa palagay nya, nagsasabi ba ang kidnapper o rapist na kidnapper o rapist sila? Syempre, ang sasabihin nila, matino rin silang tao. Loko rin pala tohng kausap ko eh.
Warren: Oo. Malamang, iniisip mo na ang presko ko... Lumapit ba naman ako syo, tapos nagpakilala na lang bigla. Nabilaukan ka tuloy. :D
Ako: Sinong may sabing kaw dahilan kung bakit ako nabilaukan?
Namumula nanaman ako. I can feel it!
Warren: Maraming nagkakaganyan pag nilalapitan ko eh. ;)
Lumalakas yata ung aircon dito...
Ako: Ahhh...
Warren: So, name mo?
Ako: Janessa
Warren: Nice name.
Ako: I know.
Since feeling close sya, eh di naki-feeling close na rin ako... nyaha! Usap-usap kame tungkol dito at doon... Kung anu-ano... Hanggang sa napunta ang topic namin sa music at dun sa HardRock Cafe.
Warren: Bakit ayaw kang samahan nitong Joshua na toh?
Ako: Ehwan. (tinapon ung baso ng ice cream sa basurahan) Tinakwil nya na yata ung music since nag-break sila ng gf nya... Pang-telanobela nga eh.
Warren: Tange rin pala un noh?
Ako: Di naman... Ayaw nya lang talaga tumugtog.
Warren: I can play the guitar din. Gusto mo ako na lang mag-accompany syo?
Ako: Talaga?!
Warren: Sure! This sounds fun... And kung maganda naman boses mo, aba, eh di sulit na pagtugtog ko.
Panalo sa pang-bobola ah...
Ako: Wow, thanks!
Tumayo si Warren...
Warren: Halika, mag-karaoke tayo.
Ako: I can't. May hinihintay ako eh.
Warren: Sino? Bf mo?
Ako: (natawa) No. Si Joshua... We're roomies.
Warren: Okay lang yan. Mag-ttext naman un pag nandito na sya, eh di bumalik na lang tayo.
Ako: But...
Inextend ni Warren ung kamay nya sa'kin... Nanunukso talaga...
Warren: Lika na.
Makikipagtalo pa sana ulit ako nang napatingin ako sa likod nya... May nakatayo... at may masamang aura ung taong nakatayo sa likod ni Warren... O_O
Si horsey!
Napansin ni Warren na sa iba ako nakatingin kaya napaikot din sya -- at nakaharap ni faffy si horsey. Kung nandito si Richie, nako poh, naloka na un sa tuwa! Dalawang fafable ba naman nasa harap nya!
Kahit na medyo may pagka-masama ang tingin ni Joshua kay Warren...
Joshua: Sino ka?
Warren: Pake mo? Sino ka?
Woist!
Ang tense ng atmosphere!
Joshua: Nessy, ginugulo ka ba nito?
Langya, nagtatanong, di naman sa'kin nakatingin. Bakit si Warren ang tinititigan nitong kabayong toh?
Ako: Uh, no...
Parang may ilang seconds din silang nagtitigan. Nung tatalunin ko na sana silang dalawa para lang mawala ang hostility sa air, biglang tumingin sa'kin si Warren, sabay ngiti.
Warren: Ehto na si Joshua... Sige, Nessy.
Oh, naki-Nessy naman toh...
Warren: See yah!
Lumakad na sya paalis. Pinanood ko lang sya sandali -- pasipol-sipol pa eh -- tapos nilipat ko ung tingin ko kay horsey. Nakatitig sya sa'kin.
Ako: Ano? Bakit ganyan ka makatingin?
Nilapit nya bigla ung mukha nya sa'kin -- syempre, napa-atras akong bigla. Di tumigil si horsey, talagang pinangliitan ako ng mata.
Joshua: Sino un?
Kakilabot ang titig ha.
Tinulak ko sya palayo para makatayo ako. Ayoko nang ganyang titig -- parang interrogation ang drama.
Ako: Wala noh. Bagong kakilala.
Naglakad na ko paalis. Habol naman kagad tohng si Joshua.
Joshua: Sinong naunang magpakilala? Anong sinabi nya? Gano kayo katagal nag-usap? Bakit parang iniisip nya na magkikita uhlet kayo?
Ako: Horsey...
Tumigil ako, sabay harap sa kanya...
Ako: Shut up.
Ikot at lakad uhlet palayo. Sunod pa rin sa'kin si Joshua, at tuloy pa rin ang pag-iinterview nya.
My golay! Parang bubuyog o lamok sa tenga ko! Hindi mapakali sa ingay!
Tinignan ko ulit sya.
Ako: Horsey, kung nagseselos ka, eh sabihin mo na lang, ok?! Dadaldal ka pa eh. Sheesh!
Napatigil bigla si Joshua. Ung mukha nya parang napahiya na nagddeny na di mo maintindihan... Mukhang alien! wahahaha
Joshua: Anong selos?! D-di ako nagseselos noh! Bakit naman ako magseselos!?
Ako: Oh really?
Nagsimula na ulit akong lumakad. Nung napansin kong walang sumusunod sa'kin, sinilip ko sya sa likod ko. Nakatayo pa rin sya dun. Na-frozen yata. De-deny pa, obvious namang bothered sya.
Ako: Horsey!
Napatingin sya sa'kin. Nung na-realize nyang malayo-layo na ko, sunod kagad ulit sya. Flustered masyado. hahaha
Joshua: Hindi "horsey" pangalan ko!
Chapter 33: (Janessa's POV)
Kinabukasan, nakatambay kami ni horsey sa apartment. Ako, pinagpapaguran ung homework ko; sya naman, kinakalikot ung gitara nya. I swear, simula nung tinugtog nya uhlet un, halos di nya na binitawan uhlet!
After 10 million light years (at isang matinding headache), natapos ko rin ung homework ko. yihee!!! haha ;D Napatingin ako kay Joshua. May kung anong tinutugtog sya eh... Familiar... Hmmmm...
Napansin nya yatang nakatitig ako sa kanya kasi bigla syang tumigil tapos lumingon sa'kin.
Joshua: Ano?
Ako: May iniisip ako... May pumapasok sa isip ko sa tinutugtog mo eh...
Joshua: Ano?
Ano nga ba? +____+ Hmmmm...
Nakatitig pa rin sya sa'kin habang hinihintay nyang gumana ung utak ko. Sinimulan nya uhlet ung tinutugtog nya, hanggang sa nagkaron na rin ako ng light bulb moment.
Ako: Aha!
Joshua: Ano?
Word of the day: "Ano?" :P
Ako: Pumasok na sa isip ko kung ano un!
Napangiti ako sa kanya. Tuloy ang pagtingin nya sa'kin expectantly...
Ako: Kwek-kwek!
Joshua: . . . .Ano?
Word of the day talaga! hahahaha
Ako: Gusto ko ng kwek-kwek.
Napatitig si Joshua sa'kin na parang bigla akong tinubuan ng second head. Then, he finally shook his head at binaba na ung pagkakahawak nya sa gitara.
Joshua: Anong kinalaman ng itlog ng pugo sa tinutugtog ko?
Ako: Ehwan. Di ko alam. Gusto ko lang ng kwek-kwek. Bili mo naman ako.
Joshua: Ano ako, utusan?! (sumandal sa upuan) Bumili kang mag-isa mo!
Hmp! Shwungit!
Tumayo ako, pero syempre, di ako patatalo noh. Slow motion pa galaw ko habang kinukuha ko ung bente dun sa ibabaw nung TV...
Ako: Okay. I understand... Ako na lang mag-isa lalabas... Mag-isang maglalakad... Mag-isang tititigan ng mga tambay dun sa kanto... Mag-isang maglalakad pauwi... Or... (tingin sa kanya nang konti) Kung makakauwi pa nga ba ako...
Joshua: (biglang tayo) Wah, oh sige na! Halika na nga!
Wahahahahaha Guilt-trip success!
Inagaw ni Joshua ung pera sa kamay ko, tapos, talagang with all intensity, lumakad na sya palabas ng apartment. Syempre, sunod naman ako happily.
Ako: (ngiti sa kanya) Sasama ka rin pala eh. Hiya ka pa.
Joshua: Psh! Manahimik ka nga dyan!
Nakangiti akong parang sira all the while na naglalakad kami sa kalsada (ang saya kasing tuksuhin ni horsey eh). Pasunod-sunod lang ako kay Joshua habang papunta kami sa tindahan nung kwek-kwek. Tinitignan nya nang masama ung mga tambay na tumititig -- oh di vah, parang bodyguard lang. hahahaha
Bumili kami ng limang kwek-kwek. Ahyun lang, tapos umikot na ulit kami pauwi. Di na ko nakatagal, sinimulan ko nang kainin habang naglalakad. Si horsey naman, tahimik lang sa tabi ko.
Ako: Ayaw mo? (abot sa kanya nung kwek-kwek) Sarap oh...Hmmm~
Joshua: Ssh!
Napatahimik ako bigla. Nag-evaporate ang mga good vibes sa katawan ko. Tingin ng tingin si Joshua sa likod namin. Bigla nyang nilagay ung kamay nya sa likod ko, tapos minadali akong maglakad. Syempre, na-curious naman ako, gusto ko ring malaman kung anong nangyayari.
Joshua: Wag kang titingin!
Ohhhhh-kaaayyyy... Balik kagad ang atensyon ko sa kwek-kwek. Kunwari walang alam, tuloy sa pagkain. Naubos ko tuloy ung kwek-kwek nang wala akong nalasahan. Bubwit.
May nakita akong basurahan sa harap namin. Pero dahil nagmamadali nga si Joshua, isang mabilisang tapon na lang ang nagawa ko nung dumaan kami. Ni di ko nga nakita kung na-shoot ko ba. Pero di ko naman ma-check kasi nga sabi ni horsey, wag raw akong lilingon. Sya naman tohng panay ang silip sa likod namin. Anoh ba? May aso ba sa likod namin?
Ako: Anoh ba un? Anong nangyayari?
Joshua: Mga pesteng wala nanamang magawang matino sa buhay nila.
In short, malamang eh tao nanaman galing sa kabilang gang. Masyadong ma-action ang buhay ni horsey eh.
Tumingin sya one more time sa likod. May binulong syang di ko masyadong narinig, pero kung huhulaan ko, siguro isang word un na di dapat sabihin sa harap ng mga bata. Bigla nyang hinablot ung braso ko, at lalong bumilis ung lakad namin.
Joshua: Listen. Pag-ikot natin dun sa kanto, tumakbo ka na pauwi. Wag kang lilingon. I-lock mo ung pinto. Wag kang magbubukas hangga't hindi ako ang tumatawag syo.
Weh?!
Ako: Ano?!?
Joshua: Naghahanap ng away tohng mga toh eh... Di lang sila makasugod ngayon dahil kasama kita.
Ako: Neknek mo. Eh bakit ako aalis kung kaya pala di ka nila sinusugod eh dahil sa'kin?!
Joshua: Ang kulit mo!
Ako: Matagal na!
Pagdating namin sa kanto, bigla kong sinunggaban ung kamay nya sabay takbo. Nawindang yata si horsey, hindi kagad nakapag-react. Walang kahirap-hirap, nakaladkad ko sya pabalik sa apartment. Tumakbo rin naman sya. Halos madapa-dapa pa kami pag-akyat ng hagdan. Pagdating sa apartment namin, tinapon ko sya papasok, sabay lock kagad nung pinto.
Hiningal ako ha. Nakakawala ng poise.
Nung tinapon ko sya papasok, dun lang yata nakapag-catch up ung brain nya. Pag-ikot ko, avah, ang blank expression nung kabayo, biglang nag-crumple sa inis.
Joshua: Ano ka ba?! Di ka ba nakikinig sa'kin?!?
At, ever?! Sinigawan talaga ako!? Abah, tinignan ko nga sya nang masama! Napa-step back bigla si kuya. o_O Ganun na lang ba ako katakot-takot?
Kaseh naman! Sya na nga tohng niligtas ko sa isa nanamang gabi ng suntukan, sya pa ang galit?! Anong klaseh naman un?!
Nung di na ulit sya nagsalita, dumiretso ako sa kwarto ko. Baka ma-high blood lang ako dito.
Fly fly pa ang hair ko habang nag-mmarch ako papunta sa kwarto ko. Sinarado ko ung pinto sabay collapse sa kama ko.
La pang one minute, kumakatok na si horsey. At hindi pa ko nakakasagot, inimbitahan nya na rin ang sarili nyang pumasok.
Joshua: Bakit nagagalit ka?
Ako: Hindi ako galit.
Dahan-dahan syang lumapit sa'kin.... As if naman susunggaban ko sya noh?
Joshua: Bakit di mo ginawa ung sinabi ko syo?
Ako: Coz I know na mapapaaway ka nanaman kung iniwan kita dun.
Joshua: So? Wala namang bago dun...
Tumayo ako bigla para eye-to-eye kami.
Ako: I don't think you realize... Pero I end up getting worried pag napapaaway ka noh.
Mukhang nagulat bigla si Joshua. I don't get naman kung bakit. Hindi ba normal lang na mag-alala kung umuuwing duguan at puro pasa ung housemate mo? Abno ba sya?
Ako: What if ma-overwhelm ka nung mga kalaban mo? What if mag-collapse ka? What if di ka makauwi? What if dalhin ka sa ospital? I worry about you a lot.
Napatingin ako sa sahig. Bakit ba biglang naging heart-to-heart talk toh? Nahiya tuloy ako. Napaupo ako ulit sa kama para naman mabawasan kahit papano ang akwardness sa air. Nung umupo si Joshua sa tabi ko, di pa rin ako makatingin. Baka isipin nya nag-jjoke ako -- kelan ba naman kasi kami nag-usap nang ganito noh? Eh specialty namin ang maglokohan, mag-asaran, at magtuksuhan. Hindi kami masyadong built for conversations from the heart. Ahsuuss.. hahaha
Joshua: Sorry... Hindi ko alam na ganon pala ang naiisip mo. *sigh* Sige, simula ngayon, I'll try my best not to make you worry anymore, okay?
Hmm?! Totoo ba itich?! La man lang kontra? O sermon? O kahit anong negative?
Pumapayag na kagad sya? . . . Ehto ba ang tinatawag na compromise? O_O
Napangiti ako.
Ako: Okay. :)
Nginitian nya rin ako... at parang kaming dalawang timang na nagngingitian. Hindi na ko nakatagal. Tumayo na ko para i-break ang nakakapangilabot na atmosphere.
Ako: So, what do you want for dinner?
Joshua: Hay. Buti na lang hindi ka na galit. Kala ko di mo ko pagluluto ng hapunan eh.
Aba'y lokong toh..
Tinaasan ko sya ng kilay. Lalo lang lumaki ung ngiti nya. Sinoh na sa'min ngayon ang mas mukhang baliw?
Psh. Bahala sya.
May sardinas naman sa cupboard.
Chapter 34: (Joshua's POV)
Lumipas ang isang linggo, at dumating ung gabi ng performance ni Janessa at nung aso na un, si "Warren" daw...grrr! Naaalala ko pa talaga sinabi ni Janessa nung tinanong ko uhlet sya tungkol dun sa bwiset na un...
Janessa: Si Warren? Uh, yeah... medyo mahangin, pero don't deny... Ang cute nya di ba?
Anong cute?!? Sa bagay... Aso lang naman ang cute. Kaya aso ung Warren na un... Aso!
Haaaaayyy.... Ang saklap talaga ng araw na toh. Nung hapon, nagkapikunan nanaman kame ni Janessa. Aba, eh di ko naman sinasadyang sunugin ung blouse nya noh! Bakit ba kaseh ako pinagpaplantsa nya?!
Kaya, ahyun, dahil pikon sya at bitter ako, dedmahan kame hanggang sa umalis sya papunta sa HardRock Cafe. Naiwan tuloy akong nagmumukmok sa living room.
Langya, ka-inip! Anong oras ba babalik si Janessa?!?
Kakaalis lang eh noh? Eh kung sundan mo na lang kaya kesa di ka mapakali dyan?
Ahyuz, pinapayuhan ako ng sarili ko. Malubha na toh! At bahket ko sya susundan?! Baka isipin nya pa mag-ssorry ako sa pagsunog nung damit nya! Di ako aalis dito!
Ay sheesh!
Di rin ako nakatagal. Tumayo ako at kinuha ung susi ng kotse. Last time I checked, free country pa rin toh. At di naman kailangan ng invitation para makapasok ng HardRock noh! Malay nya ba kung napag-tripan ko lang na tumambay dun? Coincidence lang na nandun din sya.
Pagdating ko sa HardRock, aba, saktong kumakanta na si Janessa at tumutugtog ung aso. -____-
Wahahaha Tumutugtog ung aso! Marunong din kayang mag-meow un?
Tumayo lang ako sandali dun sa may sulok, nanonood. Ganda talaga ng boses ni Janessa. Tumingin-tingin ako sa paligid. Mukhang gusto rin sya nung mga tao. Ganyan ba naman kase kaganda bumalandra sa harap mo, sinong di mapapakinig noh?
Janessa: (kanta) And you say... Stay...
You say... I only hear what I want to...4
Pagkatapos nung kanta, isang masigabong palakpakan naman! Ha! Very much appreciated ang talent ni Janessa oh! Pati ung mga employees, nakikipalakpak din. Wahahahaha Masyado akong masaya.
....Bakit ba!? Masama bang maging proud?!
Nakita kong naglakad si Janessa papunta dun sa gilid nung stage. Isang mabilisang break time siguro. Syempre, parang naman akong bubuyog na dumiretso kagad sa kanya. Nung nakarating ako, nakatalikod sya sa'kin habang umiinom ng tubig. Gusto ko sana gulatin, kaya lang baka mabilaukan -- masapak pa ko. :P Kaya hinawakan ko na lang ung braso nya.
Ako: Uy...
Janessa: Joshie? Anong ginagawa mo dito?
Ako: Galit ka pa ba?
Nginitian nya lang ako -- so malamang, forgiven na ko, di ba?
"Aba... Dumating pala ang butiki."
Napaikot ako at, tignan mo nga naman, may asong kumakahol sa tabi ko.
Ako: Hoy, aso, sinong butiki??!
Sasagot sana si Warren nang biglang maghiyawan ung mga tao. Mukhang pinapabalik na sa stage si Nessy. Ngumiti sa'kin si Warren -- ung nakakaasar na parang ang sarap sipain ba na ngiti -- tapos kinuha nya ung kamay ni Janessa.
Warren: Well, sige na, butiki... May performance pa kami ni Nessy.
Nung aakyat na sana sila sa stage, bigla ko ngang hinila ung T-shirt nya. Muntik na syang mahulog.... Sayang. Di pa natuluyan.
Warren: Aray! Anoh ba?!
Ako: Anoh?! Away na ba toh!?
Janessa: Ano ba kayong dalawa? Tama na nga yan.
Hinawakan nya ko sa braso -- parang naman mapipigilan nya ko pag bigla ko ngang sinugod ung Warren na toh. Eh baka pag swing ko ng kamay ko, kasama na lang rin syang lumipad. Kailangan siguro pakainin ko pa lalo tohng si Janessa para bumigat-bigat naman sya.
Ako: Hmp! Kumakahol nanaman kaseh ung aso eh!
Warren: Anong aso?!
Hinila ko ung kamay ni Janessa, sabay hila sa kanya paakyat ng stage. Hindi na nakapalag si Nessy, na-shock yata. At lalo namang hindi na naka-kontra ung aso sa sidelines. Bahahahahaha
Kinuha ko ung gitarang naka-posisyon dun sa stage, sabay upo sa inuupuan ni Warren kanina habang nag-pperform. Nung na-realize ni Janessa ang nangyayari, napalapit sya sa'kin nang nanlalaki ung mga mata nya.
Janessa: Anong gagawin mo?!
Ako: Eh di tutugtog. Di lang naman ung aso marunong tumugtog noh.
Janessa: Sure ka? Akala ko ba you don't play na sa harap ng maraming tao?
Ako: Psh. Kumanta ka na nga lang!
Janessa: Fine. Bahala ka. Basta siguraduhin mong alam ko ung kanta.
Ako: Anoh pa bang pinag-aalala mo dyan? Eh ilang beses na tayong nagtutugtog at nagkakanta sa bahay.
Janessa: .... True.
Success ang pag-convince! Tumingin ako dun sa aso sa gilid ng stage... Behlat! Hahahahaha
Inayos ko ung mic na nakatapat sa gitara para perfect ung volume. Nagpalagay din ako ng isang mic, para naman sa'kin -- oo na, malakas ang loob ko ngayon, kakanta rin ako. Heh! Daigin mo yan, aso! Ikaw, hanggang tugtog ka lang!
Maya-maya, sinimulan ko na ung chords ng "Miss You". Nung isang araw lang namen kinakanta toh ni Janessa. Siguro naman matatandaan nya toh noh?
Janessa: (kanta) Everyday and every night, this feeling I'd fight
Try as I might but I won't win, I surrender, I'd die
You are winning here, alright
Ako: (kanta) Every morning, when the sun would shine on me,
I'd flash a smile but deep inside
I feel so sad and lonely
I need you here and now...6
Natapos namin ung kanta -- at tuwang-tuwa ung mga tao sa audience. Gusto pa nga yata ng isa pa, pero dahil may iba pang performers na naka-schedule, syempre, di na pwede. Inalalayan ko si Nessy habang pababa kami nung stage.
Janessa: That was good. Tingnan mo nga naman, horsey, talented ka naman pala talaga eh!
Ngayon nya lang napagtanto?!
Pagbaba namen nung stage, natulak kagad ako patabi! Langya! Ung aso nanaman! Iba rin toh eh. Nakadikit na kagad kay Janessa...... Hawak pa ung kamay!
Warren: Ang galing mo talaga, Nessy.
Janessa: Uh... hehe... Salamat...?
Anong pinagkaka-hiya-hiya nitong Meatball-head na toh?! At bakit hinahayaan nya na hawakan nung aso ung kamay nya!? Psh! Tinulak ko nga ung aso palayo, at talagang pinagsiksikan ko ung sarili ko sa gitna nila.
Ako: Huy, aso! Umuwi ka na nga! Hawakan mo uhlet kamay ni Janessa at tadyak na aabot syo!
Warren: Weeh, di nga?! Kala mo ba natatakot ako?! Yoko lang patulan ka dahil kaibigan ka ni Janessa noh. (tingin kay Nessy) Sige, Nessy, see you next time! ;)
Umalis na rin ung aso. Pero hindi pa bago sya maka-chansing! Langya, aalis na nga lang at lahat, nakayakap pa talaga kay Nessy! Nginitian pa ko bago sya lumakad paalis! Kapal ng mukha nung hayup na un!
Janessa: Horsey?
Umikot ako--- Teka! Nasasanay na yata ako sa kakatawag nitong Meatball-head na toh ng horsey. Talagang sumasagot na ko pag tinatawag ako nang ganon! O_O
Janessa: Lika, inom tayo.
Bigla nyang kinuha ung kamay ko sabay hila sa'kin papunta sa bar. Ako naman, napatingin lang dun sa kamay ko na hawak nya... Ahyun din ung kamay na hinawakan nung aso kanina... Eeeh!!! Wag nyo nang tanungin kung anong iniisip ko! Pa-simple kong pinunas ung kamay nya sa T-shirt ko. Matanggal man lang ung mga germs...
Janessa: Horsey?
Tinigil ko kagad ung pag sanitize nung kamay nya at tumingin ako sa kanya.
Ako: O?
Janessa: Ung pagtugtog mo in front of a crowd kasama ako.....
Naghintay ako. Di naman tinuloy. Haaaayyyy, mga babae talaga... Lage na lang putol ung sinasabi... Anoh pa't sinimulan nila kung di rin pala nila tatapusin? Gano ba naman kahirap sabihin ang gusto nilang sabihin?
Pinisil ko ng konti ung kamay ni Janessa.
Ako: We'll do that again... Promise.
Chapter 35: (Janessa's POV)
The next day, tahimik kame ni Joshua na nakatunganga sa harap ng TV, nanonood ng MYX, at kumakain ng V-Cut (special request ko, op cors!). Balak namen na mag-stay lang sa bahay, kaseh one week holiday... Araw ng mga patay....wooooooohhhhh~ Pero di va nga? Don't expect anything, dahil madalas, hindi nangyayari.
Ding! Dong!
Nagkatinginan kami ni Joshua.
Joshua: Jack-n-poy, one point. Talo magbubukas ng pinto.
Sheesh! Kala ko pa naman mauunahan ko sya sa pag-utos ko!
Kaming dalawa: Jack-n-poy!
Ay! Bubwit!
Ang hina ko talaga sa jack-n-poy! Anong kamalasan ba ang nakakapit sa'kin at lagi na lang akong talo?! Kailangan ko pa tuloy tumayo para magbukas ng pinto. Sino ba naman kasi yang storbo na yan?!
Tamad noh? hehe
Ding! Dong! Ding! Dong! Ding! Dong! Ding! Dong! Ding! Dong! Ding! Dong!
Ako: (sigaw sa pinto) Oo na! Wait lang!
Ni-unlock nung door -- nagbabalak na sipain kung sino man ung intruder sa lazy day namin ni Horsey. Sya na nga tohng nanggugulo, sya pa may balak na manira ng doorbell. Aba---
Napatigil ako nung nakita ko kung sino ung bisita namen.
Nakatayo sa harap ko, at nagmamaganda pa, si Richie... at mukhang bitbit nya pa si Arriane.
Ako: Anong ginagawa nyo dito?
Richie: Anoh ba yan? Wala man lang 'Ay ganda! Hello!'
Ako: Ah! *ahem* -.- Ay, bakla! Hello! ;D
Richie: Bruha!
Sumugod na papasok si Richie. Talagang pinagkatulakan pa ko patabi. Ako raw ang bruha? Psh.
Sumunod papasok si Arriane. At least sya, nagawang ngumiti sa'kin. At mukhang naalala nyang unannounced visitors sila dahil may dala syang mga bag ng pagkain.
Arianne: La kame magawa eh... Kaya ehto, bubulabugin ka na lang namen.
Sinundan ko sya sa kusina kung san pinatong nya ung mga plastic bag. Nakita ko na lang si Richie na dire-diretso pumunta sa living room -- kung san malamang eh parang Greek god na nakahilata pa rin si Joshua...
At sa kinikilig na sigaw ni Richie, feel ko lang, nakumpleto na ang araw nya sa nakita nya. Of course, lalo syang kikiligin dahil isang loose na wife beater shirt at long shorts lang ang suot ni Joshie.
Richie: Fafa Joshie!!!
Joshua: WAaaaaAAAAAAAAAHHhhhhhh!!! Anong ginagawa mo dito?!?
Napangiti kaming dalawa ni Arriane. Sumunod kagad kami sa living room para pigilan if ever man sa kung anumang krimen *cough* rape *cough* na pwedeng magawa ni Richie. Na-amuse ako sa scene na lumantad sa'min. Nakatayo si Joshie sa couch at mukhang ready nang ihampas ung throw pillow sa mukha ng starstruck na si Richie.
Napatingin sa'kin si Joshua, at konting-konti na lang talaga, gugulong na ko sa kakatawa. Panic na panic ang face ni horsey! hahahaha Syempre, di naman ako ganon ka-salbahe, nilapitan ko na sila para i-save ang aking horse.
Ako: Joshie, hinga muna...
Richie: Fafa naman, masyado ka namang excited sa pagkakakita sa'kin. Grabeh! Flattered ang beauty ko!
Dahan-dahan bumaba si Joshua sa sofa -- kung makatingin kay Richie, kala mo kakainin syang buhay nung bakla.... na siguro may pagka-posible kung titignan ung mukha ni Rich. :P As soon as tumapak ung paa ni Joshie sa sahig, tumakbo kagad sya sa likod ko. Talaga naman.....
Joshua: Anong excited?!? Langya, eh natakot nga ako nung nakita kita! Kala ko maligno!
Ako: Horsey...
Ding! Dong!
Eh? Napatingin ako kay Arriane.
Ako: May bitbit pa kayo?
Arianne: Uy wala na noh. (ngiti kay Richie) Ung skeleton lang ang bitbit ko.
Richie: Ay bruha ka! Anong skeleton?!?
Haaaayyyyy... Palagay ko lang, wala na talaga ang lazy day ko kung ganitong may mga sumusulpot na lang kung saan-saan.
Lumakad ako papunta ulit sa pinto para pagbuksan ung bagong dating.... at nag-double ung shock ko nung nakita kung sinong nakatayo sa labas.
Warren?!?
Warren: Yo!
Ako: W-Warren? Anong ginagawa mo dito?
At parang may kung anong radar na nag-announce ng "Mortal Enemy #1 Detected", biglang nag-appear si Joshua sa tabi ko. Ni di ko man lang narinig na paparating. Nanliliit nanaman ung mga mata nya nung nakita nyang si Warren ung bisita.
Joshua: Sabi na nga ba may naaamoy akong masama sa hangin eh... Hoy, aso, di ka pa naliligo noh!
Warren: (tingin kay Joshua) Hoy, butiki, wag ka ngang makisingit... Si Nessy lang binisita ko dito noh!
Joshua: A-anong butiki?!?
And as usual, ahyan nanaman ung very tensed at sobrang pikon na titigan nung dalawa... Kung anime lang toh, makikita mo na ung kuryente na dumadaan between sa mga eyes nila eh... Pwede nang saksakan ng charger! :D
Hinila ko palayo si Joshua para makapasok si Warren... Kasi feeling ko pag iniwan ko silang dalawa dun, buong linggo na lang silang magtitigan...... Parang ang sweet din pala noh? ;D
Ako: Okay. Awat na. Pasok ka, Warren... Nandito rin mga kaibigan ko eh.
Habang naglalandian sina Joshua at si Warren sa likod ko, napatingin ako sa orasan. Just as I thought, mag-tatanghalian na... Ang dame kong ipagluluto... T^T
It doesn't help na malapit nang magpatayan ung dalawang lalake sa likod ko. haaayy..
Ako: Bakit di na lang kayo manood ng TV habang nagluluto ako? Para naman may magawa kayo...
Joshua: Papaupuin ko yang asong yan sa sofa?!? Eh pano kung may garapata yan?!?
Warren: Bakit? Kung ung butiki nga nauupo sa sofa, malay ba namen kung san-san ka lumusot!
Iba rin ang tension nitong dalawang toh eh... Tinulak ko sila papunta sa living room, all the while, nagbabangayan pa rin. Napatahimik lang sila nung biglang nagtatalon si Richie nang makita silang dalawa. Lalo yatang nag-twinkle twinkle ung eyes nung vakla nung nakita si Warren.
Richie: Oh my chuva! Helloooooo, lover! ;)
Warren: Uh...
Iniwan ko sa living room ung tatlong lalake.... dalawang lalake + 1 lalakwe? Sumama sa'kin si Arriane para tumulong magluto. If I know, umiiwas lang sya sa awkwardness ng atmosphere sa pagitan nung tatlo. :P Oh well... As long as walang dugo na kakalat sa sofa, bahala na sila. Mahirap magtanggal ng mantsa ha.
After ng isang oras, natapos na rin kami sa pagluluto (which might be a miracle considering ilang beses kaming inistorbo ni Joshie na di mapakali). Naghain na si Arriane habang ako naman, binuksan ko ung ref para maglabas ng Coke. Lam ko laging may stock si Joshie eh...
..or maybe not.
Ubos na ung Coke. Bakit walang Coke?
Ako: Joshua?
Joshua: (sumilip sa pinto) O?
Ako: Tinungga mo nanaman ung Coke?
Joshua: Ah... eh...
Ako: i-o-u?
Joshua: Nauhaw ako eh!
Ako: Sabi syo, matuto kang uminom ng tubig.
Nilabas ko na lang ung pitchel ng tubig. May magagawa pa ba ko?
Joshua: Oh sige na, bibili na nga ako eh.
Ako: Hmm? Di na. Ok lang. Umiinom naman siguro ng tubig ung mga people dito, di ba?
Joshua: Psh. Baka magreklamo pa ung aso na tubig lang ang pinapainom natin sa'kanya.
Ang bitter? :D
Warren: (biglang sulpot) Hoy! Narinig ko un!
Joshua: Eh ano naman ngayon?!?
Haaaaaaaaaayyyy... Ang ingay talaga ng dalawang toh. Sexual tension kaya itoh? hahahaha
Umalis na si Joshua. Ako naman, sumunod na kay Arianne pabalik sa living room. Hintayin na lang namin si Joshie bumalik bago kami kumain. Sandali lang naman tumawid sa tindahan eh. 5 minutes.
6...7...8...9...10...11...12...13...14...15..
15 minutes na!
Abah, nasan na si horsey? Nalunod na yata nung coke!
Nag-ring bigla ung cellphone ko. Reflex movement -- nag-dive kagad ako para sagutin.
So sick of love songs, so sad and--5
Ako: Hello?
Joshua: Nessy?
Ako: Nasan ka na? Nilamon ka na ba nung tindahan?
Joshua: Di...
Hmmm... Bakit ganito boses nito?
Ako: What's going on?
Joshua: May sumusunod sa'kin, kanina pa eh... Nagpaikot-ikot na nga ako... Mga sampu siguro...
Oh dear...
Ako: Takbo ka na lang. Ibalik mo na dito ung Coke!
Joshua: Langya, mas concerned ka pa sa coke.
Ako: Ayiieee~ Joke lang. Magiging okay ka lang ba?
Joshua: Oo naman. Di ako makikipag-away. Nag-promise na ko syo, di ba? Sinasabi ko lang, in case-- Sh*t!
Ako: Josh? Joshie?!?
Wala. Line was dead na. Ano kaya nangyari?
Oh no! Baka kung anong mangyari kay horsey ko! Sampu raw?! Kaya ba ng kabayo ang sampu?
Pano kung hindi? Ohh no. Sabi nya hindi raw sya makikipag-away.... Pano kung hindi sya lumaban? Baka mapuruhan sya...
Napansin ko na nakatingin pala sa'kin ung tatlong nambubulabog sa'min.
Ako: Si Joshua. May sumusunod daw sa kanya eh. Naghahanap yata ng away... And, then... May narinig ako... Tapos nawala si Joshie... Baka kung anong nangyari sa kanya...
Tumayo bigla si Warren.
Warren: Ung butiki talaga na un... Lampa!
Nagmamadali syang lumabas ng apartment. Syempre, sunod naman kaming lahat sa kanya. Ehwan ko rin kung bakit. As if naman may magagawa kami ni Arriane pag nagsimula na ang riot... At baka magtitili lang si Richie habang nanabunot ng mga sumusugod sa kanya.
Arianne: San ka pupunta?
Warren: Hahanapin ko ung butiki. (tingin sa'kin) Pag-alalahin ba naman si Janessa ng ganito!
Ako: Kasi naman... Pano kung may weapon ung sumusunod sa kanya? Tsaka...10 against 1?! Di fair un! Baka... baka...kung anong mangyari kay Joshie.. This is all my fault. Dapat pinilit ko na lang sya na wag umalis. Coke lang naman un.. Anoh ba naman ang silbi ng Coke sa buhay?!
Warren: Nessy, di mo kasalanan un noh. Di mo naman alam na may susunod sa kanya. Tsaka, malay ba nating lampa pala ung butiki na un.
Pak!
"Anong lampa?!?? Sinong lampa!?"
Napatingin kaming lahat sa tsinelas na nasa lupa -- na pinangbato sa ulo ni Warren. @.@ Tapos napatingin dun sa tao na nagbato nung tsinelas na tinitignan nang masama si Warren habang naglalakad palapit sa'min. Kahit nung sinusuot nya na ung binato nyang tsinelas, ang sama pa rin nung tingin nya kay Warren.
Joshiieeeee!!!! ToT
Warren: Butiki ka! Anong ginagawa mo dito?!? At binato mo ba talaga sa'kin yang madumi mong tsinelas!??
Joshua: Oo, bahket?! Kung anu-anong pinagsasabi mo... Kala mo ba ganon lang ako kadaling matakot nung mga un?! Eh nabugbog ko na ung mga un dati pa noh!
Warren: Sira ka pala eh! Tatawagan mo pa si Nessy para lang pag-alalahanin sya?!
Joshua: Eh malay ko bang tatakbo na kagad ung mga gunggong na un!? Ni di man lang umabot ng limang minuto!
He's okay... Nakikipagtalo pa sya kay Warren, buhay na buhay. Ni walang gasgas o kahit anong sugat... Pati ung coke na dala nya, walang damage. Nung nag-sink in na walang nangyaring masama sa horsey ko, napatakbo kagad ako sa kanya, sabay yakap. Oo, yakap. Mamaya na ko mahihiya.
Joshua: (nagulat) Nessy...?
Ako: Akala ko may nangyari na syo... Baka napuruhan ka nung mga un! Baka naghihingalo ka na kung saan... Duguan... I'm sorry I made you go out. T^T
Joshua: Nessy... Iba rin ang imagination mo noh? o.O Hey...
Inabot nya kay Richie ung dala nyang coke (very much willing naman ung kinikilig na loka). Hinawakan ni Joshua ung balikat ko tapos medyo tinulak ako palayo para makita nya ung mukha ko.... Wala syang black eye o kahit anong pasa sa mukha. Isang himala...
Joshua: It's alright. Tignan mo oh, I'm fine. Wag mo nang isipin un. Di mo kasalanan na may mga taong walang magawang matino, ok?
Niyakap nya ulit ako.
Joshua: Sige na, tahan na.
Dun ko lang na-realize na tumutulo pala ung mga luha ko. Adik.
Nanahimik sandali ung buong mundo namin... Hanggang hindi na nakatagal, umeksena na si Richie. Lumapit sya kay Warren para manukso.
Richie: Oh, Warren, la kang gagawin? ;D
Warren: Pagbibigyan ko muna since upset si Janessa. (kay Joshua) Hoy, butiki! Wag kang masanay na payakap-yakap kay Janessa ha! Hindi na uhlet mangyayari toh!
Joshua: (tingin kay Warren) Mag-give up ka na nga! Di mo ba nakikita?! Talo ka na! Shtuuuuuupid!
Warren: A-ano?! Heh! Wag ka ngang magmalaki sa isang yakap lang! Shtuuuuuupid!
Joshua: Sumuko ka na! Obvious namang la ka nang pag-asa! Shtuuuuupid!!!
Nagkatinginan sina Arriane at si Richie. Na-amuse yata sa special relationship nina Joshua at Warren.
Arianne: Wow... They're calling each other stupid.
Richie: Okay lang yan. Sa mga pinaggagawa nila, mukha naman talaga silang parehong stupid.
Joshua at Warren: Ano?!?
Napangiti ako. Langya, pano ka ba naman mag-eemote kung ganyan mag-usap mga tao sa paligid mo?
Oh well... It's all good. Okay lang si Joshua... and he's hugging me pa! wahahaha
Chapter 36: (Janessa's POV)
Nang sumapit na ang gabi, hindi na nakatagal si Joshua at itinakwil na ang lahat ng tayo palabas ng apartment. Kaya kaming dalawa naman, balik sa harap ng TV. Kahit ilang oras man lang, balik sa pagkatamad na ulit kaming dalawa. Kakakain lang namen ng hapunan, at nag-iisip na ng midnight snack. Yan ang buhay~
Ako: Gusto mo V-Cut na lang uhlet?
Joshua: Hala! Ano ba yan?! Di ka pa ba nagsasawa dun?!
Ako: Bakit? Masarap naman ah!
Ding! Dong!
Nagkatinginan nanaman kame... Sino nanaman kaya itich? Parang nag-dadalawang isip pa kame kung sasagutin namin ung doorbell or mag-ppretend na lang na tulog na lahat ng tao sa bahay -- kaya shoo! Go away!
Ding! Dong!
Man. -___-
Joshua: Jack-n-poy uhlet?
Ako: (tumayo) Di na. Ako na magbubukas.
Joshua: Yan ang mabait! :D
Ako: Baitin ko yang mukha mo eh...
Tumawa lang sya. Pumunta na ako again dun sa door. Pagbukas ko, may girl na nakatayo sa labas. Nagulantang ako. At first glance, parang napatingin ako sa salamin. Iba rin ang hawig namin sa isa't isa. Except, ung eyes nya, nakakatakot... parang... ehwan... Sharp? Mean? Parang ganon. :P Tsaka medyo wavy ang buhok nya... Kung natural un, buti pa sya. Nabiyayaan lang ako ng sobrang straight at dull na buhok.
Ako: Uh, yes?
Girl: Does Joshua still live here?
American English. As in ung English na nakasanayan kong marinig while growing up -- which means she came from the States. Na-miss ko yata bigla ang States...
Ako: Uhmm yeah. Yeah, he still lives here. Come in. He's in the living room.
Pumasok naman sya. Parang may kung anong butas na yata sa noo ko. Iba ang intensity ng pagtitig ni ate ha. At ever... Hindi man lang ako hinintay para fully masarado ung pinto, dumiretso na kagad sya papasok. In fairness, alam nya kung nasan ung living room...
Humabol kagad ako sa kanya, kaya nasa likod nya lang ako nung umabot kami sa living room. Tatawagin ko sana si Josh, pero nung napatingin sya sa'min, biglang nanlaki ung mga mata nung kabayo. Napatayo kagad sya. Tapos ung face nya, avahhhh, daig pa ang mumu sa sobrang pale! @.@ Shocked to the bones si kuya nung nakita nya ung girl....
Ooooohhhh... Interesting. :D
Girl: Josh... I came back.
Joshua: Trixie...?
Whoa! My mama mia de golay!!!
Trixie!?!?
Chapter 37: (Joshua's POV)
Nanaginip yata ako. Nakatulog siguro ako sa sofa habang nanonood kame ni Janessa ng TV... ARGH!!! Baka make-up-an ako nung Meatballs na un habang natutulog ako!!!
Pero at least... panaginip lang toh... di ba?
Tumingin si Trixie sa likod nya, diretso kay Janessa.
Trixie: So, nakahanap ka na pala kagad ha...
Tumingin uhlet sya sa'kin. May lumalabas na yatang kutsilyo sa mga mata nya. If looks could kill, siguro nagmumulto na ko ngayon.
Okay... So hinde toh nightmare na pwedeng gisingan. Nangyayari talaga toh...
Napangiti si Janessa na parang ninenerbyos. Lumakad sya papunta dun sa coffee table sa likod ko at hinablot ung cellphone nya.
Janessa: Uh, iwan ko na kayo... Usap lang kayo dyan... Magpapatugtog ako sa kwarto kaya di ko kayo maririnig.
Tinignan nya si Trixie, tapos tumingin sya sa'kin. Ngumiti sya bago sya tumakbo sa kwarto nya at sinarado ung pinto. Iwanan ba naman ako? Di nya ba nakikitang handa na kong patayin ni Trixie dito?
Huminga ako nang malalim. Ehto na ung panahon para magsalita... Ilang beses ko na bang inimagine na magkikita ulit kami ni Trix? Okay... so hindi sa ganitong paraan, but still....
Kailangan ko na talagang magsalita...
...magsasalita ako...
...magsasalita ako...
Huy! Magsalita ka na! Anything smart... Dali!
Ako: . . . . .
Say anything! Kahit di na smart... bastah kahit ano!
Kakilabot ung titig nya, tapos samahan mo pa ng sobrang tahimik na kwarto... eh talaga naman! Ganito ung scene na nangyayari sa mga horror movies bago ka mapatay eh!
Trixie: How could you betray me like this?!?
Ako: What -- what are you talking about? Anong betray?
Trixie: Sabi mo hihintayin mo ko! (tumuro sa kwarto ni Janessa) Seems like you were planning na may kasama sa paghihintay!
Ako: What?!? Si Nessy?! Hell, no! Roommates lang kame! ....na may napakahabang storya... But anyway, I did wait for you! I still am! Kahit nung sinabi mong may iba ka na...
Trixie: Wag ka na ngang gumawa ng excuses! You wrote to me, sabi mo nakahanap ka na ng iba! I didn't believe it at first dahil... (napatingin sa sahig) Sinabi mo na maghihintay ka... I believed that... I believed you.
Akala ko magsisimula na syang umiyak. Pero nung mag-sstep na sana ako palapit sa kanya, bigla ulit syang tumingin sa'kin -- and I swear, three times ang sama ng tingin nya sa'kin.
Trixie: And then, pag-uwi ko, ehto ang nakita ko! My father was right!
Ako: Ano bang sinasabi mo?!? Sinulatan kita for six months -- kahit ni isang sulat, wala akong natanggap galing syo! Pero never kong sinulat na may iba na ko!
Trixie: Don't lie to me!
Napatingin sya dun sa sofa sa likod ko kung san nakapatong ung gitara na kinakalikot ko kanina.
Trixie: Ha... Seems like you still have your music. And to think.. (tumingin sa'kin) Sabi mo, pag nawala ako, parang nawalan ka na rin ng inspiration to play.
Ako: Trix...
Trixie: You're such a liar, Joshua.
Tumalikod sya sa'kin. Pinanood ko lang syang maglakad paalis hanggang sa narinig ko na lang na malakas na bumagsak ung pinto. Ni di ko man lang naisipan na habulin sya. Pano na lang kung kagatin nya ko? :P
After a few seconds, dahan-dahan bumukas ung pinto ni Janessa. Sumilip sya sandali, at nung nakita nyang ako na lang ung tao, lumabas sya ng kwarto nya.
Janessa: Horsey..?
Ako: Heh, kala ko ba di ka makikinig?
Janessa: Naniwala ka naman. Eh nasa genes ko na pagiging tsismosa.
Tumingin sya sa direksyon nung front door tapos lumapit sa'kin.
Janessa: Di mo ba hahabulin?
Ako: Para san pa? Sa sobrang galit nya, di rin un makikinig sa'kin.
Janessa: Why did you write that letter?
Ako: Di ko nga sinulat un!
Umupo sya sa sofa. Tumitig sa gitara ko na parang nag-iisip. Naupo ako sa tabi nya dahil feeling ko, na-drain na yata talaga ang energy ko.
Janessa: Siguro plano lahat toh nung father nya.
Ako: Ha? San mo naman nakuha un?
Janessa: Eh sabi nya tama raw ung father nya nung pinagbibintangan ka nyang nakahanap ng iba. That means against syo ang dad nya.
Ako: Tingin mo plano toh ng pamilya nya?
Janessa: Yeah! Ahyun lage nangyayari sa mga telanobela eh!
Ako: Telanobela..... -__-
Janessa: Hoy, may natututunan din dun noh! Wag ka nang kumontra!
Nanahimik na nga lang ako. :P May point nga sya. Alam ko namang di ako trip nung pamilya ni Trixie... Pinaghihiwalay nga ba talaga kame ng pamilya nya? Sila nga kaya gumawa nun?
Bakit di naisip ni Trixie na baka pakana ng tatay nya ung mga sulat?
....Kaseh di sya nanonood ng telanobela.
Janessa: Yo, horsey...
Tumingin ako kay Janessa.
Janessa: Anong iniisip mo?
Ako: Wala...
Janessa: Hmmmm... Okay....
Tumahimik lang sya sandali. Pero syempre, dahil si Janessa toh -- na hindi kayang manahimik for long periods of time -- after ilang seconds, tumingin ulit sya sa'kin.
Janessa: Ei, horsey...
Ako: Ano?
Janessa: Kung wala ka nang iniisip na heavy, pwede ba kitang bigyan ng pag-iisipan?
Ako: Ha?
Janessa: Kaseh kanina ko pa iniisip...
Napaharap ako sa kanya. Mukhang seryoso toh...
Janessa: Anong midnight snack natin?
Chapter 38: (Janessa's POV)
Kinabukasan, maagang-maaga, tumayo ako ng kama, tumingin sa cellphone ko, sabay collapse uhlet sa kama -- tulog uhlet! aga pa eh! :D Joke! Hinde, nung makita ko ung oras, tumayo na ko... Nagshower, syempre, toothbrush, suklay...ung mga seremonyas sa umaga. Tapos pumunta na ng kusina para magluto ng almusal. Baka ma-spaced out nanaman si Joshua nang buong araw pag di nakakain ng almusal eh.
Sumilip ako sa labas ng pinto, nandun na ang aming daily newspaper. Kinuha ko na rin, buklat -- entertainment page kagad! nyaha!
Ava'y teka...
Nakita ko ung advertisement ng Star City. Ang tagal-tagal ko na ring di nakakasakay ng ferris wheel! Weeeeehhhh!!!
Napatakbo kagad ako sa kwarto ni Joshua, dahan-dahan sumilip sa loob... Tulog pa si horsey. Lumapit ako sa kama nya. Lumuhod ako para matitigan ung mukha nya. Ang cute-cute nyang matulog... Parang di makabasag pinggan.
Pero pag gising naman, basag na lahat ng plato!
Nilapit ko ung mukha ko sa mukha nya.
Ahem.
Ako: HoRSEEEEYYYYYYYY!!!!!!!!!!
Biglang napatayo si Joshua... As in talon talaga! wahahahaha Pati nga ako nagulat eh. Di ko naman akalain na tatalon sya nang ganon noh! Ung mukha pa nya, parang na-panic na nalilito na ehwan...
Syempre, ako naman, tumawa nang tumawa.
Joshua: Bwiset. (umupo sa kama) Aga-aga, nambubulabog ka... *yawn*
Ako: (ngiti) Good morning~ :)
Joshua: Good morning ka dyan... Ano bang ginagawa mo dito?!
Tinapat ko sa mukha nya ung advertisement ng Star City.
Ako: Look mo oh, may discount ang Star City ngayon... Halika!
Joshua: Ano ba? Ang aga-aga pa eh...
Ako: Eh, sige na~ Para naman mawala na yang paawa affect sa mukha mo.
Joshua: Anong paawa effect!?
Ako: Masyado kang nag-ssulk after Trixie eh. Kaya, i-ttreat kita sa Star City para di ka na mukhang horsey na natalo sa race, okay?
Joshua: Anong natalo sa race?!?! Di ako pangkarera noh!
Hehe... Parang inaamin nya nang horsey sya. :D<br>
Napa-blink si Joshua as if na-realize rin nya ung sinabi nya. Tinignan nya ko nang masama. ;D
Joshua: Anyway, di ako nagmumukmok!
Ako: Suureeee~
Tumayo na ko. I know for sure medyo gising na sya. Di na yan makakabalik sa tulog nya kahit gustuhin nya pa. Hinablot ko ung tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto nya, tapos binato ko sa inaantok-antok nya pang mukha.
Ako: Maligo ka na. Pag di ka nagmadali, iiwanan kita.
Joshua: Di ko naman gusto pumunta in the first place.
Ako: Kaw rin, la kang MATH.
Joshua: . . . . Ha?
Ako: (ngiti sa kanya) Wala kang MATH: Merienda, Agahan, Tanghalian, at Hapunan!
After kong i-declare un, happy-happy akong lumabas nang kwarto para bumalik sa kusina at sa mga daily chores ko. Narinig ko pa si Joshie na may pahabol na sigaw paglabas ko.
Joshua: Akala mo ba may pakielam ako dun!?!? Binagsak ko Math simula nung Calculus noh!
Yup. Gising na sya ngayon. :D
Chapter 39: (Joshua's POV)
"Relax.. We're gonna have fun today, ok?"
Tumingin ako kay Janessa na nakasabit sa braso ko. Hinahaltak nya ko papasok sa ng Star City... Yeah, yeah... Nahila rin ako nitong meatball-head na toh dito. Haaaaayyy... Kung di ko lang naisip na walang matinong pagkain ng buong araw...
Janessa: (turo sa ticket line) Whoa! Ang daming people!
Ako: Anong inaasahan mo? Eh holiday ngayon.
Janessa: Wag kang masyado masungit, horsey.
Di na ko nag-comment. Natututunan ko nang pag may gustong gawin si Janessa, mamatay man ako sa pagkontra, gagawin at gagawin nya pa rin ung gusto nya. Hinayaan ko na lang syang hilahin ako sa pila. All the while, daldal sya kung anu-ano ung sasakyan namin... Haaaayyyy... Daig pa ang bata eh.
Janessa: Syempre, save the best for last, ang last na sasakyan natin, ung ferris wheel!
Wha-?! Ano!??!
Ako: A-ano?!? Ferris wheel?!?
Janessa: Yup! Ung malaking umiikot--
Ako: Alam ko kung ano ung ferris wheel, sira!
Janessa: Great! Sasakay tayo dun! Dami natin makikita!
Di naman por que sinabi nyang sasakay kame, eh ibig sabihin eh mapapasakay nya ko di ba?
Pagkatapos ma-stamp nung mga ticket namin, hinila nya na ko kagad papunta sa kung saan-saan... Booth dun, ride dito, kain dun, pasok dito...
Sinong mag-aakala na ma-eenjoy ko nang sobra toh?
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(Janessa's POV)
Halos 6 PM na nang matapos namin ni horsey lahat ng rides, booth, at mga horror houses na gusto naming pasukin. Syempre, this is it na -- ferris wheel time na! yipeeeeeee!!!
Hinila ko si Joshua papunta sa ferris wheel. Enjoy na enjoy ang mokong... Turo ng turo sa mga rides na gusto nyang sakyan. Parang bata. Pagtigil namin sa harap ng ferris wheel, bigla syang nanigas, sabay namutla.
Ako: What's wrong?
Joshua: S-s-sakay tayo d-dyan?
Ako: Yup, it's the grand finale nga di ba?
Bigla nya binitawan ung kamay ko, sabay napaatras bigla.
Joshua: Sige, ano... hihintayin na lang kita dito...
Ako: Huh? Ano ka ba? Ang ganda-ganda ng view sa taas, ma-mmiss mo pa.
Joshua: Di... May view naman dito eh... Ung mga rides... cotton candy... Yup, satisfied na ko sa view dito.
Ako: Ano ka ba?
Parang timang toh. Tinitigan ko syang mabuti. Iniisip kung ano nanaman kayang problema at nagiging KJ toh. Parang kanina lang eh buhay na buhay sya...
Toink! -- At bigla kong nakita ang katotohanan!
Ako: Aha! (turo sa mukha nya) Takot ka sa heights noh!
Joshua: A-ano?!?! H-hinde ah!
Ako: Ahsuzzz... Sipain kita dyan eh.
Hinablot ko uhlet ung kamay nya at hinaltak sya papunta dun sa naghihintay na cabin nung ferris wheel. Tinulak ko sya loob, wa care sa mga kontra nya. Bago pa sya makawala, pina-ikot na nung worker ung wheel para makasakay sa susunod na cabin ung nasa likod namin. Nyahaha. No choice na ngayon si horsey kundi sumakay sa ferris wheel. Isang round lang naman.. Di naman siguro sya hihimatayin noh?
Ako: Horsey, relax... Di tayo babagsak, promise!
Joshua: Heh!
Tuloy-tuloy lang ang mabagal na ikot ng ferris wheel. Kinukulit-kulit ko pa si Joshua na tumingin sa labas. Wag ung sahig ang titigan nya, anong point ng pagsakay nya kung hindi nya makikita ung view sa labas? Pagdating namin sa taas, sinipa ko ung paa ni Joshua. Syempre, ever naman sa pagka-paranoid ung isa, napatingin sya sa'kin bigla – parang naman mahuhulog ung cabin or ano sa konting galaw lang nung nasa loob.
Ako: Horsey, wag ka ngang tumingin sa sahig lang.
Tumuro ako sa labas.
Ako: Look mo oh... Kitang-kita dito ung sunset! Dali, tingnan mo!
Dahan-dahan syang tumingin sa side. Nung nakita nya ung sunset, ahyun, na-focus na ung mata nya dun. All the way pababa, hindi na sahig ang tinitignan nya. Success.
Pagkatapos nung ride, ngumiti ako kay Joshua...
Ako: See? May nalalaman ka pang patakot-takot sa heights... Ganda ng sunset sa taas noh?
Joshua: Sino bang may sabing takot ako sa heights?
Hmm? Palusot pa ang loko.
Joshua: Sa'yo ako natakot eh! Tayong dalawa lang nandun, eh kung rape-in mo ko!?
Pak!
Binatukan ko nga ung mokong!
Ako: Sira!
Chapter 40: (Janessa's POV)
7:37 PM na nang makalagpas kami sa traffic. After 10 years, malapit na rin kami sa apartment. waahahaha... Ako nagddrive, kaseh nga, kinidnap ko lang si Joshua. Kaya, ahyun, pinagka-busy-han na lang ni Joshie ung pagpipindot sa radyo. Langya, may balak pa yatang sirain ung radyo ng kotse ko! Laking tuwa ko na lang nung makarating na rin kami sa wakas.
Huh?
Pagtigil ko sa harap nung apartment building, nakita ko kagad na may nakatayo sa labas ng pintuan namin. Syempre, dahil mabait na bata ako at laging kumakain ng gulay, malinaw ang mata ko. Di ako pwedeng magkamali kung sino un.
Napatingin sa'kin si Joshua nung na-realize nyang hindi pa rin ako nag-ppark.
Joshua: Anong ginagawa mo? Bakit di ka pa magpark?
Ako: A-ano eh...
Sumulyap uhlet ako sa apartment door namin, saktong kakapasok lang nung tao sa loob. May susi ever?
Ako: (balik tingin kay Joshua) Nakalimutan ko, may dadaanan pa nga pala ako. Bakit di ka na bumaba, tapos susunod na lang ako mamaya?
Joshua: Ha? Eh di sasamahan na kita--
Ako: No!
Joshua: Okay?
Ako: I mean, wag na... Mabilis lang naman...
Halos pinagtulakan ko talaga syang lumbas. :P
Ako: Sige na, horsey. Pumasok ka na. Shoo! Pag naging mabait ka, uuwian kita ng carrots. :D
Joshua: Anong carrots?!?
Ngumiti ako. Di ba gusto ng mga horse ang carrots?
Dahan-dahan pa sa paglabas nya nung kotse si Joshua. Josko. Tinignan nya pa ko na parang nababaliw na ko bago sya nagsimulang maglakad papunta sa apartment. Hinintay ko syang makapasok bago ko inayos ko ung pagkaka-park ko (dahil ayoko naman mahuli para lang sa illegal parking o kung anuman), tapos pinatay ko ung makina. Dito na muna ako since wala naman talaga akong pupuntahan. Maghihintay na lang ako... Siguradong kailangan nila ng space dun sat ass...
Di nagkakamali ung mata ko eh... Alam ko...
Si Trixie ung nakita ko.
Chapter 41: (Janessa's POV)
Ang tagal! Ang tagal tagal ha!
Mga 15 minutes na yata since umakyat si Joshua. Malamang nag-uusap na ung dalawa... Grrrr! Nangangati na ung paa kong sumugod sa taas at maki-tsisims.
Pero bad un... Need nila ng privacy... Kailangan kong magtiis at magdusa upang umunlad ang ating bayan!
Weeeh! Bayan-bayan ka dyan! Nakakaunlad din ng bayan ang knowledge – kaya alamin na natin kung anong nangyayari! Knowledge is power!
Ahyan lang ang argument na kailangan ko. Bumaba kagad ako ng kotse sabay takbo paakyat ng apartment namin. Inakyat ko ung stairs na un two at a time pa!
Pagdating ko sa harap ng pinto,napangiti akong bigla. Ang lakas talaga ng hatak ko sa taas... Naiwan lang naman na medyo bukas ung door. :D Tinulak ko pa nang kontiiii pa ung pinto hanggang sa narinig ko na ung nangyayari sa loob. Mukhang di man lang pumasok all the way ung dalawa bago nagsimula ng heart-to-heart nila. Oh well, works for me. Rinig ko sila loud and clear~
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(Joshua's POV)
Ang awkward. Gano na ba katagal since umupo kami ni Trixie sa dining room para mag-usap? Psh. Nagtititigan lang naman kami. Mahulog-hulog na nga ang puso ko nung nakita kong bukas ung pinto nung apartment, halos atakihin pa ko nung nakita ko kung sino ung nakatayo sa loob. Malamang naalala nyang dun sa crack sa dingding ko nilalagay ung spare key... Kaya ahyun, nakapasok kagad.
Pero ang tahimik pa rin... -___-
Napatalon ako sa gulat nang biglang tumayo si Trixie.
Trixie: Bakit, Josh?
Huh?
Trixie: Why did you break your word? Sabi mo you'll wait for me... Kahit gano katagal...
Ako: Trix, naghintay ako...
Trixie: Then bakit may kasama ka na kagad na iba dito?!?
Ako: Si Janessa? Trix, I swear, we were forced to live together! Kahit tanungin mo pa sya.. And about dun sa letter... Di ako nagsulat nun...
Trixie: Then who did?!?
Ako: How about your family?
Natahimik syang bigla.
Trixie: No... My dad gave me his permission to go back... They wouldn't write such a thing...
Ako: Kaya nga! Di mo ba nakikita!? It's the perfect crime!
Nakz, perfect crime! wahaha
Ako: Papaisipin nilang ok na sila na magkasama tayo, pero sa totoo, nag-mmanipulate sila para maghiwalay tayo. Ang kinatapusan, inosente sila, guilty ako.
Tiningnan ako ni Trixie. Langya! Ang lamig ng tingin! Kulang na lang may lumalabas nang ice cubes sa mata nya!.... Tapos biglang natunaw ung ice... Halos paiyak na ung mata nya...
Trixie: I don't know what to think anymore...
Lalo akong kinabahan. Langya! Umiyak ba naman sa harap ko!?? Eh na-papanic nga ako pag may umiiyak!
Eh di syempre, ginawa ko kung anong normal na gagawin ng mga tao sa TV (nahawa na yata ako kay Nessy sa panonood ng telanobela). Nilapitan ko si Trixie, tapos niyakap ko...
Ako: Wag kang mag-alala, Trix. Kahit anong mangyari, I'll be here for you. Lagi yan..
Squuueeakkk...
Napaikot kaming dalawa sa likod ko, kung nasan ung pinto. Parang biglang tumigil ung puso ko. Nanlaki ung mata ko nang makita ko si Janessa sa pinto. Dahan-dahan kong binitawan si Trixie...
Janessa: (biglang tumayo) I... I'm sorry... I...
Tumingin sya sa'kin tapos kay Trixie, tapos sa'kin uhlet... Nangilabot ako sa tingin nya. Di naman ung nakakatakot na galet. Wala ngang expression eh... Un ung nakakatakot... Di ko alam kung anong iniisip nya.
Bigla syang umikot sabay takbo paalis. Eh ako naman, by reflex, eh di hinabol ko!
Ako: Nessy! Sandali!
Ang bilis tumakbo ng meatballs sa hagdan! Buti di sya nahulog...
Ako: (habol pa rin sa kanya) Nessy!
Pumasok si Janessa sa kotse nya. Ako naman, sige, magpaka-Superman na at humabol bago masarado ung pinto. Nahuli ko naman saktong pagbagsak nung pinto... Buti na lang bukas ung bintana.
Ako: Nessy... Ano ba?
Janessa: (inistart ung kotse) Go away, Joshua.
Ako: Wait, bakit ba nagagalit ka?
Biglang syang tumingin sa'kin... Ahyan nanaman tayo dyan eh... Expressionless nanaman... Kakilabot!
Janessa: I'm not.
Napa-stepback ako sa lamig nung boses nya. Nabitawan ko ung pagkakahawak ko sa kotse. As soon as napansin ni Janessa na hindi na ko nakahawak, nag-drive kagad sya paalis. Ako naman, hanggang titig na lang... San kaya sya pupunta?
"Josh..."
Napaikot ako... Nakatayo si Trixie sa likod ko, hawak ung gitara ko. Nagsisimula nang tumibok ang ulo ko.
Ako: Trix.. I'm sorry... (nilabas ko ung cp ko) I just have to make sure na okay si Nessy.
Trixie: Why?!?
Napatingin ulit ako sa kanya. Hmm, at least sya, halatang-halata ung emotions sa mukha nya. Ung tipo bang ready nang makapatay sa galit.
Trixie: Does that girl mean more to you than I do?
Sa mga tanong na ganito, anoh bang dapat na isagot?
Ako: Trix...
Trixie: I knew it... There is something going on between you two.
Umikot sya papunta dun sa other direction...
Oist! Teka! Ba't dala mo ung gitara ko?!?
Trixie: (tinaas ung gitara) I guess you won't be needing this anymore.
Ako: Teka, ano? Trixie!
Bago pa ko makakilos, hinampas nya ung gitara dun sa gilid ng building... And syempre, ahyun, nagkawatak-watak ung gitara.
Ako: (na-shock) A-anong ginawa mo?
Trixie: (tumingin nang masama sa'kin) If I can't be your music muse anymore, then you don't need this at all!
Pagkatapos nyang sirain ang gitara ko at sigawan ako, tumakbo sya paalis. As usual, like the old times, eh galit nanaman sa'kin. Tiningnan ko sandali ung wasak ko nang gitara... Haaaayyyy... Nakakasama man ng loob, di ko na maliligtas yan, i-CPR ko man yan. Tinignan ko uhlet ung cellphone ko.
Teka, tinuruan ako ni Nessy mag-speed dial eh..
Press two nang matagal para sa number nya...
Ahyun, nag-ring! Wahahahaha Galing kong mag-speed dial! haha
Wait lang...
Ring! Ring! Ring! Ring! Ring!
C'mon, Nessy... Answer the phone.
Chapter 42: (Janessa's POV)
Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...
Haba ng "haaaayy" noh? hehe Pagkatapos ng aking panicked walk-out -- drive-out? -- kina Joshua, eh sa park ako bumagsak. Nagmukmok sa isa sa mga bench dun. Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyy talaga. Ano bang ginagawa ko? Ehwan ko ba kung bakit ako nag-react ng ganon. Nakaka-wa poise. Ang ganda-ganda ko pa naman... nyahahaha
Kaseh naman... nung nakita ko silang magkayakap... May mahigpit na tumali sa aking puso at ako'y nakulangan ng hininga! :D Nyahahahaha ang deep ng tagalog!
Pero... Nung sinabi ni Joshua na he'll be there for Trixie daw lage... Di ba sinabi nya rin sa'kin un? Can someone be there that way for two people at the same time?
Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...
Teka nga...Bakit ba ko nag-rreact ng ganito eh di naman kame?
I mean, sure, medyo naging close kami ni horsey... Bakit hinde, eh nasa iisang apartment kame?
And besides, sweet sya -- kahit once in a blue moon. Tsaka may sense of humor... Pasaway ng konti... Lage na lang akong kinukulit, sarap sipain. And...
And...he said....
Sabi nya he'll always be there for me... He'll protect me.
Gusto kong i-keep nya ung promise nya. I don't want him to slip away from me.
Ayoko syang mawala. Madamot ba ko?
Napahawak akong bigla sa pisngi ko. May tumulong basa eh... Umuulan ba? Tingin naman ako sa taas. Gaga noh? :P
Umiiyak na pala ako... dahil kay horsey? Dahil. Kay. Horsey.
Now I know.... Gosh, ngayon ko lang na-realize... Di ko man lang talaga namalayan...
I'm falling in love with Joshua na pala.
Pero di pwede! He loves Trixie -- kahit pa-showbiz pa ung dalawang un. So, anong lugar ko? Ang dakilang extra -- bow.
Bubwit... Ma-inlove ba naman sa horsey ng knight in shining armor ko! Kaseh naman yang knight na yan, kung san-san iniiwan ung kabayo nya!
Sige, next time ko na lang aawayin ung knight in shining armor ko...
Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...
"Nessy?"
Napatalon akong bigla nang may biglang sumulpot sa tabi ko. Hala ka! May mumu na nakatayo!
"Anong ginagawa mo dito?"
Tiningnan ko nang mabuti, pahid luha, nakaka-blur ng vision eh.
Ako: Ah... Warren...?
Warren: Umiiyak ka ba?
Ako: Ha? Hinde! Nako, napuwing lang ako!
Nyekz... may kalawang na yang excuse na yan, suz ko poh!
Warren: Pinaiyak ka nanaman nung butiki na un noh! Nasan un?! (tingin sa paligid)
Ako: Hinde noh!
Langya, sa lamig na toh, pinagpapawisan pa ko.
Warren: Fine. Okay, hatid na lang kita snyo para mabatukan ko ung butiki sa pagpapaiyak syo
Eh bahket ba pinagpipilitan mong pinaiyak ako ni horsey?
..kahit totoo naman. :P
Ako: Nah, I brought my car.
Warren: Okay.. I'll just ride with you... Nag-jeep lang ako, ban ung kotse ko eh.
Talaga lang?
Ako: I don't want to go home yet.
Warren: Eh? Lokong un, si butiki talaga nagpaiyak syo noh! Pag nakita ko talaga un... (biglang tumingin sa'kin) San mo gustong pumunta?
Ako: I think, I'll go na lang muna sa dati kong apartment. I'm sure, makakausap ko ung may-ari to let me stay for one night. Close kame eh.
Warren: Okay. Samahan na kita.
Ako: Sure.
Naglakad kami papunta sa pinag-park-an ko ng kotse. Salita lang ng salita si Warren. Buti na lang raw nag-jogging sya tonight, otherwise baka di nya ko nakita... Humanda raw si Joshie pag nakita nya. Blah blah blah. Masyado akong absent-minded para talagang makinig sa kanya. Lumilipad-lipad ang thoughts ko sa kung saan-saan na hindi ko naman trip na lugar.
I should just stop being a burden to Joshua and Trixie...
Maganda pa naman ako. May future pa ko sigurado.
I should move out of the apartment.
Chapter 43: (Joshua's POV)
Nasan na kaya si Janessa?
Ilang oras ko na ring tinatawagan ung cellphone nya. Langya, gusto ko na ngang ibato sa sobrang inis eh! Since di rin naman ako mapakali sa apartment, eh lumabas na ko. Dala nya ung kotse, sa laki ba naman nun, imposible namang di ko makita un di ba?
Pagkatapos ng pang-labing-limang pagpapa-ring ko, eh tinigilan ko na. Kung ayaw sagutin, eh di wag. Bwiset! Nasan na kaya sya? Gabi na...
Bigla akong napatingin sa likod ko. Sobrang busy ko, di ko napansin na may sumusunod na pala sa'kin. Langya.
Ako: (tago nung cp ko) Oh ano nanaman at nakasunod nanaman kayo sa'kin?
Isa-isa silang naglabasan. Isa... dalawa... tatlo... o_O
Ay, sige, tago na lang uhlet kayo, dame nyo pala.
Hinanap ko kagad kung may napuruhan na ba ko sa mga toh. Baka mas mapadali ang pananakot.
Kaya lang, malas talaga, wala akong kilala. Haaaaaaaayyyy, mukhang mapapaaway nanaman ako nito.
"I don't like it pag nakikipag-away ka."
Bakit naman biglang pumasok sa isip ko un? Wrong-timing naman ang pagpapaalala ng mga pinagsasabi ni Janessa.
Nakita kong pinapalibutan na ko nung mga kumag. Mga syam o walo siguro sila, laban sa nag-iisang ako. Suz! Yakang-yaka ko toh!
This time, mukha naman ni Janessa ang pumasok sa isip ko. Nababaliw na yata ako.
Kumag 1: Lakas din ng loob mo ah... Susugurin mo kame, eh nag-iisa ka lang.
Ako: Eh parang kayong mga asong sunod ng sunod sa amo eh!
Tingnan mo nga naman...di lang pala ung Warren na un ang aso sa mundo.
Kumag 1: Anoh, handa ka na?
Tanungin ba ko?
"I worry about you pag nakikipag-away ka."
Eh, Nessy, anong gusto mong gawin ko!?
Tumingin uhlet ako sa paligid ko. Sino ba tohng mga toh at inaabangan ako lage?
Who cares? Kung gusto nila ng away, bakit ko pipigilan?
"I'm scared na baka di ka magising, or ma-ospital ka... I worry about you."
Argh! Bwiset! Hindi ko talaga gabi toh! Kelan pa ko na-guilty dahil makikipag-sapakan ako?! Kahit wala si Janessa sa harap o sa tabi ko, yakang-yaka pa rin akong manipulahin nung babaeng un!
Ako: Wala ako sa mood makipag-riot ngayon... (umikot na ko para umalis) Next time na lang.
Kumag 1: Ano?!? Ano ka ba?! Duwag?!
Tumigil ako sabay tingin nang masama sa kanya. Sya na nga tohng hinahayaan kong mabuhay ng isa pang gabi, sya pa ang galit.
Ako: Wag mo kong guluhin ngayon. Nauubos na energy ko sa problema ko, wala akong balak magsayang pa syo ng aura ko.
Napa-stepback sya. Lakas ng kamandag ko noh? Nung napansin kong di na sya gagalaw, eh nginitian ko.
Ako: Sige, see you na lang isa sa mga araw na toh!
Tapos nun, umikot na ko para iwanan sila. Uuwi na lang ako. Baka umuwi rin si Janessa, eh di bawas pagod pa. Nagpasimpleng silip ako sa likod ko, wala ni isang sumunod sa'kin. Ung isang kumag lang yata talaga ang boss nila. Syempre, pag hindi gumalaw si boss, hindi rin gagalaw ung iba. Mga kumag talaga.
Pagdating ko sa apartment building, sinilip ko ung usual parking space ni Janessa. La pa rin ung kotse nya. Haaaaaaaayyyyy... mukhang di pa rin sya umuuwi.
Pumasok ako sa apartment namen. Ang tahimik! Parang...ehwan... may kulang since ako na lang mag-isa nandito. Ang weird naman. Mag-isa lang naman talaga akong nakatira bago nambulabog si Janessa.
Pumasok ako sa kwarto ko, sabay kuha ng bagong damit. Maliligo na nga lang ako. Baka mamaya, pagkatapos ko, matawagan ko na si Nessy...sagutin nya na.
Chapter 44: (Janessa's POV)
Halos 11 PM na. Ilang oras na rin akong wala sa bahay. Tumingin ako sa tabi ko kung san nakaupo si Warren. Nasa living room kami ni Patrick, ung anak nung may-ari ng apartment namin dati ni Kristine. MU sila ni Kristine, kaya ehto, feeling close si ako. :P
Sa totoo lang, inaantok na ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nakaupo pa rin kami dito.
Ako: Haayy..
Napatingin silang dalawa sa'kin.
Patrick: Gabi na, Nes.. Di ka pa ba uuwi?
Warren: Di ka ba nakikinig? Inaway nga sya nung butiki dun! Grrr! Pupuruhan ko na talaga un eh!
Ako: (ngiti nang konti kay Warren) Okay lang ko noh... Naiilang lang akong umuwi.
Patrick: Oh sige na nga, dun ka muna sa dati nyong apartment ni Tin. Nandun pa ung kama, dalhan na lang kita ng kumot, bedsheet, at unan. Tapos, kausapin mo na lang si dad pag sure ka na gusto mong bumalik dito. Sure ako papayag si daddy... (wink sa'kin) Ginayuma mo un eh.
Ako: Mabait lang talaga ako noh. Sure ka ba na okay lang na mag-stay muna ako dito?
Waahahaha...Iba na talaga pag malakas hatak mo sa taas!!
Patrick: Sure. Tsaka, baka ipa-ambush pa ko ni Kristine pag nalaman nyang pinabayaan kitang matulog kung saan. Baka kung ano pa mangyari syo.
Tingin sya kay Warren.
Warren: H-hoy! Di ako ganon noh!
Natawa ako, tapos tumayo na.
Ako: Okay... Warren, I think you should go home na. Gabi na eh... I'll be fine na dito.
Warren: Ha? Ah, oh sige. Tawagan mo na lang ako anytime na may kailangan ka.
Namula ang loko. Anoh kaya un? Tumayo na rin sya, tapos nagpaalam na sa'min. Manghuhuli pa raw sya ng tricycle tsaka jeep. :P Pagkaalis nya, tumingin ako kay Patrick. Sobrang pagod na ko, pero I might ang hirap naman mag-stay sa isang lugar nang walang ka-gamit-gamit.
Ako: Uuwi muna ako. Kukunin ko ung mga gamit ko – or at least ung mga kailangan ko for tonight and tomorrow.
Patrick: Oh? Akala ko ba umiiwas ka?
Ako: Knowing Joshua, baka nandun un sa bahay ng mga katropa nya or kina Trixie.
Oooh, ang saket isipin.
Patrick: (tumayo) Sure ka?
Ako: Yup, I'll be back soon. Tetext kita pag pabalik na ko dito. Wag mo kong tulugan ha!
Hinatid ako ni Patrick sa kotse ko. Nakz, dagdag pogi points kay Kristine toh. Boto na si akowh!
Nag-drive ako pabalik sa apartment ni Joshua. Tumawag na ko sa lahat ng santo, santa, santetista, at kung anu-ano pang may san, na sana eh wala nga si Joshie dun.
Nag-park ako sa usual parking spot ko. Pinatay ko ung makina tapos hinablot ko ung purse ko. As if by reflex, hinalungkat ko ung bag para kagad sa cellphone ko sabay tingin.
Hala! 18 Missed Calls?!?
Puro si Joshie pa. Di rin sya matyaga noh? Iniwan ko pa naman tohng bag ko sa kotse. Sunod kong hinalungkat ung susi ng apartment. Gotcha! Lumabas na ko ng kotse tapos naglakad papunta sa apartment. Napatigil ako sa harap nung pinto namin.
Take a deep breath -- *cough* *cough* -- Langya, di naman sobrang deep!
Sige na. This is it! Binuksan ko dahan-dahan ung pinto nung apartment. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. The coast is clear! Sugod! Mukhang wala nga si horsey ah... Medyo bitter na medyo relieved ako. Relieved na wala sya at hindi ko sya kailangan makita. Bitter kaseh over-active ang imagination ko at sa ayaw ko man o hinde, na-iimagine ko kung nasan sya at sinoh kasama nya.
Pumasok ako sa kwarto ko. Binuksan ko ung cabinet ko at hinablot ung maleta. Tinapon ko ung maleta sa ibabaw ng kama at madaliaan binuksan. Umikot ulit ako and nagsimulang kumuha ng damit from the cabinet, tapos balik at tapon sa maleta. Kahilo tohng pabalik-balik, prhumiz! Kuha damit, balik sa maleta, kuha damit, balik sa maleta --
"Nessy..."
Hopia!
Napatigil ang aking body. Nagtayuan ang mga buhok ko sa braso. Hala! Bahket nandito toh?!?
Dahan-dahan akong umikot. Nandun nga si Joshie, nakatayo sa pinto. Tiningnan nya ung maleta sa kama ko, tapos dun sa mga damit sa braso ko, tapos tsaka sya tumingin sa'kin.
Ako: Uh, hi... N-nandito ka pala. Natutulog ka na ba? Sorry kung nagising kita ha... Don't worry, I'll be real quiet from now on.. Go back to sleep.
Joshua: San ka pupunta?
Sa dami poh ng sinabi ko, ang layo ng sagot nya.
Ako: Lilipat na ko ng apartment. Ung apartment namin dati ni Tin, it's still vacant kaya dun na lang ako. Para di na ko makagulo snyo ni Trixie.
Hala, ang peke ng ngiti mo Janessa.
Eh pakielam mo ba? Peke na kung peke, basta maganda pa rin~
Biglang nag-straighten ng pag-tayo nya si Joshua.
Joshua: Bakit ka lilipat?
Ako: Nakikinig ka ba?
Tinambak ko ung mga hawak kong damit sa maleta.
Ako: Nanggugulo lang ako dito, kaya I'll just leave. I don't have a place here.
Pinagsisiksikan ko ung mga damit sa maleta nang bigla nyang hinawakan ung mga kamay ko. Oh di va? Parang slow motion... Ang bilis maglakad ng horsey at nahablot na kagad ako... Napatingin akong bigla sa kanya.
Joshua: Don't...
Ako: Joshie?
Joshua: I need you... Don't you understand that?
Whoshie! A-ano raw?!
Napatawa ako nang konti. Pasensya na! Eh natatawa ako pag ninenerbyos eh!
Binawi ko ung kamay ko, tapos nagmamadaling lumakad pabalik sa closet ko. Pero di naman ako makakuha ng mga damit, kaseh hala, daig pa ang may epilepsy sa sobrang nginig ng kamay ko eh!
Ako: Of course I understand. Kahit ung apartment kailangan ako eh. The kitchen needs me to cook. Ung washing machine needs me to wash dirty clothes. The bathroom needs me to scrub it hard. Ung living room needs me to keep it clean.
Lumapit nanaman sa'kin si Joshua. Kala ko kokontra eh o kaya sya na ung magtatanggal ng mga damit sa hanger. Pero, instead, bigla nya kong hinila sabay yakap nang pagka-higpit-higpit, halos hindi na ko makahinga.
Ako: Josh...?
Joshua: Yes, okay, kailangan ka na ng lahat.
He buried his face sa balikat ko.
Joshua: Pero wag mo kong kalimutan. I need you, Nessy. Don't you understand? Without you, I'll lose my way.
Ahyan na, nagpaka-marathon na ang toktokitok ng heart ko. Nako poh!!! Kalaglag puso naman talaga!
Joshua: Please, Nessy... Stay... Wag kang umalis.
Adik k aba?! Pagkatapos mo ba naman akong yakapin nang ganito, kala mo ba ma-ttake ko pang umalis?!?
I sighed tapos nag-relax na lang ako sa hug nya. Mukhang kailangan kong tawagan si Patrick to cancel ung sleepover ko. Oh the things I do for horsey...
Ako: Okay. I'll stay for you.
Magkaron man ng gyera between Trixie and I... or kumontra man ang buong world... I'll stay... as long as you want me to.
Oh di ba? Haba ng hair ko.
Chapter 45: (Janessa's POV)
Paggising ko nung umaga, ang una kong tiningnan ay ung orasan... At ang unang pumasok sa isip ko: "Gutom na ko." Kaya lang, kahit anong rebelde ng tyan ko, hindi ako makatayo dahil inaantok pa rin ako. Ayaw bumukas ng mga mata ko. Abah, 8am lang oh! Anong oras na kame natulog ni horsey? Halos 2:00am na! Shosyal noh? Kumain lang kami habang nag-uusap. Ang tagal ng heart-to-heart namin. :P
Abah, teka...
Napabukas uhlet ung mata ko at nakinig nang mabuti. May kung anong kamakaluskos sa apartment. o.O
Napatayo akong bigla. Ninanakawan na ba kame? Dahan-dahan kong binuksan ung pinto, tapos sumilip sa labas.
"Biglang may box from outerspace
Nakita ko sabay kinuha ko
'Yung box from outerspace
Binuksan ko at nasindak
May picha pie sobrang laki
Tinikman ko within five seconds
Naubos ko parang mani7"
My golay... Si horsey ba ung kumakanta na un? Gising na ung kabayo?!
Lumabas ako ng kwarto ko at dahan-dahan na lumakad papunta sa kusina. Napatigil akong bigla nang nakita ko kung anong nangyayari. My gush! Si horsey! Nagluluto! Anong kababalaghan itoh?!
Napatayo na lang ako dun sa likod nya. Pinapanood sya magluto (na once in a blue moon lang kung mangyari) -- tsaka nakikinig na rin sa kanyang early morning na alarm clock -- este, kanta pala.
"'Coz now I love my picha pie
As long as I eat picha pie
I know I'll be alive
I want all my garlic beef
Pepperoni, double cheese
Ang picha pie, picha piieeeee...Penge!7"
Hindi nya naman masyadong kabisado ung lyrics, noh? :P
Tinanggal nya ung kawali sa stove at nilagay sa naghihintay na plato ung niluluto nya. Mukhang dapat sunny-side up na itlog ung niluto nya – nagmukha lang scrambled. -__- Nung umikot sya para ilagay sa lamesa ung plato, dun nya lang ako napansin.
Joshua: Nessy, gising ka na pala...
Ako: Sa lakas ba naman ng pagkanta mo, sinong di magigising? Buti hindi pa bumabagyo sa labas.
Tukso lang~
Joshua: Hoy, maganda naman boses ko noh.
Ako: Sige, sabi mo eh...
Umupo na ko at naghintay na pagsilbihan ng kabayo ko. ;D Nilagay nya naman ung hawak nyang plato sa harap ko.
Joshua: Pa-deny ka pa dyan... In lab ka rin naman sa boses ko. ;D
Ako: Horsey, ang yabang mo.
ding! dong!
Napatigil kaming dalawa. Tumingin ako sa kanya... Sya naman, tumingin din sa'kin.
ding! dong!
Joshua: Ano? Makikipag-bato-bato-pick ka nanaman?
Psh. Tinignan ko sya nang masama. Porket ba malas ako sa bato-bato-pick, kailangan ako na lang lagi ang magbukas ng pinto?! Pero anoh pa nga ba... Tumayo ako – pero dahil hindi ako papayag na basta-basta na lang syang manalo – habang dumadaan ako sa kanya, ginulo ko ung buhok nya! ^o^
Joshua: Oy, anoh ba?!?
Wahehe Tumakbo na ko kagad para buksan ung pinto. Pagsilip ko sa labas, sumalubong kagad sa mukha ko ung three stooges!
Mark: Nessssyyyy!!! :D
Ako: Mark? Paolo? Ralph? Anong ginagawa nyo dito?
Hinayaan ko silang pumasok. Nagulat lang ako. Who would have thought na mga morning people pala tohng mga toh? Ang akala ko sila ung mga tipo na tulog hanggang hapon kung pwede lang.
Ralph: La magawa eh... Nasan si Josh?
Ako: Nasa kusina. Kumain na ba kayo?
Mark: Di pa!
Paolo: Kakakain lang natin ah!
Ralph: Eh gusto namin kumain nung luto ni Nessy eh.
Mark: Oo nga. Kung ayaw mong kumain, eh di wag.
Naglakad silang tatlo papunta sa kusina/dining room. Nung nakita sila ni Joshua, biglang nanliit ung mata nung kabayo. :P Napatingin din sya sa'kin nung nag-feel at home ung tatlo at talagang umupo sila para makikain.
Joshua: Anong ginagawa nyo dito?
Mark: Aba, binibisita ka. :)
Ralph: Di mo man lang ba kami na-miss?
Joshua: Bakit? May ka-miss-miss ba snyo?
Mark: 'Tol! Ang sakit mo naman magsalita!
Ralph: (tingin sa'kin) Janessa oh, inaaway kame. T^T
Ako: (tingin kay Joshua) Joshie naman, dumadaan lang naman sila eh.
Mark at Ralph: (kay Josh) Oo nga~ Dumadaan lang kame~
Joshua: Hmpf!
Nakita kong nakatitig si Paolo dun sa itlog sa mesa. Parang ang lalim ng iniisip... Syempre, na-curious ako, tinanong ko kung ok lang sya.
Paolo: Nessy, no offense... Pero, ano yan? Scrambled eggs ba yan?
Ako: Don't ask me, kakagising ko lang. Si Joshua nagluto nyan.
Biglang napatigil ung mga tinidor nina Mark at Ralph na nakapusisyon na para kumuha ng pagkain. Napatingin silang bigla sa'kin.
Mark: Si Joshua?!?
Ralph: Hindi ikaw?
Ako: Nope.
Biglang inusog nung dalawa ung mga plato nila palayo.
Mark: Oh well, bagong kain naman kami.
Ralph: Busog pa ko. Masyado pang maaga para mamatay.
Joshua: Mga kumag kayo! Walang lason yan noh!
Mark: Sigurado ka ba?
ding! dong!
Tumingin ako kay Paolo -- ang kaisa-isang matino sa apat na lalakeng toh.
Ako: May bitbit pa kayong iba?
Paolo: Hinde, wala na.
Tumayo ulit ako – dahil busy si horsey sa pang-aaway nya dun sa dalawang fully convinced na hindi edible ang niluto ni horsey.
Ako: Sino kaya toh?
Si Trixie kaya? Bumalik?
Nag-toktokitok ang aking heart sa sobrang kaba! Di ko nga lam kung bakit biglang pumasok sa isip ko un. Napatigil ako sandali sa harap nung pinto, nag-iisip kung bubuksan ko pa o hahayaan ko na lang na sarado un. But then again, pano kung ibang tao pala ung nasa labas? Alangan namang di ko pagbuksan, di ba?
"Ganda xa!!!"
Ganda xa?
Binuksan ko nang husto ung pinto, at voila! Kaharap ko ang vaklush na si Richie...kasama sina Arianne tsaka si Jodi. Ano bang meron sa araw na toh? May sign ba sa labas na nagsasabing bisitahin kami ng lahat ng tao?
Ako: Oh, naligaw kayo?
Jodi: Mag-yayaya kame sa pyerya sa Cembo eh.
Pinapasok ko sila sa loob.
Ako: Pyerya?
Arianne: Yup. Sama ka. Dali, bihis ka na!
Richie: (tingin sa paligid) Nasan si fafa Joshie ko?
Ako: Kumakain. Nandito rin ung mga ka-tropa nya eh.
Richie: Really?!?!? Ay! Fafa galore!
Nagtuluy-tuloy kagad si Richie papunta sa kusina. Nagkatinginan lang kaming tatlo nina Arriane at Jodi bago kami sumunod sa "fafa galore" ni Richie. Pagpasok namin, napalipad kagad ung tingin sa'kin ni horsey sabay turo kay Richie.
Joshua: Bakit nandito nanaman toh?
Ako: Sinusundo nila ako.
Joshua: Bakit!? San ka pupunta?! Kala ko ba--
Ako: Relax. Pupunta lang kame sa pyerya.
Horsey talaga.. Paranoid.
Napansin ko na biglang natahimik ung mga people sa kusina, at nakatingin sa'ming dalawa ni Joshua.
Ako: What?
Jodi: Abaaaahhhh... Anong nangyari dito?
Richie: I smell something fishy-fish~
Mark: Baka ikaw ung naaamoy mo. Di ka naligo noh?
Richie: Ay, gaga! Naligo ako noh! Bubble bath pa!
Ako: Nako, tama na nga yan. Maliligo na ko para makaalis na kami.
Umikot ako para pumunta sa kwarto ko.
Joshua: Oy, di ka pa nakain.
Ako: (tingin sa kanya) Sa labas na lang ako kakain.
Joshua: Wait lang!
Napatigil ulit ako tapos tumingin kay Joshua. Tumayo sya from the table – at pinapanood pa rin kami ng mga kaibigan naming na parang kami ang pinaka-interesting na tao sa buhay nila.
Ako: Ano?
Joshua: Sasama ako.
Ako: Bahket?
Ralph: Oo nga, Joshua. Bahket? :D
Ang laki ng ngiti nina Mark at Ralph. Parang nang-aasar na di mo maintindihan. Tinignan sila nang masama ni Joshua, pero tumawa lang sila.
Joshua: Eh gusto kong sumama eh. Bakit, masama?
Ako: Di naman. Sige, fine. Kung san ka masaya, eh suportahan ta ka.
Pumasok ako sa kwarto ko para hagilapin ang damit at mga bathing paraphernalias ko. Napatingin ako sa salamin, at dun ko lang napansin na ang laki ng ngiti sa mukha ko. Sasama raw si Joshie~
Wahsuz... happy-happy ka naman?
Oo! Bahket? Hindi ba pwede kiligin kahit sandali lang? Kahit konti lang? :P
Chapter 46: (Janessa's POV)
Halos 11am na nang makarating kami sa Cembo. Ang dami nang tao at ang init-init. Ang tagal kasing maligo ni Joshua. Pinagpilitan pa nya na kumain ako at sa bahay na raw kami kumain ng lunch (early lunch, di ba?). Ang tagal tuloy bago kami nakaalis. Syempre, buntot sa'min ung tatlong makukulit na kaibigan ni Joshua. Baka raw kaseh may ma-miss nanaman sila. Ano bang na-miss nila na nangyari? Eh alam na naman ng buong world na bumalik na si Trixie?
Ang drama naming walo. Sakay dito, sakay dun. Pilitan na sumakay sa ganito, pigilang sina Mark at Ralph na magpaulit-ulit ng sakay. Kahit dun sa ferris wheel, aba, hinila ko uhlet si Joshua. Pahirapan pa!
Joshua: Ayoko nga! Eh kung bumagsak yan!?!?
Ako: Ano ka ba?! Nakasakay ka na dati eh. Halika na!
Joshua: Ayoko!!!
Ako: Horsey!!! Dali na!!!
Joshua: Ayokooooooo!!!!
Langya, kulang na lang maglupasay sya dun eh. Pero syempre, ayoko magpatalo. Binitawan ko bigla ung braso nya.
Ako: Hmp! Fine!
Joshua: Hala... galit ka na nyan?
Ako: Che!
Tinalikuran ko sya – dagdagan pa ng stomp ng foot para special effect – sabay lakad papunta sa ferris wheel. Just as I expected, habol naman kagad si Joshua. :D
Joshua: Nessy! Ano ba?
Ako: Ano rin ba?
Natahimik sya sandal tapos tumayo sa likod ko sa pila. Pinigilan ko ung sarili kong humalakhak ng tawa.
Joshua: Ehto na nga oh... Sasama na...
Nagpalakpakan sina Mark, Ralph at Paolo. Nakapila na rin ung mga kaibigan namin sa ferris wheel, at mukhang kanina pa nila kami pinapanood. Alam rin yata nina Mark ung phobia ni Joshua sa ferris wheel. :P Oh di ba, one point for me! Bwahahahaha
Pero... di ko alam na mababawi pala ni horsey ung point na un. Ang next ride: rollercoaster!!!
Waaaaaaaaaaaaaaaahhhh... mommmmmyyyyyy!!!!!
Bumaliktad ang roles namin. This time, si Joshua naman ung nanghihila sa'kin.
Joshua: Tara na! Tara na! Tara na! Tara na!
Ako: No way! Gusto mo bang magka-heart attack ako?!?!
Joshua: Di yan! Dali na!
Ako: Hell no!
Tumigil si Joshua sa panghihila nya at tinignan ako – paawa effect ever?
Joshua: Sandali lang toh, promise. Ni hindi pa nga masyadong malaki ung rollercoaster eh. Sige na. Pleasssssseeeee~
Ako: You can't make me!!!
Gustung-gusto ko nang kumapit dun sa poste! Waaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh
Joshua: Ayaw mo?
Ako: Ayoko talaga
Joshua: Pag di ka sumakay, uuwi na ko.
Ako: Eh di umuwi ka. Dala ko ba ung jeep?
Joshua: Langya, sungit mo!
Ako: Excccuuuuuuz-ze moi, mabait pa ko noh.
Nagsimula nanaman syang hilahin ung kamay ko.
Joshua: Halika na, sakay na tayo... Rollercoaster lang toh! Pleaaassssssseeeee~
Ako: Di talaga kaya ng powers ko ang rollercoaster, horsey. Hintayin ko na lang kayo dito.
Tumingin sa'kin si Joshua sandal. Humarap sya kina Mark at Paolo na naghihintay sa'min with amused expressions – kanina pa sila naaliw sa'min. Nakapila na ung iba sa rollercoaster. Matapang sila. =__=
Joshua: Sige na, tol. Sakay na kayo. Samahan ko na lang si Janessa dito.
Hm?!
Mark: Sigurado ka? Akala ko ba roller coaster ang tanging buhay mo sa pyerya?
Joshua: Oo nga. Kaya lang, ayaw sumakay ni Janessa eh... Baka kung san pa toh mapadpad pag iniwan mag-isa. Ayoko na pilitin, baka umiyak. Ok lang naman eh, may mga tao lang talagang sobrang takot, di ba?
Takot?! Sinong 'takot'!?? At sinong may sabing iiyak ako?!
Kinuha ko bigla ung kamay nya, tapos hinila sya papunta sa pila. I think, na-manipulate ako ditto, pero ok lang. Hindi ko iiyakan toh noh!
Ako: Paawa effect ka pa, sipain kita dyan eh. Halika na nga!
Nagtawanan sina Mark habang sumusunod sa'min. Kung di lang ako masyadong focused sa task ahead, baka nabato ko sila ng sapatos.
Nung nakaupo na kami sa roller coaster, waaahhhh, nag-sink in na. Nasa rollercoaster ako! Maluha-luha ako sa takot habang chine-check ko ung restraints to make sure na hindi ako mahuhulog habang ibinabaliktad-baliktad kami.
Joshua: (ngiti sa'kin) Wag kang mag-alala, Nessy... Pag nahulog ka, promise...
Sasaluhin mo ko?
Joshua: Ako mismo magbabalita sa parents mo. :D
Langya ka!
Bago ko pa man sya mabugbog, nagsimula nang umandar ung roller coaster. Hindi na ko nakasagot kay Joshie dahil naging busy ako sa pagsigaw at pagkapit for dear life. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
Pagbaba namin sa roller coaster, suz! Na-shock yata ang system ko. Avah, napaupo nga ako dun sa isang bench sa gilid. I can't bilib na sumakay ako dun?!?!? My golay! Nahulog yata puso ko dun sa isang loop! Umupo si Joshua sa tabi ko.
Joshua: Enjoy noh?
Ako: Anong enjoy?! Eh sapakin kaya kita dyan!
Tumawa lang si Joshua. Pinanood namin ung mga kaibigan naming na nag-ikutan sa iba't ibang booth. Maya-maya, medyo okay na ko. Naramdaman ko nang nakakahinga na ulit ako.
Ako: Tara na.
Joshua: San tayo?
Ako: Ehwan? Lakad lang tayo.
Naglakad-lakad nga kami, pasilip-silip sa mga booths at prizes. Hanggang sa may makita akong shooting booth... Ang cuttteeee nung isang prize na teddy bear. Nilapitan ko ung booth para makita nang maayos ung bear.
Ako: Ang cute naman...
Ngumiti si Joshua. Lumapit din sya tapos nag-abot ng pera dun sa taong nag-mmanage nung booth. Naaliw ako na susubok syang maglaro. Nakz... 1... 2... 3... 4... 5... 6...
Avah! Halos hindi nag-mmiss ang mokong! Asentado!
At ang prize nya? Ung teddy bear!
Nung inabot na sa kanya ung bear, nginitian ko kagad sya.
Ako: Wooowww... thank you.
Joshua: Para saan?
Ako: For the bear?
Joshua: Hehhh~ Akin toh noh. Bumaril ka nang sarili mo~ :D
-_____________-
Naglakad na sya palayo, pasipol-sipol pa. Handang-handa na nga akong sumugod para batukan eh. Angkinin ba naman ung teddy bear! hmp! Kuuuriiiiipottttt!!!
Chapter 47: (Janessa's POV)
Medyo gabi na kami nakauwi. Eh pano ba naman, nagpadaan pa sa mga bahay-bahay nila ung mga people para kumuha ng damit at sa'min daw sila matutulog. Imbitahan ba ang sarili... Kaya, ahyan, todo ahyos kame sa living room para magkasya silang anim.
Arianne: Kasya na kaya?
Ako: Di ko alam... Kung gusto nyo, ung isa, katabi ko na lang matulog...?
Mark: Ay ako! ako! Ako! Gusto ko!
Pak!
Joshua: (binatukan si Mark) Ulol!
Mark: Aray naman... T^T
Richie: Ay, ako na nga lang... Baka ma-rape pa ko dito eh!
Ralph: Ikaw? Baka kung ano pang gawin mo kay Nessy eh...
Richie: Ay, excuuuse me, di kame talo noh.
Joshua: Suuuuz, baka naman nag-ppretend ka lang na bakla para makalapit sa babae.
Haaayyy, pinagtripan nanaman si Richie.
Biglang lumapit si Richie kay Joshua. Malandi ang ngiti nung bakla.
Richie: Ay nako, papa Josh... Kaw naman, kung gusto mo kong katabi, eh sabihin mo lang noh.
Joshua: (napa-stepback) Weh! Di na noh!
Natawa ako. Pagkatapos na siguraduhing ok na silang lahat, tumayo ako para pumunta sa kwarto ko. Sumunod sa'kin si Jodi – na nag-volunteer na matulog sa kwarto ko. Iniwan nya ung mga gamit nya sa isang sulok ng kwarto.
Jodi: Ang cute nyo talaga ni Joshua.
Ako: Anong cute? Eh lage nga akong pinagttripan nung kabayong un.
Jodi: Kaya nga kayo cute eh! :D
Heeehh?
Kumuha ako ng konting unan sa kama ko – yaman ko sa unan eh – tapos umikot ako para sana bumalik sa living room at mamigay ng unan. Pero bago pa man ako maka-step out, napatigil ako nung narinig ko ung pinag-uusapan nila.
Ralph: Eh anong gagawin mo, Josh? Bumalik si Trixie... pero nandito na si Janessa.
Richie: Uu nga, fafa, sino ba lamang?
Joshua: Bakit nyo ba ko tinatanong nang ganyan?!
Mark: Haaayyy, tama... Ganito talaga ang usual problems natin, di ba nga, Josh? Sa sobrang ka-gwapuhan naten, masyado tayong pinag-aagawan.
Joshua: Tigilan mo nga ako, Mark.
Arianne: Pero sino ba talaga pipiliin mo, Josh?
Napa-take ako ng deep breath. Sasagot kaya si Joshua? Sino nga ba?
Joshua: Hmmmm... Di ba pwedeng pareho? :P
Hmp! Anoh!??
Swwwooooosssshhhh!!! Pak!
Yan! Bull's eye sa mukha nya ung hawak kong mga unan!
'Pareho'!?! Ulol ba sya?!?
Bumagsak sa sahig si Joshua – natabunan ng mga unan. Napatingin silang lahat sa'kin.
Richie: Whoa, Ness, asentado ka pala! He was only joking, yah know? ;D
Pinindot-pindot ni Arriane ung braso ni Joshua.
Arianne: I think you killed him.
Ako: Good.
Tinignan ko lang nang masama si Joshua habang sinusubukan nyang alisin ung mga unan. Nagtatawanan sina Mark at Ralph – napikon yata si Joshua, hinampas nya ung dalawa ng mga unan sa kamay nya. Bumalik ako sa kwarto at sinarado ung pinto. Napatingin sa'kin si Jodi.
Jodi: Anong nangyari?
Ako: Nothing.
Chapter 48: (Janessa's POV)
Yaaawwwnnnn..
I cracked one eye open at sumilip sa orasan. 9:00 na... yawwwwwnnn Maaga pa. Pero op cors, dahil mabait naman ako, eh tumayo na ko para naman paggising ng mga people eh may almusal na sila.
Ava'y wait-a-minit...
Napaupo akong bigla sabay tingin sa tabi ko. Nasan si Jodi? Rumolyo ako pababa ng kama -- suklay muna ng hair at tali sa ponytail. Lumabas ako ng kwarto -- and voila! Avaah, gising na ang mga people -- kahit ang tulog mantika na si Joshua -- gising! At ever, kumakain na silang lahat. Nung nakita ako ni Joshua, ngumiti kagad sya.
Joshua: Uy, nagising ka pa. Anong petsa na?
Ako: Shut up.
Tumawa si Joshua.
Joshua: Tingnan mo toh, aga-aga, lumalabas nanaman pagkasungit mo.
Ako: Tingnan mo toh, aga-aga, binubwiset nanaman ako.
Richie: Weh, tingnan nyo tohng dalawang toh, aga-aga, may LQ na kagad.
Mark: Sya, sige...Mag-tinginan na kayo.
Tinignan nang masama ni Joshua ung dalawa, na tumahimik naman kagad. Hinila ni Joshua ung upuan sa tabi nya sabay tingin sa'kin.
Joshua: Nessy, di ka ba kakain?
Ako: Mag-sshower muna ako.
Bumalik ako sa kwarto ko at kinolekta ang aking mga parapernalias sa pagligo. Saktong pag-ikot ko, mahulog-hulog ang puso ko nang lumantad sa mukha ko si Joshua. Ni di ko napansin na sumunod pala sya sa'kin.
Ako: Anoh ba?! Bibigyan mo ba ko ng heart attack?
Joshua: Heart attack? Nagkaka-effect na ba ung mga kinakain mong cholesterol?
Ako: Anong cholesterol?! Che! Bakit ka ba nandito? Samahan mo kong magshower?
Joshua: A-ano?!? Adik!
Ako: (natawa) Joke lang! Kaw naman!
Namumula si horsey oh...wahahahaha... As if naman seryoso kong itatanong kung sasama sya sa shower, di ba?
Ako: Oh ano nga? Bakit ka nga nandito?
Joshua: Kaseh, ung sa kagabi...
Ako: Anong kagabi?
Joshua: Ung narinig mo........ Lam mo na.....
Avahhh... Na-sspeechless pa pala ung kapal na mukha nyang toh. Sasabihin lang eh...
Ako: Ung sinabi mong bakit di na lang pwedeng dalawa kame ni Trixie?
Joshua: Uhh...
wahahahahaha... Bumalik nanaman lahat ng dugo ni horsey sa mukha nya. Sobrang pula ah.
Joshua: Di naman ako seryoso nun eh. Biro lang un.
Ako: Alam ko noh. Kaya nga unan lang binato ko syo eh.
Joshua: Eh?! Kung totoo pala un, ano, mas matindi pa ibabato mo sakin?!?
Ako: Abah syempre noh
Joshua: Amazona ka talaga.
Ako: Anong amazona?! Gusto mo bigyan na kita ng sample kung anong ibabato ko syo?
Joshua: (tumawa) Di na, oy!
Umikot na sya para lumabas ng kwarto...
Ako: Nga pala, horsey...
Joshua: Yep?
Tinitigan ko syang mabuti, tapos nilapitan ko sya. Hinawakan ko ung noo nya. Napaatras bigla sya.
Joshua: A-anong ginagawa mo?
Ako: Bakit ang aga mong nagising? May sakit ka ba?
Joshua: Ano?! Kaya kong gumising nang maaga kung gusto ko noh.
Ako: Owwwwsssss?
Joshua: Well... Tsaka binulabog ako nina Ralph eh.
Ako: Aha! Sabi na nga ba end of the world na pag gumising ka nang maaga nang sarili mo eh!
Joshua: Heh!
Nagmukmok pa si horsey nang lumabas sya ng kwarto. Ang sarap lang talaga asarin nung kabayo. Ang cuuuutteeee nya pa pag namumula -- kahit once in a blue moon lang un mangyari. Dumiretso na ko sa banyo para mag-shower, all the while, nagpaplano kung anong next topic na ipang-aasar k okay horsey.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Nag-stay pa nang konting oras ung mga people bago magkayayaan umuwi. Napasarap ang mga loka sa pagkkwentuhan eh. Nung nag-decide na silang mag-uwian, nanghingi pa ng mga pabaon. Syempre, silip naman ako sa ref kung anong meron. Nung wala akong makita, pumunta ako sa kwarto ko, may kinuha lang saglit, tapos bumalik ako kung san naghihintay ung mga people.
Ako: Oh ehto, pabaon.
Nilabas nilang lahat ung mga kamay nila.
Ako: Piso para syo, piso para syo, piso para syo.
Richie: Nakoooo poooohhh!!! Ano namang gagawin ko sa piso??!
Arianne: Sa hirap ng buhay ngayon, wala na tohng mabibili noh.
Joshua: Kayo naman, nanghihingi kayo ng pabaon tapos nung binigyan kayo, nagrereklamo pa kayo.
Ako: Uu nga... Tama, horsey, sige, pagtanggol mo ko.
Joshua: Kasalanan ba ni Janessa na talagang kuripot sya?
Anak ng...Ok na sana eh..
Ako: Kala ko ba kakampi kita?!
Joshua: (tingin sa'kin) Oo nga... Kinakampihan na nga kita di ba?
Ako: Che. Maghanap ka nga ng kausap mo.
Richie: Ay, sige na nga. Pa-sweetums pa kayo dyan, pagsasapakin ko kayong dalawa eh. Halika na nga at baka wala pa tayong masakyan.
Tumingin ako sa relo.
Ako: If you want, ihahatid ko na kayo.
Richie: Eh?
Ako: Kailangan ko rin naman mamili.
Joshua: Anong bibilhin mo?
Ako: Ay di mo ba napansin? Halos wala nang laman ung ref.
Joshua: Ahhhh... hehe... Mamimili ka.
My golay... Naiwan nanaman yata ni horsey ung tenga nya kung saan..
Joshua: Sama na ko.
Ako: Anoh ka? Di na tayo kasya sa kotse noh... Gusto mo sa bubong ka.
Mark: Yehey!!! Hahatid tayo ni Nessy!
Ralph: Di na tayo maglalakad!
Joshua: Mga ulol! Ang lalapit lang ng bahay nyo, ihahatid pa kayo!? Di na kayo kasya noh!
Mark: Iwan kame? @.@
Ako: Sorry.. Ung apat lang kaseh na medyo malayo ang kaya kong ihatid eh... Kung gusto nyo, (ngiti kay Joshua) pahatid na lang kayo kay Joshua.
Joshua: Hala! Ano ka!? Sayang pa gasolina ko dyan sa dalawang yan!
Ralph: Kuripot ka talaga! Kuripot!
Mark: Kuu-riii-pot!!
Pak! Pak!
Haaaayyyy...nabatukan na naman ung dalawa..
Mark: Nessy oh... T^T
Ako: Ay nako, tara na nga. (tumingin ako kay Joshua) I'll be back as soon as possible, ok?
Joshua: Fine. -__-
Naglabasan na kame. Naglakad na pauwi sina Mark at Ralph. Naiwan si horsey sa apartment (taong bahay~). Sina Paolo, Arianne, Jodi, tsaka si Richie, nagpasukan sa kotse ko. Joyride muna kame. Unang bumaba si Jodi. Si Richie sunod, may pahabol pang flying kiss kay Paolo.
Paolo: (pagkalabas ni Richie) Brrrr... Feeling ko na-rrape ako nung baklang un eh.
Ako: Yaw mo nun? May sobrang attracted syo?
After ilang ikot, si Paolo naman binaba ko... Ilang ikot uhlet, nakita na namin ung condo ni Arianne.
Ako: Yan na, layas na.
Arianne: Langya ka, di mo man lang ako ma-mimizz?
Ako: Sira! Magpapasukan na noh... Araw-araw nanaman kitang makikita.
Arianne: Kailangan bang ipaalala un?
Bubuksan nya na sana ung pinto nang bigla syang natigilan. Eh di syempre, napatingin ako... Baka inaatake na ng stroke, di ko pa alam.
Ako: O? Ano?
Arianne: Janessa, about kay Patricia...
Sino raw?
Ako: Sino?
Arianne: (humarap sa'kin) Si Trixie...
Ahhhhh... Patricia ba totoong pangalan nun.
Ako: Ahh... oh, ano?
Arianne: Wag mong hayaang gumitna snyo ni Joshua un...
Ako: H-ha?!? A-ano bang sinasabi mo?! Eh di naman kami ni Joshua... Pano may gigitna?!?
Arianne: Ahsuz, lokohin mo yang lelang mo... Obvious na obvious naman na may chuva-chuchu ka dun sa horse ng knight in shining armor mo~
Ako: H-hinde ah!
Ganon ba ka-obvious?!? Shuckz...kahiya naman to the bones!
Arianne: Wag ka na ngang mag-deny. Pero anyway, all I'm trying to say is, wag kang mag-gigive up kay Joshua... Mahal ka rin nun eh.
Sure... Mahal din ako nun. And maybe, totoong nag-eexist si Santa Claus.
Ako: Ano ka ba? Si Trixie mahal nun noh.
Arianne: Haller?!? Past is past noh. Medyo may pagka-stupid lang yang si Joshua kaya di nya pa napapansin ung present.
Ako: Saan ka nga uhlet pupunta sa usapang toh?
Arianne: Kaseh nga... Masyadong na-hang up yang si Joshua kay Trixie na feeling nya eh hanggang ngayon eh mahal na mahal nya pa rin un. Di nya pa na-rrealize na nag-fade na ung time nila. Suz, kahit si Trixie nakikita na faded na ung "love" nila for each other. Kaya sobra na selos nya syo eh. Shtuuupid lang talaga si Joshua.
Malamang ilang beses nang nakakagat ni Joshua dila nya.
Arianne: Kitang-kita naman ng world kung pano ka tingnan ni Joshua noh... Ay grabeh, gustung-gusto ko na ngang mag-wish upon a star pag nagtitinginan kayo.
Anong tingin? Ung pang-aasar nya? May stars dun? Bakit isang malaking bola ng sun ang nakikita ko? --- nag-aapoy sa asar.
Ako: I don't get what you're talking about, pero, oo na lang ako.
Arianne: Nahahawa ka na pagiging slow ni Joshua ha... (binuksan na ung pinto) Pero anyway, keep this in mind ha. Di ba nga, most people stare at the closed door for so long na di nila napapansin ung bagong door that has been opened for them. Batuhin mo kaya uhlet ng unan para naman matauhan na at makita ka?
Ako: Ay loka!
Bumaba na si Arianne, sabay sarado ng pinto habang natawa. Pinanood ko lang sya sandali na makapasok tapos reflect-reflect muna ako sa conversation namin.
Hmmmmm.... Isip... Hmmmmm again... Isip isip... Hmmmmmmmmmmmmm..
Waaaaahhhhh bubwit! Imposible namang mahal ako ni Joshie eh halos magkandarapa nga sya sa paghabol kay Patricia -- Trixie -- whatevah
Hinablot ko ung bag ko at hinalungkat para sa wallet ko. Kailangan malaman kung magkano ba ang Budget ko. Abah, mamimili ako, di ko naman alam magkano dala ko.
Erase-erase-erase na nga yang "mahal-mahal-chuchu" na yan... Kahit ilang unan ba ibato ko kay horsey, di lilingon un noh.
Eh hollowblocks kaya ibato ko? :D
Avah...wait-a-minit..
Hinalungkat ko uhlet ung bag ko... Nasan wallet ko? O_O Ay gaga... Naiwan ko sa cabinet sa kwarto ko.
Haaaaaayyyyyyyy...
Mukhang kailangan ko pang bumalik sa apartment nito... Sayang gas... tsk tsk tsk..
Chapter 49: (Janessa's POV)
Tumakbo ako paakyat ng apartment, tapos nagmamadali na pumasok. Nagulantang pa ko nung basta na lang bumukas ung pinto. Loko talaga ung si Joshua, di nanaman ni-lock ung pinto. Speaking of the horse, nasan nga ba un? Narinig ko ung shower sa kwarto nya, so malamang eh nag-sshower sya noh?
Tumakbo ako sa kwarto ko. As a reflex, sinarado ko ung pinto sa likod ko. Dumiretso kagad ako sa cabinet para hanapin ung wallet ko – nang biglang may nagtatawag sa may front door.
"Josh? Josh?"
Whoopsidaisies. O_O
Nag-freeze akong bigla. Oh my golay...totoo ba itich?
Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan ko. Dahan-dahan ko rin binuksan nang konti ung pinto tapos sumilip sa labas. Ahyun na nga! Sya nga! Si Trixie oh..
Kabute talaga tohng babaeng toh, bigla-biglang sumusulpot.
Sinarado ko uhlet nang dahan-dahan ung pinto. Di ko alam kung napansin nya ba ko since nakatingin sya sa kabilang direction. Pero I'm definitely not going out while she's still outside! Ooooohhhh awkward awkward awkward awkward awkward.
Narinig kong bumukas ung pinto ni Joshua. Malamang narinig nya na ang calling ng kanyang maiden fair. Umupo ako sa sahig, tapos sumandal sa pinto... Oh well, mukhang stranded pa muna ako dito.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(Joshua's POV)
Napatayo ako sa labas ng pinto. Langya, bagong bihis, tumutulo-tulo pa ung buhok ko from the shower. Pero nung narinig ko ung boses ni Trixie, halos di na ko nag-tuwalya. Diretso bihis na, tapos labas. Nasa loob na sya... Di ko ba ni-lock ung main door?
Ako: Trix... A-anong ginagawa mo dito?
Trixie: (napangiti) Haven't you heard? May nakaimbento na ng tuwalya.
Ako: Uh...eh...
Pahiya ako dun ah..
Trixie: Anyway, I came because I want to apologize dun sa nangyari last time. That was very rash... And I shouldn't have destroyed your guitar.
Ako: Okay lang un...
Tumingin sa paligid si Trixie.
Trixie: Nandito ba si Janessa?
Ako: Wala eh. Lumabas lang sandali.
Trixie: Ahh... That's good. I don't want her to hear this conversation.
gulp.. bakit kaya?
Lumapit nang konti sa'kin si Trixie, tapos tumingin sa mata ko.
Trixie: Tell me the truth, Josh... Janessa... Does she really mean so much to you?
Ako: A-ano? A-anong ibig m-mong sabihin?
Trixie: You know... Do you feel something for her? Gano na ba sya ka-espesyal syo?
Ano bang tamang isagot sa mga tanong na toh ha?
Ako: Si Nessy... We're just friends -- roommates... Wala nang ibang relasyon... *gulp* She means something to me dahil kaibigan ko sya... Parang sina Paolo... They mean a lot to me dahil ka-tropa ko ung mga kumag na un.
Trixie: Are you sure?
Ako: Yeah... And if she ever becomes special to me, you should know, she'll never be as special as you are to me.
Trixie: Really?
Ako: .....Really.
Tumingin si Trixie sandali sa'kin, tapos lumipat ung tingin nya sa pinto ng kwarto ni Janessa. Napangiti sya nang konti bago bumalik ung atensyon nya sa'kin.
Trixie: That's good to hear.
Umikot na sya para umalis.
Ako: Sandale, san ka pupunta?
Trixie: I already asked what I wanted to ask, so I'm going home.
Ako: San ka ba nakatira ngayon? Hahatid na kita.
Ngumiti uhlet sya sa'kin tapos sumulyap dun sa pintuan uhlet ni Janessa...
Trixie: You don't have to worry about me. I'll see you later. Bye, Josh.
Tapos nun, lumabas na sya. Wala na... Ka-poof! Parang hangin lang na dumaan...
Biglang natigil ung pag-iisip ko nang all of a sudden eh bumukas ung pinto ng kwarto ni Janessa.
Multo!!?!?
"Oh my gosh..."
Nanlaki mata ko nang makita ko si Janessa na lumabas ng kwarto nya. T-teka... A-anong ginagawa nito dito?!
Janessa: (tingin sa'kin) Akala ko mamamatay na ko sa gutom dun. Grabeh, ka-choke ang tension ha!
Ako: K-kanina ka pa dyan?
Janessa: Nah! Lumipad ako galing sa labas tapos pumasok sa bintana ko... Haller?!? Whatchu tink, horsey? Nakita mo ba kong pumasok?
No...
Ako: B-bakit ngayon ka lang lumabas?
Janessa: Ano ka ba naman? Eh di nakaistorbo pa ko.. Di ba, di mo alam na nandun ako -- though parang nakita yata ni Trixie nung sinilip ko sya -- eh di nakapag-usap kayo...heart to heart.
Sumilip sya sa salamin sandali tapos tumingin sa'kin.
Janessa: Okay ka lang, horsey? Namumutla ka.
Ako: K-kung kanina ka pa dyan, i-ibig sabihin... Narinig mo lahat un?
Ngumiti si Janessa.
Janessa: Every word.
Chapter 50: (Joshua's POV)
Napatitig lang ako kay Janessa. Iniisip kung anong gagawin ko. Tatakbo na ba ko o hihimatayin? Tahimik lang din na nakatingin sa'kin si Nessy. Nakakapikon talaga pag ganitong di mo mabasa kung anong iniisip nung isang tao.
Janessa: (tumingin bigla sa relo) Oops... Gotta go. Hinihintay na ko nung grocery.
Ako: Di ka pa namimili?
Janessa: Naiwan ko wallet ko. Binalikan ko pa.
Bwiset na wallet yan! Nagpa-iwan pa!
Aalis na sana sya nang tinawag ko uhlet. Tinignan nya ko, naghihintay...
Ako: A-ano... Nessy...
Janessa: Hmm?
Ano bang iniisip mo?!?!?
Umupo ako sa couch, tapos tinawag sya para maupo sa tabi ko.
Janessa: B-baket? Anong meron dyan? May daga ba dyan?! Nako, horsey, pag dyan lang may daga, ipapakain ko syo un!
Ako: Anong daga? Wala noh! (napaisip) Pero tatandaan ko un for next time...
Janessa: Sipain kita dyan eh...
Dami pang reklamo, pero umupo rin naman sya sa tabi ko. Tumingin sya sa'kin expectantly. Huminga ako nang malalim.
Ako: Nessy... Galit ka ba?
Janessa: Eh? Bakit naman?
Di ako makatingin nang diretso sa kanya... Baka biglang umiyak toh... O kaya bigla akong sakalin! Ilambitin patiwarik sa labas!...Oh hindeeeeee!
Ako: D-dahil dun sa mga narinig mo... Ung sagot ko sa tinanong ni Trixie...
Janessa: Ay suz! Un lang? Di ako galeet noh...
Ako: No, really... (tumingin na ko sa kanya) It's okay if you wanna punch me...
Janessa: Ayoko nga.
Ako: Kick me?
Janessa: No.
Ako: Bite me?
Janessa: Eh batukan na kaya kita ngayon?
Ako: So you ARE mad!
Janessa: Oh, shut up. +__+
Tumahimik kagad ako. Baka nga bigla akong kagatin, wala pa namang anti-rabies yan.
Janessa: I understand naman why you said those things eh...
Nakatingin lang sya dun sa carpet sa carpet.
Ooooohhhh... mukhang seryoso na ah...
Janessa: I'm not trying to come between you and Trixie. Alam ko naman na sa tagal ng pinagsamahan nyo, syempre may bond na kayo na kahit ako hinde ma-bbreak.
Ngumiti sya nang konti. Ako naman, eh ehto, inaatake na ng guilt.
Janessa: I don't want to compete with Trixie. Kaseh di ko naman mapapantayan ung mga nagawa nya na. Di naman ako mabibigyan ng opportunity na makipag-all-out-war sa family ko. Ginayuma mo na lahat ng pamilya ko eh.
Ako: Anong gayuma? Kasalanan ko bang lovable ako?
Janessa: (tumingin sa'kin) Puppies lang ang lovable. Joshua, horsey ka, hinde puppy.
Hala! Anong ibig sabihin nun?! Di ako cute?!
Janessa: So, anyway, I kinda understand how Trixie feels. Like me, gusto nya lang din na makasama ka, at least for a while. Nung naisip ko un, I felt closer to Trixie, somehow, coz we're sharing something that no one else understands.
Ako: Nessy...
Janessa: (ngumiti sa'kin) That's why I decided not to let these things bother me anymore. After all, I can't tell you to forget about her o kaya naman iwasan mo sya. Coz that would be unfair to both of you, tsaka, as if naman kaya mong gawin. (tumawa) Wag kang mag-alala, di kita minamaliit. Masyado kang matangkad para maliitin~ All I'm sayin is, I'll just be here, mag-work out man kayo ni Trixie or hinde...ok?
Napatango na lang ako... Eh anong sasabihin ko? Dapat yata talagang pinagplanuhan ko muna ung script ko bago ko sya pinagsalita. Lalo lang akong na-guilty pagkatapos ng speech nya. Iba rin ang level ng pagkabait ni Janessa.
Nung di ako nagsalita, tumayo na si Nessy para lumakad paalis.
Janessa: Okay! Now that THAT's clear, eh pupunta na ko sa grocery. Naghihintay na dun ang aking mahiwagang rocky road ice cream. (tumingin sa'kin) Sama ka, horsey? Ibibili kita ng carrots... or oatmeal na lang kaya?
What the--!?
Binabawi ko na! Hindi! Hindi sya mabaet!
Tumayo akong bigla sabay sigaw sa kanya.
Ako: Di ako kabayo!
Janessa: (tumawa) Oh sige na, horsey... Ree-lax... Nagmumukha ka lalong horse eh...
Ako: Janessa!
Tumawa lang nang tumawa si Janessa. Ako naman, dumiretso na dun sa lalagyan ng susi ng kotse.
Ako: Halika na nga! Bibigyan mo nanaman ako ng high blood eh!
Janessa: Eh? Hinahigh blood ang horse?
Ako: Sasakalin na kita eh!
Janessa: Pano? Wala namang fingers ang horse?
Ako: (ni-lock ung apartment) Manahimik ka na nga! Ang daldal mong meatball ka!
Janessa: Ooooh, alam ng horse ang meatball? Kumakain ba kayo nun? May halo rin bang tomato sauce?
Ako: Nesssssyyyyy!!!!!!
Tumawa lang si Janessa habang pumapasok sa kotse ko. Langya talaga. Ang lakas nanaman ng topak ng babaeng toh!
Napangiti ako. Pero gusto ko sya nang ganito...
Ung malapit sa'kin... kinakausap ako -- kahit sukdulan na pang-aasar pa ang favorite past time nya.
At least...
Nandito sya.
Chapter 51: (Janessa's POV)
Sit on the bed alone, staring at the phone.
He wasn't what I wanted, what I thought, no.
He wouldn't even open up the door.
He never made me feel like I was special.
He isn't really what I'm looking for 8
Ugh...bubwit...
Stretchingness ako para patayin ung alarm clock sa nightstand ko. Ughh, 7 AM na kagad?! Parang kailan lang eh nag-eemote-emote pa ko dito sa kama ah.. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh... back to school na. T^T
Tumayo na ko. Wala na rin namang magagawa ang beauty ko kahit magpapaikot-ikot ako sa kama. Di naman nun pipisatin ang school ko. Pumunta ako sa kusina para magluto ng almusal. Maya-maya pa sigurado gigising si horsey -- mantika un eh.
Speaking of horsey....
Yah... Ok naman kami kagabi. Ikot sa grocery, bili ng beef, pork, chicken, konting veggies, mga canned goods, milk, eggs... Bili kame ng stock for a whole month na... at pinag-debatehan kung ano bang nauna: chicken or the egg? As usual, di nanaman nagpatalo ung horsey, kaya hanggang sa pag-uwi eh pinagdidiinan na nauna raw ung egg -- di naman masagot kung san galing ung egg.
Okay naman kame...kahit after nung mga narinig kong words na kavoom-pooosh! sa aking heart... I mean, totoo naman ung mga ka-dramahan ko kagabi about sa kanila ni Trixie, pero syempre di ba? Hindi ako si Darna... Wala akong lakas at kapangyarihan upang hindi masasaktan. Ako ay tao lamang! May puso rin at damdamin~ 9
Teka... Mali yata ung lyrics ah... -____- Di ko na maalala ung sunod.
Pero anyways, un nga... I told him the trut and nothing but the trut, so help me God. Upbeat pa nga ako buong oras na magkasama kame sa grocery store, hanggang sa pagkain namin sa Jollibee, at pag-uwi namin at pagpapak ng ice cream hanggang 10:30pm.
Un nga lang, pagdating ng dilim...mag-isa sa kwarto...woooooooohhhhh~ Nabigyan ako ng chance na mag-todo emote. Kaya un, reflect ako, at nag-isip, at nag-isip nang nag-isip. Wala naman talaga akong magagawa kung close si Joshie at Trixie eh. Ang saket lang, pero shut up na lang ako...
Pagkatapos kong magluto ng breakfast, kumain na rin ako. Naligo ako at nag-ready na mag-shave ng legs. Tinatowel-dry ko na ung legs ko para magshave nang mapansin ko: mapurol na pala ung razor ko.
Isa lang ang alam kong sagot dito.... Kidnappin ang razor ni Joshie!
Balot ng towel, eh dahan-dahan akong pumunta sa kwarto ni Joshua para hiramin -- hiramin lang ha -- ung razor nya. Dahan-dahan pa ko para di sya magising. Baka mahuli ako. Nung nakita ko na ung razor, kinuha ko tapos balik na sa kwarto ko, sa sarili kong banyo.
Avaaaaaahhhh...mas maganda pala talaga mag-shave ang razor ng lalake...bahket ganon? sexist!
Halos 9 AM na nga nung matapos ako. After kong magbihis, sinilip ko si Joshua kung buhay na pa ung kabayo. Abah, tulog pa rin ang mantika. Eh baka atakihin naman ako ng guilt pag di ko ginising at ma-late sya. Kaya bago ako umalis, eh magsisilbi muna akong alarm clock.
Umupo ako dahan-dahan dun sa tabi nung sleeping horsey. Tinusok-tusok ko ng daliri ung braso nya.
Ako: Horsey... hhooooorsssseeeyyyy~
Joshua: (mumbles) Anoh ba?
Ako: Hhoooorseeeyyy..tumayo ka na dyan, may pasok ka pa.
Joshua: Oo na... (umikot sa kama)
Langyang toh... Talikuran ba naman ako. Abah, tumayo nga ako... Wait lang, bwelo muna... Tapos takbo, at talon sa kama ni horsey! Yahooo! Talon! Talon! Talon! Talon! Talon! Talon! Talon!
Joshua: (biglang napatayo) Huy! Anoh ba?!?!
Tumigil ako sa pagtalon tapos bumaba ng kama. Ayos muna damit ko, nakakawala ng poise eh. Nung feeling ko mukha na kong presentable, nginitian ako si Joshua.
Ako: Yan, gising ka na. Sige na, horsey. Vavush! Papasok na ko. Ciao!
Lumabas na ko ng kwarto ni Joshua. Malamang umuusok na tenga nun. Sarap talagang asarin ni horsey! Lalo na pag ganito kaaga! ^o^
Chapter 52: (Janessa's POV)
Pumasok ako sa parking lot ng school, diresto papunta sa aking official parking space. Hindi naman na may name ako dun sa space na naka-assign, inangkin ko lang talaga. At dahil laging kotse ko naka-park dun, eh inassume na ng mga people na reserved un. :D
Malapit na sana ko sa parking space ko nang biglang may sumulpot na kotse sa harap ko. Eh di syempre, tumigil naman ako para maka-diretso sya. Ganda pa naman nung car, sayang kung magagasgasan ko lang.
Ava'y wapaw!
Hinde dumiretso ang mokong! Instead, lumiko sya tapos nagpark dun sa parking space KO! Sa space KO!!! Pahiya ang beauty ko... Pinagmamalaki ko pa naman kaninang inangkin ko na ung parking na un oh... -__-
Tumigil ako sandal para tignan kung sino ba tohng mang-aagaw ng parking na toh. At nung bumaba na ung driver.... Nako poh! Kung yan lang din naman ang mang-aagaw ng parking space ko, eh sige na! Sa kanya na! Ibabalot ko pa at lalagyan ng wrapper!
Ang gwa-apoh ni kuya!!
Biglang tumingin sa direksyon ko ung driver. Syempre, nahiya akong bigla. Nahuli akong nakatitig eh... :P Tinignan nya ung kotse nya tapos bumalik ung tingin sa'kin. Nagulantang ako nang biglang naglakad si Mr. Papable papunta sa kotse ko!
Mr. Papable: Uh, miss, anoh, dito ka ba sana magppark?
Ako: Uh, oo sana eh...
Ang wafu naman ng mokong na toh! Teka, pwede bang kiligin lang sandale?!? XD
Mr. Papable: Ay, sorry ha... Sige, lilipat na lang ako.
Ako: Nako wag na! (ngumiti ako) Okay lang, may isa pa namang parking spot dun. Mag-aaksaya ka pa ng gas pag lumipat ka pa eh.
Mr. Papable: Sigurado ka?
Ako: Yup, don't worry... Shoo shoo ka na, baka masagasaan pa kita.
Napangiti si Mr. Papable, at nako poh, B-E-A-M Beam smile! Smile kaming mag-Beam, Beam na Beam ngipin protektado~ ^o^ Kalaglag mata ang smile~
Lumayo na sya nang konti, tapos ako naman eh nag-park na two spots from the parking space ko na pinahiram ko muna kay Mr. Papable. Paglabas ko, nilapitan nya ko.
Mr. Papable: Thanks. Tsaka sorry na rin. Di ko talaga alam na may reserved pala dun eh.
Ako: Okay lang un noh... Tsaka di naman reserved un... Kinarir ko lang.
Mr. Papable: (natawa) Ah, ganon? Sige, bukas, papakarir ko na uhlet syo. Dun na ko magpapark sa tabi nun.
Ako: Okay.
Napatingin ako dun sa mga stone tables sa kabilang dako ng grounds. May tatlong tao na sa usual spot namin. Nandun na sina Richie... Tumingin uhlet ako kay Mr. Papable.
Ako: Sige na, una na ko... See you na lang around, okay?
Mr. Papable: Okay. Bye!
Pinanood ko muna sandali si kuya fafa maglakad palayo. Nung napansin kong nagmumukha na kong timang, umikot na ko at naglakad papunta dun sa official morning tambayan namin nina Arianne, Richie, at Jodi. Lahat na lang "official" noh. Kinarir na rin namen toh eh.
Pagdating ko...
Arianne: Oist! Anong petsa na? Tagal mo ah!
Ako: (nilagay ung bag ko sa table) Sorry. Ginising ko pa si horsey eh. Tulog mantika kaseh...
Arianne: Whoo, anoh, binuhusan mo na naman ng tubig?
Ako: (umupo sa tabi ni Richie) Hinde ah... Jumping alarm clock ang drama ko kanina. ;D
Richie: (tumawa) Ay, ang taray! Nahulog ba?
Ako: Hinde eh... Napatayo lang.
Jodi: Speaking of Joshua, musta na kayo?
Ako: Anong musta na kame?
Richie: Ay, suz, tinatanong pa ba yan? Eh sa drama ba naman ng life nyo..
Arianne: Di pa ba nagpapakita si Patricia?
Richie: Oo nga... Di ba umeeksena ung Trixie na un?
Ako: Well...
Kinuwento ko sa kanila ung bisita ni Trixie at ung mga pinag-usapan nila ni Joshua. Ung ilan sa mga sagot ni Joshie.. Ehto nanaman ung bang! bang! sa heart ko. Itz hurtz! Pero...hmpf! Remind uhlet the self na magiging okay lang akowh... Mah-gan-daah a-ko! :D
Jodi: OMG! Sinabi ni Joshua un!??
Richie: Nako, masasakal ko yang horsey mo!
Ako: Okay lang un noh... Kayo naman... Lam nyo naman di ba pag first true love...
Bang! Bang! Pow! Araaaayyy....
Ako: Hirap ma-forget... Hung up pa for a long time... lalo na since by force pa sila nagkahiwalay..
Arianne: Ano ba yan?! Pa-martyr ka pa dyan, kung ako un eh tinulak ko na sa bangin un! Grrrrr...
Pinagpapawisan ako sa mga toh ah..
Ako: Okay nga lang. Anoh ba kayo? Tsaka, ok na nga kame. Wala naman masyadong nag-iba.
La ba?
Richie: Ay nako, sa diname-dame kase ng mamahalin mong gandaxa ka, eh ung shtufid pa.
Ako: A-ano?! Anong 'mahal' ang pinagsasabi mo dyan?!
Richie: Nako, showbiz ka pa dyan, eh obvious nman na chuva chuchu mo sya noh.
Napatingin ako sa kanilang tatlo... Ibig sabihin, di lang si Arianne nakapansin? Ay suz! Gano ba ko ka-transparent?!?
Jodi: Sinabi mo ba sa kanya kung ano feelings mo?
Ako: Syempre hinde!
Arianne: Di nya na kailangan pang sabihin un noh... Halata naman sa pag-alala pa lang nyang si Nessy na may toktokitok ang heart nya for him. Kahit naman si Joshua napansin na un – siguro...in denial pa nga lang ung loko.
Richie: (tingin kay Arianne) Really? You think? Nako, may mental defects din pala ung papable na un... Sayang naman...
Jodi: Ganon ba talaga sya ka-hung up dun sa Trixie na un? Pano si Janessa?
Parang silang tatlo na lang nag-uusap ah. Naging invisible ba ko? o_O
Richie: Oo nga... grabeh, pang telanobela ang buhay!
Arianne: Kawawa nga si Nessy eh.. tsk tsk...
Ako: Oh sige, tama yan, di kayo naririnig ni Janessa, noh?
Jodi: Kawawa nga talaga.
Hala! Dedmahin ba ko!?
Ako: Mga bruha kayo.
Hinayaan ko na lang silang mag-usap. Dedma ba ang beauty ko. Di fair, three against one. Haaaaaaaaayyyyy... Nung tumunog ung bell, nako, laking pasasalamat ko dahil makakapunta na ko sa klase ko FAAAArrRRR away sa tatlong toh.
Chapter 53: (Janessa's POV)
Yaaaaaaaaaaaaaaawwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwnnnnnnnnnnnnnnn...
Natapos na rin ang araw. Parang ang haba ng araw ko. Hindi ba abuse sa brain cells ang sobrang haba ng mga lectures? Di ko man lang na-miss mga pagmumukha ng mga prof ko. :D
Naglalakad ako sa parking lot papunta sa kotse ko nang napansin ko ung isang kumpol ng mga babae na nakatayo sa isang kotse na dadaanan ko. Hindi ko yata araw ngayon... Sa dinami-dami naman ng makakasalubong oh...Toh pang three witches na toh.
Nung napansin nila ako, tumayo silang tatlo. Langya, bawat oras na lang ba na nakikita ako ng mga toh eh haharangin ako para lang sumbatan? Una, dahil kay Joshua.. tapos di ko raw mapalitan si Trixie.. Eh bubwit...sino bang may sabing papalitan ko un?
Witch 1: (ngiti nang masama) Well, well... Look who's here...
Ako: Yeah well... It's a free country kaya dito ako dumadaan...
Witch 2: So, anoh? Na-realize mo na ba na di mo mapapantayan si Trixie?
Witch 3: Dikit ka pa ng dikit kay Joshua namen.
Ako: Di ako glue para dumikit noh.
Tuloy-tuloy pa rin ako sa paglakad. Determined akong marating ung kotse ko – kaya lang, humarang pa ung tatlo eh. Di tuloy ako makadaan. Tataba kaseh. wahehe...joke lang.
Ako: Pwede ba... Wala akong oras makipagsumbatan snyo. Gusto ko nang umuwi at humilata sa kama.
Witch 1: Bakit di ka pa mag-move out sa apartment na un?
Witch 2: Oo nga, eh singit ka lang naman dun.
Langya, alam na yata ng mga toh lahat ng nangyayari sa buhay ko eh -- o sa buhay ni Joshie.
Wahahah..stalkers!
Witch 3: Kapal ng face mo na mag-stay pa dun. Tingnan mo, lumalabo tuloy relasyon ni Trixie at Joshua. Dahil syo, di sila magkabalikan!
Kavoom!
Ako... Ako... Ako... Puro na lang ako! Kasalanan ko ba na dun ako tinapon ng destiny (at ni Kristine)?!? Tsaka, ayaw akong paalisin ni Joshie eh, bakit ba?!
"Hoy, mga piglets kayo! Ano nanamang ginagawa nyo kay Nessy!?"
Napatingin ako sa likod para tingnan kung sinong dumating. Well, sa boses pa lang pala eh alam ko na. Sina Richie at Arianne patakbong lumalapit sa'kin.
Witch 1: (kay Richie) Pakielam mo ba? Di mo gulo toh noh!
Richie: (tumabi sa'kin) Aba! Sumasagot kang bruha ka?! Inaaway nyo nanaman tohng si Nessy noh!? Ay nako, mga insecura kayo! Di nyo matanggap na may nagustuhang iba si Joshua noh!? Mga malalandi kayo, eh magagawa nyo ba kung di kayo pinapansin ni Josh... Papanget nyo kaseh!
Whoa!
Ako: (bulong kay Arianne na tumabi rin sa'kin) Okay lang ba na sabihin nya un?
Arianne: Nako, hayaan mo na yang si Richie. Pag nagsimulang manlait yan eh wala nang brake ang bibig.
Tumingin uhlet ako kay Richie... Sa daldal nga naman nito, mapapasubo ka naman talaga pag nang-away sya.
Richie: (dun sa tatlo) Shoo-shoo na nga kayo! Magpaligo muna kayo sa mga amo nyo... Puro galis na kayo! Baka mahawan nyo pa beauty namin, nako, mababawasan pa magaganda sa mundo! Shoo! At pag nakita kong ginugulo nyo uhlet si Janessa, humanda kayo! Bilang na ang mga tahimik nyong araw!
Translation: May kung anong tsismis na ikakalat yang si Richie, at patay ung tatlong witches. @.@
Richie: Shoo fly na! Shoo! Mga salbabida kayo!
Tumingin sa'kin ung tatlo...Brrrrr... Kakilabot ah... Tapos umalis na sila, at bumalik dun sa tinatambayan nilang kotse. Tinignan lang sila nang masama ni Richie bago ako hinaltak nung bakla onward sa kotse ko.
Ako: (kay Richie) Wow, thanks ha... Di ko lam kung anong mangyayari kung di ka dumating.
Arianne: Nako, wala un noh... Sisiw lang ung mga un sa bunganga ni Richie.
Richie: Marame pa silang kakaining palay! ;D
Ako: (natawa) Palay ha... Teka, anong salbabida? Bakit mo sila tinawag na salbabida?
Richie: Well, you know naman me, making my own dictionary. "Salbabida", as in "salbaheng kontrabida".
Ha.... Pwede~
Richie: Haaaayyyy... Mga bruhang un, sinisira araw ko... After kong makita ung papable na transferee.
Ako: May transferee?
Arianne: Ay oo! At grabeh! Ang gwapo!
Ako: Eh? Bakit di ko nakita?
Richie: (tumawa) Hina kaseh ng radar mo eh! Oi, sige na, dito na kami ni Arianne... May lakad pa kame eh.
Ako: Ah, oh sige poh... babye...and thankz uhlet, Rich ha!
Umalis na ung dalawa. Binuksan ko ung kotse ko at hinagis sa backseat ung mga gamit ko. Umikot ulit ako para naman sumakay sa driver's side. Kakasakay ko pa lang nang mapansin ko si Mr. Papable From This Morning na dumadating. Binuksan ko kagad ung bintana ko para mag-wave... Oh di ba, close na kame? hahaha
Ako: Hey! Hello!
Mr. Papable: (napatingin sa'kin) Uy, hello din!
Iniwan nya ung kotse nya at lumapit sa bintana ko. Hala, makikipag-usap pa yata eh binate ko lang sya.
Mr. Papable: Naalala ko pag-alis mo kaninang umaga, di ko pala nahingi pangalan mo.
Ako: Janessa.
Mr. Papable: Nice name.
Ako: Thanks.
Waahhhla! Kilig naman ang lola moh!
Mr. Papable: Ako nga pala si Ken.
Ako: Ken, nice to meet you.
Tumingin sya sa relo nya.
Ken: Sige na, Janessa. I have to go, hinihintay na ko ng girlfriend ko eh. See you tomorrow!
Ako: Okay... Bye!
Pumasok na sya sa kotse nya. Pinanood ko lang sandali ung kotse nyang umalis. Langya, girlfriend?! Lahat na lang ng matinong papable, taken!
Oh well... Kung sya pupunta sa girlfriend nya, ako, pupunta naman sa horsey ko. :D
Chapter 54: (Joshua's POV)
Bwiset na homework at projects yan... Haaaaaaaayyyyy...
6 PM na... at ehto, ang ganda-ganda ng gabi, nakakulong ako sa apartment. Namaannn~ Pinilit lang kaseh ako ni Janessa na gawin tohng mga sakit ng ulo na toh eh!
"Oist, horsey..."
Napatalon akong bigla. Bubwit talaga tohng si Janessa! Kung saan-saan sumusulpot!
Ako: Ano nanaman?! Ginagawa ko na nga projects ko oh!
Tinapat ko sa mukha nya ung sinusulat kong paper. Nagulat sya sandali tapos biglang natawa.
Janessa: Sira, alam ko noh... Sasabihin ko lang na lalabas ako--
Ako: San ka pupunta?
Janessa: May bibilhin lang. Nakalimutan nating bumili ng mantika eh -- sa dinami-dami ng kakalimutan.
Tinabi ko ung mga gamit ko, tapos tumayo...
Ako: Samahan na kita.
Janessa: Hala di na noh! Dame-dame mo pang gagawin, sasama ka pa. (tinuro ung mga gamit ko) Tapusin mo na yan, at pag natapos mo, eh mamasahihin kita~ ;)
Ako: Hala! Anong masahe?!? ... Di nga?
Janessa: (natawa) PAG natapos mo nang maaga yan.
Bwiset... Tatapusin ko pa tuloy tohng mga toh... Haaaaayyyy.. Sarap kaseh magmasahe ni Nessy eh. ;D
Ako: Sige, fine. (upo uhlet) Pero dalhin mo ung kotse!
Janessa: Okay ka lang? Sa kabilang kanto lang ung tindahan noh... Sayang ung gas.
Ako: Eh ang daming loko dun sa kanto na un eh!
Janessa: Wag kang mag-alala, horsey... Magpapahabol ako hanggang dyan sa tapat. Pag may narinig kang sumisigaw, baba ka na kagad ha. ;D
Ako: Sira! Ano ba?! Dalhin mo na nga ung kotse!
Janessa: Eh bakit ka sumisigaw?
Ako: Di ako sumisigaw!
Janessa: Okay... Bakit ka nag-yyell?!?
Ay, bubwit!
Ako: Ano ba!? Pinipilosopo mo nanaman ako... Pinapadala ko lang syo ung kotse!
Janessa: Eh ayoko ngang dalhin! Sayang ung gas, and besides, kailangan ng mundo ng exercise!
Nakikita ko napipikon na si Janessa. Ayaw nya kaseh na pinipilit gawin ung ayaw nyang gawin. :P
Ako: (tumayo uhlet) Kung di mo dadalhin ung kotse, sasama na lang ako!
Janessa: Ang KULIT ng lahi mo! Gawin mo na nga lang yang homework mo, babalik din ako kagad – at DI KO DADALHIN UNG KOTSE!
Ako: Pasaway ka!
Janessa: (tinalikuran ako) Tagal na! Wag kang susunod kundi isasabit kitang patiwarik sa labas!
Narinig kong sumarado ung pinto. Di nga ako sumunod... Baka nga sa sobrang pikon nun, isabit pa ko sa labas! Tska, baka mawala pa ung masahe ko mamaya.
Hmp!
Umupo na uhlet ako para ituloy ung ginagawa kong homework.
Sige... Malapit lang naman talaga ung tindahan eh... Kung iisipin, 5 minutes lang papunta dun, tapos 5 minutes pabalik. Di naman ganon katagal... La naman sigurong mangyayari dun sa pasaway na babaeng un...
++++++++++++++++++++++++++
(Janessa's POV)
Arrrrrgggghhhhh... bubwit na horsey yan... Ganda-ganda ng gabi eh, binbwiset ako.
Naglakad ako sa kalye papunta sa tindahan. Buti na lang masarap ung hangin, medyo pinapalamig ung ulo ko... Kaseh naman noh, sandamakmak ng lapit ung tindahan, pagkokotsehin pa ko!
Haaayyy... I wonder kung napasobra yata ung reaction ko.
Nag-turn ako dun sa kanto...
Ang bilis ko kasing mapikon pag pinagpipilitan ung ayoko eh...
But still...ang babaw pa rin naman nun para pag-awayan di ba? Haaaayyy...horsey kaseh eh...
waheheh.. sisihin ba..
Bigla akong napatigil...
What was that?
Nakinig uhlet ako... May kumakaluskos dun sa likod ng halaman sa kanan ko... Syempre, ako namang tohng curious, eh nilapitan ko para tingnan.
Malay nyo, makakita ako ng elf ni Santa o kaya isa sa mga seven dwarves ni Snow White! ;D
Pero... Sabi nga nila, curiosity kills that cat...haaaayyy...
May taong injured -- injured lang ha, di pa naman bangkay -- dun sa likod ng halaman. Naka-siksik sya dun sa bandang likod, as if nagtatago. Hawak nya ung paa nya, so I think, either sprained un or anoh. Di sya makatayo eh... Op cors, dahil mabait akong bata, nilapitan ko lalo...
Ako: Hey, what happened? Do you need help--
Oh my golay!
Na-freeze ako nang makita ko nang mabuti kung sino un...
Ako: Trixie?
Chapter 55: (Janessa's POV)
Ooooohhhh...Take a deep breath... inhale...exhale...inhale...exhale...
Napatingin uhlet ako dun sa namimilipit -- naka, exagge naman – di naman namimilipit pero in pain na si Trixie.
Inhale! Exhale! Inhale! Exhale! Inhale! Exhale! *cough* *cough*
Shtupid! Sabi ko take a deep breath, di ko sinabing habulin mo ung breath!
Napatingin sa'kin si Trixie. Nginitian ko lang sya. Napahiya na beauty ko eh. Mabilaukan ba naman sa sarili mong hininga.
Ako: Ah...hehe... ok lang ako..
Di sya umimik. Okay~ Tumingin ako sa paligid. Anoh kayang ginagawa nito dito? Nakikipag-taguan dun sa mga bata sa kanto?
Ako: Uh, Trixie... Anong ginagawa mo dito? Anong nangyari syo? May pinagtataguan ka ba?
Trixie: (chuckles) Dami mo namang tanong...
Hmp! Kasalanan ko ba eh sa curious ang balat ko? And besides, di araw-araw na--
whoa!
Bigla akong hinila ni Trixie patabi sa kanya – away from sight ng mga tao sa kalsada. Napasali na rin ako sa taguan?
Ako: Anong--?
Trixie: Sssh!
Shut up naman ang motor ng bibig ko. Sumilip din ako dun sa kalsada kung san nakatingin si Trixie. May dalawang lalake na naglalakad nang mabilis, patingin-tingin sa paligid. In fairness, kamukha sila ni Shrek -- no offense sa mga fans ni Shrek -- pero mukha talaga ogre ung dalawa. haha Ang fanget!
Nung nakalagpas na ung dalawang ogre, tumingin ako kay Trixie...
Ako: Sino un?
Trixie: I don't know... They just suddenly started following me.
Ako: Stalker?
Trixie: (shrug) I haven't been here in a while. I wouldn't know a lot of people. Anyway, they just suddenly appeared out of nowhere and started to chase me.
Ako: So you ran sa takot, and then tripped somewhere here kaya nagtago ka dito ngayon?
Trixie: Pretty much...
Aaaaaahhhh... Well, malinaw na uhlet ang mundo.
According sa aking pagkakaintindi, naglalakad si Trixie sa kung saan nang biglang sumulpot ung dalawang ogres mula sa kanilang swamp, tapos ini-stalk si Trixie. Ngayon nag-panic si Trixie kaya nagsimula syang tumakbo, tapos takbo rin ung dalawang ogres. Biglang natapilok si Trixie, na-sprain ang kanyang right foot. Malamang eh nagtago na lang sya dito sa likod ng bushes since di sya makatakbo. Maya-maya, eh umappear naman ang beauty ko, at ehto na kame. Stranded sa likod ng mga halaman.
Galing ko mag-weave ng story noh? ^o^
Sumilip uhlet ako sa labas. Nang makita kong the coast is clear, kinuha ko ung braso ni Trixie, pinulupot sa leeg ko, and tinulungan syang tumayo.
Trixie: What are you doing?
Ako: Getting us outta here, dearie.
Trixie: B-but... What if biglang bumalik ung dalawa? Aren't we going to be in a big trouble?
Ako: (tingin sa kanya) Well... I don't really care. I'd rather be in trouble with those two than have nasty cockroaches crawling on me!
*shudder* Waaahhh... Can you imagine na nakaupo sa likod ng halaman, sa lupa, tapos...tapos...bigla -na lang may gagapang sa kamay mo!?!? At pagtingin mo – Waaaaahhhh!!! Ipis!!!
Ako: Anoh? You still want to stay here?
Trixie: (bulong) No..
Okay!
Lumabas kami dun sa likod ng halaman, all the while eh inaalalayan ko si Trixie sa paglalakad. Langya, it's either gutom na ko, o sa pagkapayat-payat ng taong toh, eh may extra bag syang tinataguan ng pagkain! Ang vigat!
Pagkatigil namin sa kalsada, tingin ako sa kanan, tapos sa kaliwa... Napatingin sa'kin si Trixie...
Ako: Uh... San tayo pupunta?
Trixie: *sigh*
Ako: Hehe... Well, san ka ba nakatira? Maybe I can drop you off na lang dun.
Trixie: Kina Arianne.. You can drop me off there.
Arianne?
Malamang kasing blank ng expression ko ung utak ko since nung tiningnan ako ni Trixie eh sumagot sya.
Trixie: 2nd cousin ko si Arianne, though we aren't really close. But they're the only family I have around here, so I'm staying there for now.
Ako: Ahhh...Okay...
So, kailangan ng tricycle – na ang pila eh nasa kabilang kanto. -__-
Dahan-dahan kong ni-lead si Trixie papunta sa destination namin. Medyo kavavoom ang heart ko since dito rin ung direksyon na pinuntahan nung ogres. Pano na lang kung bigla silang umikot kaseh...anoh...uhmmm..stupid sila?
Ako: *sigh*
Napatingin akong bigla kay Trixie. Nako, baka isipin nya kaya ako nagbubuntong-hininga dahil iniisip ko na pampabigat sya -- kahit mabigat naman talaga sya...pero di ung ganon ha!
Ako: A-anoh, I wasn't thinking na dapat iniwan na lang kita ha. Just thinking of something else na walang kinalaman syo.
Tiningnan lang ako ni Trixie na parang "huh?". Haaaayyyyy... Nice move, Nessy. Kung anu-ano nanaman pinagsasabi mo, nagmumukha ka tuloy sira.
Lakad na lang uhlet kame with a ve-erryy awkward silence. Lord naman, sa dinami-dami naman ng pwede Mong ilagay dun sa likod ng halaman, bakit naman poh si Trixie pa?
Bigla kong naramdaman na nag-tensed ung katawan ni Trixie. Napatingin tuloy ako sa harap namin.
Uh-oh...
Bumabalik ung ogres! Langya!
Ako: (bulong) Okay... Relax... (napatingin sa paligid) We're in a very dark, deserted street, but everything's gonna be okay.
Trixie: Are you telling that to me or to yourself?
Ako: (ngiti kay Trixie) Pareho.
Tingin uhlet ako sa paligid... Pwede kame uhlet magtago sa likod ng halaman na un. Pero since injured si Trix, eh too late na kung gagalaw pa kame.
Eh kung tumayo na lang kaya kami dun, baka sakaling di kame mapansin?
Trixie: You should go hide.
Ako: Weeh?
Trixie: Well, go!
Ako: Nababaliw ka na ba?! Bakit kita iiwan dito?
Trixie: Because--
Ako: Hush hush. I told you, don't worry. (ngiti sa kanya) Malakas hatak ko sa Taas. :D
Trixie: (bulong) How can you still smile in a time like this?
Di ko rin alam. T^T
Nung malapit na sina ogres, dumiretso ako ng tayo -- alalay pa rin naman kay Trixie -- hanggang sa makaharap na namin ung Shreks.
Shrek 1: (tumingin sa kin -- kadiri ang ngiti) Abah, tingnan mo, 'tol. Isa lang hinahanap nating chicks, nabiyayaan pa tayo ng isa!
Ako: Excuuuse me? Anong "chicks" ka dyan?! Mukha ba kameng manok?!
Shrek 2: Uy, sumasagot. Pwede ba akin yan?
Now that I can see them in a closer range, tsaka ko lang napansin na mukha nakainom tohng dalawang toh. -____- Anoh ba naman talaga tohng swerte ko? Pupunta lang ako sa tindahan, kung anu-ano nang bumabagsak sa daanan ko.
Ako: Angkinin mo yang mukha mo! Mangdiri nga kayo sa balat nyo. Di nyo ba nakikita na injured tohng kasama ko? At isa pa, alam nyo bang pulis ang tatay ko, and dalawa sa mga tito ko, pati kuya ko! Kaya pag may nangyari sa'kin, nakooooo, di nila kayo tatantanan!
Shrek 1: Palaban ka ha! Pero di na naman kame mahuhuli ng buong angkan mo kung di ka na nakakapagsalita pagkatapos ng "party" natin, di ba?
*gulp* Okay. I'm officially kinakabahan na over here.
Trixie: (bulong sa'kin) Pulis ba talaga halos lahat ng lalaki sa pamilya mo?
Ako: (ngiti sa kanya) hehe... Nasa States lahat ng pamilya ko... Charing lang un.
Trixie: *sigh*
Hehe... Avah, malay mo mag-work ung panakot di ba?! Eh di na-save pa kami sa kung anong "party" ang plano ng mga ogres na toh. Sayang naman ang ganda ko... tsaka bata-bata ko pa... Ang dami ko pang pangarap na kailangang tuparin... Mag-ggraduate pa ko, magigigng theater actress... at bibili pa ko ng mantika para sa ulam namin ni horsey!
Sheeshhh... pano ba ko makakalabas sa gulong toh?
Chapter 56: (Joshua's POV)
Wahahahaha... Wahahahaha...Wahahaha... Tapos na homework ko!
Sinarado ko ung libro ko, kinolekta ung mga papeles ko, at tinambak silang lahat pabalik sa bag ko. Iba talaga ang feeling pag nakatapos ng isang bundok ng homework. Tumayo ako sa upuan, stretch, sabay tingin sa relo--
Whoa! 7:30 na?!?
Napasarap yata ako masyado dun sa homework na di ko namalayan na bumalik na si Janessa ah. Pumunta ako sa kusina para tingnan kung tapos na magluto si meatballs...
Teka... Nakalabas na ung manok, pati ung kawali... Nasan ung magluluto?
Tumingin uhlet ako sa orasan. Halos mag-iisang oras nang wala si Janessa. Sang kanto ba ung sinasabi nyang 'dyan lang' na tindahan?
Bumalik ako sa living room, binuksan ung TV.
Hmp! Kala nya ba hahanapin ko sya? Ha! Pagkatapos nya kong awayin?!
Nanood ako ng TV... Enjoy~ Enjoy~
Tingin uhlet ako sa relo. 5 minutes pa lang ang lumilipas.
Langya! Nasan ba si Nessy?!?
Pinatay ko ung TV, kinuha ung susi ng apartment, tapos patakbong lumabas. So much para sa di hahanapin noh?
Tumakbo ako dun sa tindahan sa may kanto na sabi ni Nessy na bibilihan nya -- well, ahyon sa pagkakaintindi ko eh dun sya bibili.
Ako: (dun sa nagbabantay) Gary...
Suki na ko dito kaya kilala na ko nung bantay – at halos ka-edad ko lang si Gary kaya minsan, tumatambay kami sa kung saan.
Gary: Oh, Joshua... Bakit ganyan itsura mo?
Ako: Bakit?
Gary: Mukha kang patay~ :D
Ako: Heh! Teka nga, dumaan ba dito si Janessa?
Gary: Janessa? Ung maganda mong roommate na sobrang galing kumanta?
Magandang description yan..
Ako: Oo.
Gary: (umiling) Hinde, bakit?
Ako: Sh*t.
Tinalikuran kong bigla si Gary na tinatawag pa ko. Deadma lang. Tumakbo ako dun sa kanto bago ung tindahan. Kung di dumaan si Nessy dun sa tindahan, ibig sabihin di sya nakaabot dun sa kantong un.
Nasan na kaya un?!?
Nag-papanic na ko – kahit pwede naman na sa ibang tindahan lang talaga sya pumunta... Pero pwede rin na may kung anong nangyari sa kanya, di ba? Di ko lam kung san hahanapin si Janessa... Di ko lam kung anong nangyari! Bwiset! Sabi na kaseng magkotse eh!
Mabilis akong naglakad dun sa street na hula ko eh pinuntahan ni Nessy. Eyes wide open para sa kahit anong makita ko na magbibigay ng clue na dumaan dun si Janessa at may kung ano lang nangyari – ung parang nangyayari sa TV.
Nessy...
Chapter 57: (Janessa's POV)
Tinitigan ko nang masama ung dalawang ogres. hmp! Kala ba nila aatrasan ko sila! Hah! Ako pah!? Kaya yata nitong sumigaw na rinig sa tatlong kanto noh!
Ako: Shoo fly na nga kayo. Iiuwi ko pa tohng kasama ko noh.
Shrek 1: Umasa ka, bebot. (lumapit sa'min) Pa-kiss muna!
Ako: Neknek mo! Tadyak sa bibig, ok pa.
Tapang noh? Pero deep inside nagkakaputok-putok na ang veins ko sa sobrang kaba.
Ako: Subukan mo lang lumapit dito, at nako, meeting sa dentista para sa isang buong pustiso ang aabutin mo!
Trixie: (bulong sa'kin) You're trembling... Is that from rage or fright?
Ako: (bulong pabalik) Actually, sa gutom. :P
Trixie: Joshua must be worried already...
Heh?
Ako: (natawa) I don't think so. We just had another fight kanina eh... Though I'm sure nothing like that happened when he was with you--
Shrek 1: Oh ano? Tapos na ba kayong mag-usap?
Oo nga naman. Sa dinami-dami ng panahon na mag-usap, ngayon pa kame nagdadaldalan noh?
Ako: Bahket? Makiki-tsismis ka?
Shrek 2: Eh kung puruhan na kaya natin tohng mga toh?! Pilosopo eh!
Ako: Mga bubwit kayo! Ginugulo nyo gabi ko, magulo na nga! Lumabas lang ako para bumili ng mantika! MANTIKA!
Medyo naramdaman kong natawa si Trixie. Oh well, at least, may isang relaxed sa'min.
Napatigil kaming bigla nang makita naming nagsisimula nang lumapit ung dalawa... Nako poh, nagtayuan ang aking mga balahibo!
Nag-flash bigla sa isip ko ang aking life. My golay -- pati ung incident na muntik ko nang malunod ung pet dog ko sa bathtub -- kala ko pa naman eh pinagkabaon-baon ko na un sa ilalim ng paa ko.
Now, I really AM scared.
Joshuaaaa!!!
beep! beep! beep! beep! beep! BEEP!!!
Napaikot kaming apat dun sa direction nung busina...and salamat kay Lord, may tricycle! Nag-panic bigla ung mga ogres!
Shrek 2: (hinila si Shrek 1) Tol, halika na!
Pinanood namin ni Trixie na magkandarapa sa pagtakbo ung dalawang ogres – medyo mahirap dahil pareho silang laseng. Still... Di ko alam na pwede palang makatakbo nang ganon kabilis si Shrek.
Tumigil ung tricycle sa harap namin ni Trixie, at bumaba kagad ung driver.
Driver: Okay lang ba kayo?
Ako: O-opo... Salamat poh.
Opo, ok lang daw... pero nanginginig naman ung boses ko. :P
Driver: Nako, mag-iingat nga kayo pag naglalakad kayo dito... Lalo na't gaganda nyong yan... tsk tsk...
Ako: Opo..
Driver: Uuwi na ba kayo? Hatid ko na kayo...At mukhang namumutla pa kayo sa nangyari eh.
Napatingin ako kay Trixie. Namumutla nga sya. Siguro dahil dun sa paa nya...
Ako: Anoh, ehto na lang pohng kasama ko ang paki-hatid. Malapit lang poh naman kaseh bahay ko, kaya ko na poh maglakad.
Driver: (kinuha ung pag-alalay sa'kin kay Trixie) Sigurado ka ba? Baka makasalubong mo pa ung mga lokong un.
Ako: Wag poh kayong mag-alala. Paki-uwi na lang poh tohng kasama ko.
Tinulungan nyang pumasok si Trixie dun sa tricycle. Pagkapasok ni Trixie sa loob, lumayo na ko sa tricycle at hinintay na umalis sila.
Driver: Mag-ingat ka, iha. Maraming loko dito sa kalyeng toh.
Ako: Opo, salamat poh.
Aalis na sana sila nang biglang humabol pa si Trixie. Talagang muntik na syang mahulog sa upuan dahil bigla syang sumilip ulit sa'kin.
Trixie: Wait!
Ako: Oh bahket?
Trixie: I just... *sigh* Why did you stick with me? Why didn't you run or hide when you had the chance?
Napatingin ako dun sa driver. Naghihintay lang sya patiently. Man, kung atat sana si manong driver, baka pwede ko pang sabihin kay Trixie na next time na kami mag-usap. Nakatakas pa sana ako.
Ako: Well, imagine mo na lang pag iniwan kita dun. Nako, ang bigat sa konsensya nun noh. Pano na lang kung someday eh bigla kong mag-decide na mag-madre? Eh di may pasanin na kagad sa conscience ko?
Tinaasan nya ko ng kilay. Sige na... Ako na ang awkward sa mga heart to heart talks...
Ako: *sigh* And besides... Pag may nangyari syo, someone will be very sad...
Parang di inaasahan ni Trixie ung sagot na un, kaseh nagblink sya eh... Tapos, sa kung anong himala, abah, nginitian akowh!
Trixie: (dun sa driver) We can go now.
Un na un?
Tumingin sya sa'kin one last time bago sila umalis.
Trixie: And, Janessa...just to let you know... Ikaw din.
...Weh?
Umalis na ung tricycle. Ako naman, eh napatanga dun. Umandar nanaman ang pagka-slow ng brain ko. Ano naman kaya ang ibig sabihin nya na ako rin? -___- Oh well, better go home... Baka nababaliw na si Joshua dun kakahintay.
Naglakad na ko pabalik. Haaaayyyy... What a night.. Imagine, ma-stranded ba naman with Trixie at makipagsapalaran with ogres--- Whoa!
Bigla akong napatigil sa paglalakad ko. May tao na mabiliiissss na tumatakbo papunta sa'kin. Tinitigan kong mabuti ung tao -- para just in case, eh magsimula na kong magsisigaw.
Ay, teka...
Nagulantang ako nung nakilala ko ung tumatakbo.
Ako: Joshie?
Tumigil sya sa harap ko, naghahabol muna ng hininga. Awkward moment muna kaseh kakaaway ko lang sa kanya kanina eh. :P Kanina pa kaya sya tumatakbo kakahanap sa'kin?
Ako: Uh... You came to get me...?
Joshua: (biglang tingin sa kabilang direction) Syempre! Halika na nga. Uwi na tayo.
"Syempre"?
Nagsimula na uhlet sya maglakad pabalik. Habol naman kagad ako. Oo na, nakalimutan ko na ung mantikang bibilin ko. Oh well. May de lata pa naman...
Should I tell him about Trixie?
Ako: Uh, horsey...
La sagot... Multo ba ko? Deadma?
Hayaan na nga. Okay na naman ang lahat.
Ako: Thanks for coming to get me.
Hinook ko ung kamay ko dun sa braso nya. Lam nyo ung arms nung bride and groom pag naglalakad sa aisle, parang ganon... Pero, oist ha, di sa altar tuloy namen noh, uuwi lang kame. Kaya sige, sabit ko ung kamay ko sa braso nya, and lumapit na rin me nang konti sa kanya -- chansing! haha
Tinignan lang ako ni Joshua... pero hinila nya rin naman ako papalapit.
Chapter 58: (Joshua's POV)
Ilang linggo na rin ang lumipas simula nung inaway ako ni Nessy at tumakbo sya palabas at pagbalik eh wala naman ung mantika. Sardinas tuloy kame nung gabing un. -___- Tinatanong ko naman kung san sya galing, ayaw namang sumagot. Naligaw raw sya. As if naman! Bumagsak siguro toh sa course na Lying 101. Pero di ko na rin pinilit, kung ayaw sabihin, eh di wag.
Isa sa mga araw na wala syang pasok, eh kumakain kami ng almusal. Masama pa ang loob ko dahil kahit wala na nga syang pasok at pwedeng-pwede syang matulog nang matagal, kinarir nya pa rin ang paggising nang maaga para lang bulabugin ang tulog ko. Kailangan nya raw kaseh ako ipagluto ng almusal. Parang naman di ako marunong... May cereal at gatas naman! :D
Nilagay ni Janessa ung pancakes sa mesa, tapos ikot uhlet sa kusina papunta naman sa ref. Naglabas sya ng tubig, taapoosss balik sa kusina para kumuha ng baso. Langya, kanina pa ikot ng ikot!
Ako: Huy! Maupo ka na nga! Parang kang bubuyog dyan...
Janessa: (umupo na) Horsey naman, aga-aga, inaatake ka nanaman ng ka-sungitan mo.
Ako: Anong ka-sungitan? Ang bait-bait ko nga pinapaupo na kita
Janessa: Weh~?
Ako: Oo noh! (subo ng pancake) Wag ka nang kumontra, lam ko namang totoo.
Janessa: Ahsuz...
Tahimik kami na inubos ung almusal. Nilalasap bawat kagat. Haha Nung nabusog na kaming pareho, tinulugan ko nang magligpit si Janessa. Baka sabihin hanggang lamon lang ako eh.
Janessa: Horsey...
Ako: Hm?
Janessa: Malapit na Pasko...
Ako: Ngayon?
Janessa: Lam mo na...
Ako: Ano nga?
Tumigil ako sa pagpunas nung lamesa at tumingin sa kanya.
Mukhang importante toh ah...
Ako: Anoh.. Pupunta ka ba sa Chicago para makasama mo family mo?
Janessa: Awww.. Don't look so sad, horsey.
So pupunta nga sya?
Ako: Di noh... Ok lang un... Dito lang naman ako.. Mag-isa...sa Pasko... sa Noche Buena, all alone...
Pak!
Langya, nag-eemote na nga ako, babatukan pa?!
Janessa: Drama nito... Papa-emote effect ka pa dyan... Ako nagpauso nyan noh. And besides, di ako pupunta sa Chicago for Christmas. Wala akong pera. Itatanong ko lang... Kung anong regalo mo sa'kin?
Tinitigan ko sya.... Un lang? Un LANG?
Ako: Eh loko ka pala, ang dame-dame mo pang pasikot, tatanong mo lang pala kung bibigyan kita ng regalo!
Janessa: Eh kaseh naman, todo ang takbo ng mileage ng brain mo noh. Masyadong active yang imagination mo. (lumapit sa'kin) So ano nga, anong gift mo sa'kin?
Ako: Bakit, kailangan ba kitang bigyan ng regalo?
Pak!
Ako: Aray!
Janessa: Hmp! Sungit na, kuripot pa... haaaayyy... Horsey ka talaga.
Ako: Cute naman!
Yeah... Matagal na kong nag-give up sa pag-correct sa kanya sa kakatawag sa'kin ng horsey. Kabayo na kung kabayo. -__-
Janessa: Anong cute? Kala ko ba si Warren ang doggie dito?
Ako: Anoh?! Sa tingin mo cute ung asong un?!
Janessa: (natawa) Relax... ;D May pasok ka pa mamaya, high blood ka na.
Ako: Che! Teka, la kang pasok di ba?
Janessa: Yup
Ako: Aalis ka ba?
Janessa: (napaisip) I'm not sure... (biglang ngiti) Pero kung aalis ako, I promise, I'll be back before curfew. ;D
Ako: Curfew ka dyan... San ka naman pupunta?
Janessa: Hmmmm...
Nag-isip pa talaga oh... Makaalis lang ng bahay..
Ako: Anoh?
Janessa: Sikretong malup-het!
Ako: Anoh?!?
Janessa: (natawa) Sige na, maliligo na ko.
Ako: San ka ka nga pupunta?
Janessa: Secret nga. Babalik din ako kagad... Ikaw, wag kang matutulog uhlet ha... (naglakad na papunta sa kwarto nya) Baka ma-late ka nanaman sa klase mo dahil bumalik ka sa kama.
Ako: Hoy--!
At, sinaraduhan nya na ko ng pinto. Bubwit... Aalis nanaman sya mag-isa... Walang nangyayaring maganda sa tuwing umaalis sya mag-isa. Kaseh naman! May pasok ako eh... Di tuloy ako makakasama. Napatingin ako sa sink...
Ibig sabihin ako pa tuloy maghuhugas ng pinggan!
Chapter 59: (Janessa's POV)
slurp! slurp!
Lakad ako around-around sa 5th floor ng MegaMall. Tingin-tingin sa paligid... Medyo marami ring tao, as usual. Mga advanced Christmas shopping spree siguro tohng mga toh. Buti pa sila, mukhang alam nila kung anong gusto nilang bilhin. Samantalang ako, ilang oras nang nag-iikot at naghahanap ng regalo, ang list pa rin ng mga nabili ko ay: palabok, coke, fries, choco sundae ng Jollibee, mocca frapuccino ng Starbucks. At ngayon, dahil na-ffrustrate nanaman ako dahil fruitless pa rin ang shopping trip ko, parang gusto ko nanaman kumain. -___-
Whoa!
Napatigil akong bigla sa harap ng music store. Tumunganga muna ako habang nag-iisip.
Hmmmmm... Sige na nga.
Tinapon ko ung mocca frapuccino ko sa basurahan bago pumasok. Talaga nga naman... Bakit nga ba di ko naisip kagad toh? Anoh pa nga bang perfect gift para kay horsey kundi timer para sa karera nya sa Sta. Cruz! ^o^ Joke! Nyahaha Nag-catch ng attention ko ung gitara na nakasabit dun sa wall...
Ang pretty.
Nilapitan ko at tinignan nang mabuti--
---at ang mahal!
Langya, konting kahoy, pintura, at strings, libo-libo na?! May ginto ba yan?!
"Nessy?"
Kabayo!
Napaikot akong bigla sabay stepback... Ready to wapaw! ang aking attacker!
Hopia!
Napatigil ako nung nakita ko kung sino ung kumalabit sa'kin.
Ako: Ken?
Ken: Hello. Anong ginagawa mo dito?
Tumingin uhlet ako dun sa gitara, tapos balik tingin kay Ken – na, haayyyy, pwede bang maligo lang sandali sa shine ng pagka-papafable nya?
Ako: Tumitingin lang ng regalo para sa Pasko.
Ken: (tumingin dun sa gitara na pinagkaka-interesan ko) Para ba kay Joshua?
Ako: Yeah. (ngiti) Kaya lang di ko lam na ganito pala kamahal ang gitara.
Ken: (ngumiti) Mahal talaga yan... Especially kaseh nylon ung strings...
Ako: Huh?
Ken: It means, mas maganda kaya mas mahal kesa sa ordinary guitars.
Ako: Ah. Great. -.-
Sinamahan nya kong lumakad palabas nung store. Mukhang nagkataon lang talaga na nandun din sya. Anoh nga namang liit ng mundo, noh?
Ken: Bakit di mo na lang bigyan ng card? ;D
Ako: (natawa) Oo nga noh. Self-made pa!
Ken: Tama. Bond paper na lang tsaka crayons bilhin mo.. Tipid ka pa.
Tumawa ako.. Di kaya batuhin ako ni Joshua kung ibigay ko un? nyaha.
Ako: (sighs) Sayang naman... I'd really love it kung makukuha ko si Josh ng gitara for Christmas... Kaya lang, short ako sa pondo.
Ken: I can help you figure something out. Gusto mo mag-brainstorm?
Ako: Eh?
Ken: Good deed ko na para sa Christmas season. Magpapakabait ako ngayong Pasko.
Uu nga... Mabait ka na nga. Bigyan mo na lang me ng cash para di na tayo mahirapan mag-isip.
Nyaha...kapal face noh?
Ako: Ay, teka, anoh nga palang ginagawa mo dito? Christmas shopping din?
Ken: Magkikita dapat kame ni Nica eh, kaya lang something came up, kaya di sya nakapunta.
Ako: Nica? Is that your girlfried?
Ken: Yeah.
Ako: Gano na kayo katagal?
Ken: Almost a year na.
Ako: Nakz, medyo matagal-tagal na rin ah...
Ken: Oo nga eh. Kayo ni Joshua? Gano na kayo katagal?
Ako: Huh?!?! Nako, hindi kami noh!
Ken: Hindi ba? O_O Kase...pag magkasama kayo...parang... Sorry ha... Pahiya tuloy ako...
Ako: Ok lang... (nervous laughter)
My golay! Sumugod yata lahat ng dugo ko sa mukha ko. Gano kapula un?
Ken: But you like him, don't you?
Ako: Eh!? Bakit mo naman nasabi?
Ken: (ngumiti) I just know... Kaseh pag may sinasabi ka tungkol sa kanya or pag nababanggit ung pangalan nya, may kung anong kinang dyan sa mata mo eh. ;)
May stars sa eyes ko? Nandyan ung Milky Way di mo ba alam? ...Tsaka ung Sneakers, Three Musketeers, Toblerone... :D
Sheesh...Gusto ko ng chocolate!
Ken: Teka, nag-merienda ka na ba?
Ako: Nag-iisip pa nga lang ako kanina na kumain eh. Lilibre mo ko?
Ken: (ngumiti) Oo ba
Ako: Hala! Joke lang un! May laman pa naman ung wallet ko kahit papano.
Ken: (natawa) Okay. Tara na lang sa Triple V.
Iikot na sana kami nang biglang may tumawag nanaman sa'kin sa likod ko.
Really... What's with all the people and my name? At bakit parang nagsusulputan silang lahat out of nowhere?
Tumingin kami ni ken para tingnan kung sinong nandun.. Lalo akong nawindang nung nakita ko ung mabilis na naglalakad papunta sa'kin. Si Warren.
Ako: Oh, Warren... Anong ginagawa mo dito?
Warren: Dumadaan lang. Lam mo namang dito kita nakilala... ;)
Hehhh..... o_O
Bigla syang tumingin kay Ken...
Ako: Ay, nga pala... Ken, si Warren...Warren, si Ken, schoolmate ko.
Warren: (kay Ken) Tol... Nililigawan mo si Nessy?
Wha--!?!?!
Ken: (napangiti) Hinde... May girlfriend ako, pare.
Warren: Buti naman... Kala ko sasama ka kay butiki sa panliligaw kay Nessy ko eh.
Ken: Butiki?
Ako: (bulong sa kanya) Term of endearment nya para kay Joshua. ;)
Ken: (napangiti) Ahhhh...
Warren: Speaking of butiki, nasan un at bakit hinahayaan ka nyang maglibot mag-isa, may kasamang ibang lalake? (tingin sa paligid)
Ako: May klase sya eh.
Ken: Anyway, Warren, kakain kami... Gusto mo, sama ka na?
Warren: Sure!
Kaya ahyun, naglakad kami sa mall – in between ako ng dalawang papables. Dalawang papables!... nyaha! Mainggit ka! ;D
Chapter 60: (Joshua's POV)
Halos 6:00 na ng gabi. Saang lupalop nanaman kaya nakarating tohng si Janessa? Sabi nya di raw sya papagabi ah.
ding! dong!
Napatayo akong bigla sa pagkakaupo ko sa couch, at tumakbo papunta sa pintuan. Haayy, sa wakas, umuwi na rin tohng si Nessy.
Ako: (bukas ng pinto) Ang ta--
Whoa!
Napataas ang kilay ko nung nakita ko kung sinong mga kasama ni Janessa. Si Ken at ung aso!
Janessa: Uh, hello, Joshie. Look kung sinong mga nakasalubong ko sa mall...
Ako: (tingin kay Warren) Kailan pa nila hinayaang pumasok sa mall ang aso?
Warren: At kailan pa natutong magbukas ng pinto ang butiking katulad mo?
Ako: Gusto mong masipa palabas?
Gumitna si Janessa sa'min.
Janessa: Okaaaaaaaaayyyy... Tama na yan... (tumingin sya kina Warren at Ken) Gusto nyong pumasok?
Ken: Di na. Baka naghihintay na ng tawag ko si Nica eh.
Ahhh... oo nga pala... May girlfriend nga pala tohng Ken na toh...
Tumingin ako dun sa aso. Send ng mental message.
Umalis ka na.. Umalis ka na.. Umalis ka na.. Umalis ka na.. Umalis ka na.. Umalis ka na.. Umalis ka na..
Warren: Next time na lang din, hinihintay na ko ng parents ko eh.
Message sent! bwahahahahaha
Janessa: Oh... okay. Thanks sa paghatid sakin. Ingat kayong dalawa.
Nag-bye na si Ken at ung aso. Sinarado ni Janessa ung pinto. Bumalik ako sa living room, pero syempre, di ko papatakasin tohng si Janessa noh. Hinintay ko hanggang pumasok rin sya ng living room.
Ako: Akala ko ba di ka gagabihin?
Janessa: Hmm? Di naman ah.
Ako: Ano ka? Dilim na sa labas oh!
Janessa: But it's not even 6:00 yet. Technically, di pa gabi, madilim lang. So technically, I did go home bago maggabi.
Ako: Heh, tama na nga yang excuses mo... Techinically, technically...baka gusto mo magkaron ng technical problems... Kasama mo pa ung aso na un!
Umupo si Janessa sa tabi ko sabay titig sa'kin.
Janessa: Horsey, are you still jealous of him?
Ako: A-anong jealous?!? Di ako nagseselos noh! Bahket naman!?
Janessa: Oh, really? So di ka pala nagseselos ha...
*gulp* Pinagpapawisan yata ako....
Ako: Di naman un ung point eh!
Pano ba ko makakalabas dito?
Ako: Inaaway mo nanaman ako!
Whe? Yan lang way mo para makalabas? Joshua naman...
Janessa: Anong away ka dyan? You started it. (tumayo) Sasabihin mo lang nagseselos ka, pahirapan pa... Geez, horsey..
Ako: Tigilan mo na nga ako!
Tumawa si Janessa tapos pumasok sa kwarto nya para siguro mag-shower at magbihis... Lam na lam ko na habit nun noh?
Selos daw... Suz! Ako? Magseselos? Dun pa sa asong un?! Di na noh!
Pasaway lang kaseh ung asong un, dikit ng dikit kay Nessy! Gawin ko syang asosena eh!
Anoh?! Di ako nagseselos noh! High blood lang ako sa aso! Sumulpot nanaman.
...teka. Parang natakasan yata ako ni Janessa ah!
Chapter 61: (Janessa's POV)
Kinabukasan, nakatambay kami nina Richie, Arianne, at Jodi sa FoodCourt sa Megamall. Yeah, pansin nyo, suki na kami ng mall na toh? Yan ang MegaMall -- home away from home. Lakas na ng kita nila dahil sa'min. Kain kami sa McDo kaseh nagsawa na kame sa Jollibee. Binibilang na rin namin ung mga bumabagsak dun sa ice rink sa tabi ng FoodCourt...nyaha
Ako: So, pinsan mo pala si Trixie, Rianne?
Arianne: (kagat sa burger nya) Yup
Richie: Eh!??!?! Tal-a-gah!?!?
Arianne: Oo nga... Bahket?
Jodi: Bakit di mo man lang sinasabi? Pano na lang kung ipa-ambush namin syang bigla, tapos pinsan ka pala...eh di may evidence na kagad.
Arianne: Mga loka...It's not like ganon kami ka-close noh. 2nd cousin ko lang sya, at once in a blue moon lang kami magkita. Black sheep ng pamilya ung babaeng un eh.. And besides, bakit ko naman sasabihin snyo eh di naman kayo nagtatanong.
Haaaayyyyy...Yan na ung most hated excuse na naririnig ko...Ang "di mo naman tinanong" palusot.
Kokontra pa sana ako nang may nakita akong shining shimmering splendid sa likod nina Arianne at Jodi... Oh my! Si Mr. Papable Ken!
Richie: *gasps* Oh my heart!
Napatingin ako kay Richie. Just as I thought, nakita nya na rin si Ken, kaya nag-Oh my heart sya dyan sa tabi ko. Exagge.
Richie: Totoo ba itich? May isang anghel na bumaba sa langit upang ako'y dalhin sa paraiso?
Ako: Loka. Bago pa kayo makarating dyan sa "paraiso" mo eh nadaganan mo na ung "anghel" sa sobrang overweight mo.
Richie: Hoy, excuuuuzzze moi! Slim toh noh!
Biglang napatingin sa direksyon namin si Ken... At kahit na natabunan kami ng mga people, abah, eh nakita pa rin ako na parang rainbow colors ang aking hair.
Richie: Oh my goshingnezz! Pupunta na sya dito! Thiz iz it! Cloud 9 hello!
Arianne: Cloud 9? Cheap mo naman...Ayaw mo nang Snickers?
Richie: Che!
Napangiti kagad si Ken nung malapit na sya sa table.
Ken: Nessy!
Ako: (tingin kay Ken) Uy, kaw nanaman... Anong ginagawa mo dito?
Arouch!
Napatingin akong bigla dun sa braso ko. Langya, sobrang higpit namang makakapit nitong si Richie! Uubusin nya ba ung dugo sa braso ko!? Nag-flutter pa ng eyelashes nya sa'kin ung bakla.
Suz! Pa-anghel-anghel pa, di naman pala kilala.
Ako: Uh, nga pala, Ken, ehto nga pala si Richie, si Arianne, tsaka si Jodi.
Arianne at Jodi: Hi!
Richie: VERY pleased to meet you. (extend ng kamay para sa handshake)
Ken: (smile tapos shinake ung hand ni Rich) Pleased to meet you din.
Richie: *squeals* Ayyy grabeh, namumula ang beauty ko! XD
Binitawan na ni Ken ung kamay ni Richie, tapos tumingin sa'kin na parang "eh?"
Lam ko na, iniisip siguro nito, ang weirdo ng mga people sa paligid ko... Abah, una, nakilala nya si Warren na ang term of endearment kay Joshie eh "butiki", tapos narinig nya si Joshie na ang term of endearment naman kay Warren ay "aso"... Tapos, ngayon, ehtong si Richie, tinamaan nanaman ng pagkalandi...haaaaayyyyy....
Ako: (kay Ken) So, makikipagmeet ka ba uhlet kay Nica?
Ken: ...Nakita ko na sya kanina..
Biglang nag-drop ung mukha ni Ken, tapos napatingin sya sa sahig. Nalungkot bigla?! Anoh bang sinabe ko?
Ken: Ay nga pala, Nessy, buti na lang at nakita kita dito.
Ako: Eh? Bahket?
Ken: Well, naalala ko na you need money, right?
Arianne: Eh?! Si Nessy?! Nangangailangan ng pera?! Avah, anong ka-dramahan toh?
Jodi: Nanakaw ba credit card mo?
Richie: Kailan ka pa nawalan ng money?!
Ako: Che! Tigilan nyo nga ako. Mortal lang ung credit card ko noh... Di forever na hihinga un!
Richie: So anong ginawa mo? Minurder mo?
Ako: (balik kay Ken) Ignore them. As you were saying...?
Ken: Well, may regular gig kami sa isang bar sa Ermita. Nag-out na ung vocalist namin kaya--
Arianne: Ooooohhhhh.... are you asking Janessa to be your vocalist?
Jodi: Ang galing-galing naman!
Ken: (napangiti) Eh, kung gusto nya lang naman... Kaseh I heard around school na magaling kang kumanta. So, kung gusto mo, kahit hanggang makahanap lang kame ng vocalist, eh kaw muna. The pay is pretty good.
Richie: Ooooohh, nicey!
Ako: I don't know... Di ba mag-cconflict sa school un?
Ken: Nope... And my spare time ka pa in between gigs, well, most of the time... Pag napabayaan mo ung schoolwork mo at di ka na umuuwi, kahit habulin pa ko ni Joshua paikot ng campus, okay lang. After all, alam nya naman kung san ako hahanapin since we have at least three classes together.
Ah.. hehe... Pause ang story, blush muna ako na parang sira~
Wahahahahaha... Si Ken at si Joshie! Naghahabulan sa buong campus! Wahahahaha
Ken: So?
Ahem...balik sa storya...
Ako: Yeah, sure! Bakit hindi?
Ken: Great! I'll see you then! Tawagan na lang kita. (nilabas ung cp nya tapos abot sa'kin) Lagay mo na lang number mo.
At parang masunurin na bata, eh nilagay ko nga. Tapos pinindot ko ung call hanggang maramdaman kong nag-vibrate ung cp ko. Binalik ko ung cellphone ni Ken sa kanya.
Ako: Oh, yan... Call me na lang, 'kay?
Ken: Sige, thankz, Nessy ha.
Ako: Okay lang yun. And I should be the one thanking you. Magkakaron ng laman ang bank account ko because of you.
Ngumiti lang nang konti si Ken, tapos nagpaalam na. Uuwi na raw sya... Ako naman, medyo wobbly-jobbly ang brain kaseh sabi ng aking 6th sense (nyakz!:D) na may something wrong talaga kay Mr. Papable.
Nung medyo umalis na si Ken, habol pa rin ang eyes ko (un oh tumatakbo after him -- joke!). Di ko na nga pinansin si Richie na nauna pa sa'king hablutin ung cellphone ko sa bag para kunin number ni Ken.
Bigla akong tumayo...
Arianne: San ka punta?
Ako: Wait lang.. Babalik kagad ako.
Iniwan ko ung tatlo, tapos hinabol si Ken. Buti na lang di pa sya nakakalayo. Aba, mahirap tumakbo nang paikot-ikot ha.
Ako: Ken!!!
Napatigil si Ken. Nagulat nung nakita nyang hinahabol ko sya.
Ken: Oh, bakit?
Tumigil sya, hinintay ako... Teka lang, hinga lang ako..
Yan, okay na!
Ako: Is something wrong? Kaseh parang...
Parang...ano...mukha kang ehwan eh... Nawawala ung pagka-papable mo..
Per-ro, syempre, alangan naman sabihin ko un. :P
Ako: Parang... I don't know... You look so down...
Ken: Ah... Do I really?
Ako: Ya-ah!
Tiningnan ako ni Ken sandali -- tapos biglang mahulog-hulog ang mata ko sa sobrang gulat!
Langya! Biglang naluha ang mokong!
Ken: Nakipagbreak si Nica eh... That's 5 years down the drain...
Whoa my golay!
*sapok sarili* Hard place, rocky place...singit ng mukha ko sa gitna, then ako. Yan! Hinabol mo pa kaseh!
Ako: B-bakit daw?
Ken: I don't know... Di nya sinabi... Bastah ayaw nya na raw...that was it...
Oh dearie...
Tinitigan ko syang maigi. Nag-ssend ng mental message: Wag kang iiyak! Baka isipin ng mga people ako nagpaiyak syo!
Ako: Anoh... Wala akong diploma from Break-Ups 101, pero meron akong certification from Dinededma 101. Under pa rin ung Heartbreak 101, kaya madadamayan pa rin kita..
... Don't ask. Di ko rin masyado naintindihan ang sinabi ko. -___-
Ako: Gusto mo maki-tambay ka muna sa'min, para naman di ka all alone today. Don't know how break-ups work for guys...but there's one real effective medicine for for that para sa girls.
Ken: Ano?
Ako: Karaoke!
Chapter 62: (Janessa's POV)
"Hooooorseeeyyyyyy!!!"
Sinarado ko ung pinto sa likod ko. Ang tahimik ng apartment. Tumingin-tingin ako sa paligid habang sinasabit ung sus isa sabitan. Halos 7 PM na ko nakauwi, napasarap kaseh si Ken sa pagkanta eh...at napasarap din si Richie sa pag-nood. Tapos, ngayon, ehwan ko ba, ilang beses akong nag-doorbell, wala naman sumasagot. Patay din ung ilaw sa loob. Kaya ahyun... Kailangan ko tuloy isdain ung susi sa bag ko.
Pumunta ako sa kwarto ni Joshua at sumilip sa loob.
Ako: Horsey? Yoohoo?
Hmmm...la tao? Nasan nanaman kaya ung kabayong un?
Naglakad-lakad ako around the apartment. Wala ung usually pakalat-kalat nyang bag. Walang maduming plato. Hindi magulo ung couch, at ung remote, nandun pa rin sa pinag-iwanan kanina. Abah, di yata umuwi si Joshua ah. Hm.... Pumunta ako sa kwarto ko para mag-shower at magbihis na rin. Abah, di ako magpapaka-Sisa pagtakbo around and around kakahanap sa kabayo noh.
After kong magbihis, nagluto ako ng dinner at hinanda sa mesa. Baka malapit na umuwi si horsey, sabay na lang din kami kumain. Pumunta ako sa living room para manood ng TV. By 9:45 PM, may riot na sa tyan ko. Langya, gutom na ko, nasan na ba si horsey?!?
Bigla kong narinig na bumukas ung pinto. Syempre, tumayo kagad ako tapos takbo papunta dun -- all set na batukan si horsey at paliguan ng sermon -- paghintayin ba naman ako!
Hopia
Napatigil akong bigla. Tinitigan ko si Joshua, na nagulat pa yata nung bigla akong nag-appear out of nowhere. Anong gulo nanaman kaya ang pinasukan nito at ang itsura nya ngayon eh parang hinampas paulit-ulit sa sahig ung mukha nya? I swear, madugo!
Joshua: Gising ka pa?
Ako: ...Dude, hindeee. Nag-ssleepwalking ako. (rolls eyes) Ano nanaman nangyari syo?
Lumakad si Joshua past sa'kin papunta sa kwarto nya.
Joshua: Bakit gising ka pa? Gabi na ah.
Syempre, sumunod naman ako sa kanya. Avah, may dugo-dugo pa nga ung mukha nya, tsaka ang dumi-dumi nung damit nya, tsaka...tsaka...nakipag-away nanaman sya!!!
Ako: Kaseh hinihintay kita... Anoh nangyari syo?
Joshua: Wala. May umepal lang nung pauwi na ko
Ako: Limang oras kayong nag-riot?
Joshua: Galing ako kina Paolo.
Bakit ako tinatarayan nito?
Naupo si Joshua sa kama nya. Gusto nya yata mag-collapse sa kama, kaya lang naalala rin yata nya ng madumi sya... at medyo may pagka-light-colored ang sheets nya. Mahirap maglaba ha! Pumunta ako sa banyo nya – diretso sa lalagyan ng first aid kit. Haaaayyyy... Tagal-tagal nya nang di nakikipag-away na halos mawalan na ng kwenta tohng kit na toh...
Paglabas ko, muntik ko nang mabitawan ung mga hawak ko. Ai josko! Nag-strip na si Joshua ng T-shirt nya!
Aaaaaaaaahhhh!!! My eyes! My eyes! My eyes! My eyes!
Wow... My abs si horsey~ :D
Napansin ni Joshua na nag-ddrool—I mean, nakatayo, NAKATAYO, lang ako sa gitna ng kwarto nya. Tinaasan nya ko ng kilay.
Joshua: Ano?
Ako: Ha? Ah eh...wala lang...
Hinablot ko ung nakakalat nyang T-shirt sa sahig (wish ko lang malinis toh, noh? Mukha naman nahulog lang sa pagkakasabit sa cabinet...). Binato ko ung shirt sa kanya – sakto sa mala-model nyang katawan.
Ako: Magbihis ka nga! Di ka man lang ba nahihiya?!
Joshua: Bakit naman? Ikaw lang naman ang nandito?
Uminit bigla ang mukha ko. Kaseh naman! Pakitaan ba naman ako ng ganon ka-dami na balat!
Dahan-dahan nyang sinuot ung binato kong T-shirt. Slow motion si kuya. Di lang yata mukha ang masakit, buong katawan pa. Tumabi ako sa kanya sa kama at hinanda ung first aid kit sa tabi ko.
Ako: Mukhang napuruhan ka ngayon ah...
Joshua: Kulang lang ako sa practice kaya nakalapit ung mga un... Hmp, pinatigil mo kase ako eh!
Ako: Whe!? Kasalanan ko pa!?
Joshua: Aray! Ano ba?!
Ay... hehe Napadiin pala ung bulak dun sa sugat sa noo nya.
Ako: Oops. Sorry. :P
Nanahimik kami habang nililinis ko ung mga sugat nya. Kung araw-araw kong gagawin toh, abah, baka pwede na kong mag-Nursing!
Joshua: Bakit gising ka pa? Maaga pa pasok mo bukas ah
Ako: Hinihintay nga kaseh kita
Joshua: Bakit?
Ako: Coz...
Eh bahket nga ba?
Ako: Wala ka pa, so di pa rin ako kumain.
Joshua: Di ka pa kumakain dahil wala pa ko?
Ako: Un nga ang sabi ko, di ba?
Joshua: Bakit? Di ko naman dala ung pinggan?
Pak!
Joshua: Aray! Anoh ba!? (turo sa mukha nya) Injured na nga, babatukan mo pa!
Ako: Eh loko ka pala eh! Sino ba naman kasing may sabi syo na makipag-away ka?!? At sorry ha! Di ko kasi nakita ung mga plato dun sa tabi ng ref eh!
Joshua: Eh bakit galit ka nanaman?!?!
Ako: Ikaw kaseh eh!
Joshua: Ako, ako, ako, puro na lang ako!
Ako: Talaga!
Nanahimik ulit kami hanggang sa matapos kong linisin at lagyan ng band-aid ung mga sugat nya. Inexamine ko ung trabaho ko.. Mukha naman okay. Wish ko lang hindi ma-infect. :P
Ako: Ahyan, okay na.
Sinimulan ko nang ligpitin ung first aid kit.
Joshua: Nessy...
Ako: Ano?
Joshua: Sungit mo naman
Ako: Anoh?!?
Tiningnan ko sya. Nakangiti si Joshua. Binibiro lang ako... Langyang horsey toh... Papakitaan ako ng abs, tapos ngayon smile naman. Illegal dapat ang mga ganitong nakakataas ng blood pressure!
Joshua: Sorry kung nakipag-away uhlet ako ha... Di ako makatakas eh... Pinilit nila ako eh...
Ako: Pinilit?
Joshua: Yeah..
Kinuha nya ung first aid kit sa kamay ko. Pinanood ko sya na pumasok sa banyo para ibalik ung kit sa medicine cabinet. Maya-maya, lumabas ulit sya tapos umupo ulit sa kama katabi ko.
Joshua: Sinusubukan ko nang iwanan ung grupo..
Ako: Anong grupo?
Joshua: Ung 'street gang', as you know it... kaya ako pumunta kina Paolo, para sabihin na aalis na ko.
Ako: Huh? Bakit biglaan?
Joshua: Matagal-tagal ko na rin iniisip. I figured... Kung aalis ako dun, eh di mas tatahimik na buhay ko. Wala nang mga pasaway na epal na sunod ng sunod sa'kin dahil nasa rival gang nila ako.
Ako: Oh... Eh bahket ka napaaway?
Joshua: Kaseh di ganon kadali lumabas ng isang "gang". May kung anong oath lahat ng pumapasok. Hindi pwede na sasabihin mo lang na ayaw mo na, tapos okay na ang lahat.
Ako: Anong gagawin mo?
Joshua: Wala... Sabi nila, di nila ako papakawalan hangga't walang kapalit.
Langyang drama namang ng mga toh... Kapalit-kapalit pa... Anoh yan? Telanobela?
Ako: Anong kapalit?
Joshua: Something... Isang bagay raw na mag-ccause ng unbearable pain.
Ako: Kaya ka binugbog?
Joshua: Nah. Alam naman nilang kayang-kaya ko yang mga ganyang klase ng pain.
Ako: Eh anong gusto nila?
Joshua: Ehwan?
Nyeh...
Ako: Di mo man lang inalam? Ang galing mo.
Joshua: (napangiti) Lam ko, wala akong sakit eh...
Ako: Sira... So, bakit ka napaaway?
Joshua: La lang... Pasaway sila eh... Pati ung walang malay dinadamay.
Ako: Nag-threaten sila?
Joshua: Parang ganon na nga.
Hmmmmm... Pwede nang pang-telanobela! Ma-drama! Nyaha! Tinitigan ko si Joshua. Hindi ko na alam kung anoh pang sasabihin ko. Mukha syang di mapakali, worried, pero ayaw ipahalata. Stressed out nanaman ung kabayo.
Bigla syang tumayo – sabay grimace, nakalimutan yata na kakagaling lang ng mga muscles nya sa resbakan session. Huminga syang malalim tapos ngumiti sa'kin.
Joshua: Halika na, kain na tayo... Gutom na rin ako eh... Ano bang niluto mo?
Sumunod ako kay horsey palabas ng kwarto. Hinawakan ko ung kamay nya (wahahaha chansing!). Napatingin sa'kin si Joshua.
Ako: (ngiti sa kanya) You worry too much... Everything's gonna be alright, okay?
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(Joshua's POV)
Napatitig lang ako kay Janessa habang hawak nya ung kamay ko at nakangiti sya sa'kin na parang magiging okay lang talaga ang lahat. Langya, parang may karera nanaman ung puso ko sa sobrang bilis ng tibok ah! Kaya ako natatawag na "horsey" eh!
Hinila ako ni Janessa palabas ulit ng kwarto. Gutom na yata talaga. Pagdating namin sa dining room, pinaupo nya kagad ako.
Janessa: Okay, iinit ko lang ung ulam... Maupo ka lang dyan, at magrelax.
Syempre, masunurin ako, eh di naupo nga. Si Nessy naman... Ininit ung ulam at kanin, hinanda ung mga pinggan, baso, tubig, kutsara at tinidor... Pwede nang waitress! wahehehe
'You worry too much... Everything's gonna be alright, okay?'
Haaaayyyyyy.... Sana lang medaling paniwalaan ung sinabi nya. Di naman kasi nya talaga alam kung anong nangyayare...
Di nya naman alam na kaya ako napaaway...
eh dahil sya ang pinagtatangkaan nung mga lokong un.
Chapter 63: (Joshua's POV)
Kinabukasan, kumakain kami ni Janessa nang almusal nang mabanggit nya na aalis raw sya sa Sabado. Kesyo kinuha raw sya nung Ken na un para maging vocalist nung grupo nila para sa mga gig. Tinext daw sya ni Ken para magkita sa Sabado, papakilala yata sya dun sa ibang nasa banda tsaka magrrehearse na rin ng kanta.
Abah, eh ako naman, na-shock sa buto. Vocalist? May gig?
Ako: Eh? Bakit ikaw? Desperado?
Janessa: Desperado ka dyan. Talented ako eh, magagawa mo?
Ako: (kagat sa tinapay) Talented... Ginayuma mo un noh?
Janessa: Anong gayuma... Naubos na ung mga gayuma ko.
Ako: Wheeeeee?!??!
Janessa: (ngiti sa'kin) Di mo ba alam? Naubos na lahat syo~
Ako: ADIK!
Tumawa nang tumawa si Janessa. Langya, pinag-tripan nanaman ako ng babaeng toh!
Janessa: (tumatawa pa rin) H-horsey... Na-namumula ka!
Tinungga ko ung baso ng tubig sa harap ko.
Ako: Heh! Tigilan mo nga ako!
Janessa: (nginitian ako) Ang cuuutte mo talaga pag namumula ka, horsey.
Ako: Anong cute?! Di ako aso noh!
Pumasok pa tuloy si Warren sa utak ko. Langya, aga-aga, may ulol na aso na kagad na kumakahol sa utak ko.
Ako: Anoh? Bakit ka naman pumayag na kumanta dun? Anoh ka, GRO?
Janessa: Hey, you're being mean.
Napatulala ako nung sumimangot si Janessa. Langya, nagtayuan nga ung mga balahibo ko eh. Huminga ako nang malalim.
Ako: Joke lang un... Baka umiyak ka pa dyan.
Janessa: Hmp! Meanie-meanie horsey!
WTH?! Bakit ba parang isip bata toh ngayon?
Ako: Sige na, sorry na . Bakit ka nga pumayag na maging vocalist nung mga un? Eh halos kakakilala mo pa lang kay Ken ah...
Janessa: Because... (inom ng tubig) I need the money.
Ako: Eh?
Kailan nawalan ng pera tohng babaeng toh?
Ako: Nanakawan ka ba?
Janessa: Hindi, bakit?
End na ng world! Walang pera si Nessy! Si NESSY!!
Janessa: Anoh ba?!? (kinatok ung ulo ko) Gising na ba yang utak mo? Helloooo!!! Horsey!!!!
Ako: Anoh ba!?!
Janessa: (ngumiti) Kaseh naman because... Sa dami ng sinasabi ko eh wala yatang pumapasok sa brain mo eh. Anyway, maghugas ka na ng pinggan ha... Maliligo na ko.
At pagkasabi nun, eh umalis na nga sya... Haaaayyyy... Naiwan nanaman ako sa paghuhugas ng pinggan...
Haaaaayyyy... I hate chores.
+++++++++++++++++++++++++++++++
"Nessssy!!!! Anoh ba?!?! Bilisan mo nga!!!"
Umagang-umaga nang Sabado, at nagkakagulo na sa apartment namen. Langya, tagal kase ni Janessa magbihis eh! Kinatok ko uhlet ung pinto nya. May narinig akong sumigaw sa loob. So, siguro almost ready na sya. Kinuha ko ung susi ng kotse. Maya-maya, biglang lumabas si Janessa...
Janessa: (sinasarado ung bag nya) Sino ba naman kasing may sabi syong sumabay ka sa'kin!??
Napatitig ako kay Janessa... As in ung titig talaga na parang tumigil ang buong mundo...
Janessa: (tumingin sa'kin) Oh ano?
Bwiset! Kailangan bang maging ganyan kaganda eh mag-ppraktis lang naman sila!
Di naman sa parang sinasadya nyang magpaganda. Simple lang naman ung damit nya eh...Simpleng jeans, simpleng blouse, simpleng accessories, simpleng sandals... Ung buhok nya, ung ayos nung una kaming magkita: ung meatballs! haha Ung parang buhok ni Chun Li sa Street Fighter... May dalawag donut sa side ng ulo. hehe Halos wala rin naman syang make-up... O kung meron man eh di halata dahil ganyan din ung itsura nya kaninang kumakain kami ng almusal at bagong gising sya... Medyo mukhang may kulay lang ung pisngi nya.
Simple nga lang... Pero langya! Parang ang ganda-ganda nya na!
Janessa: Huy, horsey! Na-stroke ka na dyan! (kaway ng kamay sa harap ko)
Napa-blink ako... Gising, Joshua! Kung ano-ano nnaman iniisip mo..
Ako: Bakit ganyan nanaman yang buhok mo? Wala bang ponytail o ibang ayos sa bundok nyo?
Janessa: Huh? Ilang beses ko nang inayos na ganito buhok ko, ngayon mo lang naisipang magreklamo?
*batok sa sarili* Oo nga naman!
Hinaltak ko na sya palabas.
Ako: Halika na nga! Dala mo ba susi mo?
Janessa: Opo... Teka, san ka ba pupunta?
Ako: Kina Paolo
Janessa: Eh bahket?
Ako: (ni-lock ung pinto) May ibabalik lang ako
Janessa: Ano?
Dami namang tanong nito...
Ako: Ung baril
Janessa: Baril??
Ako: Oo.. Baril...
Janessa: Ung nag-bbang-bang?
Ako: Oo nga.
Janessa: Oooooohhh.. can I see it?
Ako: Hell no!
Janessa: Eh bahkeeettt?!??
Ako: Because I said so.
Kinukulit ako nung meatball-head na un hanggang sa kotse. Langya, ayaw tumigil, gusto ko na ngang plasteran ung bunganga eh.
Ako: JANESSA!!!
Janessa: Yes?
Ako: Manahimik ka na nga!
Janessa: Hmp! Sungit! Patingin lang eh...
Ako: Give up, parang namang papakitaan kita ng baril!
Janessa: Why not? Dami nyan sa TV noh... Sige na! Bago mo man lang ibalik!
Ako: Heh!
Janessa: Hmp...*pouts*
Ang kulit ng lahi nito! Sige lang. Sumimangot lang sya dyan, di ko pa rin ipapakita sa kanya.
Ngumiti ako sa sarili ko. Ibabalik ko na ung baril. Isang step forward para makalabas dun sa gang na un...and then, I'm free! yoohooo!!!
Pati si Janessa magiging masaya nito.
Chapter 64: (Janessa's POV)
Tinungga ko ung isang pitchel ng tubig na nakapatong dun sa mesa.. Di, joke lang.. hehe Di kaya ng powers ko un, lalo na at may apat na lalakeng nakapalibot sa'kin -- dalawa eh nabiyayaan pa ng itsura. Nilagay ko naman ung tubig dun sa baso bago ko inumin. Kailangan ng poise~ :D Pero in fairness naman kaseh, ilang oras na kameng nandito noh, tuyo na lalamunan ko!
Ken: Janessa? Ok ka lang ba? Kung di na kaya ng boses mo, tigil na tayo...
Tumingin ako dun sa other three... Pakilala ko snyo ha, kaseh ang ganda ko~ charing! Konekment eh noh? ;D Anyway, let's see... Si Jim, drummer (aztig mag-drums!). Tall, dark, and handsome yan... Medyo may pagka-loko nga lang. :P Shosyal ang blond highlights sa hair. Dinaig pa ko sa pagka-glossy ng buhok eh. Tapos ung nasa bass, si Bryce. Tahimik, halos bilang nga sa daliri ung sinabing salita sa'kin eh ("Hello. " "Ah, kakanta ka? Okay."). Haaaayyyy... Pero talented naman sa bass guitar, tsaka sabi ni Jim eh wag ko na raw pilitin magsalita dahil baka raw mangagat... Abah! Eh di shut up nga ako. Tapos ung nasa keyboards, si...teka...nakalimutan ko nanaman ung pangalan, sheesh... Hmmmm... Ah oo! Hahaha NICK! Short for Nikolas! Lalim ng name, grabeh! Daldal din nyan! Iniisip ko nga eh, sa sobrang kakulitan at kadaldalan, nako! bagay sila ni Richie!
Jim: Oo nga, Janessa... Baka naman next week eh debut na debut mo eh wala kang boses. Aba! Mapipilitan akong kumanta nyan! tsk... Ma-discover pa ko.
Nick: Ma-discover ng ano? Ng mental na may nakatakas?
Jim: Heh!
Medyo pagod na nga rin ako.. At gutom na noh!
Di nyo man lang ba ko papakainin?!
Ako: Thanks. Medyo nawawala na nga boses ko eh..
Ken: Yan, sasabihin mo pag di mo na kaya. Kaseh tohng tatlong toh, di mauubusan ng energy yang mga yan.
Ako: Eh?
Ken: Oo... Naka-steroids yan eh!
Jim: Huy! Wag mo nga akong siraan kay Janessa!
Hala, "siraan"?
Nick: Bakit? Kailan ka ba naging "gawa"?
Jim: Nessy oh, inaaway ako. T^T
Ako: Ehh...hehe...
Binaba na nila ung mga instruments nila dun sa isang tabi nung garage ni Jim. Ay, nga pala, di nga pala toh house ni Ken – hindi tulad nang una kong akala. Sa condo nakatira si Ken, somewhere din daw dito, turo nya na lang raw sa'kin someday. So since si Jim lang may bahay, eh dito sila lagi nag-ppractice.
Whoosh!
Napatalon ako ng konti na maramdaman kong mag-vibrate ung cellphone sa pocket ko. Lam nyo naman ung feeling nung biglang may manginig sa butt mo noh?
Avah, si horsey?
Hinayaan kong maunang pumasok sa buhay ung apat na lalake. Nung nasa loob na sila, sinagot ko ung cellphone.
Ako: Hello?
Joshua: Oh anoh? Tapos na kayo?
Ako: Kakatapos lang. Bakit?
Joshua: Susunduin na kita, obvious ba?
Eh?!
Ako: Susunduin mo pa ko?! Bakit?!
Joshua: Anong bakit?
Ako: Bakit? Why? Bakit?
Joshua: Eh sa gusto ko eh
Best argument ever. -___-
Joshua: Maghintay ka lang dyan... On the way na ko.
Ako: But, pwede naman ako mag-jeep-- Hello? Hello? Panget! Hoy!
Kabayong un, babaan ba ko!
"Si Josh ba un?"
Umikot akong bigla... Nakatayo pala sa may pinto si Ken. Binalik ko ung cellphone sa bulsa ko then lumakad papunta sa kanya.
Ako: Yeah... Susunduin nya na raw ako.
Ken: (natawa) Are you sure na hindi kayo?
Ako: Yeah, I'm sure. Totally hang-up pa sya kay Trixie eh...
Ken: Trixie?
Ako: Ex nya.
Ken: Ahhhh...So may certification ka pala talaga sa Broken Hearted 101?
Ako: (napangiti) hehe... Medyo lang since pinapansin nya naman ako kahit konti eh.
Ken: Well, that's good. Sayang naman kaseh kung magpapakatanga ka para sa isang lalake... Eh sa ganda mong yan, kahit sino pwede mong makuha.
Ako: Wahsush! Bolahin ba ko!?
Pero in fairness, flattered naman ang lola moh! haha Blush ako ever!
Ken: Lika na, pasok ka na muna sa loob. Meryenda ka muna. Mag-ddoorbell naman si Joshua pag nandyan na sya.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Haayyyy... Home sweet home~
Pagkatapos ng halos isang oras eh sa wakas, nakauwi na rin! Tinapon ko ung susi nung apartment dun sa mesa tapos dumiretso sa kwarto ko at nagcollapse sa kama. Na-miss ko ang kama ko~
"Di mo naman masyadong mahal ung kama nyan?"
Binuksan ko ung isa ko mata tapos tumingin kay Joshua na nakatayo dun sa may pinto.
Ako: Eh bahket ba? Care mo? Pagod ako. Shoo, horsey. (pikit uhlet eyes)
Joshua: "Shoo horsey" ka dyan. Tingnan mo nga yang buhok mo, hindi na mukhang meatballs. Mukha kang nakipagsabunutan.
Ako: Che! Inggit ka lang di pwedeng maikot-ikot ng ganito hair mo! Shoo fly ka na nga!
Narinig kong lumabas si Joshua tapos maya-maya nag-ring ung telepono. Isa...dalawa...tatlo... hmp!
Ako: (sigaw) Horsey!! Phone!!!!!
Narinig ko ung footsteps nya na pumunta sa living room para sagutin ung telepono. Masunurin na kabayo. :D Pumikit uhlet ako. Idlip lang...kahit five minutes -- nga pala, ung five minutes sa'kin eh dalawang oras... nyaha
"BAKIT?!?!?"
Kabayo!
Napaupo akong bigla. Langya, la pa nga akong time managinip eh nagising na kagad. Anoh ba pinagkakasigaw-sigaw ni Joshua dun!?
Tumayo ako tapos pumunta sa living room para tingnan si horsey na nakikipagtalo sa telepono. Sino kaya kausap nya?
Joshua: (nakikipagtalo sa telepono) I told you, nandito si Janessa sa Pasko....... Anong sinong Janessa? Ung roommate ko nga!........ Oo babae!.......Anong--?!?...Ano bah yang iniisip mo?!?
Oo nga! Anoh ba yang iniisip mo!?!
Kung sino ka man!
Joshua: (tuloy ang sigaw sa telepono) Di nga pwede dahil walang kasama si Janessa......... Anoh?! Bakit ko sya isasama?!
Isasama saan? Isasama saan?
Joshua: Hindi nga ako makakapupunta dyan sa Pasko!........Okay...... (medyo huminahon na) Okay, bye.
Binaba na ni horsey ung telepono... Tapos tumingin sya sa'kin...
Joshua: Uh, yeah... Mukhang pupunta tayo sa bahay ng parents ko sa Pasko.
Titig...titig....shoinks! Biglang nag-sink in sa brain ko ung sinabi nya...
Ako: EH?!?
Chapter 65: (Joshua's POV)
One week after nung rehearsal nina Janessa, ehto na ung "debut" nya – and "moment to shine", sabi nya nga. Nako, syam-syam ang inabot ko bago ko pa napasok sa kotse ung babaeng un! Langya, di mapakali eh! Silip ng silip sa salamin tapos tanong ng tanong kung ok lang ba raw itsura nya -- eh ang ganda nya naman kahit anong suot nya --- whe! ano ba tohng sinasabi ko?
Kaya para matahimik sya eh hinalikan ko nga! Naka naman! Joke lang...hahahaha Nung almost 6:25pm na at takbo pa rin sya nang takbo, eh ang ginawa ko, tinapon ko sya sa balikat ko, binuhat hanggang sa labas ng apartment, ni-lock ung pinto, tapos eh binaba sa kotse...oh, eh di natahimik! Hahaha Nakarating pa kami on time dun sa bar.
Janessa: (bulong sa'kin habang papasok kame) Kinakabahan ako...
Ako: Eh? Bahket?
Janessa: Anong bahket? Eh ang dami-daming tao...Tsaka first time kong kumanta para sa pera noh.
Ako: First time mo bang kumanta sa harap ng maraming tao?
Janessa: Hindi.
Ako: Tsaka di ba ikaw ung "music" snyo nung kakambal mo?
Medyo nag-tense ung shoulders ni Janessa.
Nice going, Joshua... Sa dinami-dami ng encouraging words, kailangan mo pang banggitin ung kakambal nya... Shtupid! Shtupid! Shtupid ka talaga!
"Yo, Shtupid!"
What the--?!
Napaikot kami bigla ni Janessa at lo and behold, may naglalakad na aso! Lumapit sa'min ung aso, nakangiti kagad kay Janessa – aba! At may pahawak-hawak pa ng kamay na nalalaman!
Warren: Nessy, I heard na kakanta ka dito ngayong gabi kaya ehto ako para suportahan ka.
Janessa: Uh...hehe Thanks.
Ako: Huy!
Gumitna ako sa kanilang dalawa. Ang tagal, pahawak-hawak pa ng kamay eh!
Ako: Wag mo ngang hawakan ung kamay ni Nessy! Baka mahawahan mo pa sya ng galis!
Warren: Hoy butiki! Wag ka ngang umeksena dito at hindi naman yang kamay mo hinahawakan ko!
Ako: Eh loko ka pala--
Janessa: Okayyyyyy. (gumitna sa'ming dalawa) Tama na yan at baka ganda-ganda ng gabi eh may lumipad pa na aso at butiki palabas ng pinto.
Nanahimik kaming dalawa ni Warren. Biglang sumulpot si Ken sa likod ni Janessa. Tumingin sya sa'ming dalawa tapos napangiti nung napansin nyang pareho nanaman kami nung aso na nakasimangot.
Ken: Mukhang nagkita nanaman kayo ah.. (kay Nessy) Janessa, ready ka na?
Janessa: Yup. (tumingin sa'kin) Wait for me, Joshie, okay? Behave.
Lumakad palayo si Janessa para mag-ready na. Nagkatinginan kami bigla nung aso. Pwe! Lumakad na rin ako papasok nung bar para maghanap ng upuan. Mahirap na. Baka may tumalon pa sa'king garapata.
Kakapasok na kakapasok ko pa lang, napatigil na kong bigla sa nakita ko.
Sh*t! Anong---?!?
Sa kung anong malas, mukhang nakita rin nila ako...
"Joshua!"
Di ko pinansin kahit na tinawag nila ako. Umupo ako dun sa counter sabay order ng beer. Kailangan un para mapa-kalma dugo ko. Anong ginagawa nina Paolo dito? Di kaya... Si Nessy...?
Nagkumpulan sina Paolo, Ralph, at Mark sa tabi ko bago pa man dumating ung inorder ko.
Mark: (yakap sa'kin) Josh! Na-miss ka namin! Ilang taon ka rin naming di nakita!
Ako: (tinanggal ung braso nya sa leeg ko) Whe! Anoh ba yan?!?!? Dami-daming tao, kung anu-ano pinaggagawa mo!
Ralph: Oo nga naman, Mark! Mahiya ka nga! Mamaya na yan, pag tayo-tayo na lang.
Ako: Anoh ba?! Tigilan nyo nga ako! Pumunta ba kayo dito para mang-asar lang!?!
Dahil kung un lang...
Tumingin ako sa likod nilang tatlo... Napatingin din si Ralph sa tinitignan ko.
Ralph: Nako tol, wag kang mag-alala, kaming tatlo lang nandito. Di naman namin isasama buong Ville sa debut ni Nessy noh.
Mark: Oo nga... Miss na miss na namin si Nessy. Lam mo bang pinagpaplanuhan na namen kung pano kame makakakuha ng cooking lessons?
Paolo: (umupo sa tabi ko) Kahit bangag yang dalawang yan, totoong kaming tatlo lang nandito... And alam mo namang di namin sasaktan si Janessa.
Tiningnan ko silang tatlo. Yeah, alam kong sila, di nila sasaktan si Janessa. Pero ung iba...sh*t!
Lumapit nang konti sa likod ko sina Mark at Ralph. Parang nag-iba bigla ung hangin... Nanahimik ung dalawa.
Paolo: Pero, makinig ka, Joshua. Bantayan mong mabuti si Janessa.
Ako: Ano?
Mark: May nangyayari sa Ville. May pinagpapplanuhan sila para mapabigay ka.
Ako: (tingin sa kanilang tatlo) Anong plano?
Paolo: Di namin alam. Tahimik sila sa'min dahil alam nilang kaibigan ka namin... Bastah 'tol, bantayan mo si Janessa. Siguradong sya ang kinukunterya nung mga taong un.
Nanahimik ako sandali. Eh anoh pa bang dapat kong sabihin? Alam naman nilang pprotektahan ko si Janessa kahit anong mangyari...pero mahirap pa rin kung di ko alam kung saan ko sya pinoprotektahan. Sh*t! Bakit ba kaseh di na lang nila ako pakawalan!? Bakit kailangang mangdamay pa?!?!
Ralph: OOOOhhhhh....(tingin sa stage) Kakanta na si Nessy!
Nag-ikutan ung mga ulo ng mga tao papunta sa stage. Medyo ngumiti si Janessa -- nahihiya pa ah!
Tumayo sya dun sa harap nung mic habang ung ibang mga ka-banda nya eh inayos ung mga instrumento nila... Si Ken, nasa tabi nya, mag-gigitara.
Janessa: (sa mic) Uh, hello... I'm Janessa... Di ko lam kung ano ba dapat sabihin kaya kakanta na lang ako ha.. Pag napasarap ako sa pagdaldal eh maging stand-up comedian ako dito, mawala pa ung sweldo ko. Pasko pa naman.
Mark: (tingin sa'kin) Un na ang pinakamaikli at walang kwentang intro na narinig ko.
Pak!
Mark: (napahawak dun sa ulo nyang binatukan ko) Aray naman! I'm just telling the trut and nothing but the trut!
Ako: Manahimik ka na nga lang dyan!
Balik ung atensyon namin sa stage. Tumingin si Janessa dun sa mga ka-banda nya tsaka dun sa tatlong back-up singers... Sosyal noh? May chuwariwariwap pa sa likod.
Nagstart na ung upbeat music.
Janessa: (kanta) You just walk in, I make you smile
It's cool but you don't even know me
You take an inch, I run a mile
Can't win you're always right behind me
And we know that you could go and find some other
Take or leave it or just don't even bother
Caught in a craze, it's just a faze
Or will this be around forever?
Don't you know it's going too fast
Racing so hard you know it won't last
Don't you know, what can't you see
Slow it down, read the sign, so you know just where you're going
Stop right Now Thank you very much
I need somebody with the human touch
Hey you always on the run
Gotta slow it down baby, gotta have some fun... 10
Iba talaga boses nitong babaeng toh...
Whaaaa... Proud ako oh! hahaha
Ilang kanta pa ung pinerform nila. Mukha namang nag-eenjoy ung mga tao, kaya un, enjoy din si Janessa. After ilang breaks, natapos rin ung time nila sa stage... Halos 11 PM na. Mukhang pagod na si Nessy.
Janessa: (ngiti sa audience) Ohkay... Last one na toh. Sabi nung manager ko dapat daw eh special ung last number para bumalik kayo at may sweldo ako. Kaya... (bigla syang tumingin sa direksyon ko) Joshie, do you mind?
Wheeee?!?!? Teka?!?!? Anong ako!??!?!
Ralph: Oooohhh... tinatawag ka ng labidabz mo! ;D
Mark: Ang shweet nyo naman!
Ako: Tigilan nyo nga akong dalawa!
Janessa: (tingin pa rin sa'kin) Mag-dduet pa tayo, di ba?
Hala! Anoh toh?!?! Kasama ba toh sa plano!??! Kelan nya sinabing may duet?!
Pero syempre, para di mapahiya si Janessa, lumakad naman ako papunta sa stage – kahit di ko alam kung anong nangyayare. Naghiyawan ung mga tao – madame kaseng ka-edad lang namen kaya mga hyper pa yang mga yan.
Pagdating ko sa stage, nginitian ako ni Janessa na parang nag-ssorry...
Janessa: (bulong sa'kin) Horsey, sorry kung biglaan ha... I'm just soo tired, I don't think I can carry one song alone.
Kinuha ko ung mic na inabot sa'kin nung...kung sino man sya sa bar na toh. Humarap ako kay Janessa.
Ako: Anoh ako, energezier? Mukha ba kong battery syo?
Janessa: (ngiti) Nope. Mukha kang isang napakabait na horsey na tutulungan akong tapusin tohng session na toh.
Ako: Sira. Kung anu-ano pa sinasabi mo dyan. Ano bang kakantahin natin? Dali at nang makauwi na tayo at nang makapagpahinga ka na.
Janessa: Awww... concerned? ^o^ Don't worry, I'm sure you know this..
Tumingin sya kay Ken para sabihin kung ano ung next na song. Nung nagsimula ung music, nakilala ko kagad ung kanta... abah, eh ilang beses rin naming pinaglaruan tohng kantang toh eh sa bahay pag wala kaming magawa eh.
Janessa: (kanta) Be still my heart
Lately its mind is on it's own
It would go far and wide
Just to be near you
Ako: Even the stars
Shine a bit bright I've noticed
When you're close to me
Janessa: Still it remains a mystery
Kaming dalawa: Anyone who've seen us
Knows what's going on between us
It doesn't take a genius
To read between the lines
And it's not just wishful thinking
Or only me who's dreaming
I know what these are symptoms of
We could be in love...11
Pagkatapos nung kanta, ngumiti sa'kin si Janessa – napangiti rin naman ako. Pagod na pagod na ung mukha nya oh... Pero smile pa rin... a la Ms. Universe! haha Buong magdamag nakangiti sa camera!
She's really something...
At di ako papayag na may mangyaring kung ano sa kanya... Kahit sino pa un, o ilan man sila, talagang lalabanan ko ung – mala-superhero~
Unless syempre kung marami, eh tatakbo na lang kame! nyaha! joke lang!
Chapter 66: (Janessa's POV)
Lumipas ang isang linggo at...(teka, bilang lang muna ako sa kalendaryo) aha! apat na araw! :D Nag-start na ang Christmas break – at nag-bear na rin ng prutas ang aking pagkanta-kanta! nyaha Pwede nang idol! naka naman, humaba ang hair ko. Anyway, ehto at nasa MegaMall na ko para bilhin ung gitara para kay Joshie..........at BenchTM shirts para sa dad ni Joshie, kitchenware para sa mom nya, golfclub para sa kuya nya, Penshoppe clothes para sa wife ng kuya nya, complete "Undead and.." series para sa ate nya, wag na ung asawa nung ateh nya at wala naman un dito... Yup...getz nyo na? Naging shopper pa ko nung tamad na kabayo na un...haaaaaaaaaayyyy. Pati pamilya nya, napa-sama sa shopping list ko. Ako ay dakilang chimay nung kabayo.
Anyway, balik tayo sa shopping spree... Kasama ko nga pala si Ken. No choice since si Richie eh lumipad na sa Baguio, si Jodi naman nasa Batangas, at si Arianne, stuck sa bahay. Alangan namang bitbitin ko si Warren...eh di nasakal pa ko ni Joshie nun! -____- bwahahahahaha... nanakal na kabayo!!!
Ako: (kay Ken) Anoh, kaya mo pa ba?
Ken: Kaya pa naman... :)
Wahehe...ilang bags na rin ung dala nya oh... Yes. Si Ken poh ang official na chimay ng chimay na toh! nyaha! Oist, di naman lahat sya may dala noh... May dala naman akong dalawang itsy-bitsy na bag. Avah, anong magagawa ko eh sa gentleman sya? Di tulad ng iba... *cough* Josh *cough*
Papunta na kami sa PowerBooks para bilhin ung gift para sa sister ni Joshie nang mapatingin ako sa KFC...
Ako: Break muna tayo.
Ken: What?!? You mean cool-off?! Bakit?! Mahal naman kita ah!
Whe?!?
Ako: Sira! Inatake ka nanaman ng pagiging alumni mo ng A-B-normal College.
Ken: (natawa) Kaseh naman, halatang-halatang pagod ka na. Nalalantutay na ganda mo eh. Mukha kang ung bata dun sa commercial ng Bantay Bata.
Lokong toh... Pagtripan ba ko... Porket kahit pagod na sya eh mukha pa rin syang papable, tama ba namang i-let down ang beauty ko?!? Pasalamat sya, sandamakmak sya ng fafable -- at dala nya ung bundok ng plastic na pinamili ko.
Ako: Che! Tigilan mo nga ako. (hinila sya dahan-dahan papunta sa KFC) Tara... kain lang tayo, tapos bilhin na natin ung libro para sa ateh ni Joshie.
Ken: Tapos bibilhin na natin ung gitara?
Ako: Yup... Bibilhin natin ung gitara, papabalot sa department store siguro o kung saan, tapos i-sstock ko na sya sa kotse para di makita ni Joshie. Tulungan mo ko pumili ha!
Pumasok kami sa KFC at tinambak ung mga plastik dun sa isang mesa. Pinagtitinginan nga kame... Ang laki lang nung sizes nung mga plastik namen. nyaha Tapos, pag ganito ba naman ka-gwapo kasama mo, eh sinong di mapapatingin? wahahahaha
Umorder kami ng spicy chicken tsaka ung coke, tapos enjoy sa pagkain! Lunch/merienda na toh.
Ken: (napatingin sa mga dala namin) Babalutin mo tohng lahat?
Ako: Di ah! Tutulungan na ko ni Joshua. Sasakalin ko sya pag di nya ko tinulungang magbalot noh!
Ken: Anoh toh? Sa'nyong dalawa galing tohng mga regalo?
Ako: Well, yeah... Since nag-split naman talaga kami ng pera para dyan... Kaya nga lalong nabawasan ung bank account ko. T^T
Haaaayyyy... Papasok ang bagong taon na nag-ddiet ang wallet ko...
Ken: Ang cute nyo naman... ;D
Ako: Cute?!
Ken: Sa isang card nakalagay na, "To 'someone' Merry Christmas! From: Joshua and Janessa". Sinasabi mong di kayo pero, tingnan mo, nagbibigay na kayo ng regalo as a couple.
Anong couple?!?!?
Nako poh, kilig naman ako to the bones~ yak! ang jologs ko. Namumula pa ung mukha ko. Hahaha :D
Ken: (natawa) Namumula ka, Nessy... Ang cute!
Ako: Shut up! Spicy lang ung chicken noh!
Lokong toh, pagtawanan ba ko. :P
Chapter 67: (Joshua's POV)
"Nessy!!! Lika na!!!"
Christmas Eve -- ang araw na kinakatakutan ni Janessa... nyaha! 7:30 PM, papunta na kami sa bahay ng parents ko... Pero, ehtong si Nessy, nako, nagkulong ba naman sa kwarto nya!
Ako: (katok sa pintuan) JANESSAAA!!!!! Anoh ba?!?! Tara na! Nalagay ko na lahat ng regalo sa kotse ko! Ikaw na lang nawawala!
Janessa: Di ako regalo noh!
Bwiset na babae toh. Papahirapan pa kong kaladkarin sya eh...
Ako: Nessy, pag di mo binuksan tohng pintong toh, gigibain ko toh!!!
Janessa: Bastah ba ikaw magbabayad ng pang-repair eh!
Ako: Sinong may sabing papa-repair ko pa?!?!
Janessa: Ayoookooooooooooo!!!! I'm scared!!!!!
Ako: Anoh ba?!?! Di nangangagat pamilya ko noh!
Janessa: ...Ikaw lang ba nangangagat snyo?
Ha?!
Ako: Buksan mo na toh at halika na! Kundi gigibain ko talaga toh!
Nagstep-back ako ng konti...para bumwelo sa pagsipa nung pinto... Di naman sa lagi kong ginagawa toh noh, napapanood ko lang...hehe... Di ba ganito ginagawa ni Jackie Chan? Flying kick pa un!
Ako: Isa!
Janessa: Dalawa!
Hala, nakibilang ba?!
Ako: Seryoso ako, kala mo dyan?! Dalawa!
Tumahimik sa loob.
Ako: Tat--
Dahan-dahang bumukas ung pinto tapos lumabas si Janessa.
Janessa: Di ka man lang nag-dalawa't kalahati?
Napatitig ako kay Janessa. Bakit ba parang paganda toh nang paganda?
Pweesh! Nag-wwander nanaman utak ko..
Janessa: Whoy! Lika na, bago ko pa itali sarili ko sa building na toh.
Hinaltak nya ko at talagang tinapon ako palabas ng pinto (amazona talaga eh noh?). Pagkatapos nyang i-lock ung pinto, sumakay kami sa kotse.
Janessa: (nagseatbelt) Fully equipped ba toh?
Ako: (inistart ung engine) Oo... Kumpleto lahat nung nasa listahan mo.
By "fully equipped", ibig sabihin nya nun eh, may chips na mapapapak nya, CDs na sasabayan nya ng pagkanta, unan, tubig, cookies... Haaaayyyy...talagang pinalabas nya pa ko kaninang umaga para lang siguraduhing nasa kotse na ung mga un. Sa bagay, isa't kalahating oras din ang byahe namen eh. Parang field trip lang ba. :P
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(Janessa's POV)
Pagdating namin sa house nung parents ni Joshie, ahyan na ung heart ko...nagka-kaboom-kaboom na. May tatlong kotse sa driveway nila -- malamang eh sa parents nya ung isa, tapos ung dalawa sa mga kapatid nya. Napatingin bigla ako kay Joshua na kakapatay lang nung makina.
Ako: Joshie--
Joshua: Oh ano? Di ka na pwedeng umuwi, nandito na tayo... Halika na!
Ako: Hala.. La pa naman akong sinasabi eh.
Wahehehe...pero deep inside, sasabihin ko sanang dalhan nya na lang ako ng pagkain at di na ko aalis dito sa kotse.
Joshua: Anong sasabihin mo?
Ako: La lang... Tatanong ko lang kung bunso ka ba talaga?
Palusot~
Joshua: Oo, baket?
Ako: La lang... Parang di bagay eh... ;D
Joshua: Anoh?
Tumawa ako habang lumalabas na ng kotse -- para maiwasan ang any more questions...tsaka baka nga itali ko sarili ko sa kotse wag lang makapasok noh.
Kinuha na namin ung mga regalo sa likod -- syempre, mas maraming dala si Joshua. Kaya nga sya naging horsey eh, para tulungan ang mga tao. :D Nag-doorbell si Joshua, and maya-maya bumukas na ung door.
My golay!
Limang mukha kagad ang bumulaga sa'min!
Joshua: (napa-stepback) Anoh ba yan?!
Pero might as well naging Casper si Joshie kaseh dinedma sya nung mga people at nagtakbuhan kagad sa'kin. Kinuha nung isang guy ung mga regalo na nasa kamay ko (kuya nya siguro?)... Tapos nginitian ako nung mommy yata ni horsey.
Mom ni Joshie: Nako, ikaw pala si Janessa! (kuha ung kamay ko at shake kagad) Ang tagal-tagal na naming gusto kang makilala!
Ako: Ah...hehe... Thank you poh...
Lumapit naman sa'kin ung dalawa pang babae... Eh...di ko alam kung sino dito ung sister ni Joshie since mukhang halos magka-edad ung dalawa. Kaya sige, parehong ateh na lang lalagay ko.
Ate 1: Nako, ang ganda mo pala.
Ate 2: Oo nga... (bumulong sa'kin) Ano bang nakita mo dyan sa kapatid ko?
Ako: Heh?
Ahhhh... so ehto palang nasa right ko ung sis ni Joshie... She's really pretty din... Medyo chubby pero bagay naman sa kanya. Hindi sya mukhang 28 years old.
Nung nakita ni Joshua na pinaligiran ako ng mga kapamilya nya, na-panic yata. Biglang sumulpot sa likod ko.
Joshua: Hoy, Ate Shane, ano nanamang pinagbubulong mo dyan?
Ate Shane: Nako naman, Josh, masyado kang protective ha. Binibiro ko lang tohng si Janessa noh. (kinalabit ung isa pang ate) Di ba, Kate?
Si Ate Kate nga pala ung asawa ni Kuya...kuya... teka..ako nagsulat nung pangalan nun sa card eh... -____- Ah! MIKE!!! Kuya Mike! So, sister-in-law sya ni Joshie.
Ate Kate: Oo nga naman, Josh. Relax ka lang dyan.
Dad ni Joshie: Nako, tigilan nyo na nga yan... Papasukin nyo na sina Joshua at Janessa... Baka gutom na yang mga yan.
Pumasok na kami dun sa bahay -- ganda ng house! Small, simple, and cozy. And ang mga bata! Nako poh! Takbo all around! Umupo ako sa couch habang nilagay ni Joshua ung mga regalo sa ilalim nung Christmas tree, at, as if nasa automatic, eh nagtakbuhan papunta sa kanya ung mga chikiting. Naaliw lang ako. Pero di ko rin masyado napanood dahil maya-maya lang, tumabi na sa'kin sina Ate Shane at Ate Kate. Pinaggitnaan talaga ako nung dalawa.
Ate Shane: So, galing ka sa Chicago?
Ako: Ah, opo.
Ate Kate: Pano mo nakilala si Joshua?
Ako: Schoolmate ko poh... Tsaka kakilala rin poh sya nung pinsan ko.
Ate Shane: Eh? May pinsan ka dito? Bakit di mo sinama?
Ako: Bumalik na poh ya sa States eh.
Ate Kate: Eh ikaw? Babalik ka pa ba sa Chicago?
Ako: Ahh...Di ko pa poh alam.
Ate Shane: Nako, bumalik ka tapos i-file mo ng green card si Joshie ha! Para i-file nya rin kami, at nang makapag-travel naman!
Ako: Eh? ;D
Ate Kate: Ay, suz, wag mo nang pansinin yang si Shane. Lonely lang yan at nasa UK ang asawa.
Ate Shane: Che! Babalik din ung hayup na un sa New Year noh.
Hala?! Tawagin bang 'hayup' ung asawa nya?!
Parang ako di ko tinatawag ang my labs ko ng horsey noh? :D
Biglang umikot si Ate Kate para tawagin ung asawa naman nya – ung kapatid na lalake ni Joshua.
Ate Kate: Oist! Psst!
...Ahyuz din pala tawagan dito eh noh?
Lumapit sa'min si Kuya Mike.
Ate Kate: Pakuha naman kami ng champagne oh.
Kuya Mike: (tingin sa'kin) Gusto mo rin ba, Janessa?
Ate Shane: Oo! Sige na, kuya, shoo.
Napangiti ako habang umalis si Kuya Mike para kunin ung inumin namin. Napatingin ako kay Joshua na napapaligiran pa rin nung mga pamangkin nya.
Mukha silang Snow White and the Seven Dwarves. Nakadikit sa kanya ung pito nyang pamangkin eh. :D
Wahahaha... si horsey?!? Nakadamit ni Snow White?!? Ang laswa isipin!
Napatawa tuloy ako. Syempre, kung tumatawa kang mag-isa, mapapatingin syo ung mga katabi mo di ba? Nako, na wa poise tuloy ako. Sinundan nilang dalawa ung tingin ko. Napangiti rin sila nung nakita nila si Joshua na nakikipaglaro sa mga pamangkin nya.
Ate Kate: Close si Josh sa mga pamangkin nya. It's kind of weird lalo na at sya tohng all-macho na parang magpapaiyak ng bata.
Eh? Seriously? Di sya napapaiyak ng bata?
Ate Shane: Pero he's really good with kids... Nako, kung di nga lang pagkalayo-layo ng apartment nyan, eh ginawa ko nang yayo yan ng tatlong bubwit sa bahay ko eh.
Ate Kate: (ngiti sa'kin) I bet magiging mabuting tatay yang si Joshua ng mga anak nyo. ;)
Ako: HUH!?!??!?! @o@
Nagtawanan silang dalawa. Pati mga ateh nya pinagttripan ako -- may pinagmanahan naman pala si Joshie eh. Dumating si Kuya Mike dala ung mga inumin namin... Galing nga eh... Tatlo nadala nya... Talent!
Ako: (kinuha ung champagne) Thank you.
Tinitigan ako ni kuya habang umiinom ako. Kaloka nga eh. Napadahan-dahan tuloy ako ng inom kasi baka sa sobrang pagka-conscious ko, masamid pa ko di ba?
Kuya Mike: Alam mo, ngayon ko lang napansin... (tumingin kay Ate Kate) Ang laki ng hawig nya kay Trixie noh?
*gulp* Natuluyan din akong mabilaukan. Trixie?!?
Tinitigan din ako nina Ate Kate at Ate Shane.
Ate Kate: Oo nga noh. Pareho kase kayong kutis abroad... Tsaka... Ehwan, parang pati aura nyo eh halos magkapareho
Ate Shane: Pero wag kang mag-alala, Janessa. Mas type naman kita kesa kay Trixie... Masyado mag-make up ung babaeng un eh. Malande!
Ako: D-di naman poh sya ganon kalandi.
Silang tatlo: Eh?!!??
Kuya Mike: Kilala mo si Trixie?
"Kilala"?! Nako, understatement of the year. Nakapag-bonding na nga kame nung hinabol kami ng mga Shreks.
Ako: Not fully, pero... opo. Nakilala ko na.
Natahimik silang tatlo... Oooh awkward, awkward~
Ate Kate: Pero I like you better din.
Hmmm?
Ate Kate: May kung anong glow si Josh ngayon na wala dati...
Glow?
Ate Shane: Yup. Di ko pa ma-pinpoint kung ano, pero there's certainly something different kay Josh ngayon na kasama ka nya kesa dun sa time na kasama nya si Trixie.
...Good news ba un?
Napatingin ako kay Joshua. Anong glow naman kaya ang sinasabi nila? Baka ung ilaw lang un sa likod ni Joshie. :P
Kuya Mike: He looks so relaxed. Medyo mukha pa ngang matino eh. I think... You make him happy.
Tinitigan ko si Joshua. Ganun pa rin naman sya. Mukha pa rin syang ung horse ng knight-in-shining-armor ko -- except ngayon eh parang may hawig na rin sya kay Snow White. wahehehe May glow daw... Baka na-discover nya na ung Vaseline -- sabi ko sa kanya effective un eh!
I make him happy raw.
Wahi~ Kilig naman ako! ;D
Chapter 68: (Janessa's POV)
Pagkatapos ng isang maingay na kainan ng mga handa, pumunta na kaming lahat sa living room at umupo around ng Christmas tree...oooohhhh.... gifts! gifts! gifts! ^o^ Ung dad ni Joshie naupo dun sa may tree kaseh sya ang Santa Claus. Ung mga pamangkin naman ni horsey, ahyun nakaupo sa carpet, nakatitig sa lolo nila. Gusto ko rin sana makiupo sa kanila kaya lang wala naman akong regalong hihintayin. Ang sakit lang sa puso. -__- Sina Ate Shane, Ate Kate, tsaka si Kuya Mike, nagkasya dun sa couch...Ung mom nila, nasa recliner... Kami ni Joshie magkatabing naupo sa loveseat.
Nagdistribute na si Santa ng presents, ung mga apo nya ung elves na nagdedeliver ng mga regalo, tapos nagtatatalon pag para sa kanila ung gift...ang kuyut! ;D Nagulantang ako nung nakatanggap ako ng regalo. Lalo pa kong nagulantang nung na-realize kong lahat sila may regalo para sa'kin. Nakaka-touch lang. Buti na lang pala talaga at binilihan ko silang lahat ng regalo. :P
After maubos ang mga regalo sa ilalim nung Christmas tree, ahyan na! Bukasan na!
Binuksan ko ung regalo na pinakamalaki -- syempre un ung biggest, eh di un ang unang buksan!
Bumulaga sa'kin ang isang Secosana bag! wahahaha... Niyakap ko kagad! :D
Joshua: (nagbubukas ng isang regalo nya) Umiiral nanaman pagka-abno mo... Bakit pati yan niyayakap mo?
Ako: Che! Anong gusto mo? Ikaw yakapin ko?
Joshua: (smirks) Pwede rin. ;)
Ako: Whee! Neknek mo noh! (niyakap ko uhlet ung bag ko) You'll never understand ang beauty ng isang bag.
Joshua: (tinabi ung wrapper) Kaya nga naimbento ang bulsa eh.
Ako: Che!
Pagkatanggal nya nung gift wrapper, napatingin kagad ako dun sa kahon na hawak nya.
Ako: Totoo ba yang sinasabi ng kahon na yan?
Nilabas ni Joshie ung loob ng kahon...Whoa! Totoo nga!
Ako: Videocam?! Ikaw?! Binigyan ng videocam?! Eh ung simpleng digital camera na nga lang, tinatakwil mo na, videocam pa!
Bago pa makasabat si Joshua, biglang sumulpot sa tabi nya ung dad nya. Sabay hampas sa likod ni Josh. Sa expression ni horsey, mukhang masakit ung pagkakahampas! Napa-arouch ung mukha nya eh. ;D
Dad: (ngiti sa'min) Yan, perfect for both of you. Para kahit malayo kayo, pwede kayong magpadala ng mga videomail.
Joshie: Dad, kaya nga nauso ang internet at webcam. Tsaka, anoh namang ipapadala ko syo?
Dad: Abah, anoh pa nga ba?! Eh di ung mga videos ng mga apo ko! First time nilang maglakad, magsalita--
Ako at si Joshua: Apo?!?!
Dad: Oo. Bakit hindi? Abah, nasa iisang apartment lang naman kayo... (tingin kay Joshua) Nako, anak, sa tagal nyo nang magkasama sa iisang bubong wag mo sabihing di pa kayo nag--
Joshua: DAAADDDD!!!!!
Nako poh! Nahilo akong bigla! Napunta yata lahat ng dugo ko sa mukha ko. Dyosko! Apo raw! MGA apo raw!!!
Laking pasasalamat ko nang dumating ung mom ni Josh at hinila palayo ung asawa nya.
Mom ni Joshie: (ngiti sa'kin) Nako, pagpasensyahan nyo na toh at matanda na. Since malalaki na ung mga apo nya, naghahanap ng bagong baby.
Dad ni Joshie: Pero---
Mom: Honey, tara na!
Hinila nung mom ni horsey ung husband nya papunta sa kabilang dako ng room... Ako naman at si horsey, ahyun, blush ever!
Ako: Uh... (tawa nervously) ano...
Hopia!
Napatalon ako nang maramdaman kong nagvibrate ung cellphone sa bulsa ko. Saved by the vibration!
Avah! Si Kenny!
Ako: Hello?
Ken: Merry Christmas!
Ako: Merry Christmas din! Buti nakalusot ka pa sa busy ng mga linya.
Ken: Nagpa-reserve na ko sa Smart eh na tatawagan kita.
Ako: Hmm... Okay?
Tsismisan kami for a while hanggang sa nag-vavush na sya kaseh kakain pa raw sya ng pansit... Lokong un, ipagpalit ba ko sa pansit.
Joshua: Sino un?
Ay, katabi ko nga pala si horsey...
Ako: Si Ken. Bumabati ng Merry Christmas.
Joshua: Babati lang sya, tagal-tagal pa...
Ako: Eh bahket ang shwungit mo nanaman?
Biglang nag-vibrate uhlet ung cellphone ko.
Joshua: Oh anoh? Nakalimutan nyang magsabi ng Happy New Year?
Tinaasan ko ng kilay si horsey, tapos sinagot na ung tawag.
Ako: Hello?
"Sweet!"
Whe?
Tinignan ko ung screen kung sino bang kausap ko. Bubwit, si Warren pala. Di naman kaseh ako babatiin ni Ken ng ganon di ba?
Ako: Uy, Merry Christmas!
Warren: Merry christmas din! Nako, nakapasok din ako... Kanina pa ko tumatawag eh...
hehe..di ka nagpa-reserve ng oras sa Smart?
Ako: Buti nga, Warren, nakapas---heeey!!!
Nung sinabi ko ung pangalan ni Warren, biglang hinablot ni horsey ung cp ko! Sinubukan kong kunin kaya lang nag-bend sya palikod tapos medyo tinulak akong palayo... Kabayong toh!
Joshua: (kausap sa cp ko) Hoy aso!..... Si Joshua toh! Anong butiki ka dyan?!?.......Oo, kasama ko si Nessy, di pa ba obvious?!? Sa susunod ka na nga tumawag, istorbo ka eh! Pangalawa ka na!
Pangalawang-- poosh! >:(
Joshua: (iwas sa kamay ko na umaabot sa cp) Pangalawa! Pake mo?!
Tapos nun, binaba nya na! What the--!?!? Binabaan nya talaga ung kausap KO!
Ako: (hablot nung cp ko) That was rude.
Joshua: Alin?
Ako: Ugh! You're such a jerk sometimes!
Tumayo akong bigla, and dun ko lang napansin na nakatingin na pala sa'ming dalawa ang lahat ng people sa room.
Shwoosh...another kahiya moment... Bubwit na horsey yan!
Ako: (lakad palabas ng room) Uh, excuse me...
Pumunta ako sa kusina at tumungga ng tubig. Oo, tinungga ko talaga. Might as well, kesa naman ung bote ng alak ung tunggain ko, di ba? Naririnig ko si Ate Shane na sinersermonan si horsey... Hmp! Buti nga sa kanya!
Tama bang hablutin ung cp ko habang may kausap ako?!? Tapos binabaan pa!?!
Anoh bang nakita ko dun sa kabayong un?!?!... Haaaaayyyy....
Tungga ng tubig -- feeling alak na lang!
Chapter 69: (Joshua's POV)
"Hala! Bahket ako mag-ssorry?!?"
Bigla akong binatukan ni Ate Shane
Ate Shane: Eh loko ka pala! Kasalanan mo naman talaga!
Ako: Ako?! What did I do?!
Ate Kate: Ano ka ba? Paskong-Pasko eh pinipikon mo si Janessa. (tingin kay Nessy) Tingnan mo nga sya... Kulang na lang pati ung baso eh tunggain na.
Sinilip ko si Janessa sa kusina... Kaka-walk out nya pa lang, sinugod na kagad ako nina ate. Di ko naman akalain na mapipikon ng ganon si Janessa noh. Time of the month kaya? Anyway, bakit ba kaseh kailangan pang kausapin ung aso tsaka ung manikang Ken na un? Eh kasama naman nya ko. Ano pa bang dapat nyang hanapin?
Tumingin uhlet ako sa mga ate ko para kumontra, kaya lang, sheesh, napaso na ko nung mga titig nila. Ano pa nga bang magagawa ko? Tumayo na ko.
Ako: Okay, okay. Lalakad na nga eh... Sheesh.
Ate Shane: Yehey! Go, Josh! Nasa likod mo lang kami! :D
Ako: Yeah, yeah...whatever.
Lumakad ako papunta sa kusina – sabay tigil sa doorway at napatitig kay Janessa. Pano ba toh? Nakatitig lang sya dun sa hawak nyang baso.. Parang may kung anong masamang ginawa ung baso sa kanya sa sobrang simangot nya. Hala, galit ba talaga toh?
Dahan-dahan akong tumabi sa kanya. Tapos nag-trace ng kung ano-anong shapes dun sa counter with my index finger... Di ako makatingin eh!
Tumingin sa'kin sandali si Janessa tapos tumitig uhlet dun sa baso nya.
Janessa: Go away.
Ako: Are you really mad at me?
Janessa: No.. I'm pissed off! You—You—Argh! Di mo man lang alam kung anong ginawa mong mali!
Nako, time of the month nga yata. Lumalabas nanaman ang pagkamasungit. Nanggigil sa'kin si meatballs. Syempre, hinayaan ko naman syang mag-vent out. Kung may natutunan ako sa mga asawa ng mga ate ko, ahyun eh pag nasimula nang mang-away ang mga babae, mas mabuti nang tumahimik na lang.
Janessa: What gives you the right to do that anyway?! Una, hinablot mo ung cellphone WHILE I was talking to someone – tapos binabaan mo pa ung kausap ko! And you said such mean things to him! FYI, that was my cellphone, at kakausapin ko kung sinong gusto kong kausapin!
Di naman sya sumisigaw, ung pabulong na nanggigil lang... Kumbaga eh, on the way na sa sigaw.
Ako: Bakit gusto mong kausapin ung mga un?
Janessa: Eh mga kaibigan ko ung mga un eh!
Ako: I don't like it pag kausap mo sila habang katabi mo ko.
Janessa: Oh?! And now, kailangan na kitang sundin? You're not my boyfriend! I hate you! Leave me alone!
Napalunok ako ng laway. Amp...
Ako: Wha... What the hell did I do!?!? Binabaan ko lang ng telepono ung aso!!! Sheesh
Tinalikuran kosya, tapos naglakad palabas ng kusina, iniwan si Nessy. Nakakapikon na rin eh. Pero tamang paglabas ko ng kusina, sina ate kagad ang sumalubong sa'kin.
Ate Kate: Well?
Ako: She's crazy! Ang babaw-babaw nung ginawa ko, sobrang magalit!
Ate Shane: Ahhh...baka may PMS? ;P
I knew it!
Ate Shane: Try mo uhlet.
Ako: Hala! Ayoko na noh!
Ate Kate: Sige na... Pag nalagpasan mo tohng stage na toh, nako, kahit anong sungit nyang si Janessa, eh yakang-yaka mo na.
Sinilip ko si Janessa. Nagmumukmok pa rin dun, tumutungga nung tubig nya... Kung alak un, malamang eh lasing na si meatballs.
Ate Shane: (tinulak ako pabalik) Dali na, Josh...Go! Go! Go na!
Haaaaaaaaaaayyyyy...
Bumalik nga ako papasok sa kusina, sa tabi ni Janessa.
Janessa: What do you want?
Medyo kalmado na ung boses nya... Abah, mukhang mabubuhay pa naman ako! hohoho
Ako: Sorry na...
Janessa: Huh?
Ako: I'm sorry... Mali ung ginawa ko, and...and...I'm sorry...
Sh*t! Kulang talaga ako sa practice pagdating sa pag-ssorry!
Tinitigan ako ni Janessa. Lalo akong kinabahan kaseh baka bigla nya ibato ung baso sa mukha ko. Aba! Sayang naman ang pagka-gwapo ko! Lakas ng tibok ng puso ko – na biglang tumigil nang bigla syang ngumiti.
Janessa: Okay. Thanks for apologizing.
Ako: Eh? So you're not mad anymore?
Janessa: I wasn't mad... Pikon lang.
Ako: ...Then take back what you said earlier. *pouts*
Janessa: Ha?
Ako: Sheesh! Wag mo sabihing nakalimutan mo na?! Sinabihan mo ko ng "I hate you"! That hurt, you know?!
Janessa: Ah, I'm sorry... Sinabi ko un?
What? What?! What?!?!
Ako: Pano mo nakalimutan?!?
Janessa: Ooh, horsey, sorry... I guess I was just really spaced out.
Tinapat nya sa mukha ko ung hawak nyang baso.
Janessa: I mean, kanina ko pa iniisip kung pano kaya nila ginagawa tohng crystal clear na baso.
Ahyun ang iniisip nya?!
WTH?! Anong klaseng utak ba meron tohng babaeng toh?
"Josh! Janessa!"
Napatingin kami sa living room. Nagtatawag na si kuya. Mukhang magsisimula na ang tradition na music festival ng Pasko ah... Kinuha ko ung kamay ni Janessa tapos hinila na sya pabalik sa upuan naming sa living room.
Janessa: What's going on?
Ako: Bastah.
Tapos, ka-poink! Tinamaan ako ng idea! Pagkaupo na pagkaupo namin, lumapit ako kay Nessy, tapos bumulong sa kanya.
Ako: Babawi ako syo.
Chapter 70: (Janessa's POV)
Bumalik kami ni Joshua sa living room and umupo ulit sa loveseat. Pinaakyat na ni Ate Kate ung mga bata para matulog...seven kids at si Ate Kate... Grabeh...parang sandamakmak na unfair noh? Eh kung daganan sya nung pitong un? Siguro, since family affair naman itich, dapat umakyat din ako and tulungan si Ate Kate na bihisan and patulugin ung mga chikiting na un...?
Biglang pumasok si Kuya Mike na may dalang gitara.
Okay. Nevermind. kayang-kaya na ni Ate Kate un!
Lumapit ako kay Joshua para bumulong.
Ako: Kakanta si Kuya Mike?
Joshua: Kind of. Every Christmas, pagkatapos mamigay ng regalo ni dad, aakyat na ung mga bata para matulog tapos, (turo kay Ate Shane) ung matatanda, iinom ng champagne, at (turo naman kay Kuya Mike) magkakantahan...
Ako: Never heard of a karaoke? Kailangan talaga acoustic version?
Joshua: Mas gusto nina mommy ng acoustic guitar eh. Tsaka baka pag napasarap si kuya sa pagkkaraoke eh, nako, di na titigil yan. Lalaksan nya pa, eh di hindi na nakatulog ung mga bata.
May pagka-concert king naman pala si kuya eh~ ;D
Ako: So, ano na mangyayari ngayon?
Dumaan sa harap namin si Ate Shane na may dalang tray ng champagne. Kumuha si Joshua ng isa para sa kanya at isa para sa'kin. Narinig yata ni Ate Shane ung tanong ko kasi napangiti sya bigla.
Ate Shane: Relax ka lang, Janessa. Pagkatapos ng maraming excitement, ehto na ung hour para mag-relax. Hintayin lang nating bumaba si Kate.
Uminom muna kami at nagkwentuhan habang naghihintay nga. Maya-maya, bumaba na rin si Ate Kate – at diretso collapse sa tabi ni Ate Shane.
Ate Kate: Josko lang ha, pasaway yang anak mo. Ayaw matulog!
Ate Shane: Si Christian?
Ate Kate: Obvious ba?
Ate Shane: (natawa) You know naman, my dear sister-in-law, boy eh. Makulit talaga. Last year naman, ako nagpatulog sa mga un noh. Wag kang mag-alala, next year, may third na.
Ngumiti silang dalawa bigla sa'kin. Napatigil bigla ung pag-inom ko.
Joshua: Huy, wag nyo ngang takutin si Nessy... Baka di na yan pumunta uhlet dito noh.
Nagtawanan sina ate. Tumigil lang sila nung nagsalita na ung mother ni Josh.
Mom ni Joshie: Oh sige na, awat na yan. Pagod na kami ng daddy nyo... Sinong unang kakanta?
Dad ni Joshie: Tama. Pagkatapos ng maraming taon na kayo kinakantahan namin para makatulog kayo, kami naman kantahan nyo ngayon.
Ate Shane: San ka pa makakakita ng parents na nanghihingi ng sukli sa pagkanta syo nung bata ka?
Dad ni Joshie: Hoy, kung di kami naging magulang mo, sa tingin mo ba eh gaganda ka nang ganyan!? Pasalamat ka at gwapo tohng tatay mo noh.
Joshua: Dad, umaatake nanaman pagkakapal ng mukha mo.
Kuya Mike: Mahiya nga kayo kay Janessa.
Dad: (pouts sa asawa nya) Mommy oh, pinagtutulungan nanaman ako ng mga anak mo. T^T
My golay... May pinagmanahan pala talaga ka-weirdohan ni horsey noh. O_O
Biglang lumapit sa tenga ko si Joshie at bumulong.
Joshua: Makinig ka ha.. Babawi na ko sa pagbaba ko nung tawag ni aso.
Ako: Eh?
Joshua: Sige na, dad... Mangunguna na ko.
Ate Shane: Woohoo! Go Joshua!
Hyper talaga si Ate Shane.
Umupo si Joshua dun sa silya sa gitna nung living room, tapos inayos nya ung hawak nya sa gitara... Medyo humarap sya sa'kin tapos ngumiti nang konti.
Avah ako naman, eh kilig to the bones! wahaha...namumula ba ko? namumula? :D
Nagsimula ung intro nung kanta ni Joshie... familiar...wait... -___-
Oohhhhh...I love this song! Para sa'kin ba yan horsey!? Akin na! Para sa'kin na! ^o^
Joshua:
G Em/C
Bakit pa kailangang magbihis?
C9 Dsus-D-D9-D
Sayang din naman ang porma?
G Em/C
Lagi lang namang may sisingit
C9 Dsus-D-D9-D
Sa tuwing tayo'y magkasama
G Em/C
Bakit pa kailangan ng rosas
C9 Dsus-D-D9-D
Kung marami namang magaalay sayo?
G Em/C
Uupo na lang at aawit
C9 Dsus-D-D9-D
Maghihintay ng pagkakataon
Am7 D- Dsus
Hahayaan na lang silang
G D/F# Em
magkandarapa na manligaw sayo
Am7 D- Dsus
Idadaan na lang kita sa
G D/F# Em
awitin kong ito
Am7 D G-D/F#-Em
Sabay ang tugtog ng gitara...12
OO NA! Ako na ang kinikilig! Hohohoho
Natulala ako panonood kay horsey. Drools~ wahehe...joke lang. :D Gwapo nya lang pag kumakanta.
Nung natapos ung mini-show ni horsey, ahyan na, nagpaka-hyper nanaman si Ate Shane.
Ate Shane: Woohoo! Kapatid ko yan! (turo sa'kin) Magiging kapatid ko na yan! ;D
Eh!? O_O
Pero deep inside~ Kilig naman ako. hahaha
Binalik ni Joshua ung gitara kay Kuya Mike tapos umupo na ulit sa tabi ko. Ngumiti sya sa'kin.
Joshua: Oh, ano? Bawi na ba?
My golay! Tinatanong pa ba un?!?
Chapter 71: (Joshua's POV)
Hatinggabi na nang makauwi kami ni Janessa. Di tulad nung mga kapatid ko, eh ayokong dun matulog. Hassle lang. Ang gulo kasi ng mga tao dun. Kaya umuwi kami. Tinambak namin ung mga regalo namin sa mga kwarto, tapos naupo sa living room. Relax at uminom ng iced tea.
Ako: Pagod ka na?
Janessa: Kinda, pero ok pa naman. I think na-sobrahan ako ng champagne eh.
Ako: Good.
May nilabas ako sa bulsa kong kahon tapos binato sa kanya. Buti na lang magaling pa naman ang reflex, nasalo nya naman.
Janessa: Ano toh?
Ako: Regalo... Nanghingi ka di ba?
Janessa: Ehhhhhhhhhhhhh?!?? I thought... Akala ko...di ka mamimigay...?
Sumandal ako sa couch na parang wala lang...
Ako: If you didn't get me anything, ok lang. Baka naman mag-feeling guilty ka pa dyan.
Janessa: Che! I got you something noh.
Ako: Oh?
Janessa: Yeah! Kaya lang.. (ngiti sa'kin) Tinatamad akong tumayo. Kaw na lang kumuha... Nasa kwarto ko sa may kama.
Anong---??! asdkfjlasdkurk! Ako pa talaga ang pinakuha ng sarili kong regalo?!
Ako: Hala! Bahket ako pa kukuha!?
Janessa: Abah, regalo mo un eh. Sige na, horsey. Be nice.
Bubwit...
Ako naman talagang uto-uto, tumayo nga para kunin ung regalo. Di pa man ako nakakahakbang, bigla naman hinila ni Janessa ung t-shirt ko.
Ako: Aray! Anoh?
Janessa: Kunin mo na rin ung videocam mo.
Ako: Bakit?
Janessa: Para masaya!
Ahh talaga naman!
Pumunta ako sa kwarto ko para kunin ung videocam, tapos sa kwarto nya para kunin ung regalo.
What the---?! Anoh toh!? Bakit ang laki nito?!
Pagbalik ko sa living room, bukas na ung radio. Lokong toh. Tinatamad daw tumayo pero nabuksan nya naman ung radyo. Inabot ko sa kanya ung videocam tapos umupo ulit sa tabi nya. Tinignan ko sya habang kinakalikot nya ung camera.
Ako: Anoh bang ginagawa mo?
Janessa: Binubuksan ung camera, obvious ba?
Maya-maya, nag-rejoice sya kaseh na-figure out nya na ung videocam. Tinutok kagad sa'kin.
Janessa: Yan, game horsey! Buksan mo na ung regalo mo!
Ako: Bakit kailangan mo pang i-video?
Janessa: Para masaya!
Ako: Sheesh... I'm not---
Janessa: HORSEY!!! Isa!!!
Ako: Ok! Ehto na nga eh!
Isa pa lang ung bilang, bumigay na kagad eh. Anoh ba tohng ginagawa ko?
Kinuha ko ung regalo nya para buksan.
Janessa: Go, Joshie~
Ako: Shut up. Di ako 3 years old noh.
Di rin nagtagal at nasira ko na ung gift wrapper. Natulala ako nung nakita ko ung regalo.
Ako: G-gitara?
Napatigil si Janessa sa pag-rrecord nya. Tumingin sya sa'kin nang diretso.
Janessa: Well, yeah... Di mo ba nagustuhan?
Ako: Baliw ka ba?!
Janessa: I just thought ---
Ako: Bakit di ko magugustuhan toh?!? ^o^
Woohooo!!! May gitara na uhlet ako!!
Mas mabilis ko pang sinira ung wrapper tapos nilabas ko kagad sa box ung gitara. Abah, nylon strings pa... Mahal toh ah... Inikot ko ung gitara para tingnan nang mabuti. May nakasulat sa likod..
"I'll always be with you in music. ~Janessa"
Napatingin ako kay Nessy.
Janessa: Oh, baka naman umiyak ka pa dyan, oy.
Ako: Anong iiyak!? Tingnan mo nga toh, (tinuro ung message sa likod) mag-iiwan ka lang ng message, isusulat mo pa sa pentel pen! Eh pwede mo namang ipa-sulat nang mas maayos.
Janessa: Oy! Maganda naman sulat ko noh!
Kokontra pa sana sya nang bigla ko syang nginitian... Abah, eh niloloko ko lang, naniwala naman eh! Touched lang ako. haha
Ako: Nessy... Salamat...
Janessa: You're welcome. :)
Dahan-dahan ko binaba ung gitara sa tabi ko, tapos kinuha ko ung camera sa kamay nya. Sa kanya ko naman ngayon tinutok.
Ako: Oh, ikaw naman magbukas nung regalo ko syo.
Janessa: Okay!
Kinuha nya ung binigay ko sa kanyang box, tapos dahan-dahang tinanggal ung wrapper. As in, dahan dahan talaga!
Ako: Suz! Anong petsa na?! Sirain mo na yan!
Janessa: Eh? Sure ka? Baka ilang oras mong pinagtrabahuhan ung pagbalot nito. Ganda-ganda ng balot oh~
Ako: Anong ilang oras?!? Eh ang liit-liit nyang regalong yan! (biglang tingin sa camera) Tsaka pinabalot ko na sa store yan noh.
Janessa: Katamaran mo talaga...
Sinira nya na nga ung wrapper. Nung nakita nya na ung blue na box, nginitian nya muna ako bago nya buksan. Nanlaki ung mata nya sa laman nung kahon. Nagtatalon pa sya dun sa couch.
Janessa: Wow! Wow!!! Ang cuuutttteeee naman nito!
Napangiti ako... I knew na magugustuhan nya un.
Niregaluhan ko sya ng silver necklace na may black and silver na locket. Oist, di ung mumurahin noh! Anong tingin mo sa'kin!? Cheap?
Around nung circle eh may maliliit na diamonds -- di ung pwet ng baso ha!...tapos sa gitna, may sapphire naman -- totoo rin un noh. In other words, ubos ang laman ng wallet ko dahil sa bwiset na regalo na yan.
Binuksan ni Janessa ung locket.
Janessa: Awwww...look.. (tinapat nya sa camera) Pictures natin!
Ako: (Inatras ng konti ung camera) Noh ba yan?! Nakita ko na yan noh!
Janessa: Thank you, horsey~
Sasagot pa sana ako nang biglang tinapon ni Janessa ung sarili nya sa'kin at niyakap ako!
Muntik ko pang mabitawan ung camera.
Janessa: This must be really expensive. Thank you, horsey. (binitawan nya ko) Wait...
No...yakapin mo uhlet ako!
Hala! Noh ba yan?! Lumalabas ang perverted na dugo ng tatay ko!
Ako: Ano?
Janessa: Nilagay mo ung picture mo, himala, nagpakahirap ka talaga ah. Teka... San mo nakuha tohng picture ko na toh?
Ako: Ahh... Eh...
Tumingin ulit ako dun sa window nung camera na tinutok ko uhlet sa kanya.
Ako: Kailangan mo pa bang malaman un?
Janessa: Yup, you're right! Doesn't matter.
Hehe...kupit lang ung picture na un sa photo album na dala nya eh..
Sinubukang isuot ni Janessa ung necklace. Pero syempre, pinanganak na sandamakmak na clumsy, eh di nya ma-i-hook. Pinatay ko ung camera, tapos tinaboy ung kamay nya. Kinuha ko ung kwintas.
Ako: Akin na nga... Umiral nanaman yang pagka-taong bato mo.
Pagkatapos kong isuot sa kanya ung kwintas, umikot sya, tapos ngumiti uhlet sa'kin.
Janessa: Merry Christmas, Joshua.
Ngumiti rin ako sa kanya, tapos kinuha ung niregalo nyang gitara... Ung gitara ko.
Ako: Oh, since di may energy ka pa, gusto mo, kantahan na rin kita para makatulog ka?
Janessa: Anoh un? Lullabye?
Ako: Sure, pasko naman eh.
Janessa: Avaaaaaaaaahhhh... Bumabait ka, horsey ah!
Tinabi nya na ung mga kalat, tapos humiga dun sa couch, habang nandun ako sa may paahan nya.
...kinakantahan sya...
...pinapatulog sya...
...tinitingnan lang sya...
Di ba ganito rin itsura nya nung una syang nakatulog dito sa couch ko?
Ang ganda nya pa rin.
Chapter 72: (Janessa's POV)
Yaaawwwwnnnn..... Yaaa---- eh!?? Kama?
Napatingin ako sa paligid ko. Kama. Kalat. Regalo. Wait...kwarto ko toh ah!
Pano ako nakarating dito?
Last time I remember eh nakatulog ako sa couch kaseh naman because...kinakantahan ako ni horsey... wahahaha Kilig lang ako. Kalaglag bra ang boses eh. :D Grabeh... once in a blue moon na nga lang tumino ung kabayong un, tinulugan ko pa. Sayang.
Tumayo ako para magshower. Langya, tanghali na pala! Pag sinabi kong tangali, as in, tanghali na! Nasa gitna na ng Pilipinas ang araw at nanununog ng balat. As in oras na para magtanghalian at buksan ang TV dahil Eat Bulaga na.
Lumipad ako papunta sa banyo.
Gising na kaya si horsey? Kumain na kaya un?
Sscreeeeecchhhh!!!
Napatigil akong bigla sa paglalakad ko. Naalala ko na kung pano ako napunta sa kwarto.
----- Flashback ----
Joshua: Huy, Nessy... gising, lumipat ka na dun sa kwarto mo.
Ako: asdkjlkerhhfd
Joshua: Eh? Ano? (hinila nang konti ung buhok ko) GISING!!! Sa likot mong matulog, baka mahulog ka pa dyan.
Umikot ako sa pagkakahiga ko para talikuran ung kabayong nang-iistorbo ng beauty sleep ko.
Ako: Shut up horsey... Natutulog ako...
At tumagal yang panggigising nya nang...ehwan ko dahil tulog nga ako. Bastah, next thing I know, eh lumulutang na ko!
In fairness, binuhat talaga ako ni Joshua!
Joshua: Langya, ano bang kinakain mo?!
Sumiksik ako lalo sa arms nya, lapit pa ng mukha ko sa chest nya. Hmmmm...bango bango... Penshoppe ba toh?
Ako: *yawn* Shut up...nagbubuhat ka lang noh.
Joshua: Bagsak kita dito eh.
Pumasok sya sa kwarto ko tapos sinipa paalis ung mga kalat sa sahig... Tapos...
Bam!
Ako: Aray!
Langyang kabayo yan! Ibagsak ba naman ako sa kama!
Joshua: Ay, sorry.
Tinignan ko sya nang masama tapos nag-collapse sa kama, sabay yakap sa unan.
Ako: Bukas na lang kita gagantihan... *yaawnnn* Inaantok na ko.
Natawa si Joshua. Inayos nya pa ung kumot para kumutan ako. Ang caring ng horsey ko~ :D
Joshua: Okay, Nessy... Sabi mo eh.
----- End of Flashback ----
Bubwit na kabayo un.
Nagshower lang ako nang mabilis tapos, bihis, punta sa kusina para magluto. As usual, tulog pa rin si horsey. Sa dami ko nang nagawa, ni di man lang sya nagising. Kumakain na ko, alangang gisingin ko pa sya noh. Baka mas puyat pa sa'kin eh. Kawawa naman.
See? May puso pa naman ako.
Naghuhugas na ko ng pinggan nang makita ko ung videocam na nakapatong sa may TV.
Napatigil ako. Nag-isip.
Ooooohhhh... ^o^
Tinabi ko lahat ng hinugasan kong pinggan at nagpahid ng kamay. Tapos skipping-skipping papunta dun sa videocam, kinuha ko ung videocam at chineck para sure na di pa low batt. Nung nakita kong okay ba ung battery, dahan-dahan akong pumunta sa kwarto ni Joshua.
Nag-tiptoe ako papunta dun sa side ng kama ni Joshua. Ayaw ko lang manggising~
Ako: (bulong) Joshieee~
Umupo ako sa tabi nung kama nya tapos tinutok ung camera sa tulog na face ni Joshie -- na nakaharap sa'kin. Siningit ko ung mukha dun sa may side para kita rin ako sa camera.
Ako: Psst... horsey....look mo oh... Your sleeping face~ Lam mo, weird talaga, mukha kang anghel pag tulog. Pero pag gising naman.. Napaghahalataang natulak ka na anghel. :D
Inikot ko uhlet ung camera para sya na lang ung nakikita.
Ako: So, anong napapanaginipan mo?
Joshua: Pakielam mo ba...?
WHOA! Nagsalita!
Napa-atras ako sa gulat. Tapos nung di na uhlet nagsalita or gumalaw si Joshie, lumapit ako nang konti.
Langya, nag-ssleeptalking ang loko.
Nung naramdaman kong normal na uhlet ung puso ko, tinutok ko ulit ung videocam sa mukha nya.
Ako: Grabeh... Nagsasalita ka pala kahit tulog.
Teka...
Pinindot-pindot ko ung pisngi nya.. ung braso nya... pati ung abs nya (woohooo!!! abs! wahaha).
Tulog ka ba talaga?
Di naman sya gumalaw or nag-react... So tulog nga. Nag-ssleeptalking si horsey! :D
Interesting~
Inikot ko uhlet ung camera para makita uhlet ako katabi nya.
Ako: Ok, horsey. Question and Answer portion tayo. Sasagot ka ok? Hmmm...
Isip-isip ng nakakalokong tanong~
Ako: Horsey, bakit ang shtupid mo? Grabeh... Ang tagal-tagal na nating--
Joshua: Anong stupid?... Tina-ta-wag mo kong stupid?.....Loko kang meatball ka ah...... Pasa-lamat ka.......... Mahal kita....
WHOOSAHHH!!! OoO
Teka... Teka... Teka!!!!
Ako: Anoh uhlet un?!?
Di sumagot si Joshua. Instead, tumalikod sya tapos pinatong ung paa nya dun sa isang unan. Yup, ganyan sya kagulo matulog na kahit queensize ung kama eh sakop nya lahat. May pagka-acrobat kung matulog eh.
Ako: Joshie...Uy!!!
Gusto ko nang mag-jumping alarm clock dun sa kama nya, kaya lang, baka naman...oh well... tulog sya eh...anong chance na totoo ung sinasabi nya?
Ngumiti na lang ako, tapos tumingin dun sa camera... Papanood ko na lang toh sa kanya someday.
Ako: (dun sa camera) You know, Joshie... Mahal din kita.
Pagkatapos kong sabihin un, nako, uminit ung face ko. Malamang eh namumula nanaman ako. Ang landi lang. hahaha First time kong sinabi nang malakas un ah. Pinatay ko na ung videocam tapos tumakbo palabas ng kwarto.
Kumuha ako ng papel and lapis tapos nag-iwan ng note kay Joshie in case magising sya at wala ako. Baka mag-freak out nanaman pag nakita nyang wala ako sa apartment at hindi nya alam kung nasan ako. Tapos kinuha ko ung susi ng apartment at nung kotse at lumabas na... La lang... na-feel ko lang na ipalagay sa DVD ung video.
Para pwede ko nang burahin ung video sa cam, tapos ung DVD, eh someday ko na lang ipapakita kay Joshie.
Chapter 73: (Joshua's POV)
Isang oras na kong nanonood ng TV at kumakain ng fishball. Nagising akong wala si Janessa... Hinalughog ko pa ung buong apartment bago ko nakita ung note nya dun sa may ref. Pag sinabi kong sa may ref eh dun sa may counter sa may ref. Sinong matinong utak ang maglalagay ng note sa halos di naman mapapansin?
Horsey! Alis lang me sandali... Papalagay ko sa DVD ung Christmas video natin. be right back! don't go anywhere! ok?! ~Nessy
Tama bang iwanan ako dito? At bakit kailangan pang ipalagay ung video na un sa DVD?
ring! ring!
Ay..nagriring ung telepono.
Tinitigan ko nang masama ung landline. Pwede namang magtext na lang, kailangan pang sa landline tumawag. Papatayuin pa talaga ako?
Nag-ring ulit ung phone. Oo na sige na, ehto na nga at tatayo na.
Ako: Hello?
"Joshua!!"
Napalayo bigla ung phone sa tenga ko.
Ako: Sheesh, Paolo? Ano ba? Kailangan bang sumigaw?!
Paolo: Joshua! Nasan si Janessa?
Ako: Umalis...bakit?
Paolo: Sh*t!
Inabot ko ung remote tapos pinatay ung TV para marinig ko sya nang ayos.
Ako: Bakit? Anong meron?!
Paolo: Listen... May narinig ako na kung may anong balak raw sina Victor, eh ngayon nila gagawin.
Sh*t! Si Victor?!?
Si Victor ung isa sa mga pinaka-leader nung gang na tinitiwalagan ko. Akala ko kaibigan ko, ahyun pala papahirapan din ang buhay ko nang ganito. Bwiset... Bakit ngayon pa!? Paskong-Pasko ah!
Ako: Wala si Nessy, di ko alam kung nasan! Iniwan nya rin ung cellphone nya dito
Paolo: Wag ka munang mag-panic, Josh. Malamang nag-uusap-usap pa ung mga un sa Magallanes. Un lang naman ung street na deserted na malapit snyo.
Ako: Okay, magkita na lang tayo dun.
Binagsak ko ung telepono at halos madapa-dapa ako sa pagtakbo palabas ng apartment. Tulad nga ng sinabi ni Paolo, tumakbo kagad ako papunta sa Magallanes. Araw man o gabi, laging halos walang tao sa street na un. Siguro kasi laging may nangyayaring gulo kaya iniiwasan. Dahil deserted nga, madali ko rin nakita ung kumpol ng grupo nina Victor. Patakbo kagad akong lumapit sa kanila.
Ako: Vic!!!
Nag-ikutan sila at napatingin sa'kin. Nag-step forward nang konti si Victor pero hindi sya tuluyang lumapit. Syempre, para safe din naman, tumigil rin ako nang medyo malayo-layo pa sa kanila.
Victor: Joshua... Anong--?! Bakit nandito ka?!
Ako: Anong ginagawa nyo dito?! Inaabangan nyo ba si Janessa?!? Anong gagawin nyo!?
Victor: This is the only way, Josh... Lam mo ang rules bago ka makalabas sa gang na toh.
Ako: Langya! Gawin nyo na sa'kin lahat, wag nyo lang idamay si Nessy! Langya ka! Kala ko pa naman kaibigan kita!
Victor: Josh, sinubukan kong gawin lahat para maging mababaw ang parusa mo. Naging matino ka namang member, walang reklamo syo. Pero p're, ehto na ang napagdesisyonan eh. Wala na kong magagawa.
Ako: Sh*t! Ako, ako na lang pahirapan nyo! Pag may nangyari kay Janessa, asahan mo lang, hhuntingin ko kayo isa-isa.
Natahimik sila sandali. Tapos, di ko inaasahan, biglang naglabas ng baril si Victor at tinutok sa'kin. Minaliit ko yata masyado, na porket hapon pa lang kasi, kaya akala ko baka makalusot pa, na wala silang susubukan.
Victor: Wag mo kaming takutin, Joshua. Naging ka-brod ka rin namin! Alam mo kung anong kaya naming gawin!
Ako: Dapat na ba kong matakot dyan?!
Di ako tanga... Nakaturo sa'kin ung baril, pero dahil malinaw ang mata ko, eh alam kong dun sa side ko talaga nakatutok un. Gusto nya lang ipakita at takutin ako.
...Pero sa galit si Victor. Di ko talaga alam kung saan puputok ung kung sakaling manginig sya at maisipan nyang barilin nga ako. Konting-konting galaw lang, sapul sa'kin ung bala.
Chapter 74: (Janessa's POV)
"Joshie? Joshie?"
Nagpaikot-ikot ako sa apartment. Parang naging ghost apartment bigla ang building. Nasan ang people? Sabi ko nang wag syang aalis eh. Kabayong talaga un—
Nanlaki ang mga mata ko nung pumasok ako sa living room.
Ang kalat ah! Horsey talaga! Kumain ng fishball tapos di man lang niligpit! Grrrrr! Anong tingin nya sa'kin, katulong!?
Niligpit ko pa rin ung pinagkanan nung kabayong un – baka lang kasi mangamoy ung apartment, or mag-attract ng flies ung kalat. Mahirap na. Bubwit na kabayo un. Ano kaya dun sa "don't go anywhere!" ang di nya naintindihan?
Ay, if you're wondering about dun sa DVD, eh wala pa. Tatawagan na lang daw ako nung gumagawa kaseh Pasko nga naman... Close lang kame kaya tinanggap nya ung video ko kahit sarado sila.
ring! ring!
Tinapon ko ung kalat sa basurahan at ung mga plato sa sink, tapos naglakad papunta sa telephone.
Ako: Hello?
"You b1tch."
Eh?
Ako: Excuse me? Sino toh?
"Tingnan mo ginagawa mo kay Joshua... wala ka nang dinala kundi sakit ng ulo."
Ako: Ano? Sinoh ba toh?
"Kasama ako ni Joshua dati sa gang."
Ako: Eh? Really? But you sound like a girl—Sorry! Anoh!... Kung lalake ka, may ganon naman talaga sa telepono nag-iiba ung boses--
"Shut up! Babae ako!"
Ako: Really? Wow... Nakakapasok pala ang girl sa mga ganun. Oooohhh... Anong ginagawa mo dun?! Inaayusan mo ba ung mga guys, tapos, tapos, make-over. Ang cuuttee--
"Anoh ba?!"
Ako: Ay, sorry. Inaaway mo nga pala ako... Please go on.
"Dahil syo, mas nasasaktan si Joshua! Pupuruhan sya nina Victor! Tingnan mo lang kung makakauwi pa sya dyan!"
Nanlamig ang dugo ko.
Ako: Anoh?!
"Pero you can still stop them. Leave him. Wag ka nang magpakita uhlet sa kanya. Umalis ka na dyan."
Ako: What the hell? Nababaliw ka na ba?!? Bakit ko naman gagawin un?!? Listen here, you better make sure na walang mangyayari kay Josh, kundi, I swear, by the moon and the stars in the sky, ipapa-ambush ko kayo!
Binagsakan ko ng telepono ung amazon. Tinitigan ko lang sandali ung telephone, nag-iisip. Di rin ako nakatiis, tumakbo uhlet ako palabas ng apartment.
Nasan kaya si Joshie? I hope he's okay. Of course he's okay. God, please let him be okay.
Tatakbo sana ako papunta sa Sampaguita St. nang may matanaw akong kumpol dun sa eskinita ng Magallanes. Ilang beses akong binalaan ni Joshua na wag na wag raw dadaan dun sa eskinita na un, pero--
Sscreechhhh!!!
Tinitigan ko nang mabuti ung grupo.
Ako: (bulong) Joshie?
Lumapit ako nang konti... Si Joshua nga ung nakatalikod sa'kin. And... what IS that?! May hawak ung kaharap nya na nag-gleam sa sunlight.
My golay!!! Baril ba un?!?!
Napahinga ako nang malalim. Dahan-dahan, nag-try akong magka-ninja at nagblend sa shadows nung mga bahay. Ayoko naman mahalata ako, baka lalong magkagulo. Nung medyo malapit na ko, lumusot ako dun sa likod nung isang bahay, para mas madaling mahila si Joshua. Dahan-dahan akong lumapit... Maaabot ko na sana si Joshie nang biglang sumigaw ung may hawak nung baril!
OMG!! Namumula na sa galet! Anoh nanaman kayang sinabi nung kabayo?! Di nya ba nakikitang konti na lang, heaven na ang punta nya?!?
Mas tinutok nung lalake ung gun kay Joshua! Nanginginig pa sa galit!
Joshie!
Tumakbo kagad ako papalapit kay Joshua..si Joshua...
Di ko sya maabot...
Halos nasa tabi na ko ni horsey...konti na lang, mahahaltak ko na sya... then...
BANG!
Chapter 75: (Joshua's POV)
BANG!
Parang biglang tumigil ang oras. Di ko alam kung anong nangyari... Bastah naramdaman ko na lang ung fingertips ni Janessa na dumali sa braso ko. Tapos nakita ko syang bumabagsak. Syempre, ang reflex ko, umikot at saluhin sya.
Nung nakita nya ko, ngumiti kagad sya.
Janessa: Horsey... Okay...ka lang...ba?
Ako: I'm okay. Oh my god, Janessa...
Janessa: Good... I'm glad..
Nagblangko ang utak ko. Ang nararamdaman ko na lang ung puso kong sobrang bilis ng tibok. Tulong. Kailangan ko ng tulong. Tumingin ako sa paligid. Napatulala lang sa'min sandali sina Victor tapos hinaltak na sya nung mga kasama nya paalis. Nagtakbuhan sila palayo.
Mga duwag!
Naramdaman kong hinila ni Janessa ung sleeve ng t-shirt ko.
Janessa: Joshie...
Bumalik ung atensyon ko sa kanya.
Ako: Just..hang in there, Nessy. Sandali lang...
Tumingin sya dun sa waist nya sa kanan. Nanlaki ung mata ko. Parang gusto kong humagulhol nang iyak.
Janessa: Horsey... Can you bring me to the hospital? Namamantsahan ung damit ko eh... Penshoppe pa naman toh...
Napatango na lang ako. Binuhat ko si Janessa at patakbong bumalik sa apartment. Pinasok ko kagad sya sa loob ng kotse na naka-park lang dun sa kalsada. Pagkababa ko sa kanya sa upuan, nag-wince sya.
Ako: Sh*t... Masakit ba?
Janessa: Eh...ikaw kaya.... barilin ko dyan...at...
Napatingin ako bigla sa mukha nya.
Ako: Nessy... Nessy? Janessa?!
beep! beep!
May palapit na kotse at biglang nagpreno sa tabi ko. Lumabas bigla si Paolo at tumakbo sa'kin.
Paolo: Sh*t! Anong nangyari?!?!
Ako: Mamaya ko na sasabihin... We have to take her to the hospital!
Binuhat ko ulit si Janessa at sa kotse na lang ni Paolo sinakay. Bumalik si Paolo sa driver's seat at humarurot sa pagtakbo. Di ko na bibilangin kung ilang kotse at jeep ang muntik na namin mabangga. Wala pa ring malay si Janessa. Pagdating namin sa hospital, di pa man tuluyan nakakatigil ung sasakyan, binuhat ko na ulit si Janessa at sinugod sa Emergency Room.
Ako: (sigaw sa paligid) Doktor! Nurse! Kahit ano!
Unang pagtingin sa'min, may tumakbo na kagad na doktor. At ang bilis ng pangyayari, bastah kinuha nila si Janessa sa braso ko, nilagay sa stretcher. Napaligiran kagad sya ng mga nurse.
Pinasok nila si Janessa sa operating room. Naiwan kami ni Paolo sa labas.
Napakindat na lang ako nang nagpipitik-pitik si Paolo sa harap ng mukha ko.
Ako: Ano ba?!
Paolo: Ok ka lang ba?
Ako: (sigaw) ANONG OK?!?!?! DI MO PA BA NAKIKITA?!?! NASA OPERATING ROOM SI JANESSA!!!
Napa-stepback si Paolo. Nagulat yata sa biglang sigaw ko.
Bakit ba sa kanya ko binubuhos toh?
Huminga ako ng malalim tapos naupo dun sa upuan sa waiting room.
Ako: Sorry.
Paolo: Ok lang.
Umikot sya para umalis.
Paolo: Ako na tatawag sa mga kaibigan ni Janessa. Kung gusto mo, pati na rin sa mga magulang nya.
Ako: Salamat
Inabot ko sa kanya ung cp ko -- nandun lahat nung number eh. Narinig ko na lang na naglalakad na sya palayo. Nag-collapse ako dun sa upuan at inuntog-untog ung ulo ko sa dingding.
"Horsey... Ok...ka lang...ba?"
"Good... I'm glad..."
Sheesh...Pano nya pa naisip na tanungin ako kung ok lang ako...eh sya na nga tohng tinamaan?
Sheeshhh...
Napatingin ako dun sa pintuan ng emergency room...
Nessy...
___________________________________________________________________________________
Lumipas ang...teka... di ko alam kung ilang oras na. Matagal-tagal na rin siguro. Madilim na sa labas eh. Nagdatingan na rin sina Arianne, tapos si Jodi at Richie, na nasa probinsya, luluwas na rin daw kagad.
Arianne: Josh... Pupunta kami sa canteen... May gusto ka bang kainin?
Ako: Hindi na... Sige...
Nagtinginan sila ni Paolo tapos naglakad na paalis.
Hay! Bakit ba ang tagal nila sa loob?!
As if on cue, may lumabas na doctor sa emergency room. Tiningnan nya ko tapos lumapit. Tumayo kagad ako.
Doctor: Kaw ba ung nagdala dun sa babaeng nabaril?
Ako: Opo... Ok lang ba sya?
Doctor: Well, she's lucky. Wala namang tinamaan na vital organs... She should be awake by noon tomorrow. (hinawakan ako sa balikat) You should stop worrying. Ililipat na namin sya sa Room 317. Go get yourself something to eat.
Ako: S-salamat poh...
Lumabas yata lahat ng hininga ko dun. She's okay. She's okay daw. She's okay.
Napaupo ulit ako at kinusot ung mata ko. Di ko alam kung bakit parang naiiyak ako.
Chapter 76: (Joshua's POV)
Natulog ako sa ospital, tapos kinabukasan, dinalhan na lang ako nina Paolo ng damit. Dumaan na rin sina Mark at Ralph. Tapos sabi ni Arianne, na-contact na raw nila ung parents ni Nessy. Nakakuha raw kagad ng ticket kaya baka bukas din, nandito na sila.
Sheesh...ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanila?
Nakaupo pa rin ako sa tabi ni Nessy. Hapon na... Akala ko ba dapat gising na sya?
Makita ko lang talaga sina Victor, humanda sila! Titirisin ko silang parang kuto, tapos itatapon sa kalsada at pagtatalunan!
beep...beep...beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeppppp
What the--!?!?
Napatayo akong bigla nang biglang mag-flat line ung...kung anuman ung machine na nag-ddetermine ng heartbeat ni Janessa. Marami na rin akong napanood na movies. Di ba pag nag-flat line un, ibig sabihin nawala ung heartbeat nung tao? Ibig sabihin...
Napahawak ako kay Nessy. Halos i-shake ko sya nang sobra para magising sya.
Ako: Janessa?!? Nessy!?
Before I knew it, may sandamakmak na nurse at doktor ang pumasok sa kwarto. Natulak na lang ako sa isang tabi, may sinabi ung nurse pero di ko masyadong narinig dahil busy ako sa pagsigaw nang kung anong nangyayare. Chineck nila si Janessa. Hindi na yata nakatagal ung isang nurse, itinulak ako palabas ng kwarto.
Ooohkaaaayy... She tried to ask me nicely to step out, pero nung ayoko, eh tinulak nya ko palabas.
So mean...
Tamang pagsipa sa'kin sa labas dumating si Paolo. Napatakbo silang bigla.
Paolo: Anong nangyayari?
Ako: Di ko alam! Bigla na lang tumigil ung heartbeat ni Nessy...tapos sinipa nila ako palabas.
Ralph: HUWAAAAATTTT?!?!? Anong mangyayari kay Nessy-Nessy ko!?
Mark: Akala ko ba ok na sya?!
Ako: EH BAHKET BA AKO TINATANONG NYO?! MUKHA BA KONG DOKTOR?!?
Natahimik silang lahat. Hinawakan na lang ako ni Paolo sa balikat na parang sinasabi nyang magiging okay lang ang lahat. Napatango na lang ako. Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na ung doktor. Tumingin sya sa'min...
Doctor: It's okay. Okay lang ang lahat.
WTH!??
Doctor: May nangyari lang dun sa monitor kaya medyo nawala ung heartbeat nya, pero she's fine. Nag-lowbat ung machine. Ang kinakatakahan lang namin, dapat gising na sya ngayon.
Paolo: So may mali pa rin?
Doctor: We're not sure.
"We're not sure"?! Anong "we're not sure"?!? Eh doktor ka?!?! Dapat sure ka!!!
Doctor: Pero may posibilidad na nag-take effect lang nang mas matagal ung anesthesia kaya tulog pa sya... Don't worry. Pwede na ulit kayo pumasok.
Tapos nun, umalis na sya kasunod ung batalyon ng mga nurses kanina. Kinalabit ako ni Ralph bago kami pumasok.
Ako: Ano?
Ralph: Now that THAT's over, sasagutin ko na ung tanong mo.
Ako: Anong tanong?
Ralph: Ung tinanong mo kung mukha ka bang doktor.
Ako: Rap...
Ralph: Ang doktor, mukhang matalino... Tol, wala ka pa sa kalahati ng mukha ng doktor.
Ako: Ano?!!?? Gusto mong sumunod sa ER?!
Hinabol ko si Ralph hanggang sa dulo ng hallway -- kung san may nakabunggo sya na dumadaan na babae.. At syempre, dahil sa NAPAKAGALING ng utak at ugali ng lalaking un... Nilandi nya kagad. Tinigilan ko na ung gunggong. Bumalik ako sa kwarto ni Nessy, baka sakaling gising na sya... Baka lang...
Pero wala pa rin. Naupo ulit ako dun sa upuan ko kanina. Maya-maya lang, pumasok na rin si Ralph. Pasipol-sipol pa ang mokong. Laki ng ngiti.
...Mukhang nakakuha na kagad ng date sa kinausap nya kanina. -__-
Sheesh... Ralph talaga.
Chapter 77: (Joshua's POV)
Yaaaaaaaawwwwwwwwwwwwnnnnnnn
Dumilat ako at napatingin sa orasan nang napansin kong mataas na ang araw sa labas. Halos ganito na lang ang gawain ko the last three days. Oo, tatlong araw na. Magigising nang bandang 10am, check si Janessa, mag-sshower nang mabilisan sa adjoining na bathroom, uupo ulit sa tabi ni Nessy hanggang sa may dumating na ibang bisita. Tatlong araw. Amp. Hindi pa rin nagigising si Janessa!
Sabi nung doktor baka raw psychological na un. Parang inuutos nung brain na wag muna syang gumising... Langya! Posible ba un?! Hindi naman ganon ka-complex ang brain ni Janessa. At kung alam nya lang na ilang meals na sa isang araw ang namimiss nya, nako, sure ako, gising na dapat sya!
Narinig kong bumukas ung pinto. Akala ko siguro ung mga kabarkada ko o kabarkada ni Janessa – kaya laking gulat ko na lang nang isang malakas na batok ang sumalubong sa'kin.
PAK!
Nanlaki ang mata ko nang nakita ko kung sino ung mga dumating. Shet. I knew dadating sila, pero parang kahit anong pilit kong i-ready ang sarili ko, tumayo pa rin ang mga balahibo ko ngayong nandito na talaga sila.
Kasama pa si Kristine.
Oo, nandito na ung parents ni Janessa. Parents ni Nessy at si Kristine. Syempre, ang bati kagad sa'kin nung amazonang pinsan ni Janessa eh isang malakas na hampas sa ulo.
Kristine: LOKO KA! ANONG GINAWA MO KAY NESSY!? INIWAN KO NGA SYA SYO PARA BANTAYAN TAPOS NGAYON---
Mom ni Nessy: Kristine...
Tumahimik ung amazona. Tinignan nya ko nang masama bago sya sumunod dun sa parents ni Janessa na lumapit sa kama. Tinitingnan si Nessy... Lumabas muna ako para maupo dun sa visitors' lounge. Parang na-OP ako dun sa loob eh. Na-guilty rin siguro sa sinabi ni Kristine...
"Joshua..."
Napatingin ako. Di ko namalayan na katabi ko na pala ung nanay ni Janessa...
Ako: Ah, hello po.
Bigla nyang pinakita sa'kin ung sapatos nya.
Mom: Can you tell me kung san ko nakuha ung sapatos ko?
Whe? WTH?!? Pano ko malalaman!? Kasama mo ba ko nung binili mo yan?!
Tinitigan ko ung sapatos. Mukhang matibay... tsaka mamahalin...
Ako: Sa Marikina?
Mom: (natawa) Kung may sapatos ng Marikina sa Chicago, binili ko na un. Nope, these are Ferrigamo's.
Ako: Ahhh...
What the heck are Ferrigamo's?!
Mom: I knew you were straight.
Straight? Anong straight?!? Mukha ba kong crooked?
Napatingin ako sa damit ko. Mukha pa naman akong matino ah. Dinalhan ako ni Pao ng bagong damit kanina kaya naligo ako sa CR nung kwarto. Anong straight?
Mom: Alam mo bang para mapaiwan lang si Nessy dito, they had to lie na you're gay para pumayag lang ung dad ni Janessa na maiwan sya dito kasama ka.
Ako: WHAT?!?
I swear...di ko alam kung sinong sasakalin ko si Janessa ba o si Kristine...
pero dahil unconscious si Nessy, I guess I have to settle with Kristine.
Mom: Nung una kitang nakita, I had doubts whether you were really gay na. You looked too good to be gay. At sa dami ng gwapong pinsan ni Janessa, you didn't even glance at any of them!
*shudders* Oh imagine the horror!
Mom: I kept on calling Nessy to find out how she is... At alam mo ba sabi nya?
Ako: Uh, mabait ako?
Mom: (natawa uhlet) Nope, far from it. Sabi nya, you're a conceited, annoying, insensitive, demanding, stubborn slob. Own words nya.
O___O
Why that--
Mom: Then... She also said that she's never been happier except when she's with you.
Eh?
Mom: Nung sinabi nya un, I made up my mind to let her stay. If it meant that much to her to be with you, then, I thought, hindi naman masama na mag-stay muna sya dito.
San ba papunta toh?
Mom: But after what happened... Even if what I'm about to do is against her will, kailangan kong gawin toh... She's young and she'll find someone else.
Windang na windang na ko sa usapan na toh. Hindi ko alam kung oo ba dapat ang sagot ko o mananahimik lang ako at makikinig o kokontra ba dapat ako.
Mom: Joshua, I appreciate you taking care of my daughter and making her happy... But...
Teka. Teka! Kontra! Kumukontra na ko sa usapan na toh!
Mom: I don't think she can stay any longer. When she wakes up... Pag ok na sya, I'm taking her back to Chicago.
Natulala lang ako. Ano ba dapat ang sabihin?
Mom: You understand, don't you?
No. Yes. Maybe. I don't know!
Tumayo na sya tapos lumakad na pabalik sa kwarto ni Janessa. Tumigil sya sa may pinto at tumingin sa'kin.
Mom: Kami na muna magbabantay kay Nessy. You should go home. Pag nakita ka ni Kristine, baka ikaw pa ang sumunod sa emergency room. :)
Tapos nun, umalis na sya. Ako naman, tumayo na sa pagkakaupo at bumaba na sa ground floor papunta sa parking lot. Umuwi nga ako. Parang na-frozen ung utak ko habang nag-ddrive pauwi.
After ng lahat nang toh... aalis na si Janessa.
Wala nang magtatatalon sa kama ko hanggang mahulog ako, o kaya magbubuhos dahan-dahan ng malamig na tubig hanggang sa mapatayo ako. Wala nang mangungulit na gusto nya ng ice cream, bumili ako ng ice cream. Wala nang aaway sa'kin at sisipain ako paalis sa couch para ma-solo ung TV.
I should be happy, right?
...Then bakit parang feeling ko eh pinagsakluban ako ng langit at impyerno?
Chapter 78: (Joshua's POV)
Nakauwi rin ako – kahit di ko matandaan kung pano. Tinapon ko ung mga susi ng apartment at kotse sa mesa tapos nagcollapse sa couch.
Sheesh...
Nakita kong umiilaw ung answering machine... Syempre, tumayo ako para pakinggan kung sino un. Sa tagal kong nawala sa bahay, malamang lang, madaming naghanap, di ba?
toooot~ You have one new message. Message one:
"Janessa! Nasan ka? Si Patten toh. Di mo pa ba kukunin ung pinagawang mong DVD? Sige, bastah, kunin mo na lang pag may time ka na... okay?"
Toooot... 10:31 AM--
Pinindot ko ung Stop tapos kinuha uhlet ung mga susi at lumabas na. Ako na lang kukuha nung DVD kay Patten. May magawa lang at makalabas sa sobrang tahimik na apartment na toh.
____________________________________________________________________________________
Halos isang oras din akong nagtagal kina Patten -- since kasabay nung pagkuha ko nung DVD eh sinagot ko na rin ung interview niya kung bakit na-ospital si Janessa. Kelan pa kaya sila naging close?
Pagdating ko sa bahay, umupo kagad ako sa living room at tinitigan ung DVD case sa kamay ko. Bakit na sa kanya ung DVD eh akin ung camera? Anyway, tinignan ko ung sticker dun sa harap nung case. Mukhang detailed instructions ang binigay ni Janessa kay Patten. "First Christmas. J&J". Either si Janessa ang gumawa nun, o sadyang corny lang talaga si Patten.
Pinag-isipan ko pa sandali kung papanoorin ko ung DVD. Di rin ako nakatiis, pinasok ko sa player ung DVD and binuksan ung TV. Tapos naupo uhlet ako sa couch. Huminga ako nang malalim bago ko pinindot ung Play.
Janessa: Yan, game horsey! Buksan mo na ung regalo mo!
Ako: Bakit kailangan mo pang i-video?
Janessa: Para masaya!
Ako: Sheesh... I'm not---
Janessa: HORSEY!!! Isa!!!
Ako: Ok! Ehto na nga eh!
Hehe...Ehto na ang pasaway na pasko...
Pinanood ko ung movie hanggang dun sa pagbukas nya nung regalo ko para sa kanya... Grabeh talaga saya nya nung nakita nya ung necklace na un.
Aba! Dapat lang na maging masaya sya dun noh! Binutas -- este, sinunog na pala -- nung bwiset na kwintas na un ung bulsa ko! Wawa naman...
Nung nag-cut na ung video, ung mga panahon na tapos na ung pag-eexchange namin ng regalo, tumayo na ko para patayin ung DVD – nang biglang may lumabas uhlet sa TV.
Whoa!
May lumabas pa uhlet na video sa screen. Teka. Hindi pa tapos? Kailan yan?!
Ako yan ah!
Lakas trip talaga ung si Janessa... Pati pagtulog ko kinunan!
Maya-maya, sumingit na ung mukha ni Janessa dun sa camera.
Janessa: Psst... horsey....look mo oh... Your sleeping face~ Lam mo, weird talaga, mukha kang anghel pag tulog. Pero pag gising naman.. Napaghahalataang natulak ka na anghel. :D
Lokong un! Anong natulak na anghel?!
Naupo uhlet ako dun sa couch para panoorin ung "pahabol" dun sa DVD.
Whoa! Nag-ssleeptalking pala ko?!
Napaka-educating ng video na itoh Hehe...kahit si Janessa mukhang nagulat nung nagsalita ako... Napatalon ung camera eh.
Janessa: Ok, horsey. Question and Answer portion tayo. Sasagot ka ok? Hmmm...
Tama bang gawin akong Ms. Universe?!
Nanood pa ko. Gano kaya katagal toh? At anoh kaya ang pinagsasabi ko habang tulog? O_O
Heh, malamang ehto rin ung araw na napagdesisyunan ni Victor na magpa-hunting sa'kin.
Nako, humanda lang talaga un pag nakita ko sya---
Napatingin bigla ako screen nung narinig ko ung sinasabi ni Janessa.
Janessa: Horsey, bakit ang shtupid mo? Grabeh... Ang tagal-tagal na nating--
Ako: Anong stupid?... Tina-ta-wag mo kong stupid?.....Loko kang meatball ka ah...... Pasa-lamat ka.......... Mahal kita....
TEKAAAAA!!!
SANDALI LANG!!!!
Napatutok akong bigla sa TV. Nanlaki talaga ung mata ko. Nakita ko lang ung mukha ni Janessa na parang "Wha-!?" Napasugod ako sa TV – na parang magigising ung ako sa video pag yinanig ko ung TV.
Ako: Anong sinasabi mo? Anong. Sinasabi. Mo?!?
Napatigil ung camera sa pag-record. Josko, naiimagine ko lang ang shock at mukha ni Janessa nung narinig nya un.
Ehto na. Ehto na ang end of the world.
Pero biglang umikot ung camera at lumabas ang namumula perong nakangiting mukha ni Janessa.
At sinabi nya ung isang bagay na di ko akalain na maririnig ko pa.
Janessa: You know, Joshie... Mahal din kita.
Chapter 79: (Joshua's POV)
Pagkanood ko nun... Di ko alam... Natulala ako na parang ehwan -- malamang eh pagtatawanan nanaman ako ni Janessa kung sakaling makita nya mukha ko. Halos tatlong beses ko yatang pinagpaulit-ulit ung part na un ng video. Nung na-realize kong nagmumukha na yata akong timang na kinikilig sa isang video, pinatay ko na ung TV at dumiretso sa banyo para maligo. Time na bumalik sa ospital.
Nagpark ako sa bandang likod ng building. Ang dami rin pala pumupunta sa hospital. Hirap maghanap ng parking ha! Papasok na sana ako nang biglang may humaltak sa damit ko at tinapon ako sa may sidewalk.
Aray!
Napagasgas ung kamay ko dun pavement. Tumayo kagad ako para sipain kung sino man un, pero naunahan ako – ako pa ang nasuntok kagad.
"ANONG GINAGAWA MO?!?!"
Pinunasan ko ung labi ko nung maramdaman kong parang may tumutulo. Anak ng! Langya, sinoh ba toh para paduguin ung labi ko?!
Tumingala ako at susugurin na sana kung sino man sya, pero napatigil ako nung nakita ko si Warren na nanggigil sa galet. Tumayo ako at pinagpag ung pantalon ko.
Ako: Aso ka talaga... Anong ginagawa mo dito?
Warren: Loko ka... Anong ginawa mo kay Janessa?!
Napatingin ako sa kanya. Wala akong ginawa. Ahyun nga ung problema dun di ba? Di na ko nagsalita at umikot na lang para pumasok na sa ospital. Syempre, pinigilan naman kagad ako nung aso. Tapang lang, talagang hinila ung balikat ko pabalik.
Warren: Hoy! Anoh?!
Ako: Makinig ka... Di kita papatulan ngayon dahil alam kong nag-aalala ka lang kay Nessy.
Inalis ko ung kamay nya sa balikat ko.
Warren: Pero ehto lang sasabihin ko syo. Di ko na hahayaang may mangyari pa uhlet kay Janessa.
Tinignan ako ni Warren nang matagal. Kala ko nga matutunaw na ko bago pa ko makaabot sa kwarto ni Janessa eh. Katunaw ang tingin, men! Pero after a while, tumalikod na rin sya...
Warren: Siguraduhin mo lang yan, Joshua. Dahil kung hinde, hahabulin kita at ikaw naman ang ipapasok ko sa ER.
Paalis na sana sya nang bigla kong hinawakan ung balikat nya.
Ako: Aso...
Warren: Anoh?
Ako: Tinawag mo kong "Joshua"... Lumalambot na puso mo sa'kin? :D
Warren: Anoh!??!
Ang bilis nyang tinabig ung kamay ko.
Warren: Butiki ka! Wag ka ngang mangarap!
Pagkasabi nya nun, umalis na sya. Bumubulong-bulong pa. Kinukulam na yata ako. :P
Umikot na ko at tumuloy na sa ospital. Dire-diretso sa elevator hanggang sa ma-reach ko ung 2nd floor. Lakad kagad ako papunta sa kwarto ni Janessa.
Pagpasok ko, ung mom nya lang nandun.
Ako: Uh...hello poh.
Nag-hello rin ung mom nya tapos nag-signal na pumasok raw ako. Pumasok ako sa loob tapos tinignan si Janessa. Ganon pa rin itsura nya... Gumising na kaya sya habang wala ako? Hinanap nya kaya ako?
Mom ni Nessy: (ngiti) She's doing fine. Pero di pa rin sya gumigising...
Ako: Ahhh..
Ang galing, sinagot ung tinatanong ko kahit di pa ko nagsasalita. Tumingin ako sa paligid... Nasan kaya sina Kristine?
Mom: Kung hinahanap mo sina Tin, pumunta sa canteen para kumain. Ung dad naman ni Nessy, pumunta sa apartelle para magpahinga.
Ehhh... Anoh ba toh?! Mind-reader?!?
Dahan-dahan akong umupo dun sa couch sa isang sulok ng room.
Ako: Bakit di poh kayo sumama?
Mom: Sabi ko ako muna magbabantay kay Nessy eh.
Ako: Kung gusto nyo na rin poh munang kumain o magpahinga, ako na lang magbabantay kay Janessa. Alam ko naman po na hindi pa kayo nagpapahinga. Layo pa naman ng pinanggalingan nyo. Tatawagan ko na lang poh kayo pag gumising na sya.
Mom: Sigurado ka ba? Baka naman may dapat kang puntahan o kung ano.
Ako: Hindi po. Dito lang ako.
Ngumiti ung mom ni Janessa tapos tumayo na.
Mom: Sige. Nasa canteen lang ako at si Kristine.
Tumayo sya upuan at lumabas na ng kwarto. Hinintay ko lang sumarado ung pinto tapos lumipat ako dun sa upuan sa tabi ng kama ni Nessy.
Ako: Huy... (pinindot ung kamay nya) Ano bang kaabnormalan mo nanaman at di ka pa gumigising? Magtatatlong araw na. Abusado ka naman sa pagtulog.
knock knock
Napatalon akong bigla sa gulat. Ahem. Inayos ko kagad ung sarili ko. Wa poise naman kung mapaghalataan na nagulat talaga ako.
Ako: Uh, pasok.
Bumukas ung pinto – parang slow motion – pang-horro movie. Sana di si Kristine o kahit sinong kamag-anak nya. Nung tinignan ko kung sinong pumasok, nanlaki bigla ung mata ko at napatayo ako.
Ako: Trixie?
Tumayo lang sya dun sa may pinto. Tinignan ako sandali tapos lumipat ung tingin nya kay Janessa.
Trixie: I heard kay Arianne na nandito si Janessa. So... naisipan kong dumaan na rin. (tumingin sa'kin) Kamusta na sya?
Ako: Di pa rin gumigising.. Pero bukod dun, ok naman...
At ehto na poh ang awkward silence...
Trixie: Josh...
Ako: Yeah?
Trixie: I'll be leaving for the States before New Year's.
Ako: Oh...
Trixie: But... Josh... If you..
Nag-step sya palapit sa'kin.
Trixie: Tell me not to go... Tell me... Tell me...that after all this... You'll go back to me... Just tell me...and...and... Josh, I'll stay.
Ako: Trixie...
Tinignan ko sya tapos tumingin ako kay Janessa. Ehto na ang epitome ng pagka-awkward. I mean, siguro noon, halos magtatalon na ko sa tuwa kung narinig ko ung sinabi nya ngayon. Pero... Iba ung noon sa ngayon eh.
Ako: Trix... Alam mo naman kung gano ka ka-special sa'kin. Kalahating taon akong naghintay na may marinig galling syo. Kaya lang...
Lumipat ung tingin ko kay Janessa na tahimik na natutulog. Tumingin sandali si Trixie sa'kin tapos sinundan nya ung titig ko. Lumayo uhlet sya sa'kin.
Trixie: So you love her.
Napalipad ung tingin ko sa kanya.
Ako: Ha?! Saan--
Trixie: Don't worry about me. I guess I was just clinging to you like that kaseh we never had any closure what-so-ever.
Tumingin ulit sya kay Janessa.
Trixie: She's really something... And I don't blame you for falling for her.
Wait... Teka... Bigyan mo muna ako ng time para mag-process!
I mean, alam kong mahal ako ni Janessa. Kuhang-kuha sa video ang evidence. Pero...ako?! How can I fall in love with her? Inaaway nya ko lage, ang lakas ng topak minsan... Parang bata na di mo maintindihan! Expert talaga sa pag-swing ang mga mood nya! Tapos ang dami-dami pang kabuntot na lalake! Ginagayuma nya yata talaga!
...but then... how can I NOT fall in love with her?
Tinitigan ko si Janessa. Parang biglang luminaw ang lahat. Bakit nga ba hindi ko kagad napansin?
Tumingin ulit ako kay Trixie.
Ako: Yeah... Sa tingin ko nga...
Trixie: Huh?
Ako: Sa tingin ko nga... Mahal ko na sya.
Medyo ngumiti lang sa'kin si Trixie tapos tumalikod na sya.
Trixie: Well then, I should get going now... It was nice seeing you again, Josh.
Hindi nya na ko hinintay magsalita, lumabas na kagad sya ng kwarto. And this time, di ko na kailangan pang pigilan ang sarili kong habulin sya -- since di ko na naman sya talaga hahabulin. Sarap lang ng pakiramdam.
Naupo na uhlet ako dun sa silya at kinuha ung kamay ni Janessa.
Ako: Ahyan na. Sige na, panalo ka na. Natauhan na ko oh. Mahal kita... Ma-hal ki-taaahhh!!! Gumising ka naaaa!!!
Pinatong ko ung noo ko sa hawak kong kamay nya.
Ako: (bulong) Bwiset... Gano katagal mo pa ba kong balak pahirapan...
Hmm!?
Napaupo ako bigla nang diretso. Nanaginip ba ko o talagang gumalaw ung kamay ni Janessa?
Napatingin akong bigla sa mukha ni Janessa. Halos mahulog ang puso ko sa sobrang bilis nang tibok. At nung nakita kong bumubukas nga ung mga mata nya, dyosko, tumigil ang buong mundo ko.
Ako: N-nessy?
Tumingin sya sa'kin sandali, tapos hinawakan ung pisngi ko.
Janessa: Joshie?
Ako: Janessa... Gising ka na?
Tinignan nya kong mabuti bago sya tumango.
Janessa: (ngumiti) Gano katagal ba ang tulog ko? You must have felt terrible...
Ako: Pano mo naman nasabi?
Janessa: Kaseh you look absolutely terrible din! Grabeh, horsey, di ka man lang ba kumain ng oats o carrots mo?
Anak ng. Kung di lang sya nakahilata pa rin sa kama, binatukan ko na toh.
Ako: Anong--?! Kakagising mo lang inaasar mo na kagad ako!
Janessa: Ilang araw na ba kong tulog? Bakit feeling ko eh umiikot pa ung utak ko?
Ako: Tatlo na
Ngumiti si Janessa tapos pinisil-pisil ung pisngi ko -- at ngayon ko lang napansin na hawak ko pa rin pala ung kamay nya sa mukha ko. Binitawan ko kagad tapos kinuha ung pitchel ng tubig at baso para painumin sya.
Janessa: Awwww... kitam mo horsey? Tatlong araw kitang di naasar... aba, kailangan kong bumawi! Di mo man lang ba ko na-miss?
Ako: Whe! Anong miss?! Tumahimik nga buhay ko eh!
Tinulungan ko syang umupo nang konti para makainom ng tubig. Dahan-dahan syang uminom, pero ang dami ring tinungga. Uhaw talaga. Nung naubos nya ung tubig, ngumiti sya sa'kin.
Janessa: Owzzz? If I know, nandito ka lang kaseh kaya tahimik mundo mo noh? Wala talagang maingay sa ospital~
Ako: Uh...
Binaba ko ung baso dun sa nightstand ulit tapos tinulungan ko uhlet syang umayos ng higa. Tumingin sa paligid si Janessa.
Ako: Nasa canteen mommy mo at si Kristine.
Janessa: Really? Nandito sila?!? WOW!!!
Napatahimik syang bigla.
Janessa: Uh, horsey...
Ako: Ano?
Janessa: Makinig ka dahil importante toh...
Lumapit naman ako para marinig ko sya nang ayos. Baka may masakit pa sa kanya. Dapat ko na bang tawagin ung doctor?
Ako: Anoh un?
Janessa: Horsey..... Gutom na ko.
Chapter 80: (Janessa's POV)
Tumawag si horsey ng nurse para manghingi ng pagkain para sa'kin. After nyang siguraduhin na may dadating, lumabas naman sya tawagin sina Kristine at si mommy and sabihin na gising na ko.
Napahawak ako dun sa right side ng belly ko. I can feel the stitch... Mag-sscar kaya?
"Nesssyyyy!!!"
Biglang bumukas ung pinto at halos lumipad si Kristine papunta sa'kin. Di ko na nga sya masyadong nakita. Naramdaman ko na lang kagad na pumulupot ung mga braso nya sa leeg ko.
Kristine: Waaaaaaaaahhhh Nessyyy!!! You're awake! Akala ko pa naman aabutin ka na ng syam-syam bago magising!
Dahan-dahan kong tinanggal ung pagkakasakal – este, pagkakayakap nya pala.
Ako: Eh... Baka gusto mo muna akong pahingahin?
Kristine: Oh yeah. Sorry.
Nag-step back sya. Lumapit din sa'kin si mommy tapos niyakap din ako -- pero at least ung yakap na di nakakasakal noh.
Mommy: Ano? May nararamdaman ka bang masakit? Nahihilo ka ba?
Ako: Mom, I'm fine. Buhay pa and humihinga oh.
Nginitian ako ni mommy.
Mom: Good. Hurry up at magpagaling ka na. As soon as you're feeling well enough, we're going back to Chicago.
Ako: Oh mom.. You don't have to wait for me to feel better bago kayo makabalik.
Kristine: Uh, no! What she meant is that YOU are coming back with us.
Eh? Ano? Teka!
Ako: What?! Bahket?! Why? Bahket?
Mom: Because, honey, you're not safe here anymore.
Umupo sya sa tabi ko. Napatitig lang ako.
Ako: But--
Napatingin ako bigla sa buong kwarto.
Wala na si Joshie.
Kabayong un...Ang bilis mawala!
__________________________________________________________________________
(Joshua's POV)
Naupo ako sa visitors' lounge at sinandal ung ulo ko dun sa pader. Nung sinabi nung mom ni Nessy na isasama nya na si Janessa pabalik, lumabas na ko.
Not that iniisip kong sasama or papayag kagad si Nessy... Ehwan ko. Ayoko lang marinig kung sakali nga na wala syang magawa... Or baka gusto na nga nya sumama.
Dapat talaga siguro eh kumukuha na ko ng green card.
Nasa US naman ang lolo ko, at nung tinanong nya ko kung gusto ko ba raw sumunod dun, sabi ko ayoko since nandito sa Pinas si Trixie... Pero ngayon...
Ayoko namang mawala sa'kin si Janessa.
Chapter 81: (Janessa's POV)
Ako: Ayokoooooo naaaaaa ditooooooooo!!!!!!!
Ralph: WTH?! Anoh ka ba, Janessa?! Sigurado ka bang nabaril ka?!
Tinignan ko nang masama si Ralph na pilit dinidikit ung left leg ko sa kama para di ako makatayo. Apat silang pinagpipilitang idikit ako sa kama. Si Mark, nasa kanang braso ko. Si Paolo, nasa left leg ko. At si Joshi, nasa left arm ko. Bakit nila ako ayaw paalisin?!
...Mukha lang tuloy akong sinasaniban dito noh. ")))
Mark: Sira! Ilang araw na kaseng tulog kaya ganito ung energy nyan!
Paolo: Anoh ba?! Tatawag na ba ko ng exorcist?!
Joshua: Tumawag ka na rin ng albularyo para kung sakaling kulang ang powers nung exorcist
Ako: Eh kung pag-uuntugin ko kaya kayong apat?
Bandang gabi, dumaan dito ung tatlo kasama sina Arianne at Jodi para bumisita -- lalo na nung binalita ni Joshua sa kanilang gising na ko. Sina Kristine at si mommy pinauwi ko muna dun sa apartelle para magpahinga. Tsaka tampo mode pa ko... Sinasama nila akong pabalik ng Chicago eh.
Dahil sa pamatay na boredom, eh ehto, humantong na sa pagwawala. Langya, gusto ko nang lumabas! Nung sinubukan kong tumayo, sumugod tohng apat na lalakeng toh sa'kin at i-pin ako sa kama.
Ayaw akong paalisin..
Waaaaaaaaaaahhhh!!!
After ilang minutes lang, napagod rin ako sa pagpipiglas ko -- at since mukhang wala rin namang patutunguhan, eh nanahimik na ang beauty ko habang kumakain kami ng siomai. Kausap ni Arianne sa cellphone si Richie, kaya un, paminsan-minsan eh kinakamusta ako nung bakla -- pero bago ako makasagot, may isang buong paragraph na uhlet sya ng kwento.
knock knock
Natahimik kaming bigla nang may pumasok na nurse.
Nurse: Tapos na poh ang visiting hours.
Ralph: Tapos na? Baaaahhhkeeeeeeeeeetttt?!?
Mark: Manahimik ka nga dyan, Rap. (tingin sa nurse) Sige poh, thank you.
Ngumiti lang ung nurse tapos lumabas na uhlet. Tumayo si Jodi at niyakap na ko.
Jodi: Sige, Nessy. Bukas na lang uhlet. Promise, dadalhan ka namin ng kwek-kwek.
Ako: Yehey!
Nag-vavush na silang lahat, tapos naglabasan hanggang si horsey na lang ang naiwan. Tinaasan ko sya ng kilay.
Ako: Oh? Dito ka matutulog?
Joshua: Nawww. Na-mimiss ko na ung kama ko eh.
Psh. Mas piliin ba ung kama over sa beauty ko?
Joshua: Tsaka baka di ka pa makatulog pag naiwan ako dito.
Ako: Bakit naman?
Joshua: Baka pagnasaan mo pa ko. Pano na lang ang innocence ko?
Ako: Bwiset. Umuwi ka na nga!
Tumawa lang si Joshua. Lumapit sya sa'kin at, josko, hinalikan ako sa noo. Ako naman, ahyun, nag-marathon ang heart!
Joshua: Tulog ka na ha. Babalik na lang ako nang maaga bukas, ok?
Ako: O_O ... Ok.
Umikot na sya tapos binuksan na ung pinto. Pero bago sya tuluyang lumabas, tumingin ulit sya sa'kin.
Joshua: Nessy... When you're feeling better... Hihintayin kitang bumalik sa apartment ha.
Ako: Ok...
Joshua: Good night, Nes.
Ako: Good night, horsey.
Di pa rin sya lumalabas.
Huy, na-stroke ka na dyan?
Joshua: And Nessy...
Ako: Yes?
Nilipat nya ung tingin nya sa sahig. Ang sarap nya lang batuhin ng unan. Promise. Anoh nanaman kayang problema nito?
Joshua: Anoh... Uhmm...
Ako: Ano nga?
Bigla syang tumingin sa'kin.
Joshua: I love you.
At lumabas kagad sya ng kwarto at halos bumagsak ung pinto sa pagmamadali nyang isarado.
Natulala ako. Napatigil sa paghinga.
Oh my golay!!!! Tama ba ung narinig ko!?!??
Wheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!
OO! KINIKILIG AKO! BAHKET?!?! Grabeh, "I love you" daw!!!
nyahahahaha... Gusto kong magtatalon kaya lang may nakatusok pa sa kamay ko eh.
Bubwit na IV yan.
Wheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!
I love you daw!!!!!!!!!!
Chapter 82: (Janessa's POV)
Kinabukasan, tanghali na ko gumising... As in tanghali na talaga. Ung tipong nasa gitna na ng sky ang araw. Eh vahket ba? Sarap matulog eh, tsaka, anu vah~ Pano ba naman ako matutulog eh bawat pikit ko, kinikilig ang brain cells ko. :D
Tumingin ako sa paligid ng kwarto. Nandun sa isang sulok sina Kristin at Joshua, nanonood ng TV na pagkahina-hina naman ng volume. Kaya siguro kung makatutok na lang sila sa screen, kulang na lang idikit ung mga mukha nila dun.
Ako: Ahem..
Napatingin bigla sila sa'kin.
Kristine: Oist, gising ka na pala?
Ako: Hinde... Tulog pa rin ako. Nagkataon lang na bukas ung mata ko at kinakausap na kita.
Kristine: Che! Sinabi ko lang un dahil sa wakas, malalaksan ko na tohng TV noh. Alam mo bang tatalunin na ko nyang si Joshua nung sinabi kong lalaksan ko nang konti – konti lang ha! Baka raw magising ka. In fairness, exagge!
Joshua: Eh 10 times the volume ka naman maglakas ng TV eh! Bingi ka ba?!
Ever. Nag-away nanaman ung dalawa. Pagkatapos nyang iabot kay Kristine ung remote (na mabilisan namang nilaksan ung TV), tumayo si Joshua and lumapit sa'kin.
Joshua: Mustah tulog mo?
Ako: Ok naman. Wag kang mag-alala, di ko ma-distinguish kung white lady ba o nurse ang pumapasok sa kwarto ko, kaya ang himbing lang ng tulog ko.
Joshua: Ok.
Pagkatapos nya kong tulungang umupo, lumakad naman sya papunta sa pinto.
Ako: Oy, san ka pupunta?!
Joshua: Bahket? Miss mo na ko kagad?
Ako: Hoy! Anong miss?! Excuse me lang ang feeling mo ha.
Joshua: Abaaaaaahhhh... Inaaway mo ko? Sige, ganyanan na.
Binuksan nya ung pinto tapos tumigil na parang nag-iisip.
Joshua: May nakita naman akong magandang nurse dun sa ground floor.. Pupuntahan ko na lang un.
Ako: Ganon?!
Tumawa lang si Joshua – at ang kapal ng face, pa-cute, kinindatan ako. O_O
Joshua: Kaw naman, selos kagad.
Ako: Anong selos?!
Joshua: (tumawa uhlet) Binibiro lang kita, kaw naman. ;D Teka, anong gusto mong kainin?
Nag-360-degrees kagad ang mood ko nung nabanggit ang pagkain. Ngiti kagad ako.
Ako: Gusto ko ng palabok!
Joshua: Palabok? Bakit?
Ako: Eh kaseh...ehwan.... Anong bakit? Gusto ko nun eh.
Joshua: Ang layo-layo ng Jollibee ah!
Yup, Jollibee. Alam nyang wala na kong kakaining ibang palabok kundi ung sa Jollibee.
Ay, teka lang, paawa effect muna ako dito.
Ako: Hm, sige na nga wag na lang. Baka mapagod ka pa eh. Iisipin ko na lang ung palabok. Kuha mo na lang akong iced tea or tubig.
Joshua: Sheesh. Sige na nga.. Bibili na kita ng palabok mo. Sige.
Lumabas na sya ng kwarto para bilhin ang palabok ko, ako naman, avah, abot noo ang smile... Hahaha... may palabok ako! may palabok ako! :D
Kristine: Kailan pa naging kayo?
Screeeech!
Napalipad ang tingin ko kay Kristine na kanina pa pala kami pinagmamasdan ni Joshua.
Ako: Anoh?!
Lumapit sa'kin si Kristine, completely nang kinalimutan ung pinapanood nya.
Kristine: Nung iniwan ko kayo, kulang na lang eh tabunan mo sya ng unan habang natutulog sya. Ngayon, lovey-dovey na kayo? Kailan pa nagging kayo?
Ako: Hindi kami ah.
Pero konti na lang~ Waahhh charing! hahaha
Pero wait! Pano matutuloy ang pagiging kami kung wala ako dito?!
Ako: Tin, you have to help me!
Kristine: Huh?
Ako: You've gotta help me stay!
Kristine: Anoh?!
Ako: Sige na, couz. Tinulungan mo na ko before, so help me na uhlet... Pleeeeeaaaaaaaaaassseeee
Kristine: Bahket?!
Ako: Eh... kaseh...
Pinaglaruan ko ung tube nung IV at napatingin sa kumot ko. Nararamdaman kong umiinit ung mukha ko.
Kristine: *gasps* My goshingnezz! You like him!
Ako: Well, duh. Pagkatapos ba naman nung nangyari, anoh pa bang ibang dahilan ko para mag-stay?
Biglang nagtatalon si Kristine at umupo sa tabi ko. Biglang nagbago ang ihip ng hangin, natuwa bigla.
Kristine: Yiiheeeeeee!!! Kailan pa? Kailan pa!? OMG! Kayo na ba?!
Ako: Anoh vah, hindi nga kami. And I don't know kung kailan pa. Pero alam mo last night, he told me he loves me.
Kristine: EEHH!? TALAGA?!? OH MY GOD!!!
Parang lang kaming dalawang timang na kinikilig-kilig sa pinagkkwentuhan namen. ;P
Kristine: Then? Ano pa?! Anong sinabi mo?
Ako: Wala na, lumabas kagad sya pagkasabi nya. Tapos sabi nya pa, when I'm feeling better, dapat daw umuwi ako sa kanya.
Kristine: Awww...
Ako: Kaya, couz, you have to help me.
Umayos ng upo si Kristine tapos nag-a la Andres Bonifacio dun -- sugod mga kapatid!!!
Kristine: Wag kang mag-alala. Ako nagsimula ng love story nyo, kaya tutulungan kita!
Sya raw nagsimula?
Di na ko nagsalita... Baka pag sinira ko ung moment of glory ni Kristine eh di pa ko tulungan.. Kaya sige, watch in awe na lang ako. Go, insan! ;)
Chapter 83: (Janessa's POV)
After isa't kalahating araw pa, pinayagan na rin ako sa wakas ng mga doctor na ma-discharge. Ang nasa tabi ko at ang mga may alam lang ung parents ko at si Kristine. Gusto ko i-surprise si Joshie pagdating ko sa apartment. Ung tipong biglang bukas ng pinto sabay sigaw ng, "Honey! I'm home!" hohoho
Tinutulungan ako ni Kristine iimpake ang konting gamit ko na naipon sa hospital room. Hanggang ngayon, hindi nya pa rin sinasabi kung anong klaseng help ang gagawin nya. Abah! Emergency crisis na itoh! Maya-maya lang, dadating na sina mommy, at pano kung i-diretso ako sa airport?
Ako: Tin, anoh na? Ok na ba ang lahat?
Zinip nya ung isa kong bag, tapos ngumiti sa'kin.
Kristine: Relax. Don't worry, be happy.
Anong relax?! Relax?!? Mukha ba kong makaka-relax ng ganito. Bago pa man ako makahirit, bumukas ung pinto ng kwarto and pumasok sina mom. Tinignan nya ung bag na hawak namin.
Mom: Oh ano, Nessy, ready ka na ba?
Napatingin akong bigla kay Kristine... Akala ko ba ok na? Pwede mag-relax!?
Kristine: Uh, tita, ayaw poh sumama ni Nessy.
Wha-!? Anong--?!? Help na ba yan?! Ngayon lang sya aaksyon?! Nanlaki talaga ung mata ko. Oo, inaamin ko, may pagka-coward ako at natatakot ako sa kung panong gyera ba ang dapat kong harapin kina mommy.
Mom: Nessy, pinag-usapan na natin toh di ba? You're coming.
Ako: I know, mom, pero... Ayoko talaga.
Tinignan ko nang masama si Kristine. Anong klaseng help ba toh, eh tinapon nya lang ako sa pating (no offense syempre, mommy. Ang ganda mo para maging pating).
Mom: Janessa!
Biglang nag-step forward si dad galling sa likod ni mommy. Muntik ko nang makalimutan na nandun nga rin pala sya. Si mommy naman kasi. Humarang kagad sa pinto. Tinignan ako ng diretso ni dad. Di naman ako makaiwas ng tingin.
Dad: Are you sure ayaw mong sumama?
Napalipad ung tingin ni mommy kay dad nung narinig nya un. Kahit naman ako, nagulantang. Is there hope~?
Mom: Dad!
Ako: Ayoko po talaga. I mean, syempre, susunod din naman ako.... Eventually.... Siguro.... Pero.. Di muna ngayon.
Dad: Is it because of Joshua?
Dun dun dun dunnn!
Ahyan na ang question na di ko malaman kung ano ang tamang sagot. Napatingin ulit ako nang masama kay Kristine. Nginitian lang ako nung bruha. Josko, kakalabas ko lang ospital, ganito na kagad na stress ang bumabalandra sa'kin.
Huminga ako nang malalim.
Ako: Parang ganon na nga po.
Dad: Do you like him that much?
Naramdaman kong namula ung mukha ko.
Ako: Opo.
Dad: Ok, then. Sige, mauna na kami.
Eh? Anoh? Ganon lang un?
Mukhang pati si mommy nawindang sa mga nangyayari.
Mom: Dad! Anong--?!
Dad: Kung ayaw nyang sumama, hayaan mo sya. She's already 18. She knows what she wants. (tumingin sya sa'kin) Pero once na may mangyari uhlet syo, kahit ikulong ka pa ni Joshua sa apartment o itali mo sarili mo sa poste, you're going back to Chicago, ok?
*sniff* I WAB U DADDY!!!
Ako: Thank you, dad.
Dad: Sya, una na kami. Kristine, bumaba ka kagad. Hintayin ka namin sa tapat.
Nagmukmok lang sandali si Mommy tapos niyakap nya ko. May pahabol pang sermon na alagaan ko raw sarili ko. Wag raw ako sugod ng sugod. Tapos lumabas na sya ng kwarto. Tampo mode lang.
Pagkatapos ni mommy, si dad naman ang yumakap sa'kin.
Dad: Pag binigyan nyo na ko ni Josh ng apo na lalake, gusto ko kapangalan ko, ok?
Ako: DAD!!! O.O
Tumawa lang si daddy. Niyakap uhlet ako nang mahigpit tapos nagpaalam na rin. Natulala lang ako sandali sa nakasaradong pinto.
Kristine: See? Sabi ko syo, ako bahala syo eh.
Ako: What did you do?
Kristine: Abah, nag-heart to heart kami ni tito ha. Ako ang naging abogado mo ever.
Ako: Thank you, Tin.
Niyakap ko na rin sya, tapos binigay nya na sa'kin ung susi ng kotse ko. Pinagtulungan namin ibaba ung mga bag ko. Pinakita sa'kin ni Kristine kung san nya pinark ung kotse ko. Pagkatapos namin i-salpak sa trunk ung bags, humarap na rin sa'kin si Kristine at nagbigay ng super hug. Nung binitawan nya ko, mukhang naluluha pa ako loka.
Kristine: Alis na kami ha. Baka naghihintay na ung horsey mo sa apartment nyo. Malamang eh nagmumukmok na un since pinagbawalan mo syang pumunta dito today. Tapos ninakaw ko pa ung kotse mo. Kala nya siguro ibebenta ko na since kidnappin ka nanaman namin pabalik ng Chicago.
Tumawa lang ako. Tumigil sa likod ng kotse ko ung rental car ni dad – di na yata nakapaghintay sa harap para kay Kristine. Nagpaalam na ulit ako – and ilang ulit na sinabing ok na ko – then pinanood ko na silang umalis. Medyo sad, pero at the same time, excited ako kasi naiwan ako~ Woohoo!
__________________________________________________________________
(Joshua's POV)
Haaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy....
Nilipat ko ung TV sa Myx.
"Tol, bored na bored na ko... Puntahan na naten si Nessy."
Kanina pang umaga kami ni Ralph na parang timang na nakatambay dito sa apartment. Usually, masaya naman makatambay ang kahit sino sa mga kabarkada ko – kulitan, asaran, usapang lalake. Pero ngayon, ehwan ko ba, panay lang ang tingin ko sa orasan at sa cellphone. Gusto ko lang makausap at makita si Nessy. Mukhang ganon din ang trip ni Rap. Tumingin ako sa kanya habang kumakain sya ng fishball dun sa sahig.
Ako: Di nga pwede.
Ralph: Bakit ba kaseh?
Ako: Sabi nga nya, wag muna raw sya bisitahin.
Ralph: Ano bang ginawa mo? Inaway mo si Nessy noh! (tinuro sa'kin ung stick nung fishball) Ikaw! Nasa ospital na nga si Nessy, inaaway mo pa!
Ako: Tigilan mo nga ako, wala akong ginawa noh!
ding dong!
Sino naman kaya toh?
Tinignan ko si Ralph.
Ralph: Anoh? Tingin-tingin ka dyan? Apartment ko ba toh?
Ako: Letche.
Tumayo ako para buksan ung pinto. Kung sina Mark toh, sige lang, magsama-sama kaming mabato ditto. Nung nabuksan ko na ung pinto, imagine nyo na lang ung gulat ko nung makita ko kung sinong nakatayo sa labas.
Ako: Trixie? Anong ginagawa mo dito?
Gumapang pasilip si Ralph galing dun sa living room. Muntik pa yata syang mabilaukan nung nakita nya ung bisita
Ralph: Trixie?!?
Pumasok sa loob si Trix, then ngumiti kay Ralph.
Trixie: Hi, Ralph. (tumingin sa'kin) Aalis na ung flight ko in just a few hours kaya naisipan kong dumaan na lang muna and magpaalam.
Ako: Ahhhhh... Okay...?
Tumingin-tingin sya sa paligid. Nagkatinginan kami ni Ralph, pareho kaming nag-iisip kung dapat ba naming sya paalisin, ok lang ba nandito sya?... Anoh ba dapat?
Trixie: Kumain na ba kayo?
Ako: Inubos na ni Ralph lahat ng pagkain eh.
Ralph: Anong ako?! Sabi mo mag-feel at home ako eh!
Trixie: (natawa) Kung gusto mo, McDo muna tayo before I leave for the airport. Libre kita.
Ang bilis napatayo ni Ralph at tumakbo papunta sa'min.
Ralph: Si Josh, di pwede. Pero ako, free. :D
Tinulak ko syang patabi. Nakarinig lang ng pagkain, na-excite kagad.
Ako: Anoh ba? Balikan mo na nga ung fishball mo dun.
Ralph: But... May McChicken daw eh...
Trixie: He can come if he wants to.
Ako: Di na! Bantay yan dito!
Tsaka para maalala kong umuwi kagad. Baka biglang bumalik si Kristine at magtaka kung nasaan ako. Josko, gyera nanaman aabutin ko pag nalaman nya na kasama ko si Trixie. Isa pa, kung iiwanan ko dito si Ralph, magmamadali talaga akong umuwi. Baka maubos pa lahat ng pagkain sa ref eh.
Hinila ko na palabas si Trixie, sabay sigaw kay Ralph.
Ako: Wag kang aalis ha!
Ralph: Ang sama mo! Kung nandito si Nessy, sinama nya na ko!
Ako: Heh!
Sumakay kami ni Trixie sa kotse ko then nag-drive na papunta sa McDo.
Chapter 84: (Janessa's POV)
Pinark ko ung kotse sa official parking spot sa tapat ng apartment namin. Pagkapatay ko ng makina, tumingin muna ako sa building. Parang ang tagal-tagal na since last time na umuwi ako. Nasa bahay kaya si Josh? Huminga ako nang malalim tapos bumaba na ng sasakyan. Binitbit ko ung mga bags ko paakyat. Dahan-dahan kong binuksan ung pinto – as quietly as possible para maka-surprise ako. Wag lang po sana ako mapagkamalan na magnanakaw at baka masapak pa ko nang wala sa oras.
Parang tahimik sa loob. Naririnig ko ung TV na bukas.
"Joshie?"
Sinarado ko ung pinto behind me and kinaladkad ung mga bags ko papasok.
"Joshua?"
Iniwan ko ung mga bag ko sa hallway at naglakad papunta sa living room. May nakahiga sa couch, natutulog (at humihilik pa), nakasiksik ung mukha dun sa sandalan. Nilapita ko at pinindot-pindot ung likod. Ang bilis lang nya mapatalon at nagising. Pati tuloy ako napatalon sa gulat. Lalo na nung nakita ko kung sino ung natutulog.
Ako: Ralph?
Tinitigan ako ni Ralph. Mukha syang confused. Ilang segundo pa ang lumipas bago na-process ng utak nya kung sino ung nakatayo sa harap nya. Ay josko, ang bilis nyang tumayo at yumakap sa'kin.
Ralph: Janessa!!! Nakalabas ka na ng ospital!!!
Binitawan nya ko at tinignan ng baba-taas.
Ralph: Ok ka na?
Ako: (smiles) Yup, I'm feeling okay na, pero kung di mo ko bibitawan ngayon.
Ralph: Buti naman.
Inayos ko ung damit ko habang tumingin-tingin sa paligid.
Ako: Nasan si Joshua?
Ralph: Ah ung labz mo?
Nanlaki ung mata ko. Alam nya ba? Nagkwento na ba si Joshua?
Biglang tumawa nang malakas si Ralph.
Ralph: Nako, namula ka pa! Aminan na ba toh? Nasa McDo --
vbbrrrrtttt
Napapunta bigla ung kamay ni Ralph sa bulsa nya... Nag-vvibrate pala ung cp nya.
Ralph: Wait lang, Nessy ha... (sinagot ung cp) Hello?
Tumingin ako sa paligid, naghintay sandal. Nung ang TAGAAAAAAAAAAALLL-TAGAAAAAAAAAALLL ni Ralph matapos dun sa cellphone, pinatay ko na ung TV, hinila sya palabas ng apartment, ni-lock ung pinto, then habang may kausap sya, sinabi ko:
Ako: Ralph, ako na lang pupunta sa McDo, umuwi ka na, ok? Ok..Babye!
Tumango naman sa'kin si Ralph, ehwan ko lang kung naintindihan nya ung sinabi ko since mukhang busy sya dun sa kausap nya. Iniwan ko na syang nakikipagdaldalan sa phone nya. Sumakay ako ng kotse. Di na ko makapaghintay, puntahan ko na si Joshie sa McDo.
Excited much.
__________________________________________________________________________
(Joshua's POV)
Naupo kami ni Trixie sa may window after namin umorder ng pagkain. Kalmado lang syang kumain, habang ako naman, panay ang tingin sa relo ko. Maaga pa naman. After nitong lunch, tatawagan ko na si Janessa – at kukulitin na payagan na kong bisitahin sya.
Binuhos ko ung gravy dun sa kanin. Natawa si Trixie nung nakita nya ung ginagawa ko.
Trixie: Balak mo bang ubusin lahat ng gravy na yan?
Ako: Oo, bahket? Masarap naman ah!
Yup, friends na lang talaga kami ni Trixie. Ni hindi na nga awkward na magkasama kami. Parang nawala ung tension na nararamdaman ko bastah mabanggit lang ung pangalan nya. Mamaya, pag-uwi ko, papalayasin ko na si Ralph sa apartment, tapos pupuntahan ko na talaga si Janessa... Kumontra man sya o ano.
All is well. Aalis na si Trixie, di na malalaman ni Janessa na nakipagkita pa ko sa kanya – baka kung ano pang isipin nya. Langyang selosa kaseh nung meatballs na un eh. Ano pang masamang pwedeng mangyari?
Chapter 85: (Janessa's POV)
Pinark ko ung kotse sa side ng kalsada – sabay dasal na sana poh eh di ako masagi nang kung anong trak o tricycle o kahit anong pasaway na sasakyan. Ni-lock ko ung car, then paganda muna...wahehe... As if naman 5 star-restaurant ung papasukin ko, eh McDo lang naman.
Pagkatapos kong siguraduhin na mukha pa rin akong dyosa, pumasok na ko sa crowded na McDo. Tumingin tingin ako sa paligid. Pano ko ba naman makikita si horsey sa sobrang daming tao dito sa loob? Siksikan lang ang trip? Pumasok pa rin ako at nakipagsiksikan din. Tignan mo nga naman ang mga pinagdadaanan ko mahanap ko lang si–
Horsey?
Tinulak ko ung taong nakaharang sa harap ko – wa care kahit tinignan pa ko ni ate nang masama – at nag-step palapit sa direction na I think si Joshua ung nakaupo. Lumapit pa ko nang konti – at, yay! Si horsey nga!
Napatigil ako bigla nang nakita kong may kasama sya. Napataas ang kilay ko nang na-realize kong si Trixie ang kasama nya.
Okay. Syempre, selos ako. Konti. Medyo. Sobra. Ex ba naman nya ung kasama nyang ka-lunch? Pero hanggang dun lang un. Di ba nga sabi ni horsey, ako na ang labz nya? hohoho
Although di yata ibig sabihin nun di nya na labz si Trixie... pero since sinabi nya na sa'kin un, di ba ibig sabihin lamang na ko?
Ayyy naka, intindihin nyo na lang ang aking line of reasoning!
Maglalakad na sana ako papunta sa kanila para maki-tsismis nang biglang...
screeeeeching-nezz to the stop!!!
Woist! Anoh yan?!?
Nag-lean forward si Trixie palapit kay Joshua na nakaupo sa tapat nya. Tapos, hinaplos nya ung pisngi ni Joshie!
Woist! Woist! Anoh yan?!? Ako lang nanananching dito ah!
Napatulala ang beauty ko. Nung nakita kong hinawakan din ni Joshie ung pisngi nya na hinawakan ni Trixie, ahyan na, nag-collapse na ang aking heart! Anong ka-tender-an moment itoh!?
Marami-rami na rin naman akong napanood na mga drama eck-eck sa channel 2, kaya by instict, alam kong ito na ung time to make a melodramtic exit -- complete with the getaway car!
Talikod kagad ako at nagmadali lumabas ng McDo. Sakay kagad kotse ko, start ng makina, atras --
BEEPPPP!!!!
Ako: Damn it!
May kotse pala sa likod ko. Atras kaseh ng atras! Eh sa bad trip ako, kaya dinedma ko ung pag-tataratitat nung driver at go pa rin sa paglayas.
All the while eh nagbblink sa mind ko ung picture moment nina Trixie and Joshua.
Bwiset na kabayo yan...
Pa-I lab you-I lab you pa.
_______________________________________________________________________
(Joshua's POV)
Ako: San ba?
Trixie: Ehto nga...
Tinuro uhlet ni Trixie ung spot raw ng gravy sa pisngi ko. This time, dinikit nya na ung daliri nya mismo para malaman ko kung nasaan. Hinawakan ko naman ung pisngi ko sabay punas.
May gravy nga.
Trixie: Dami mo kasing maglagay ng gravy eh.
Kinuha ko ung tissue at un ang ginamit kong pamunas. Lumalagkit kaseh ung kamay ko. Napa-ikot kaming bigla sa labas nang may bumusinang kotse. Since nasa likod ko ung busina, si Trixie na lang ang tumingin.
Ako: Anoh un?
Trixie: (nakatitig sa labas) Mukhang nagmadaling kotse...
Natahimik sya sandali habang inubos ko na ung kinakain ko.
Trixie: Josh, what car does Janessa drive?
Ako: Huh? Black na Honda Civic... bahket?
Trixie: Do you remember ung plate number?
Ako: WMA314... Bahket?
Biglang nagligpit si Trixie nung mga kalat sa mesa, then tumingin sa'kin.
Trixie: I think you should go home na.
Ako: Kumakain pa ko eh...
Trixie: You should hurry up...if you still want to catch up with her.
Napatingin ako sa likod then pabalik kay Trixie... Dun lang biglang nag-sink ung sinasabi nya sa utak ko.
Sh*t! Nandito si Nessy?!?
Napatakbo kagad ako palabas (nakalimutan ko nang mag-thank you for lunch). Sumakay kagad ako sa kotse at nagmadali pauwi. Anoh nanaman kaya ang pinag-iisip ni Janessa sa nakita nya? Di ba dapat alam nya nang wala nang namagitan sa'min ni Trixie?
Ngayong araw sya lumabas ng ospital!?? Langya, sa dinami-dami naman ng pwedeng mangyari oh!
Chapter 86: (Janessa's POV)
Nahilo na ko kaka-drive kung saan saan. Dahil nagsawa na rin ako magpaikot-ikot, nag-drive ako papunta sa gotohan ni Aling Nena – ilang kalye lang ang layo sa apartment namen. Avah, mahal ang gasolina ha! Dami ko na ngang nasayang kanina, lalo pa ko magsasayang kung lalayo ako.
Hindi rin naman ako nakapasok. Ang dami kasing tao. Kaya ahyun, naka-park lang ako sa tabi ng kalsada, nagmumukmok sa loob ng kotse.
Tumingin ako sa salamin – at nanlaki ang mata ko. My golay! Anong klaseng hangin ba ang dumaan sa buhok ko?! Kinarir ang pagkagulo?!
Hinablot ko ung bag ko at hinalungkat ung loob para sa suklay. Nang di ko makapa ung bubwit na suklay, eh tinambak ko na sa passenger's seat ung mga laman. Kung anong laki ng bag kasi naman, ganun din kahirap hanapin ang dapat hanapin.
Nung wala nang laman, sige, taktak-taktak pa!
Uh wait...
Tinaktak ko uhlet ung bag. May naririnig pa kong kumakalog sa loob. Sinilip ko ung loob. Wala na namang laman.
Ako: Anoh un?
Tinaktak ko pa uhlet. Ahyun, may tumutunog talaga! Hala... May mumu sa purse ko Wala nang laman eh may kung anong nag-rrattle pa rin!
Sumilip uhlet ako dun sa loob nung purse, then dun ko lang naalala na may secret pocket nga pala itich...
Di ko maalala mga saktong laman nito kaseh pinadala ko lang kay Joshie ung bag nung 2nd day na gising na ko sa ospital. Matagal-tagal ko rin syang di nahalungkat ha.
Kinapa-kapa ko ung secret zipper and then binuksan. Sinaksak ko ung kamay ko at tinignan kung ano ba ung kamakalog sa loob.
Ohhhhh...
Ung necklace na gift ni horsey nung Pasko.
Bakit nandito toh?
Loko talaga ung kabayong un... Ilagay ba naman dito ung ganito kamahal na jewelry?! Eh pano kung manakaw ung purse ko!? Eh di sandamakmak na libo na kagad inasenso nung magnanakaw na un?!?
Hinawakan ko ung locket. Intact pa rin ung mga diamonds, and op cors, shining shimmering splendid pa rin ung sapphire na nasa center... Oooh pretty-pretty talaga~
Binuksan ko ung locket, and bumulaga ang kabayo! nyahahahaha Joke, sa picture kaseh ni horsey ako napatingin kagad nung binuksan ko. Gwapo ni horsey... kahit kabayo...wakekeke.
Lalo ko tuloy namiss. T^T
Dapat siguro eh mag-turn around ako and kausapin man lang si horsey, noh? Besides, san pa naman ako pupunta?
Tinapat ko ung rearview mirror sa'kin tapos pinilit suotin ung necklace. Langya, pahirapan talagang mag-suot oh! Anoh bang trip ng gumawa ng kwintas at pagkaliit-liit ng bukasan?! Nung nasuot ko na, tinignan ko uhlet ung reflection ko with the necklace. Ganda~
Makauwi na nga. Na-mesmerize nanaman ako sa ganda ko. hohoho
Binuksan ko ung makina nung car and then nag-drive na uhlet pauwi. Kung wala pa si Joshie dun, eh di maghintay, di ba? Kung nandun naman... eh di mas maganda~
Chapter 87: (Joshua's POV)
Walang tao nung nakabalik ako sa apartment. Kahit ung sinabihan kong wag aalis at magtaong-bahay dun sa apartment, nawawala! *cough* Ralph *cough*
Nakita ko ung bags ni Janessa sa hallway. Oh well.. at least alam kong babalik pa sya. Di nya naman basta-basta iiwan ung mga gamit nya. Kinuha ko ung mga bag at nilagay sa kwarto nya. Pagkalagay ko sa sulok, napatingin ako sa paligid nung kwarto. As usual, simula nung na-ospital si Nessy, tahimik ung kwarto. Walang nagbago. Pero sandali na lang, babalik na si Nessy dito.
Lumabas na ko ng kwarto tapos dumiretso sa living room... Kinuha ko ung gitara na binigay ni Janessa sa'kin nung Pasko...
Haaaayyyy...
Sinimulan ko ung intro nung gitara habang nakatunganga dun sa space. Okay... iniisip nyo siguro bakit di ko man lang hinahanap si Janessa noh? Hala, yoko nga! Sayang ung gas ko.
Jowkkk~ Eh pano kung hanapin ko sya tapos bigla syang bumalik para kunin ung gamit nya? Eh di nagkasalisihan pa kame! Nakuha nya pa ung mga gamit nya!
Kaya dito na lang ako... Uupo na lang at aawit.. Maghihintay ng pagkakataon..
Hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw syo...
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ng tugtog ng --
ding dong!
Sheesh, sino bah tong umiistorbo sa pagkanta ko?!
Kanta na un kahit sa isip lang noh! :)
ding dong! ding dong! ding dong! ding dong! ding dong!
Napatayo akong bigla. Kung makapag-doorbell lang ha! End of the world na ba?!
Ako: Oo na! Sandali lang!
Napatakbo ako sa pinto. Madali kong binuksan at sisigawan na sana ung taong kung makapag-doorbell, kala mo hinahabol ng zombie. Napatigil lang ako nang nakita ko kung sinoh ung nakatayo sa labas.
Ako: Nessy.
Napatingin sya sa hawak kong gitara. Nag-step aside ako para makapasok sya. Dumiretso kayad sya sa kusina at kumuha ng baso ng tubig.
Promise! Sa twing na-ttense sya, imbis na beer ang tunggain, ung tubig ang pinag-iinitan nya.
Hinintay ko hanggang maubos nya ung tubig. Medyo kinakabahan pa ko. Nung binaba nya na ung baso, tumitig sya sa'kin.
Ako: Janessa--
Janessa: Ok, horsey, five minutes.
Ako: Huh?
Janessa: Five minutes to explain.
Ako: Five minutes?
Janessa: (tingin sa relo) Four minutes...
Ako: Anong four minutes?! Eh wala pa ngang 60 seconds?!?
Janessa: Th-rre-ee--
Ako: Okay! Okay!
Langya, tinuruan ba ng tama toh na ang one minute eh 60 seconds?
Sinandal ko ung gitara sa wall tapos lumapit sa kanya.
Ako: Okay, four minutes.
Sinimulan ko sa pagdaan ni Trixie, hanggang sa order ng maraming gravy hanggang sa pagpunas... Pinaliwanag ko lahat un. Di ko naman alam kung anoh ba nakita nya, pero ehto na! Naglantad na ko! *ahem!* I mean, nag-confess na ko.
Pagkatapos kong magsalita, tumingin ako kay Janessa.
Ako: Ahyun lang. Wala naman akong ginawang masama, Nessy.
Tinitigan akong pabalik ni Nessy... tapos medyo nag-lean forward...
Janessa: Really? Ganon ka-dami kang maglagay ng gravy?
Ako: Gravy?
Anong gravy?!? Bakit gravy?!? Sa dinami nang sinabi ko, ung gravy ang naalala nya!?
Ako: Anywayyy, ok na ba tayo?
Janessa: Okay!
Hala, astig din tohng babaeng toh ah.. Kanina lang eh pa-emote-emote, ngayon, bouncing meatballs nanaman sya. Ibang klase rin ang mood swings eh noh?
Janessa: Umalis na si Trixie?
Ako: I think so.
Janessa: Sayang naman... Di ako nakapagpaalam.
Bakit kailangan magpaalam? Hayaan mo na un.
Tahimik kami sandali. Huminga ako nang malalim at kinuha ung kamay nya.
Ako: Nessy...
Janessa: Horsey...
Ako: Anoh ba?! Wag ka ngang tumingin nang ganyan!
Janessa: Nang ano?
Ka-baliw ung tingin eh! Di ko alam kung tatawa ba ko o anoh! Lam nyo ung trying hard na mag-mukhang seryoso pero kitang-kita mo naman na konti na lang, tataas na ung labi nya. Kaloko eh.
Ako: Janessa...
Janessa: Anoh ba? Kanina mo pa ko tinatawag.
Ngumiti ako tapos bigla ko syang niyakap.
Ako: Don't scare me like that again, ok? Akala ko nawala ka na. Ayoko na nang ganun. Ayoko na nang nawawala ka sa tabi ko.
Janessa: Joshie?
Ako: Kaya, Nessy... Pwede ba.. Just stay here... Stay with me... for as long as you want. Don't ever leave me again, ok?
Natahimik si Janessa sandali... Aalis pa ba sya? Bakit di sya nagsasalita? Sasama ba sya sa Chicago? Nasan nga pala mga magulang nito? I should ask her later...
Naramdaman kong niyakap din ako ni Janessa... tapos bumulong sya...
Janessa: Joshie... Don't worry... I'll never leave you.
Chapter 88: (Janessa's POV)
Tumingin ako sa expectant faces ng audience sa harap ko. I smiled dahil masaya ung grupo ng mga tao ngayong gabi. At lalo akong napangiti nung nakita ko si horsey na nakaupo dun sa bar at nanonood sa'kin kasama sina Paolo, Mark, Ralph, Warren, Arianne, Jodi, Richie, at si Kristine... Yup, si insan Tin-Tin! Why? Pano napadpad si Kristine again dito?
It's becooozzzzzzzz...four years na ang nakalipas simula nung lahat ng drama na nangyari. Yeah, op cors, sa loob nung apat na taon na un eh papalagpasin ko ba ang panunukso sa kabayo? Hinde noh! Walang araw na lumipas na di ako nag-jumping alarm clock dyan -- hanggang mahulog sya sa kama! wahaha Nung minsan nga nauntog pa sya dun sa ilalim nung kama pagtayo nya. bwahahahahaha... Oist, na-guilty ako nun noh! Ilang araw din naglakad-lakkad around si Joshua na may bukol sa ulo. :D
Anyyywaayyy, balik tayo sa aking gig tonight. Lam nyo na, ung gig na kasama sina Ken. Yup, four years na ko sa business! Asensado ang loka! ;D The only difference eh once a month na lang ako mag-vocalist kaseh nakahanap na sila ng full-time vocalist. Eh temporary lang naman ako di ba? Pero dahil malakas ang appeal ko (wahsush!), pinapakanta ako nung manager at least once a month. La lang, trip lang. Okie lang, may bayad naman!
So ehto na nga, on-stage ako tonight, and nandun silang lahat. Halos two hours na kong nagkakakanta dito! Langya, gutom na ko noh!
Ako: Okay people, medyo pagod na ang lalamunan ko. Last song na toh okay?
Guy 1: (from the audience) Awww... Maghihintay nanaman kame ng isang buwan para makita ka uhlet?
Joshua: (biglang sumigaw sa likod) Eh kung ikaw kaya pakantahin ko ng 1 hour, 48 minutes at 17 seconds?!?
Whe?!? Bilang?
Guy 1: (kay Joshua) Tol, nagtatanong lang naman ako. Chill ka lang dyan.
Ay oo nga pala. Alam na poh ng lahat ng people dito na bf ko si Joshua. Eh pinapakanta ko yan every month eh! wahahaha Hanggang sa may naintriga na, and ahyun, tinanong na kame. Syempre, i-ddeny ko ba naman? So, anyway, daldal ko talaga, balik na nga tayo sa story.
Ako: Oh sige, awat na.
Umupo na uhlet si Guyyee 1, at nanahimik na rin si Joshie. Avah dapat lang noh! Pag sumabat pa sya, eh pakainin ko talaga sya ng oatmeal at carrots for a whole week! -- which by the way eh ginawa ko nung minsang iniwan nya ko sa SM because nagselos again sya kay Warren -- na girlfriend na nga pala si Richie! wahaha... joke lang! ;D Si Arianne na ang girlfriend ni Warren ngayon. Oh di ba? ;)
Ken: (bulong sa'kin) Anong kanta naten?
Ako: Eh di ung special request ko.
Ken: Ahh... oo nga pala. :D
Nag-signal sya dun sa mga ka-bandmates namen, and nagstart na ung music. Tumingin ako kay Joshie.
Ako: Joshie, this one's for you, ok? Wag nang maging pasaway. Happy anniversary.
Naghiyawan ung mga tao. At ang lokang si Richie, nako, walang dadaig sa tinis ng boses ng bruha! Medyo kinilabutan din ako sa pagka-cliché, pero walang pakielamanan. Minsan lang sa isang taon ako magpapakalandi nang ganito noh.
Ako: (kanta) As long as stars shine down from heaven
And the rivers run into the sea
Til the end of time forever
You're the only love I'll need
In my life You're all that matters
In my eyes the only truth I see
When my hopes and dreams have shattered
You're the one that's there for me
When I found You I was blessed
And I will never leave You, I need You.(13)
After nung song, yan na ang closing applause. Nag-bbye na uhlet ako and nag-thank you sa mga tao. Napatingin ako sa bar kung san nakaupo si Joshie...
Joshie?
Tumingin ako sa paligid. Nasan na ung kabayong un? Nawalang bigla sa upuan nya. Call of nature ba?
Pababa na sana ako nung maliit na stage. Pero pag-ikot ko, mukha ni Joshua ang sumalubog sa'kin.
"Nessy..."
Napatalon ako sa gulat. Napatingin sa paligid. Anong ginagawa nito dito?
Ako: Horsey? Anong ginagawa mo dito?
Joshua: Ehto na yata ung perfect time.
Ako: Eh?
Tumahimik ung mga people nang nakita nilang may kung anong unplanned event ang nangyayari – at ahyan, stars of a movie nanaman kami ni horsey -- pinapanood ng buong bar.
Tumingin ako kina Ken at sa mga kaibigan ko na nakatambay pa rin sa bar. Lahat sila abot noo ang mga ngiti. Anong meron?!
Joshua: Janessa...
Napatingin uhlet ako kay Joshua.
Ako: An--? *gasps* Anong ginagawa mo?!
Lumuhod sa harap ko si Joshua -- ung mga nakikita nyo sa cliche na romantic movies -- tapos may nilabas syang little blue box and hinarap sa'kin. Ehto namang lola mo, eh naubusan ng words kaya napatitig lang ako dun sa kahon. Ang cute ng kulay! Haha San kaya nabili un? Bakit kaya kailangan un ang itsura nung box? Bakit di circle? Or heart? O kaya para mas maganda, eh butterfly na lang?
Sshh!!! Wag ka ngang maingay! Nakaluhod si Joshie sa harap mo in front of MAAANYYYY people!
Parang biglang nag-ssink in sa utak ko ung nangyari. Nag-freak out lahat ng brain cells ko!
Oh my god. Oh my god. OH. MY. GOD.
Joshua: Nessy... Alam kong mahilig ka sa mga corny na palabas -- langya, di pa nga ako nakaka-recover sa The Notebook mo eh! Mag-iiyak ka ba naman nang ilang oras pagkatapos nating panoorin un!
Ako: May pupuntahan ba toh o sisipain na kita?
Langya! Batoh kaseh sya! Bato! Wala man lang karea-reaksyon sa The Notebook! Sinong di maiiyak dun?!
Joshua: Sssh! Wag ka ngang sumingit!
Tumahimik uhlet ako. Di ko alam kung san ako titingin. Di matanggal ung tingin ko sa box sa kamay nya.
Joshua: Okay. Nessy, binalik mo ang music sa buhay ko. Na-enjoy ko uhlet ang paggigitara, ang pagkanta, lahat-lahat sa buhay na-enjoy ko dahil syo. Di ko alam kung anong gagawin ko kung mawala ka sa'kin... Kaya...
WAAAHhh!!! Thiz iz it! Thiz iz really iz it!
Binuksan nya na ung little blue box. Josko! May singsing! MAY SINGSING!!!
Joshua: Nessy, will you marry me?
OH MY GOD!
Natulala ang beauty ko dun sa ring! Ang pretty-pretty! Ka-partner sya nung locket na binigay nya sa'kin nung Pasko four years ako. Imbis na diamond ung engagement ring, it's a pretty sapphire stone... Weh! La kontra, maka-blue ako!
Ako: J-joshie...
Richie: (sigaw galing sa likod) LANGYAH!!! Um-oo ka na nga!!! Na-tetensyon na ko dito!
Tumingin uhlet ako kay Joshie tsaka dun sa singsing. Hindi ko na napigilan umiyak. Napatayo bigla si horsey!
Joshua: Nessy, bakit? Kung ayaw mo ok lang naman eh. Di pa rin naman ako aalis. Siguro babalik ko na lang tohng singsing and buy a new one pero--
Ako: NOO!!! Anong ibabalik!? I'm crying because di ako makapaniwala na you're asking me to marry you!
Joshua: Ibig sabihin "no?"
Ako: No! I mean, yes!
Joshua: ...Let's try this again. Nessy, will you marry me?
Lalo akong humagulhol.
Ako: Yes! Yes, I'll marry you!
Joshua: R-really?
Ako: Ayaw mo? Kung ayaw mo, bigay mo na lang sa'kin ung ring at itatago ko na lang--
Lumapit sya sa'kin and whoosah! Isang mahabang sweetiepie na kiss ang binigay sa'kin sa lips! (wahaha... mainggit kayo!)
Naghiyawan ang mga people... palakpakan... Tinigil na ni Joshie ung kiss, parang biglang naalala na may audience nga pala kame.
Awww!! Tapos na? Isa pa! Kiss! Kiss! Kiss! wahehehe
Niyakap nya ko tapos sinuot na ung ring sa finger ko. Halos hindi ko makita ung singsing dahil sa sobrang blurry ng mga mata ko kakaiyak. Pero ahyun na. Nakasuot na. Niyakap ko uhlet si Joshua.
Yup, we're getting married.
Epilogue: (Janessa's POV)
After ng NAPAKAAAAAAA-HABANG story eh ehto na ang end... All stories must come to an end some time, di va?
So anyway, ehto, na-diretso kami ni Joshie sa tapat ng altar -- ay lam nyo ba?! Ang papable nung father na nagkasal sa'min! wahahaha Oist, kasal na ko, awat na. Halos four years na kaming kasal, and mas napapadalas na nga ung paghulog ko sa kanya sa kama-- eh kaseh naman! Sinosolo ung kumot! Itulak ko nga!
Ay nga pala... We have a baby girl named Margaret (well, hindi na baby, naglalakad at nakakapagsalita na nang konti, pero baby pa rin para sa'min). She's realllyyyy cute!!! Kamukha ko kaya malamang paglaki eh maganda rin tohng batang toh! Wahaha Kaya lang, daddy's girl. Parang nung isang gabi.. ehto ang isa sa mga usual events sa bahay...
Margaret: (reach up ng hands nya sa'kin) Mea-balls! Mea-balls! Mea-balls!
Yeah I know... Di ko ma-imagine kung sinong nagturo sa kanya nyan. Grrr! horsey!
Nag-stoop down ako para kunin si Margaret.
Ako: Marge, di ba I told you to call me mommy...
Or mom... or mama... or ma... kahit anoh wag lang meatballs!
Besides, di na naman ganon hairstyle ko ah!
Pinulot ko sya then dinala dun sa living room. Oh by the way, speaking of living room, may sariling house na kame ni horsey. Iniwan na namen ang small apartment at lumipat sa Forbes. Ganda nga nung house eh... Simple lang... pero maganda. Nakaka-miss minsan ung apartment – ang dami ring memories dun noh – pero gumagawa naman kami ng bagong memories dito sa bahay.
Binaba ko si Margaret sa harap ng TV. Kaya lang di pa ko nakakalayo eh bigla naman sya umiyak! WAAAhhhh bahket?!??
Napaluhod uhlet ako tapos binuhat kagad sya.
Ako: Ohh, bahket? Bahket?
Wala pa rin! Iyak pa rin sya! WAAAAAAAAAhhhh Bahket?!? Bahket?!?
"Ness?"
Napaikot ako sa boses. Halos magsisigaw sa gratitude dahil hindi na ko mag-isa kasama ang crying toddler.
Ako: Joshie! She's crying nanaman! ToT
Napangiti si Joshua (hayyy... After all these years, nakakataas pa rin ng blood pressure ang smile nya~ wahaha ang lande!). Binaba ni Joshua sa sahig ung briefcase nya – yup, 'briefcase' – shosyal. Manager si Joshie ng isang rising band...oh di va? Asensado!
Lumapit sa'kin si horsey tapos kinuha si Margaret.
Joshua: Really, Janessa... Himala na sa buong araw na wala ako, buti eh nagkakasundo kayo ng anak mo. I can't believe na nag-ppanic ka pa rin sa twing umiiyak sya.
Ako: Kasalanan ko ba? Bakit ba ang hilig nya umiyak?
Joshua: Syempre. Bata eh.
Binuhat nya si Margaret papunta sa kitchen. Ako naman, sunod-sunod lang.
Joshua: (nilalaro si Margaret) Aww, you want your bottle na, baby? Want daddy to get it for you since muntik nanaman atakihin sa puso si mommy? Yess, kailangan magpahinga ni mommy, no?
Ako: Horsey!
Tumawa lang si Joshua. Nakatitig si Margaret kay Joshua for a few seconds, tapos she nodded her head. She actually listened!
Great... Mas magaling pa ung kabayo kesa sa'kin pagdating sa bata..
Kinuha ni Joshua ung bottled milk na nasa ref. Inabot nya kay Margaret, na more than willing naman na kunin. Kakakain lang, bottled milk na kagad...
Joshua: Here, baby... You should go to sleep na rin... It's past your bedtime na.
Lumapit sa'kin si Joshua then dahan-dahan binigay sa'kin si Margaret. Syempre, kinuha ko naman. Napangiti ako nung nakita kong pinaglalaruan na ni Margaret ung buhok nya – isang sign na inaantok na sya. Pumipikit-pikit na nga sya eh.
Binuhat ko na si Margaret papunta sa kwarto nya. Tahimik na sumunod sa'min si Joshua. Nilagay ko na dahan-dahan si Margaret sa kama nya.
Ako: Good night, sweetie. :)
Margaret: Night-night, mama...*yawwnnn* I wab you...and daddy too...
Joshua: (um-appear sa tabi ko) And daddy loves you too, sweetheart...
Pinanood naming dalawa na makatulog si Margaret. I made sure na bukas ung baby radio sa side nung crib. Nung sure na kami na settled na si Margaret, lumabas na kami ni Joshua ng kwarto. Naglakad kami across the hallway sa kwarto naman namin.
Ako: *sighs* She's so cute talaga.
Joshua: Abah syempre! What do you expect?! Eh tatay ako!
Ako: Whe?!? Excuse me! Nasa genes ko ung pagka-cute noh!
Pumunta si Joshua sa closet para magbihis ako naman eh na-upo sa kama.
Joshua: Anong nasa genes mo? Nasa DNA ko un! Di mo pa ba nakikita?
Ako: Mangarap ka.
Joshua: Ayaw mo pang aminin na cute ako eh. (ngiti sa'kin) Kaya nga na in lab ka sa'kin, di ba? :D
Ako: Joshie, horsey ka, di ka doggie. Doggie lang ang mga cute.
Joshua: Sama mo...
Ako: Awwww... Anoh yan, tampo ka na?
Joshua: Heh!
Tumawa lang ako tapos nahiga sa kama hanggang matapos nang magbihis si Joshie. Maya-maya, naramdaman kong umupo na rin si Joshie sa tabi ko, hawak ung gitara -- ung gitara na niregalo ko sa kanya 57257537 years ago. Oo, buhay pa ung gitara. Made to last through tender loving care, constant polishing, at regular na pag-tono~
Ako: Bakit hawak mo yan?
Joshua: Tagal ko nang di nakaka-kanta syo eh.
Ako: Eh? Bakit ngayon pa?
Ngumiti lang si Joshua, tapos nag-lean over and kissed me sa forehead.
Joshua: Because I love you.
Ayiieeee~ Ako naman ang kinilig. hahaha
Ako: Oh sige, kanta na~
Ngumit si Joshua then leaned in to give me a Kiss.
Joshua: Happy birthday, Nessy.
I smiled at umayos nang higa. Sinimulan ni Joshie ung intro nung "Gitara" ng Parokya ni Edgar... Yup... Laos na ung song sa panahon na toh... Eh bahket ba? Gusto nyang kantahin sa'kin un eh.
Like I promised, I stayed by his side as his inspiration, as his other half.. and sya naman, like he promised sa wedding vows, he loved me for the rest of his life.
Ung mga promises na un, naka-seal sa mga wedding rings namin... sa mga moments na ganito na everything seems perfect sa world... sa mga araw-araw na tawanan, awayan, at kulitan...
Hindi toh fairy tale... And di ako si Cinderella... Langya, pag nag-suot ako ng glass slippers, mababasag un noh!
Pero...
Joshua and I... We lived happily ever after.
The End.
:Songs:
1 Chapter 1: "Hold You Down" – Jennifer Lopez
2 Chapter 5: "Gising Na" – Parokya ni Edgar
3 Chapter 27: "Para Syo" – Parokya ni Edgar
4 Chapter 28 & Chapter 34: "Stay" – Lisa Loeb
5 Chapter 32: "So Sick" – Neyo
6 Chapter 34: "Miss You" – MYMP
7 Chapter 45: "Picha Pie" – Parokya ni Edgar
8 Chapter 51: "He Wasn't" – Avril Lavigne
9 Chapter 52: "Hindi Ako Si Darna" – Jenine Desiderio
10 Chapter 65: "Stop" – Spice Girls
11 Chapter 65: "We Could Be In Love" – Lea Salonga & Brad Kane
12 Chapter 70: "Gitara" – Parokya ni Edgar
13 Chapter 88: "Imagine Me Without You" – Jaci Velasquez
Bạn đang đọc truyện trên: truyentop.pro